ENCOUNTER

2159 Words
CHAPTER 6 “Sakit sa ulo ni Ma’am Valderrama, pinunit sa harap namin ‘yong plate na ipinasa ni Kai. Siguro kung nasa mood si Kai baka inaway na rin no’n ‘yang matandang Prof na ‘yan kanina.” Bakas sa tono ng pananalita ng babae  na labis s’yang naiinis.   “That old and freak Professor. She’s so inconsiderate. I wonder why she’s here in Manila University to be our Maestra. Tsk.” Lihim akong napailing-iling nang marinig ang isinagot ng babae sa kausap. Minsan ay nagtataka rin ako kung bakit nga ba mayroong ganitong klase ng guro. Wala manlang konsiderasiyon sa pinaghihirapan ng mga estudyante n’ya.   Karaniwang senaryo at karaniwang usapan ang maririnig dito sa Roxas Bldg, mga estudyanteng todo ang paglalabas ng hinanakit sa matatanda naming Professor.  Sanay na rin ako sa ganito. Hobby ko na rin sa isang buong araw na magbilang kung ilang tao ang naririnig at nakakasalamuha kong ganyan ang highlight sa buong maghapon.     Payapa lang akong kumakain mag-isa rito sa Cafeteria. Hindi ko kasama ang mga kaibigan kong maglunch dahil kagaya ko ay marami rin silang hinahabol na gawain. Hindi pa nga nakakamove on ang isip ko sa naging bakasyon ko sa La Union at tila naiwan pa roon ang wisyo ko. Ngunit wala akong magagawa dahil narito na ako ngayon sa katotohanan.     Dalawang linggo na ang nakakalipas noong magsimulang muli ang klase. Alam kong malaki itong Manila University pero ‘di ko inaasahang sa laki pala nito ay hindi ko makikita manlang kahit ang anino nitong taong naging laman ng isipan ko ng mga nakakaraang araw. Pero dahil masyadong puno ang schedule ko ng mga gawain, wala na akong oras pa para bigyan masyado ito ng pansin.     “EIC, pinapatawag ka na po ni Ms. Apolonio. Mayroon daw po s’yang ipinapapasang article sa inyo. Pumunta na lang daw po kayo sa Faculty.” Hinihingal pang saad ng isa sa mga bagong contributor ng school paper.     “As in right now?” Mabilis akong tumayo sa inuupuan ko at pinunasan ang gilid ng labi.     “Yes po, ngayon na raw po.”      Ang limang minutong payapa kong oras para kumain at magpahinga ay mabilis na lumipas. Sana manlang ay naubos ko muna ‘tong kinakain ko. Sa pagkaka-alam ko kasi ay bukas pa ipapasa itong mga article na inayos ko pero dahil pinapatawag ako ay paniguradong kailangan na ‘yon ngayon. Hindi pa naman gano’n kapulido ang ipinasa sa aking article ng mga ka-miyembro ko. Maraming typo at maraming dapat pang- i-improve. Pero lahat naman ay natutuhan at hindi naman ito paunahan. Handa naman ako parati para tulungan sila.   Mabilis lang akong nagpasalamat sa kanya. Bitbit ko ang laptop at sandamakmak na papel para ipasa kay Ms. Apolonio. Nagmamadali ako kaya’t lakad-takbo na ang ginawa ko. Hindi ko na gaanong napapansin ang mga nakakasalubong ko nang malakas akong tumama at napaupo sa sahig. Ramdam ko pa ang masaganang pag-daloy ng malamig na juice sa mukha at uniporme ko.     What a wonderful day.     Inuna kong bigyang pansin ‘yong mga papel kong dala bago ang sarili ko. Hindi naman dahil mas mahalaga ‘yong papel, pero kailangan na ‘yon ngayon at wala akong oras para ulitin lahat ng iyon sa kakarampot na oras. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi naman ito nabasa. Ako lang naman ‘yong nabasa. Kinapa ko kaagad ang panyo sa bulsa ko at ipinunas sa mukha at sa uniporme kong bahagyang nabasa.     “What the…  Next time tumingin ka sa nilalakaran mo. Nabasa tuloy ako. You actually ruined my fit today.” Napaangat ang tingin ko sa matangkad na babae sa harapan ko. Kaya naman pala solido ang bagsak ko. Kung ganito ba naman s’ya katangkad ay di na nakakagulat na mapapaupo ako sa sandaling tumama ako sa kanya.     “My apologies.” Maikli kong sagot dito. Alam kong mali ako sa pagkakataong ito kaya hindi ko naman kinakailangan makipagtalo pa sa kanya. Hindi naman sa takot ako, pero ‘yong mga ganitong bagay ay mas mabuti kung iiwasan na lang. Nagmamadali rin ako kaya bakit ko pa papatulan ‘tong babaeng may galit ‘ata sa mundo.     “Whatever.” Umirap-irap pa ito at nilampasan ako.     Dali-dali kong pinulot ang mga nagkalat na papel. Dumaan din sa harap ko ang babae. Naririnig ko pa itong bumubulong-bulong na parang bubuyog. Napatigil ako sandali nang may marinig akong pamilyar na boses.     “Iris! Hey, Wait for me!” Boses ni Xander.     Nang akma sana akong tatalikod para ‘di na n’ya ako makita ay huli na ako. Nagtama ang tingin naming dalawa. ‘Di na rin ako nag-abalang batiin pa s’ya dahil halata namang nagmamadali s’ya at hinahabol n’ya yung babaeng nakabanggaan ko, na tinawag n’ya sa pangalang Iris. Nagmadali na lang akong umalis, hindi na rin naman n’ya ako pinansin o kinibo. Hindi naman kami close para kausapin n’ya ako ‘di ba? Bakit pa nga ba ako magtataka?     Iniabot ko nang mabilis ang mga papel kay Ms. Apolonio. Akmang aalis na ako ay bigla itong nagsalita at tiningnan ang aking kabuuan.     “Beat that girl next time, Ely. Poor her.” ‘Di ko agad naintindihan ang sinabi ni Ms. Apolonio at sandali pa akong naguluhan.     “Pardon, Miss?”      “That Iris girl who indeed love attention from people.” Natawa ako sa isip ko dahil sa sinabi ni Ms. Apolonio. Paniguradong nakita n’ya ang nangyari kanina.Wala naman akong planong palakihin pa ito. Hindi ko rin naman s’ya gustong husgahan ng basta-basta dahil maaring may rason kung bakit s’ya gano’n. Baka may pinagdadaanan lang s’ya sa araw na ‘to at dahil din naman sa hindi ko pag-iingat ay pareho pa kaming naabala.     “Maybe she’s going through something Ms, hinayaan ko na lang din dahil ako rin naman ang may kasalanan. Masyado akong nagmamadali at hindi ko tinitingnan ang paligid ko.” Maikli kong pagpapaliwanag sa kanya.     “Okay then, change your uniform now. Do you have an extra uniform?” Halata sa mukha ni Miss na concern s’ya sa kalagayan ko ngayon.   “Yes Miss. I do have. Thank you. I’ll go now.” Nagpaalam na rin ako rito para makapagpalit na ako dahil pakiramdam ko ay ang lagkit ko na.   “Sure. By the way, before I forgot to tell you we have a short meeting tomorrow with the new journos members, okay?”   “Noted, Miss. Thank you!”   Dumiretso ako sa locker ko para kuhanin ang spare uniform ko. ‘Di ko ini-expect na magagamit ko ‘tong nakatabing uniform dahil lang sa katangahan ko. Nagpunta akong comfort room para roon magpalit.     “Have you seen Alec earlier, grabe he’s so mad to Iris.” Narinig kong kwento ng babae sa kasama nito.     “Iris deserve that. She’s so attitude.” Sagot naman kaagad ng kausap n’ya.      Hindi ko naman intensyon pakinggan ang usapan nila pero kahit takpan ko ang dalawa kong tainga ay paniguradong maririnig ko pa rin.     Natawa na lang ako ng maisip na, hindi man ako ‘yong pumatol sa pag-a-attitude n’ya sa akin kanina ay mayroon namang gumawa nitong iba sa kanya. Pagkakataon nga naman.     Lumipas ang ilang oras ng hindi ko namamalayan. Wari ko’y lumilipad ang isipan ko. Narito ako ngayon sa loob ng room namin at naghihintay na lang ng dismissal. Pero ng maisip kong mananatili pa ako ng ilang oras  dito sa MU para gumawa ng mga article ay nanghihina na ako. Gusto ko na agad makapagpahinga.     Hindi ko alam kung ano ang ikinawawalang gana ko ng mga sandaling ito. ‘Di ko siguradong hindi ko nga ba alam o sadyang ayaw ko lang aminin sa sarili ko.     “Sino ba naman ako para pansinin ‘di ba? Ano ‘yon, what happened in Casa Alta stays in Casa Alta? Ang corny n’ya pala kung gano’n.” Pagra-rant ko sa sarili.     “Sinasabi mo naman d’yan Elyxia Lyanne? Matutulog ka kasi . ‘Di ‘yong kakausapin mo sarili mo. Crazy Ely.” Narinig ko ang boses ng bestfriend ko, si Gail.     “Who are you thinking, hmm? Si Alexander ba ‘yan? Tamang-tama nasa Language Hall sila ngayon. Gusto mo puntahan natin?” Umangat-angat pa ang kilay nito. Akala mong magandang ideya ang ibinigay n’ya. Sabi na nga bang mali ang desisyon kong I-kuwento sa kanya na nagkasama kaming dalawa. Ayaw kong isipin niya o kahit na sino na gusto ko si Xander. Dahil hindi naman talaga…     “Gail, my not-so-smart friend, hindi maganda ‘yang naiisip mo. Manahimik ka na r’yan. Hindi ko naman s’ya gusto makita at tyak gano’n din s’ya.” Pagpapaliwanag ko.     “Okay fine. But anyway, I’m the smartest among all.” Sabay akbay pa nito sa akin. Napailing na lang ako sa kanya.     