CHAPTER 5
I didn’t expect I’ll be standing here at the balcony in the middle of the night with Xander. Ang dami n’yang oras para puntahan at katukin ako sa kwarto.
Nakatanaw lang kaming dalawa sa kawalan. Hindi ko alam kung paanong nauuwi sa pagkakataong naiiwang magkasama kaming dalawa. S’ya na rin ang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin.
“Hindi mo pa rin sinasagot ‘yong tanong ko. I know It’s not your responsibility to reply with my message. But I still want to know why. I’m bothered.”
Lihim akong natawa, hindi ko ma-imagine na sasabihin ko ‘yong wala kong kwentang dahilan sakanya. Nagpalusot na lang ako at sinalba ang sarili sa kahihiyan.
“Hindi ko talaga napansin ‘yong last message mo kasi may pinatay akong lumilipad na ipis. Grabe, takot na takot nga ako.” Pero naisip ko na wala rin palang sense ‘yong dahilang sinabi ko sa kanya. Isip ko talaga yung lumilipad sa mga oras na ‘to kasi masyado ako na-o-overwhelm sa presensya n’ya at hindi ko rin alam kung bakit.
Halata sa mukha nito na pinipigilan n’yang tumawa. “Silly. Are you afraid of cockroach?”
“Yes I am, and you?” Mabilis ko namang sagot sakanya.
“I’m not. Ang tapang ko kaya.” Dahil tipo ko s’yang inisin ngayon…
“Hala! Xander may ipis sa balikat mo. Omy!”
Agad naman itong nataranta at bahagyang hinampas ang balikat. Animo’y may tinatanggal talagang ipis sa balikat n’ya. Hindi pala takot ha. Ka-gwapong ginoong takot sa ipis. Hindi ko napigilang tumawa nang malakas dahil sa naging reaksyon n’ya.
“You’re unbelievable, Ely.”
“Ang guwapo mo, Xander.” Na-appreciate ko lalo ng mga oras na ‘yon ang ka-gwapuhan n’ya ng makita ko ang ganoong reaksyon n’ya kaya’t di ko namalayang lumabas ‘yong mga salita na ‘yon sa bibig ko.
His lips slightly form an amused smile. “What did you said? Did I hear it right? Ang guwapo mo, Xander.” Pinaliit nito ang boses at animo’y ginaya ako.
“Ang sabi ko, ang gago mo.” Can’t help to laugh hard, just seeing his reactions made me happy.
Bumubulong-bulong pa ito matapos marinig ang sinabi ko. Wari’y batang nagtatampo dahil hindi nabilhan ng candy. Pinagkrus pa nito ang braso n’ya. Ituloy n’ya pa yung pagiging ganito ka-cute. Baka bukas crush ko na talaga s’ya. Natawa ako sa sariling naisip.
Nilalamig na rin ako dahil masyadong malakas ang hangin sa balkonahe. Niyakap ko ang sarili.
Nakita kong tinatanggal ni Xander ang sweater n’ya.
“I’m still mad. But here, you can use my sweater.” Nginitian ko s’ya at inabot ang sweater. Agad ko itong sinuot dahil nilalamig na talaga ‘ko.
“Thank you. ‘Wag ka na magalit, Xander. Hindi ko alam kung paano manuyo e.” He immediately pouted.
“Okay, bati na tayo. But in one condition, you owe me a dinner when we come back to Manila. What do you think?” Nagkunwari pa itong nag-iisip.
“Okay, deal.” Para matahimik na ‘tong si Xander ay sinang-ayunan ko na lang s’ya.
Inaya ko na ‘rin s’yang bumalik sa aming kani-kaniyang kwarto dahil bahagya ng bumibigat ang talukap ng mga mata ko.
Hinatid lang niya ako sa kwarto at nagpaalam na rin na matutulog na s’ya.
‘Di mawaglit sa isip ko na sa sandaling oras ay naramdaman kong hindi ko kailangang magkunwari. I miss being that carefree & free from any expectations.
Ipinikit ko na ang mga mata ko dahil maaga pa kaming aalis ng La Union. Uuwi na kami sa Maynila. Iniisip ko pa lamang na babalik na ako muli sa realidad na kung saan tambak ang gawain at trabaho ay gusto ko na lang magpaiwan dito.
Maaga kaming gumising upang gumayak pauwing Manila. Wala akong choice kung hindi bumalik sa condo at magpakalunod sa paperworks. Masaya pa rin akong isipin na kahit sandali ay nakapag-pahinga ako kahit na may hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa Casa Alta. Higit sa lahat, mas masaya akong makita si Lola Espe.
Hinatid na kami ni Lola Espe sa garahe ng mansyon kung saan naroon nakaparada ang sasakyan ni Zen at Xander.
“Mag-ingat kayo mga apo, bumalik kayo rito lalo na kung may pagkakataon. Masaya akong nakapasyal kayo rito.’’ Pagpa-paalam sa amin ni Lola. Nang bigla itong lumingon naman sa akin.
“At ikaw, Elyxia Lyanne ingatan mo ang sarili mo. Balitaan n’yo ako kung anong aksyon ng Casa Alta sa nangyari sa’yo ha.”
Tumango na lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon at nilapitan para humalik sa pisngi n’ya para mag paalam. Pa-simple pa itong bumulong sa akin.
“Nakita kita kaninang madaling araw apo, sinong kasama mo sa taas at mukhang nagkakasiyahan kayo?” Tumawa pa ito ng bahagya, isa rin ‘tong si Lola na mapang-asar e.
Hindi ko na pinansin ang sinabi n’ya dahil lumapit na rin si Sheena at humalik kay Lola
“Guys, sakay na kayo sa sasakyan. Make sure na wala na rin kayong nakalimutan ha.” si Sheena.
Akmang sasakay na ako sa Van ni Zen ay hinarang ako ng magaling kong pinsan. Hindi ko alam kung bakit ayaw n’ya ako pasakayin gayong s’ya rin naman ang dahilan kung bakit ako nasa La Union ngayon. Kung pwede ko lang s’yang awayin ay gagawin ko. Ang kaso ay ayoko namang mapahiya kami pareho sa mga kaibigan n’ya.
“You’ll go with Xan. Walang kasama sa byahe ‘yon kawawa naman.” Pala-desisyon si Sheena. She didn’t ask me first if I want to go with Xander on our way back to Manila. Hindi ko naman sa ayaw, pero, baka kung ano na lang ang isipin ng binata kung napapadalas ang hindi namin sinasadyang paglalapit.
Tiningnan ko si Xander at nakatayo ito sa labas ng pinto ng sasakyan n’ya at nakatingin sa gawi namin ni Sheena. Mukhang alam na rin naman n’ya tong plano ni Sheena.
I glared at Sheena. “Humanda ka sakin sa condo.”
Naisip ko rin na tama rin naman si Sheena kawawa naman si Xander dahil mahigit apat na oras din ang byahe at wala manlang itong kasama sa sasakyan. Pero bakit ako ‘di ba? Dami-dami nilang friends e. Char! Bakit ba naman kasi isa pa itong pala-desisyon e. Umuwi ba naman ng Manila para mag report kung anong nangyari sa akin at bumyahe pa agad para bumalik dito. At ang ending, dala n’ya ang sasakyan n’ya at ito ako ngayon kasama s’ya sa buong byahe.
Binuksan ko ang pintuan sa backseat para doon maupo. Kahit na alam kong may interaction na kami ni Xander ay alam ko pa rin naman ang limitasyon ko. Masyadong marami ang nali-link dito. Ayaw ko na dumagdag kung saka-sakali.
“Huh, why? You can seat here in front. Dito ka na lang maupo, so when I get sleepy while I drive magigising ako. Right?” Tinaas-taas pa niya ang kilay.
Hindi ko makuha ‘yong point n’ya. Halatang nagdadahilan lang din ‘to. Mukha ba akong kape na kapag tinignan ay magigising ang diwa n’ya kapag s’ya ay inantok? ‘Di nalang ako nakipagtalo at umupo na lang ako sa passenger seat.
And I guess, I’m with this guy again.
Tahimik lang ako sa byahe at ganoon din si Xander, nag-uusap lang kaming dalawa kapag may tinatanong s’ya. Ayoko rin naman s’yang abalahin habang nagmamaneho.
Bahagya rin akong nakaramdam ng antok dahil maaga nga kaming gumising kanina, kaya’t nagpaalam ako sakanyang i-idlip ako sandali.
“I feel sleepy, pwede ba akong matulog muna?” Matutulog pa rin naman ako kahit di s’ya pumayag. Hehe
“Sure, are you comfortable there? Wait let’s adjust your seat.” Ini-adjust ni Xander ‘yong upuan para bahagya akong nakahiga. He really make sure that I’m comfy when I take a nap. What a nice flirt he is.
Pinipigilan kong kiligin, nasabi ko na lang sa sarili ko na, ‘delikado ka na.’ I don’t know, small gestures really gave me butterflies. Kahit naman sino siguro ay matutuwa kung ikinokonsidera ‘yong kalagayan mo.
“Thank you, Xander. Wake me up when you need something, okay?”
“Yes, Miss Ma’am!”
Hindi ko namalayang ang haba na rin pala ng tulog ko. Nagising na lang ako nang huminto ang sasakyan. Nakita kong nasa tapat kami ng Starbucks.
“Oh, sorry. Nagising ba kita? I assumed you’re hungry when you woke up kaya naisipan kong bumili muna. What do you want?” Pag aalok n’ya sa akin.
