CHAPTER 24
“Give me a go signal kapag kailangan na natin umalis ha.” si Sheena.
“Basta, kapag alam mo na na papagalitan ako, pag-feel mo na, iyon, kailangan na natin umalis. Kaya mo nga ‘ko sinamahan ‘di ba?” Natatawang sabi ko pa.
“Malay mo naman kasi hindi ka papagalitan?”
“Malalaman natin mamaya. Alam mo ‘yon, kahit kampante naman ako na matataas grades ko pero sobrang traumatized ko talaga.”
“Don’t overthink, Ely. Nandito lang ako.” She tapped my shoulder and gave me a smile.
We’re on our way to my parents house. Ang tagal na simula noong hindi ako umuuwi roon, parati ay nagkikita lang kami sa labas para mag-usap. Para kumustahin ang pag-aaral ko matapos no’n ay wala na. Sanay na sanay na ako sa gano’n, pero kahit pala sanay ka na, ‘di mo pa rin maiiwasang kuwestiyunin ang iilang mga bagay.
Habang tutok sa pagmamaneho ay lumingon sa’kin si Sheena. “Did he already text you?”
Nakatingin lang ako sa harap at naroon ang atensyon. Alam ko ang tinutukoy n’ya. “Hindi pa... Sa totoo lang, di n’ya naman obligasyon na I-message ako. Baka abala lang iyon sa mga ginagawa n’ya, kaya ayaw ko naman s’yang istorbohin”
She’s just listening to me. ‘Di ko pa rin inaalis ang tingin sa harapan.
“Sa bagay, tama ka naman d’yan. Understanding mo naman, kung ako iyan baka tinadtad ko na ‘yan ng messages.” Tumatawang sabi pa nito.
“Red flag is waving, Maudin.”
Umirap ito nang marinig ang sinabi ko, “Biro lang yon! ‘Di rin naman ako mapag-demand ng oras ‘no.”
“Sigurado ka roon? Kala ko ba love language mo, quality time? Edi paano ‘yon?” Pang-aasar ko sa kanya.
“Iwanan kaya kita rito Elyxia Lyanne. ‘Di na kita sasamahan.”
Natawa lang ako sa inakto n’ya, kunyari pang hinampas n’ya ‘yong manibela. Ang matured lang.
Hindi ko namalayang makalipas ang ilang minutong byahe ay nakarating na kami sa bahay. Nakita kong bukas ang malaking gate namin at maraming sasakyan.
Seeing our house again gives me a nostalgic feeling. I remembered my not-so-good memories there. It pained me everytime, I looked in our house. It supposed to be my safe place, it supposed to feel ‘home’ and not a place wherein you feel hurt and scared.
Nakahawak ngayon sa braso ko si Sheena.
“You, okay?” pagtatanong nito.
I just nod at her. Telling her I’m good...
Naglakad na kami papasok. Sa dami ng sasakyan sa labas ay nakumpirma namin ni Sheena na, may ibang mga bisita nga ang naririto. Nakakapagtaka lang kasi wala naman akong maalalang kakaibang okasyon ngayon. Hindi naman nila kaarawan at lalong hindi rin nila anibersaryo.
Pumasok kami sa main door ng kabahayan, maraming tao kaya’t hindi naman naging pansinin ang pagpasok naming dalawa ni Sheena. Hindi pamilyar ang mga mukha ng naririto. Wari namin ni Sheena ay mga ka-linya ito nila mommy. Maybe their acquaintance.
“Magpapakita ba tayo?” Tanong ko kay Sheena. Huminto kami sa gilid ng pool area papuntang bulwagan. Mukhang doon talaga eksaktong ginanap kung ano mang pagdiriwang ang mayroon ngayon. Masyadong maraming mga tao.
“Nandito na rin naman tayo, magpakita ka na, tapos umalis na tayo agad, kasi ‘di naman na nila mapapansin panigurado.”
Sumang-ayon ako sa sinabi nito. Ganoon na nga lang ang gagawin namin.Kasi tama naman si Sheena, wala na itong oras para kausapin at harapin pa ako ganitong marami silang bisita. “Tara, na.”
“Kumuha muna tayo ng inumin, isang shot lang.” Natawa ako sa sinabi nito. Seryoso kasi kaming dalawang nag-uusap tapos isisingit n’ya iyon bigla.
“Akala ko ba wala na tayong plano magtagal?” tanong ko sa kaniya.
“Kumain muna kaya tayo?” Mahina ko itong kinurot. Para naman ‘tong gate crasher na patay-gutom.
“Hindi ka pa ba kumakain?
“Hindi pa, ‘di ka naman nagluto sa condo kanina.” Pinipigil ko ang malakas na pagtawa. Seryoso pa talagang sabi nito.
“Magpakita na muna tayo, na-s-suffocate ako rito. Alam mo namang di ako tatagal dito sa bahay.” Nagpahatak naman ito sa’kin.
Pumunta na kaming dalawa sa bulwagan ni Sheena. Doon namin sila nakita, marami itong kaharap at kausap. Papalapit pa lang kami rito ay natanaw na nila kami. Suot-suot nila ngayon ang malawak na ngiti nang makita ako... nang makita kami ni Sheena.
“Oh, here’s my Elyxia Lyanne.” Ginawaran ako ng mahigpit na yakap ni daddy.
“Good evening, dad,” I greeted him casually and kissed him on the cheeks.
Matiim nang nakatingin sa’kin si mommy, hinihintay na lumapit ako sa kanya.
“Mom,” Yumakap ako rito. Narinig kong bumulong ito sa tainga ko, “Happy to see you here, Elyxia.”
Ngumiti lang ako sa kanila. Bumati at bumeso rin si Sheena sa kanila. Bahagya pa nga silang nagulat nang makitang kasama ko ito.
Ipinakilala lang nila ako sa mga kaharap wala itong binanggit masyado tungkol sa’kin lalo na sa pag-aaral ko. Hindi sila ganoon ka-proud sa kurso ko, dahil ayaw at minamaliit nila ito. Kaya, malabong ipagmalaki nila ito sa iba at sa mga taong ka-linya din nila sa insdustriya.
Mayroong lumapit sa aming lalaki, hindi naman ito ganoong ka-tanda at mukhang ka-edaran lang nila mommy. Halata mo itong mayroong banyagang lahi, hindi ito pamilyar sa’kin, halos karamihan naman ng naririto ay hindi ko kakilala. Lumapit ito at binati sila mommy. Nang makita nila ang lalaki ay ganoon na lamang ka-init ang pagtanggap ng lahat. Narinig namin ang kani-kaniya nilang pagbati rito.
The Guy in front of us now, introduced himself. He’s Fred Grey. Nalaman namin na ang selebrasyon na nangyayari ngayon ay dahil daw sa matagumpay na pagsasama ng kanilang kompanya. Ipinakilala rin ako rito ganoon na rin si Sheena.
Hindi ko ugaling basta-bastang manghusga dahil lang sa pisikal na anyo, pero hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang ang bigat ng pakiramdam na dulot nitong kaharap namin ngayon sa’kin. Hindi ako palagay sa presensiya n’ya. Hindi ako komportable sa malalim nitong boses at sa matatalim nitong tingin sa’kin.
Inoobserbahan ko lang ito habang magkakausap sila. Hindi ako panatag na kasama sila, dagdag pa ‘yong lalaki. Pa-simple ko ng sinenyasan si Sheena na umalis na kami roon. Agad naman nitong nakuha ang gusto kong gawin.
Matagal rin kaming nakisalamuha sa ibang tao, tango lang ako nang tango sa mga sinasabi nila. Hindi naman ako ganoon ka-interesadp dahil bina-brag lang naman nila ‘yong mga pribilehiyong mayroon sila.
I excused myself to them, maayos kaming nagpaalam sa kanilang dalawa pati na rin sa mga taong kaharap. Noong tumayo kami ay agad na nakasunod ang mga mata nang lalaking nagngangalang Fred. I started to feel anxious about hiz gaze. Kaya talagang tama ang desisyon namin ni Sheena na umalis na rito. Ang sabi lang namin ni ay kakain kami. Pumayag naman ito. Paniguradong mawawala na rin naman kami sa loob nila at hindi na ganoong maalala.
I'm still bothered about the guy we met earlier, his presence started to creep me out. He's creepy.
Papunta kami ngayon sa kuwarto ko sa bahay. Dahil sabi ni Sheena ay kakain muna raw siya. Pumayag naman ako sa gusto n’ya.
Narito kami ngayon sa kuwarto ko. Malinis ito at walang bahid ng mga alikabok. Halatang palagian pa rin nililinis ng mga helper dito sa bahay. Ilang taon na ‘kong wala rito, ‘di ko inaasahang wala pa ring nagbago sa ayos ng mga kagamitan ko. Kung paano ko ito iniwan ay ganoon pa rin.
“Naisip mo ba minsan na bumalik dito?” Sheena asked out of nowhere.
Napaisip ako, minsan nga ba ay ninais kong bumalik dito? “Hindi pa iyon sumasagi ulit sa isip ko, na muli akong babalik dito sa bahay, pero ‘di ko naman iyon masasabi at masisiguro. Marami pang puwedeng mangyari sa susunod. Baka nga sa susunod na taon may asawa at anak ka na, wala na akong makakasama sa condo tapos pabalikin ako nila mommy dito.” Pagbibiro ko, sinusubukan itago ang mumunting lungkot na sa’kin ay lunulukob.
Pero totoo naman ang sinabi ko, hindi ‘ko sigurado kung muli ba akong babalik dito. Maraming pangyayari ang hindi inaasahan kaya maraming puwedeng magbago.
Nasamid si Sheena sa naging sagot ko sa kanya. Agad ko itong inabutan ng juice.
“Gaga, baka magdilang-anghel ka at magkaanak ako ng maaga. Pag nangyari ‘yon sagot mo gatas ng anak ko.” Crazy, Sheena.
Nagsalita itong muli, “Pero kung sakaling magkatotoo ‘yon, di muna kita iiwan, hihintayin ko munang mayroon ka na ring makakasama no’n para hindi ka mag-isa.”
Nakatalikod ako ngayon sa kanya, nakatanaw ako sa dagat ng mga tao sa ibaba ng bulwagan. Lahat sila ay nagkakasiyahan at mayroong kani-kaniyang mundo.
Parang lumundag ang puso ko dahil sa sinabi ni Sheena, naiisip ko pa lang na inaalala n’ya ‘ko at ang magiging kalagayan ko sa oras na maging mag-isa na lang ako ay tunay na napakasarap sa pakiramdam. Mahal na mahal talaga ako nitong pinsan ko, hindi lang n’ya sinasabi pero ramdam na ramdam ko.
Pero sa totoo lang, ‘yong ideyang magiging mag-isa ako ay hindi ko ‘ata lubos maisip, ayaw kong maging mag-isa, noong sinabi kasi ni Sheena na, hihintayin n’yang mayroon na rin daw akong makakasama ang unang taong pumasok sa isipan ko ay si Alec.
Sumagot ako sa kaniya, pareho kaming nagulat sa lumabas sa aking bibig, “Si Alec,”
“Anong si Alec?”
“Gusto ko s’yang kasama. Puwede kaya iyon?”
‘Di ko napigilang maging emosyonal, hindi ko alam kung ano ba ang nagpaiyak sa’kin, iyong isiping balang araw ay ‘di na kami magkakasama ni Sheena o ‘yong nag-uumapaw na pakiramdam ko para kay Alec? Palagay ko ay pareho. Masiyado ‘ata akong naapektuhan sa isiping iyon.
I sobbed silently and wiped my tears that were slowly streaming down on my face.
“You talked like you’re really sure about him, Ely.”
“What if I am?” Mabilis kong sagot sa kaniya.
“Nothing, do you love him?”
“What If I do?”
Narinig kong tumayo ito, lumapit sa likuran ko at binigyan ako ng mahigpit na yakap. “Tell him, tell him you do.”
“I will, the moment we see each other, I'll tell him right away because I don’t want to miss my chance.”
Bumalik lang sa pagkain si Sheena, hininihintay ko lang s’yang matapos habang ako naman ay naghahanap ng mga gamit na naiwan ko rito na binabalak kong dalhin at iuwi sa condo.
Kinuha ko ang box ko na naglalaman ng mga photo album ko noon. Naiwan ko ang mga ‘to dito sa kuwarto dahil noong nag-iimpake na ako sa pag-alis dahil sa pagmamadali ay hindi ko na nadala. Kinuha ko lang rin ang iilan kong libro na paboritong basahin.
“Let’s go na? Ano pang kinukuha mo r’yan? Akin na ‘yong iba ako magdadala.”
Inabot ko sa kanya ang iba kong gamit. Hindi ko na ipinagpaalam pa ito, dahil sa akin naman at pagmamay-ari ko naman ang mga gamit.
“Para naman tayong magnanakaw n’yan, Ely.” Natatawa pang sabi ni Sheena.
“Tara na, ang tagal na natin masyado rito sa bahay. Alam mo namang ayaw na ayaw ko rito.”
Umalis kaming dalawa ni Sheena sa bahay, marami pa ring tao at mukhang mas lalo itong nadadagdagan, patuloy pa rin ang kanilang kasiyahan.
Dahil sa pagiging lutang ng aking isipan dahil sa mga pangyayari at mga naging pag-uusap kanina ay hindi ko namalayang nakauwi na kami sa condo.
Agad akong pumasok sa kuwarto ko. Nakita ko agad sa ibabaw ng mesa ‘yong painting na ginawa ko kasama si Alec. Naalala ko nanaman ‘to. Mayroon na ring isang araw ang lumipas nang huli s’yang nagparamdam. Kung iisipin ay isang araw palang naman iyon pero masyado ko ng hinahanap ang presensiya n’ya. Pakiramdam ko ay napakatagal n’yang nawala. Hindi ko kasi maiwasang hindi mag-alala.
Gustong-gusto ko ng tawagan ito para tanungin kung kumusta s’ya. Gusto kong masiguro na nasa maayos s’yang kalagayan ngayon. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya, ngunit mukhang hindi pa ito ang tamang tyempo at pagkakataon.
I tried to dial his number. Nagri-ring lang ito. Walang sumasagot. Hindi n’ya ito sinasagot.
Maraming beses ko pang sinubukang tawagan ito, nagbabakasakali akong sasagutin n’ya.
Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. At unti-unti na akong hinila ng antok.