After ng dismissal namin ay dumiretso na agad ako sa Journalism corner kung saan naroon ang table ko. Doon muna ako habang nagsusulat. Paniguradong sa buong buwan na ‘to ay dito ako mamalagi. This month is the schedule of releasing our school publication. Kaya paniguradong tadtad na ako ng mga gawain at ito na naman ang tambayan ko.     Sabay dapat kami ni Sheena sa pag-uwi pero dahil kailangan kong manatili rito ay nagmessage na lang ako sa kanya para ipaalam na  hindi ako makakasabay. Sumagot naman ito agad at sinabing hindi rin n’ya ako masusundo dahil may lakad daw s’ya.     Nagsimula na akong magtipa sa aking laptop. Tuloy-tuloy lang ang ideyang pumapasok sa isip ko kaya hindi ko namalayang nakagawa na ako ng tatlong article. Kasama ko rin rito ang iba pang contributor at miyembro ng school publication na kung saan ay tinatapos din ang mga ipinagawa sa kanila.     Nagsimula akong magligpit ng mga gamit ko. Nakakaramdam na ako ng antok. Hindi pa sumang-ayon sa akin ang pagkakataon dahil hindi pa ako masusundo ni Sheena kaya’t paniguradong matagal-tagal na paghihintay din ang gagawin ko para sa masasakyang taxi.     Lumabas na ako ng Unibersidad. Tatawid na sana ako sa  kabilang parte ng kalsada kung saan naroon ang waiting shed para maghintay ng masasakyan ng mayroon akong nasipatang lalaki na naglalakad nang pagewang-gewang. Nakasuot din ito ng pamilyar na uniporme kung kaya’t hindi ako nagkakamali na nag-aaral din ito sa Manila University.     Kunot-noo ko s’yang inaaninag at wari ko’y naka-inom ito. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa akin ng bigla itong akmang tatawid. Hindi na ako nagdalawang-isip na daluhan s’ya dahil mayroong sasakyang paparating.     Tumawid ako ng mabilis at itinulak s’ya sa gawi kung nasaan ang waiting shed. Abot-abot ang kaba sa puso ko. Inakala kong pareho na kaming mapapahamak. Tumumba kaming dalawa ng lalaki.  At doon ko binigyang laya ang sarili para sipatin ang mukha n’ya. Pinapamilyaran ko s’ya dahil pakiramdam ko ay nakita ko na s’ya. Iniisip ko rin kung saan at kailan ko s’ya nakita. Bumalik ang wisyo ko ng marinig kong magsalita ang estranghero sa harap ko. “Hmm..” Mahinang daing niya dahil siguro sa pagbagsak namin. Doon ko lang napagtantong ilang segundo rin akong nakadagan sa binata . ‘Di ako nagkamali ng isiping amoy alak ang binata. Tama ang hinala kong naka-inom nga ito.      Babangon na sana ako sa pagkakadagan sa kanya para na rin tulungan s’yang tumayo ay bigla nitong inilagay ang braso at bahagyang iniyakap sa likod ko. Nang oras na idinampi nito ang kamay sa mukha ko ay naghuhurumintado na ang puso ko. Hindi ko mapangalanan ang nararamdaman ko. Parang pamilyar ang mga haplos nito sa aking mukha.     “You’re pretty.” Ramdam kong saglit na tumigil ako sa paghinga. Hindi nga ako nabangga ng sasakyan kanina pero dahil lang pala sa kanya lang ako mamamatay. Alam kong hindi ito ang tamang oras para kiligin pero hindi ko rin alam sa sarili kung bakit ganito na lamang ang naging reaksyon ko.     Bago pa man kami magmukhang tanga sa posisyon namin ay pilit ko na s’yang ibinangon. Nahirapan akong itayo s’ya dahil sa laki ng katawan niya ngunit pilit ko pa rin itong inalalayan. Hindi ko alam ang gagawin sa kanya. Hindi ko naman s’ya matanong kung anong pangalan n’ya o kung saan s’ya nakatira. Ayaw ko naman s’yang iwan dito. Iniisip ko pa lang na hahayaan ko s’ya ay parang hindi na tama. Gaano lang bang tulungan ko s’ya lalo pa’t ganito ang estado n’ya ngayon.     Sinipat kong muli ng tingin ang lalaki nakita kong may suot naman pala itong I.D. Doon ko na lamang titingnan ang impormasyon n’ya.     Ipinihit ko ang I.D n’ya paharap.   “Alec Bren Ynovis.” Mahinang pagbasa ko sa pangalan n’ya. Nang sandali kong banggitin at basahin ito ay pinagmasdan kong muli ang mukha n’ya. Maybe this is our first encounter together but it feels like it’s not. There’s this unexplainable feeling that I’ve known this man in front of me for a long time.   Tiningnan ko ang address ng inuuwian niya. Walang pag-a-alinlangan kong napagpasyahang ihatid na lamang s’ya. Ngayon lamang nakita ng mga mata ko ang lalaki, pero pakiramdam ko ay napakalaki ng responsibilidad ko sa kanya.                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD