Araw ng kasal ni Althea at tila matamlay ang kaniyang pakiramdam. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili nitong mga nakaraang araw. Tamad na tamad siya at parang ang lungkot-lungkot ng kaniyang pakiramdam. Kung hindi lang ito ang araw ng kaniyang kasal, hindi talaga siya babangon para mag-ayos ng kaniyang sarili. Kaya naman heto siya ngayon at nakaupo sa bar counter ng private room ni Chino sa farm, at nakapangalumbabang nakatingin sa kawalan. Habang nakabulumbon pa rin ang tuwalya sa kaniyang buhok. Nakasuot siya ng bathrobe dahil me-make up-an muna siya bago magbihis ng kaniyang gown. Napagkasunduan kasi nila ni Chino na sa farm na ganapin ang kanilang pag-iisang dibdib, para raw maging intimate ang kanilang kasal. “Oh, sis-mars, ano pang itinutunga-tunganga mo riyan? Halika na’t