“I’ll go with you.” Sinamahan ko na s’yang um-order nahihiya naman ako kay Xander kung bibilhan pa n’ya ako.
“Alright.”
Pumasok kaming dalawa sa loob ng Starbucks. Medyo marami ang tao sa loob at karamihan ay abala na nakaharap sakani-kanilang laptop. Indeed busy people are everywhere.
Pumila na kaming dalawa para mag order. Nagpaalam s’ya sa akin sandali na may kukuhanin s’ya sa sasakyan. Medyo natagalan s’ya sa pagbalik kaya naman binilhan ko nalang din s’ya ng tulad sa akin. I ordered two Plant-Based Classic Lasagna and one Double Chocolate Pecan Bar for him and just bought Salted Caramel Macchiato and Cafe Americano for drinks.
Medyo nag-a-alala na rin ako dahil natagalan s’yang makabalik. Kaya binilisan ko nalang din ang paglabas para tingnan s’ya.
Nang akmang didiretso na ako sa parking kung nasaan ang sasakayan ni Xander ay nakita ko s’yang may kausap na lalaki sa gilid malapit sa entrance ng Starbucks. Nakatalikod ito sa gawi ko at ‘di ko gaanong maaninag ang kausap. Hindi ko intensyong pakinggan ang usapan nila pero, I’m just caught off guard, at para akong na-estatwa kaya ‘di ako agad nakagalaw.
“I didn’t know you’re here. Did old man know this?” Ani ng kausap nitong lalaki.
“And I didn’t know that I need to tell you that I’m here. Don’t be worried about my presence. I won’t bother you.” Kinakabahan ako sa uri ng pananalita ni Xander. Wari’y makikipag-away na ito kung lilipas pa ang ilang minuto. Kung kaya’t nagpanggap na lang akong hindi ko narinig ang usapan nila at tinawag si Xander.
“Hey Xander! You’re here pala. I ordered you some food. Let’s eat at the car.”
“Hey, sorry for waiting. Let’s go.” Halatang bakas sa tono ng boses nito na pilit n’yang pinakakalma ang sarili. Dumaan sa harapan ko ang naka-cap na lalaki. At bumulong ito noong nasa tapat ko na.
“Eavesdropping is bad, baby.” Aba nga naman, ang kapal ng mukha.
“Jerk.” mahinang sabi ko rin sa kanya.
Hindi ko na lang ito pinansin at hinila ko na rin si Xander paalis doon. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki kaya’t hanggang maari ay umiwas na lang si Xander.
Nang nakarating kami sa sasakyan n’ya ay tahimik pa rin ito at walang kibo. Ayokong magtanong sakanya dahil nararamdaman kong personal na bagay ‘yon. Kung gusto n’yang magsabi sa akin ay hindi ko na kinakailangang magtanong pa at magkukusa s’yang sabihin ito sa akin.
“Are you okay?” Medyo alangan kong tanong sakanya.
“Don’t worry about me, I’m good.” He gave me assuring smile that’s he’s fine.
Ramdam kong hindi na rin s’ya komportable sa lugar kung nasaan kami kaya’t sa sasakyan na lang kami kumain habang nagmamaneho s’ya. Sinabi n’ya rin na ayaw n’yang abutin ng gabi sa pag da-drive dahil delikado.
My mind was clouded with thoughts because of the man earlier. Maybe I’m just curious about him because of their conversation with Xander. But I don’t know he seems familiar. Sadly, I didn’t get to see his face. He’s still a jerk, anyway.
Naging maayos naman ang byahe, nag-u-usap pa rin kami ni Xander tungkol sa iba’t-ibang bagay. Pilit ko na lang din tinatanggal sa isip ko ang nangyari kanina.
Alas-singko na ng hapon nang makarating kami ng Manila dahil naging traffic pabalik. Hapon pa lang pero pakiramdam ko ay ang dami ng nangyari sa araw na ‘to. Nabasa ko ang text ni Sheena isang oras na ang nakakalipas na nasa condo na raw s’ya. Tinatanong na ako kung saan daw ako dinala ni Xander. Kung hindi ba naman talaga siraulo ‘tong pinsan ko. Wari ko’y masaya pa s’yang di pa ako nakauwi agad. Hindi ko na s’ya sinagot dahil malapit na rin kami sa condo. Nag insist si Xander na ihahatid n’ya ‘ko kahit na sinabi kong kaya ko nang magcommute pauwi.
Nasa parking na kami ng condo. Xander opened the car’s door for me.
“Thank you for the ride, Xander. Take care on your way home.” Tatalikod na sana ako para umalis sa harap n’ya ng bigla s’yang magsalita.
“I guess we’ll see each other often. You owe me a dinner, Ely. Don’t forget that. Text me when you’re free ha? Bye.”
Tumango at kumaway na lang ako sa kanya bilang tugon. See you around then, Xander.