THIS CHAPTER CONTAINS s****l ACTIVITIES. NOT SUITABLE FOR MINORS. READ AT YOUR OWN RISK! Matapos dalhin ni Chino ang kanilang anak sa silid nito’t bihisan ay agad na rin siyang nagtungo sa kanilang silid. Nakita pa niya si Georgina na papasok sa silid nito. “Good night Pappy, nasa kuwarto na ninyo si sis-mars at hinihintay ka na niya,” makahulugang turan pa nito sa kaniya. “Good night Georgina,” tugon na lang niya rito saka naglakad nang patungo sa kanilang silid. Napapangiti pa siya sa sinabi ni Georgina sa kaniya kanina. Kaya naman nang makapasok siya sa kanilang kuwarto ay agad siyang napalunok nang makita ang nagkalat na damit, panty, at bra ni Althea sa sahig. Amoy na amoy rin niya ang mabangong amoy ng lavender sa loob ng kanilang silid. Agad siyang nagtungo sa kanilang banyo,

