Chapter 47

1485 Words

Samantala sa bahay nina Althea, kanina pa malungkot ang kaniyang anak. Dahil sa may trabaho na ulit si Chino, nalulungkot ito at hindi niya malaman kung paanong pasasayahin ang bata. Kinausap naman ito ng ama nito kahapon, pero parang hindi iyon sapat para mapanatag ang kaniyang anak. “Anak, kumain ka na para mainom mo na ang gamot mo. Magagalit si Daddy kapag nalaman niyang hindi ka kumain nang mabuti ngayon,” panunuyo niya sa kaniyang anak. “Mommy bakit kasi kailangan pang mag-work ni Daddy sa malayo?” malungkot nitong tanong sa kaniya. “Siyempre para may pambili tayo ng foods. Kung hindi magwo-work si Daddy, wala tayong pambili ng mga pagkain at mga gamot mo. Kapag wala tayong pambili ng mga pagkain at mga gamot mo, magugutom tayo’t hindi ka gagaling agad. Gusto mo ba iyon?” tanong p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD