Makalipas ang isang linggo at tuluyan na ngang gumaling si Chino. Sa tulong ni Georgina at Althea, muli siyang nakalakad, matiyaga kasi siyang inasikaso ng mga ito no’ng panahong hindi niya maikilos ang kaniyang mga paa. Kaya ngayong araw naman ay dadalhin niya ang mga ito sa bahay na matagal na niyang ipinagawa. Masaya siyang sa wakas ay maipapakita na rin niya sa kaniyang mag-ina ang bahay na pinangarap niyang matirahan nilang tatlo. “We’re here!” anunsiyo niya nang maihimpil na niya ang kaniyang sasakyan sa tapat ng brown na gate na may kataasan. “Wow! Daddy, ang laki naman ng bahay!” manghang-manghang saad ng kaniyang anak sa kaniya. “Mas malaki pa rin iyong nasa farm ‘di ba?” nakangiti naman niyang tanong dito. “Opo, pero malaki rin po ito,” tugon naman ng kaniyang anak. Napang

