CHAPTER 7
We’re heading to his unit. Payapa lang itong natutulog sa tabi ko. Ang dami n’yang sinasabi kanina pero hindi ko naman maintindihan. Kanina pa rin bumabagsak ang katawan n’ya sa inuupuan naming dalawa kaya para matahimik at mas maging komportable s’ya ay isinandal ko na lang ang ulo n’ya sa balikat ko. Ilang minuto lang din ang nakalipas ay naramdaman kong malalim na ang paghinga n’ya kaya’t alam kong nakatulog na s’ya.
I actually don’t know why I ended up being with him. Parang kanina lang ay nagmamadali pa akong umuwi pero ngayon ay heto ako para ihatid s’ya pauwi. Tinitingnan ko ang maamo n’yang mukha, pero agad na kumontra ang isip ko. Paniguradong kapag tulog lang ito maamo. Natawa na lang ako sa sariling naisip.
“Rye. I do trust you. You’re so unfair.” Napakunot-noo pa ito habang nakapikit na nagsasalita.
Maybe that’s the reason why he drunk himself with lots of alcohol. I know it’s not my business, but I’m really concern.
“Ma’am sa Noble Place po tayo ‘di ba?” Pagtatanong ni Manong driver.
“Yes po. Malayo pa po ba iyon?” Kuryoso ko ng tanong kay Manong dahil hindi ko alam ang lugar ni Alec. Unang beses ko pa lang na makakarating doon ngayon.
“15 minutes na lang Ma’am naroon na po tayo,” tumingin pa ‘to sandali sa repleksyon ng lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko at halata ang pag-alala sa mukha. Nagsalita itong muli. “Ayos lang po ba si Sir, Ma’am?”
“Ah, opo Manong. Nakatulog na po sa kalasingan, e. “
Nakatingin lang ako sa gilid ng bintana ng kotse at tinatanaw ang binabagtas naming daan. Medyo nag-a-alala na ako dahil lumalalim na rin ang gabi. Iniisip ko naman kung paano ako uuwi. Sana ay may masakyan pa ako.
Mabilis na lumipas ang labing-limang minuto nang sinabi ni Manong na nasa Noble Place na raw kami. Maganda ang lugar at animong hotel. Sinusubukan kong gisingin ang katabi ko ngunit ako na rin mismo ang sumuko. Laking pasasalamat ko ng nagboluntaryo si Manong na tutulungan n’ya akong dalhin si Alec sa unit n’ya.
Mabuti na lang ay mayroon kaming napagtanungan kung saan mismo ang unit nito. Nang makarating kami sa second floor ay doon ko lang napagtantong wala nga palang susi at paano ko naman ‘yon mabubuksan? Wala na akong pagpipilian kung hindi ihiga siya rito at gisingin. Nagpaalam na rin si Manong na aalis na s’ya. Ayaw ko rin naman s’yang abalahin kaya sinabi ko na rin na maari na s’yang mauna.At ako na ang bahala kay Alec.
“Hey, wake up. Where’s your key? Give me your key ng makapasok ka na sa loob.” Mahina kong tinapik-tapik ang mukha n’ya.
Matagal ko pa itong ginigising at gusto ko na lang din mahiga sa sahig. Nakahinga lang ako nang maluwag nang gumalaw ito. Kinapa at kinuha n’ya sa bulsa ang susi at sabay na iniabot ito sa akin.
“Here. This is yours now.” Aba’t lasing nga talaga. Basta-basta ba namang ibibigay sa taong ‘di n’ya kilala ang susi ng condo n’ya. Paano kung masamang tao pala ako at ibenta ko lahat ng gamit n’ya? Paniguradong ‘di n’ya ikatutuwa iyon.
Dali-dali kong binuksan ang pinto ng unit n’ya at dinaluhan ko s’ya para makapasok. Nang makita ko kung gaano kaaliwalas at kaganda ang loob ng condo n’ya ay sandali pa akong napatanga. Hindi ko inaakalang mayroon pa pala akong oras para hangaan ang ganda at linis nito. Maayos na nakasalansan ang mga kagamitan at ang mga libro sa book shelves at halatang walang mga alikabok. Humahalimuyak din ang bango sa buong unit at higit sa lahat ang nakapukaw ng atensyon ko ay napapalibutan ng kulay abo ang kabuuan. Tunay na nakaka-kalma sa paningin.
