CHAPTER 4
Alas-syete na ng gabi nang mapagpasyahan na nilang magpahinga. Pumanhik na sila sa kani-kanilang mga kuwarto. Hindi pa ako nakakaramdam ng antok kung kaya’t nagpaiwan muna ako sa labas kung nasaan ang garden at swimming pool ng mansyon. Nakaupo lamang ako at nakatunghay sa payapang langit.
“Malamig na rito sa labas, hindi ka pa ba papasok?” bahagya akong nagulat sa presensiya ni Lola Espe.
“Bakit narito pa kayo Lola? Akala ko po’y nagpapahinga na kayo?”
“Nauna akong magtanong sa’yo Elyxia Lyanne.” Natatawa pa itong umiling-iling.
“Hindi pa po ako makatulog. Gusto ko lang pong magpahangin sandali. Mauna ka na po magpahinga Lola. Hindi ba’t bilin ko po sa inyong matutulog at magpapahinga kayo ng maaga?” Pangaral ko pa rito.
Imbis na sagutin ako ay umupo ito sa tabi kong upuan. Saglit ako nitong tinapunan ng tingin bago tumingin sa kalangitan.
“Ang ganda ng buwan at ng bituin ngayong gabi ‘no apo. Tanaw na tanaw mong maliwanag at maningning. Nangungusap.” Nakangiti pa ito habang nakatingala. Nakikinig lang ako sa kanya at tumango bilang pag-ayon.
Pinagmamasdan ko lang si Lola Espe. Madalas noon na nakikita ko s’yang nakangiti habang nakatunghay sa buwan. At ngayon, lumiliwanag din ang mukha n’ya habang nakangiti at nakatanaw sa malayong buwan. Bakas na ang kulubot sa mapuputi nitong balat ngunit wala pa ring nagbago sa taglay nitong kagandahan. Hindi maikakailang dating mahusay at matikas na aktres si Lola Ezperanza, kaya’t masayang-masaya ako sa tuwing sinasabi nilang kahawig ko raw noong kabataan n’ya si Lola. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na artistahin din ang ganda ko…
Saglit akong tinapunan nito ng tingin at ibinalik ang mga mata sa kalangitan.
“Apo, alam mo, may nakapagsabi sa akin noon na kung mayroon daw tao sa buhay mo na, hindi mo na maaring makausap, hindi na makita ng dalawang mga mata mo o ‘yong taong lumisan na sa mundo. Kausapin mo raw ang buwan at iparating ang nais mong sabihin at s’ya nang bahala magdala ng mensahe na ‘yon para sa taong inalayan mo. Nakakatawang isipin kasama na s’ya ng buwan ngayon at isa sa mga bituin.”
Nakikinig lang ako sakanya. Napukaw ng atensyon ko ang sinabi ni Lola. Para tuloy akong batang kuryoso kung totoo nga ba iyon o hindi.
“Sa palagay mo po Lola ay totoo ‘yon?”
Nakita kong bahagya n’yang pinunasan ang mumunting luhang namuo sa mata n’ya.
“Totoo ‘yon apo, higit lalo na kung iisipin mong para sa ikakapanatag ng kalooban mo, na kahit alam mong imposible ay paniniwalaan mo.” Masyadong malalim. Sinusubukan kong intindihing mabuti ang nais n’yang ipakahulugan.
Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa, ako na rin mismo ang bumasag nito ng magtanong akong muli kay Lola Espe.
“Si Lolo Antonio po ba ang tinutukoy n’yo?”
Lumipas ang ilang sandali ng hindi ito tumugon. Nang akmang magtatanong ulit ako ay nagsalita na ito.
“Ang lalaking pinakamamahal ko.” Itinaas n’ya ang kanang kamay at nagpanggap na iniaabot ang bituin. Na wari ba’y tunay n’ya nga itong makukuha.
Ganoon na lamang ang titig ko sa buwan. Hindi ko namalayang masyado na pala akong nag-iisip.
“Bakit ka masyadong kuryoso? Sino ang pagbibigyan mo ng mensahe? Narito pa ako oh.” Tumawa pa ito na animong nagbibiro. Bahagya akong nagulat ng maintindihan ang sinabi n’ya ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang ito at umaktong hindi ko narinig. I just can’t lose my number one supporter and my favorite Lola. Isipin ko pa lang na mawawala sa amin si Lola Espe ay parang hinahati na ang puso ko. Hindi ko 'ata kakayanin iyon.
Umakyat na kami ni Lola Espe sa itaas ng mansyon. Sa ikalawang palapag ng mansyon ako matutulog dahil katabi ng kuwarto ko na ‘yon ang kuwarto rin ni Lola. Iyon din ang kuwarto ko noong kami’y bata pa ni Sheena. Sobrang aliwalas at liwanag ng mansyon. Parang bagong-bago pa ito at hindi bakas na ito’y matagal na simula nang itayo.
Kanina lang ako nakapag-ayos ng gamit ko. Kanina lang ako nakabalik sa wisyo dahil sa nangyari sa akin sa Casa Alta. Ang tunay nga n’yan ay hindi naman ako nababagabag sa kung sino at ano ang balak sa akin nung gumawa. Ang naiisip ko lang ngayon ay ‘yong taong tumulong sa’kin hindi naman ako ganoong katakot mamatay. Lalo na ngayong pakiramdam ko’y nabubuhay nalang ako para sa expectation ng ibang tao lalo ng mga magulang ko.
Sandali ko lang ini-ayos ang kama ko at nahiga na ako. Sinusubukan kong matulog ngunit hindi pa ako makaramdam ng antok. There’s so much in my mind that keeps me wide awake. Kinuha ko sandali ang cellphone ko para mag-browse sa i********:. Then suddenly a familiar name pop-out on my notification. I saw Alexander’s name, sending me a request. Nag-isip muna ako ng mga dalawang segundo para hindi naman halatang-halata na excited ako masyado sa pag follow n’ya sa akin. I followed him back. As soon as I accepted his request, he immediately message me. Animo’y hindi kami magkasamang dalawa kanina.
@XndrCarter
‘Hi, Ely. Still up?’
Ayaw ko naman sanang mapaghalataan, pero dahil medyo marupok din ako. Nag-response ako ka-agad ng mabasa ang message n’ya.
@ELyanneCrnl
‘Hello Xander! I’m still wide awake. Ikaw bakit gising ka pa? Hindi ka ba kumportable sa kwarto mo?’
@XndrCarter
It’s comfy here. The view from the window is actually amazing. I don’t know, I just can’t sleep.
@ELyanneCrnl
Same here. Haha
Habang kausap ko s’ya ay tiningnan ko ang feed n’ya sa IG. He’s quite famous. Ang daming followers. Ang daming taga-hanga. Ang daming litrato kasama ang mga friends n’ya. Pati na rin ang mga bali-balitang ka-fling n’ya. Mabilis na nagbago ang mood ko. Parang kanina lang ay kinikilig pa ako, ngayon ay hindi ko na maipaliwanag. Bahagya akong nainis sa hindi ko malamang dahilan ng makita ko s’yang naka-akbay sa isa n’yang kasama sa picture.
@ XndrCarter
Do you want to grab some food to eat?
Nang mabasa ko ang reply n’ya sa akin ay hindi ko na ito pinansin. Wala naman dapat akong ika-inis sakanya pero hindi ko lang talaga maiwasan. Kaya kaysa ipahamak ko ang sarili ko ay mas pinili ko nalang iignora ang huli n’yang sinabi. I know he’s nice but it’s too much to the point that you’ll misunderstood his actions. Ini-off ko agad ang phone ko.
Sinubukan ko ng pumikit para makatulog na, maya-maya pa’y may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Alam ko namang walang pagala-galang multo sa mansyon kaya sigurado akong tao 'yong kumakatok.
“Sandali lang.” Mahina kong sabi.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang pamilyar na mukha ng lalaki. At talagang lumabas pa ito para katukin ang kwarto ko ha.
“Why aren’t you replying to my messages? You even seen my last dm. What happened? I’m kinda worry. I thought something happened to you.” Kunot-noo ngunit mahinahong paliwanag n’ya.