HIM

1696 Words
CHAPTER 3 Nagising ako sa pamilyar na kwarto. Inilibot ko pa sandali ang paningin ko at baka nagkakamali lang ako. Narito kami ngayon sa mansyon ng lola Esperanza ko. Wala na akong matandaan mula sa nangyari kagabi. Nahihilo pa rin ako ng kaunti. Bumungad kaagad sa akin si Sheena at ang iba n’yang mga kaibigan. Lumapit ito sa akin nang saktong pagdilat palang ng mga mata ko. “How are you feeling, Ely? Nahihilo ka pa ba? Ano bang nangyari kagabi?” Sunod-sunod na tanong nito. “H’wag mo munang tanungin apo at baka lalo lang hindi gumaan ang pakiramdam n’yan.” Sabi ng Lola Esperanza ko. “Ayos na po ako, pahingi po ng tubig lola.” Pakiramdam ko’y uhaw na uhaw ako. Tumango lang si Lola at kumuha na ng tubig. Si Sheena naman ay agarang nagkuwento kung pano nila ako nakita kagabi. “Hinahanap ka na namin kagabi dahil aayain ka na rin dapat namin pumanhik at sa taas na tayo ng hotel maglalaro at magpapakasaya. Aba! Nakita kita wala ka ng malay at hawak ka na ni kuyang may buwan na tattoo sa dibdib. Baka may hindi ka sinasabi ha? Boyfriend mo ba ‘yon?” Mahabang pagkukwento n’ya. Kahit hindi pa ganoon kaayos ang pakiramdam ko gusto ko ng bumangon para mabatukan s’ya. Hindi ko alam ang sinasabi n’ya at sigurado akong sa huling memorya ko ay nbsb pa rin ako. “Baliw ka talaga. Ibig mo bang sabihin ay may nakakita sa akin kaya hindi ako nakuha ganoon? Nakaupo lang naman kasi talaga ako roon at nagpapahangin, nagulat nalang ako nang may yumapos saakin at may panyong itinakip sa ilong ko. Nagtataka pa rin ako. Ano ‘yon kidnap? Wala naman silang mapapala sa akin no.” Naputol lang ang pag uusap namin ng bumalik si Lola Espe. “Uminom ka na apo, at kung kaya mo na maya maya ay bumangon ka para kumain. Kailangan mo ng lakas. Ikaw naman Sheena, asikasuhin mo ang mga kaibigan mo at mag hahain na ‘ko ng tanghalian.” ‘Di pa rin nag si-sink in sa akin ang nangyari, na panong ako’y nagpapalamig at nag mumuni -muni lang sa tabing dagat ay napagtrip-an pa yata akong dukutin kagabi at ngayon ay naririto na kami kila Lola Espe. Tatlumpung minuto lang ang bahay ni Lola mula sa Casa Alta resort kaya’t hindi na ‘ko magtataka ng dito ako naisipan dalhin nila Sheena. Bahagya pa akong nahihiya sakanila dahil ako na nga lang ‘tong isinama nila ay sinira ko pa ang outing nilang magkakaibigan. Alam ko namang alam nilang hindi ko rin ginusto ‘yon pero nahihiya pa rin ako sakanila. Pansin ko ring umuwi na yata ang iba. Hindi ko na napansin sila Alexander dito ngayon sa mansyon ni Lola Espe. Nalungkot ako ng kaunti nang isiping hindi man lang yata ito nag-alala sa akin. “Duh, bakit naman ‘yon mag-aalala sa’yo?” Umiiling-iling pa akong kinakastigo at kinakausap ang sarili. Parang tanga. Naisip ko rin ang kinuwento ni Sheena na may nakakita pala sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya panigurado hindi ako narito ngayon at baka kung ano na ang sinapit ko sa mga kamay ng gagong mga ‘yon. ‘Di ko alam kung anong klaseng trip ba ang pinag-gagawa nila at ako pa ang napili nilang gaguhin. Utang ko ang buhay ko sa taong nakakita sa akin, hindi ko