Inihiga ko na s’ya sa sofa at tinulungan ko itong tanggalin ang sapatos. Tiningnan ko ang binata at payapa na ‘tong natutulog. Naglabas ako ng sticky notes para sulatan ng sa gano’n ay hindi naman s’ya magulat at mag-alala kung sino ang nag-uwi sa kanya.
‘Hi. I know you’re wondering who brought you home, but I want to say you’re in good hands. Here’s your condo unit key (It’s actually mine now because you gave it to me. But, I won’t take advantage on your drunk state. Haha). Drink medicine when you woke up. Ciao bello!‘
Idinikit ko lang ang post-it-note sa lamesa malapit sa sofa na pinaghihigaan n’ya. Inilagay ko ito kung saan n’ya ito madaling makikita. Napagpasyahan ko na ring umuwi dahil mag a-alas dyes na ng gabi at paniguradong mahihirapan akong sumakay. Nagbaka-sakali na lang din akong tawagan si Sheena para tanungin kung pauwi na s’ya para masundo n’ya kung nasaan ako ngayon.
Tinawagan ko ang numero n’ya at agad naman itong sinagot.
“Hello, Ely? Why?” Napailing na lang ako nang marinig ang malakas na tugtugin sa kabilang linya. Paniguradong nagpapakasaya pa ito ngayon at hindi pa ito uuwi.
“I’m here at Noble Place. What time ang uwi mo? Sasabay sana ‘ko.” Kinakabahan na ako dahil hindi ako gano’ng pamilyar dito sa lugar. Hindi ko rin alam kung saan akong eksaktong lugar para mag-abang ng masasakyan.
“Ha? Ano? What are you doing there? D’yan na ba nalipat ang lugar ng condo natin?” Sunod-sunod na tanong nito. Kung maari ko lang s’ya sabunutan ngayon ay ginawa ko na.
“Something happened. I’ll explain later. Ano pauwi ka na ba? Sunduin mo ko rito.” Hindi ko alam pero totoong naiiyak na ako.
“Wait, ipapasundo kita r’yan.” ‘Di ko na masyadong marinig ang sinabi n’ya dahil sobrang ingay. Magsasalita pa rin sana ako ng biglang naputol ang linya.
I have this fear of being alone in the place wherein I’m not familiar with. Bahagya na akong nangangatog dito sa tabing kalsada. Dahil ang buong pakiramdam ko ay binabalot ng kaba.
Mahigit tatlumpong minuto rin akong naghihintay. Naghahalo na rin ang pagod at antok sa akin. Dagdag pa ang takot ng pag-iisa ko rito sa gitna ng gabi. Nabuhayan ako ng loob nang makita ko ang sasakyang huminto sa aking harapan. Dahil sasakyan iyon ni Sheena. Susunduin din pala ako pero ang dami pang tanong kanina.
Lumapit na ako agad sa sasakyan dahil gustong-gusto ko na talagang makauwi para magpahinga. Nang malapit na ako sa sasakyan ay dahang-dahang mayroong bumaba rito, ang taong hindi ko inaasahang makikita ko ngayon. Na para bang hindi kami nagpansinan at umaktong hindi magkakilala kanina…
“Sheena asked me to fetch you here and I’m more than willing to do it,” hindi ito makatingin sa mga mata ko. Hindi ko mapangalanan ang atmospera sa pagitan naming dalawa. Animo’y naiilang s’ya sa presensya ko. E, kung ganoon bakit s’ya pa ang sumundo sa akin?
Ayaw ko namang isipin n’ya na apektado ako sa nangyari kanina at gano’n din s’ya ayaw kong iparamdam na dapat n’ya pang pagtuunan ng pansin ito.
“Thank you,” maikli lang akong sumagot sa kanya dahil wala naman akong maisip na dapat sabihing pang iba.
Dali-dali kong binuksan ang upuan sa back seat. Sandali pa n’ya akong hinabol para pagbuksan pero huli na s’ya at nagawa ko na ito. Wala naman akong problema kay Xander. Pero napagtanto kong hindi ko dapat s’ya gano’ng nilalapitan dahil para na rin sa ikabubuti naming dalawa.
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Nakatingin lang din ako sa daan, kahit madilim na ay sinusubukan ko pa ring tanawin at sulyapan ang mga nadadaanan namin. Lumilipad ang isip ko at masyadong puno ng alaala ng mga pangyayaring naganap sa maghapon.
I remembered Alec. He seems familiar. Just seeing his face clearly earlier, made me wonder if I did met him. He looked like someone but I can’t name who. Wari ko’y nararamdaman ko pa ring dumadampi sa aking balat ang mga palad n’ya. Ang init ng kamay n’ya sa aking pisnge ay baka nag-iwan ng marka.
Para akong tulirong sinusundan ang hawak n’ya kanina sa aking mukha. ‘Di ko mapigilang bahagyang mapangiti. Kung ano ang dahilan ay ‘di ko rin alam.
Naputol ang pag-iisip ko nang basagin ni Xander ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa. “We’re actually in Revels Club tonight, it’s July’s birthday. Sheena is a bit tipsy that’s why she can’t come to fetch you,” halata namang s’ya rin ay nakainom na ng marami kaya’t nagtataka akong pumayag s’ya sa inutos ng pinsan ko. Akala mo namang may bayad ‘yong pagsunod-sunod n’ya sa inuutos ni Sheena.
“Pasensya na nakaabala pa ‘ko,” paghingi ko ng paumanhin.
“No, you’re not. It’s fine. I did it willingly.” Tumingin pa ito sa rear-view mirror para salubungin ang tingin ko ngunit hindi nagtagal ay s’ya na rin ang nagkusang umiwas.
Mabilis na lumipas ang oras at nakarating na rin kami sa condo. Pinagbuksan n’ya ako ng pinto ng sasakyan sa pagbaba.
“Thank you, Xander. Paki-sabi na rin kay Zen na ihatid si Sheena ng buo rito ha.” Tumawa ako para naman hindi na mailang ‘tong taong kaharap ko.
Tumango lang si Xander. Halatang may gusto pa itong sabihin kaya hindi muna ako umalis sa harapan n’ya. Hinintay kong magsalita ito muli.
“About earlier, I’m sorry, I didn’t mean to ignore you,” ramdam ko ang sinseridad sa malalim n’yang boses.
Tinapik ko ang balikat n’ya at bahagya akong ngumiti, “Ayos lang, Xander. Huwag mo ng isipin ‘yon. All good.” Sinundan ng mga mata n’ya ang kamay kong tumapik sa balikat n’ya.
Ang totoo n’yan ay hindi naman ako galit sa kanya. Masyado lang ako nadala ng damdamin ko kanina dahil naguguluhan ako kung bakit hindi n’ya manlang ako nagawang batiin. Paniguradong may dahilan, anuman ito ay hindi ko na rin kinakailangan pang malaman.
Tiningnan nito ang kabuuan ko, “Mayroon bang masakit sa’yo?” Parang napaso ako sa biglaang hawak n’ya sa braso ko para sipatin kung may sugat ba ako.
“Ah e, wala naman. Okay na ako. ‘Wag kang mag-alala.”
“Alright, you can rest now.” tumango na lang ako sa kanya at nagpaalam na papanhik na ako.
Bago pa ako tuluyang makalayo ay narinig kong muli s’yang nagsalita.
“ I can’t help not to be worried about you, Ely. Just be more careful next time. Goodnight.”
Pagkarating ko sa unit namin ay hindi na ako nagsayang pa ng oras para maligo at makapag palit ng damit pangtulog. Masyadong marami ang nangyari sa araw na ito at sa mga oras na ‘to ay pilit ko pa rin itong ina-absorb.
I deserve a very good sleep tonight. Ipinikit ko na ang mga mata ko para matulog.
And surprisingly, his face flashes through my mind and everything went black.