manlang nagawang makapagpasalamat sa kaniya sa personal. Tatayo na ako para kumain ng may marinig akong sasakyang pumasok sa gate ng mansyon ni Lola Espe. Pamilyar ito dahil ito ang van na sinakyan namin. Sasakyan ni Zen. Nakita kong may kasunod pa ito at hindi ko alam kung kanino. kulay puting Montero. Bumaba na ako sa hagdan at saktong pagbaba rin ng sakay ng sasakyan. Nakita kong bumaba ng van si Zen. Inaantabayanan ko rin kung sino ang kasama n’ya at pag lingon ko sa lalaking nasa likod n’ya ay si Xander pala. Saktong pag angat ng tingin ko sakanya ay nakatingin na rin s’ya sa akin. Wari ko’y nag slow-mo ang paligid. At gaya sa pelikula gusto ko s’yang takbuhin at yakapin ng mahigpit. At sabay akong masusubsob sa mga bisig n’ya. Charot! Kumunot ang noo n’ya sa akin at lumapit. Ngumiti lang ako ng tipid sa kaniya. Ayaw ko naman ipahalatang kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko. “Bakit tumayo ka na? Ayos na ba ang pakiramdam mo?” Para pa akong napaso sa pagkakahawak n’ya nang iniayos nya ang buhok kong bahagyang tumabing sa mukha ko. “ Maayos na ako. Thankyou, Xander. Bumaba ako kasi nagugutom na ako.” Maikli kong sabi sakanya. Natawa lang s’ya sa sinabi ko at bahagyang ginulo ang buhok ko. Sabay kaming pumunta sa kusina. Nahihiya naman akong tanungin s’ya dahil akala ko ay umuwi na siya pati ang iba pa. Mukhang nabasa niya ang iniisip ko dahil medyo naka kunot noo ako. “Uhm, Zen and I went back to Casa Alta to report what happened to you. Tumawag na rin ako sa chief of police ng Manila at La Union. This can’t be tolerated at hindi na dapat maulit kanino man, lalo sa’yo.” Hindi ko inaasahang gagawin pa nila ‘to para saakin. Lalo na s’ya hindi ko expect na may level 2 pa pala ang pagiging nice n’ya. “Maraming salamat Xander. ‘Wag na kayong mag alala, wala namang nangyari sa akin. Wala naman akong kahit na anong galos oh.” Pinakita ko pa sakanya ang mga braso ko. Tawa lang s’ya ng tawa saakin. Happy pill na ba n’ya ako nito? “Silly! Kahit walang nangyari sa’yo at walang galos. Hindi pa rin magandang insidente ang nangyari kagabi.” Hindi nalang ako kumibo sakanya at saktong nakarating na kami sa kusina. Ibinalita lang nila ni Zen ang nangyari sa pag punta nila ulit sa Casa Alta kila Lola Espe. Hindi ako masyadong kumikibo at ninanamnam ko lang ang masarap na luto ni Lola. Narinig ko lang silang nag uusap na mag e-extend kaming mag stay dito sa mansyon ni Lola. Ayos lang naman sa akin dahil na miss ko na ring narito kami. Kahit na taon-taon naman ay pumapasyal kami rito. Hindi ko lang in-expect na mapapaaga ang punta namin at ang mga kaibigan ni Sheena pa ang mga kasama. Parang wala naman rin nangyari kagabi, lahat naman kami ay umaktong normal lang, lalo na ako. Nagkakasiyahan pa rin kami habang kumakain. “Lola Espe, mag isa ka lang po ba ditey? Baka gusto n’yo po ng kasama ampunin n’yo na akis.” Sabi ni July, isa sa mga kaibigan ni Sheena. “Aba kung gusto mo ba e, bakit naman hindi?” sagot naman ng Lola ko. Gustong-gusto n’ya talagang napupuri ang mansyon n’yang moderno ang pagkakagawa kahit na ito’y matagal na. Sa pagkaka alam ko kasi’y hanggat maari, makalipas ang dalawang taon ay dapat pinarerenovate ito ni Lola. Hanga ang lahat sa labis na ganda at laki nito. Ang mga kagamitan ay pinaghalong moderno at makaluma. Hindi pa rin n’ya kasi inaalis ang ibang mga gamit n’ya noong s’ya ay dalaga pa. Nag volunteer din si Lola na ililibot n’ya ang mga kaibigan ni Sheena sa buong mansyon. Excited naman silang lahat. Gumaan naman ang pakiramdam ko nang malamang masaya naman sila rito kahit na hindi na kami natuloy pang mag stay ng matagal sa Casa Alta dahil sa nangyari saakin kagabi. Matapos kaming kumain ay nag volunteer na akong, ako nalang ang mag aasikaso ng mga pinag kainan. Sa laki ng mansyon ni Lola wala itong katulong. Tatlong beses lang sa isang buwan s’ya nagpapapunta ng mga tao para maglinis ng buong kabahayan. Ang katwiran n’ya ay siya lang naman daw mag isa. Tumayo na ang lahat at excited para sa magaganap na pag to-tour sakanila ni Lola. Ayaw pa ni Lola at ni Sheena na ako ang mag-ayos at maghugas dahil hindi raw ako makakapagpahinga kung magkikikilos na raw ako. Nagulat ako ng mag pa-iwan si Xander at inalok na tutulungan na raw n’ya ako. Tinignan pa ako ni Sheena na akala mo’y may ginawa akong masama sakanya ng masipatan n’ya na nagpaiwan din si Xander. “Ako na rito, maayos naman na ang pakiramdam ko. Kayang-kaya ko na. Sumama ka na sakanila para makapag enjoy ka.” sabi ko sa kaniya. “No, I volunteer to help you Miss Ma’am.” Napangiti nalang ako. Kasi ano nga bang alam n’ya sa gawaing bahay e halata namang spoiled rich kid s’ya. Baka nga hindi pinapahawak ng walis to sakanila e. Tinitigan pa n’ya ang mata ko at natawa. “I see doubt in your eyes, Ely. Sanay ako, don’t worry.” Hinayaan ko na lang din siyang tulungan ako. Nahihiya man akong patulungin s’yang gawin ang mga ‘yon pero dahil mapilit s’ya ay pumayag na rin ako. Sinabi kong ako na ang bahala mag sabon at s’ya na sa pagbabanlaw ng mga pinagkainan. Tahimik lang kaming dalawa na nasa kusina. Maya-maya pa ay siya na rin ang bumasag sa katahimikan. Napaka cute nito sa suot na apron habang nagbabanlaw ng mga baso. “If I’m not mistaken you’re in second year now, right? BA in Journalism course mo ‘di ba?” Lumingon ako sa kaniya at tumango. Paano n’yang alam? “Do you really want your course? You know, yung iba kase hindi talaga ‘yon ang gusto nila.” Nag a-alangan pa itong tanungin ako. Tapat naman akong sumagot sakanya. “ Ito talaga ang gusto kong course. But, to be honest, they badly want me to pursue something related to business. Buti nga ay pinayagan ako ng parents ko. Pero syempre, maraming kondisyon.” Mapait akong ngumiti. Mukhang nahalata n’ya iyon kaya hindi na s’ya nagtanong ulit. Tinatapos na namin ang paghuhugas ng mga pinagkainan ng bigla s’ya ulit na magsalita. “I never thought that I’ll be given a chance to be this close to you.” Mahinang sabi n’ya. Hindi ko ‘yon naintindihan masyado at ang dulo lang ang narinig ko. “ Ano yon, Xander?” takang tanong ko sakanya. Umiiling pa itong sumagot ulit. “Wala po, Miss Ma’am.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD