CALL

3421 Words
CHAPTER 8 “Elyxia Lyanne, baka naman gusto mong bumangon na kasi nakagayak na ako. Iiwan na talaga kita r’yan, di ako nagbibiro ha.” Nararamdaman kong niyuyogyog ako ni Sheena. Tiningnan ko ang maliit na orasan sa ibabaw ng lamesa ko. Napabalikwas ako ng bangon nang makita kong mag a-alas syete na. Mayroon pa naman akong 7 am class ngayon. “Bakit ngayon mo lang ako ginising, Sheena? Nakakainis naman ‘to may class ako e.” Tumayo na rin ako sa hinihigaan ko at nagmamadaling kumilos. Inirapan pa ako ng pinsan ko, “Duh, sino kaya ang nahuling umuwi sa ating dalawa at sino rin ang nakainom kagabi, ako hindi ba? At ako pa ang inasahan mong gigising sa’yo? Lasing ka rin yata kagabi, ikaw yata ‘tong may hang-over pa e. Iiwanan na kita ha.” Malakas nitong isinara ang pintuan ng kwarto ko. Hindi ko na s’ya pinansin at mabilis na akong naligo. Minsan lang ako mahuli sa klase. Kaya, sa naging dahilan ng pagkapuyat ko dapat n’ya itong pagbayaran… Naging mabilis ang pagkilos ko. Hindi ko na inintindi ang kumakalam kong tiyan. Sanay ako na kumakain sa umaga bago pumasok dahil ito ang nagsisilbing lakas ko, pero dahil nga wala na akong oras ay kakain na lang ako sa Campus mamayang break. Para ring walang saysay ang pagmamadali ko dahil iniwanan na ako ni Sheena. Mag bo-book ako ng grab dahil kadalasang ganitong oras ay mas mabilis akong nakakasakay. Kinuha ko lang ang mga gamit ko sa lamesa at pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ay naroon pa pala si Sheena, akala ko pa naman ay umalis na s’ya. “Oh ano tapos ka na? Let’s go. Let’s be late together beetch.” This is actually one of the reasons why I love her. “I thought you already leave,” madamdamin ko kunyaring sabi sa kanya. “That is so not you, Ely. ‘Wag ka nga d’yan kailan ba kita iniwan?” Panghahamon na tanong nito. Sa katotohanan ay wala naman talaga akong maalalang hinayaan ako nito, mapamaliit na bagay man o malaki ang kinahaharap ko ay parati lang s’yang na sa tabi ko. Nasa byahe na kami papuntang MU ni Sheena. Isa’t kalahating oras na rin kaming late. Pagbukas ko ng inbox ko ay tadtad na ako ng message mula kay Gail. Nag-a-alala na ito sa akin, dahil sa tuwing male-late o liliban man ako ay isa s’ya sa unang nakakaalam ng dahilan. ‘Where the hell are you? Mag-file na ba ako ng report na nawawala ka? Natataranta na ako dito. Reply as soon as possible please. Hindi na ako tatagal sa klase, umagang-umaga ay suki ako ng recit kasi wala ka.’ ‘I know I’m smart but you know, I shouldn’t be this drained. Hehe’ Iilan lamang ‘yan sa mga message n’ya. Natawa ako nang mabasa ang mga ito. Sobrang over-reacting talaga ni Gail. Wala na ba akong karapatang ma-late manlang kahit sandali? Ika-mamatay n’ya bang wala ako? Hindi na ako sumagot sa message n’ya dahil nakarating na rin naman kami sa MU. Sobrang chill lang ng pinsan ko at animo’y walang paki kung may na-skip s’yang klase. Salute to this Hero! Natawa ako sa naisip at napailing na lang dahil sa kanya. “Sabay tayo uuwi, Ely ha. Marami kang dapat ikuwento sa akin mamaya. I’ll buy Cajun Fries later.” Dahil sinabi na n’ya ‘yong magic word sino ba ako para tumanggi sa favorite kong Popeyes Cajun Fries no? “Yes, see you later. I need to go. Bye Maudin!” Umirap lang ito nang marinig na tinawag ko s’ya sa second name n’ya. Ayaw na ayaw n’ya kasing tinatawag s’ya sa Maudin. Tumakbo agad ako papuntang Macapagal Building. Doon ang room namin. Halos nilipad ko na yata ang pagpunta sa room para lang makahabol sa klase. Sapat na ‘yong may isa akong subject na hindi nadaluhan. Nasa tapat na ako ng room namin nang nakita kong lahat ng mga blockmates ko ay nagkakagulo. Pumasok na agad ako sa loob at bahagya pang lito sa nagaganap sa loob. Hinanap kaagad ng mata ko si Gail. Nakita ko ito sa harapan at may binabasang libro. Seryoso itong nakatingin sa hawak. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at binulungan. “Baka tumalino ka na ng sobra n’yan. Pag nangyari ‘yon, St. Gail Pray for us..” Lumingon kaagad ito sa akin nang marinig ang boses ko. “Omygee! Elyxia Lyanne is here! Guys come on!” Tumayo pa ito sa gitna para makasigaw s’ya ng husto. Nagtataka naman ako, nahuli lang ako ng mahigit isang oras ay may pagsigaw na dahil narito ako? Araw-araw naman akong pumapasok pero bakit ngayon lang nila ako tintrato ng kakaiba... Bakit ngayon ko lang naramdamang espesyal ako sa buhay nila? Biro lamang. Tinakpan ko ang bibig ni Gail. Napaka-ingay naman nito. “Ano bang mayroon kasi ha? Kadarating ko lang tapos may fans na ako? Ikaw ba admin ha?,” pagbibiro ko kay Gail, pero ano bang malay ko baka nga mamaya ay may sarili na pala akong fans club. “Gaga. Nalaman kasi ni Mr. Gago na absent ka tapos kung sa buong period daw na wala ka ire-request daw n’ya sa next subject na hihiramin n’ya para mag-recit kami.” Hinihingal pang sabi nito. Tawang-tawa ko nang marinig ang sinabi n’ya, sa’kin pala nakasalalay ang recit ng buong block ngayon ha. Dapat pala ay hindi na lang ako pumasok para masaya silang lahat ngayon dahil sa katakot-takot na pa-recit ni Mr. Gallego. Lapastangan din talaga ang bestfriend ko, tawagin ba namang Mr. Gago si Mr. Gallego. “Alam mo namang favorite ka no’n at hindi ‘yon sanay na ‘di ka uma-attend ng klase n’ya. Nanghahamon s’ya ha. Di n’ya alam na ipinagdasal kong makapasok ka kahit late na.” Proud na proud pang sinabi nito. Nilapitan ako ng mga kaklase ko at dinaldal ako. Kinuwento nilang kabang-kaba raw sila kung hindi pa ako dadating. Umalis naman si Gail sa tabi ko at lumapit kay David. Aba tumatapang na manok ko ha! “David!” Narinig ko lang na tinawag ni Gail si David at diretsong lumapit dito. May binulong lang ‘to sandali at bumalik sa tabi ko. “Iba na talaga pag dalaga na. Tumatapang ka yata ha.” Pang-aasar ko sa kanya. “Issue mo talaga ‘no. Ikaw nga kagabi, may sinakay ka pa sa sasakyan na lalaki e. Kaya pala napuyat ka ha? Sino ‘yon? Anong ginawa n’yo?” Hinila ko ito palabas para roon kami mag-usap. Baka mamaya ay may makarinig at ano pa ang isipin. Nakita pala n’ya ‘yong nangyari kagabi. Ang buong akala ko ay nakauwi na s’ya. “Akala ko ba ay umuwi ka na no’n? At ikaw ano namang ginagawa mo roon kagabi,?” nag-iwas ito ng tingin. May hindi rin ‘to sinasabi sa akin. Kabisado ko na s’ya ‘no. “Bakit nabaling sa akin ang topic? So who’s the guy?” Umaangat-angat pa ang kilay nito. Hindi ko sinabi kay Gail ang tungkol sa personal na nalalaman ko kay Alec. Ayaw ko pa rin naman ipagkalat ang tungkol sa kanya, kahit na ang pangalan at address lang naman ang nalalaman ko. Ginagalang ko s’ya at ang personal n’yang buhay. Nai-kuwento ko lang ang I-ilang pangyayari kagabi. Mapag-conclude pa naman ‘tong kaibigan ko. Paniguradong mag-iisip ‘to ng kakaiba. Sa tinagal din ng pagkukuwentuhan namin ay nabanggit ko na ring si Xander ang sumundo sa akin kagabi. Kilig na kilig pa ito at sinasabing bagay daw talaga kaming dalawa. Bugaw ng taon talaga ‘tong si Gail e. Hindi na bumalik si Mr. Gallego, paniguradong alam na nitong pumasok ako. Joke time rin talaga itong si Sir, ginawa pa akong excuse. Ayaw n’ya lang ‘ata magturo e. Kaya buong tatlong oras na dapat recit namin sa subject na Intro to Masscom ay iginugol namin sa pagku-kwentuhan at pagkain sa Cafeteria. Mabilis na lumipas ang mga oras at saktong alas-dos nang hapon ay nagkaroon kami ng maikling pagpupulong ng buong school paper contributors para sa publication this month. Naging mabilis lang din ito. Nagkaroon na rin ng official registrations ng mga new members. Masaya akong maraming nahikayat na sumali at hindi lang puro mga ka-blockmates ko ang kasama dahil sa BA in Journalism ang course namin. Nakakatuwang mayroon ding mga gaya ko na nangangarap maging mamamahayag at manunulat sa ibat-ibang platform ng media. Nasa puso ko na ang pagsulat, mapa-balita, isports o lathalain man ito. Dahil paniguradong gaya ko ay iisa lang din ang hangad namin, ang mabago ang mundo at mamulat sa katotohanan ang bawat isa sa pamamagitan ng mga salita at akda. Naniniwala akong darating ang pagkakataong mababasa ko rin ang pangalan ko sa isa sa mga sikat na pahayagan sa dyaryo. Maaga rin ang naging dismissal namin kaya’t napag-pasyahan kong magpasama kay Gail na samahan akong mamili ng grocery na para sa amin ni Sheena. Wala na kaming lulutuin bukas kaya’t habang may libre pa akong oras ay sasamantalahin ko na ito. Tutal ay alas-singko pa ang tapos ng klase nila Sheena kaya habang nag-aantay ako sa kanya ay makakapamili na ako. Naglakad lang kami ni Gail papuntang Supermarket dahil malapit lang ito mula sa Campus. May lakad talaga itong kaibigan ko pero napilit ko s’ya kapalit ng Dairy Queen na Ice cream. Hindi ito makakatanggi basta ‘yon ang ipangba-blackmail ko sa kanya. “Sa susunod si Xander na lang ang ayain mong samahan kang mamili ‘no. Gano’n ang magandang date, Elyxia Lyanne.” Natatawang sinabi pa nito. “Hindi na kami nag-u-usap ulit, tsaka anong date ang sinasabi mo? Nagbabalak na nga akong iwasan ‘yon. Ayaw kong madikit na roon.” Dahil iyon ang totoo, palagay ko si Xander ang magiging trauma ko. Pumalakpak pa ito at umiling-iling. “Wow! Prevention is better than cure, mare? Nice, nice,” hindi ko na lamang ito pinansin. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa Rustan’s Supermarket. Kumuha lang ako ng push cart at nagsimula na kaming umikot ni Gail. Lagi akong handa sa tuwing bibili ako ng grocery namin. Mayroon akong listahan para siguradong mga kailangan lang ang mabibili ko at maiwasan ang pagbili ng kung anu-ano. Nagpunta kami sa vegetable section para kumuha ng ilang pirasong gulay. Hanggat maari, ito ang hindi ko kinakalimutang bilhin. Pareho kasi kaming mahilig kumain ni Sheena ng gulay kaya ito parati ang iniluluto ko sa amin sa hapunan kapag mayroon pa akong oras makapagluto. Dahil gaya na lamang nitong mga nakakaraan ay puro order lang sa fastfood ang kinakain naming dalawa. “Lyanne, tignan mo oh, ang laki nitong talong,” tinaas-taas pa n’ya ang kilay. Halata mong may ibig itong ipakahulugang kakaiba. “Ipukpok ko kaya sa’yo ‘yang talong, Gail.” Natawa ako nang makita siyang niyakap pa ito at pumikit. “Sure, kahit isampal mo pa sa mukha ko ‘tong talong na ito,” napakalakas pa naman ng bunganga n’ya, ako tuloy ang nahihiya sa pinagsasabi n’ya. Kapag ako ang nainis ako na talaga ang sasampal sa kanya kapag hindi pa s’ya tumigil. “Chill my not-so-innocent friend,” sabay na lang kaming natawa sa kagagahan n’ya. This is literally the reason why I’m stuck with this person for how many years. I can’t get enough of her. She’s fun and weird potato to be with, ever. Namili na rin ako ng mga dairy products at toiletries namin. Pumunta rin kami sa chocolates section dahil nag-aya si Gail. Well, pareho naming paborito ang tsokolate. Ito ang kinukuhanan namin ng energy at lakas ng loob sa araw-araw na recit namin. Nang akmang kukuhanin ko na ang paborito kong choco baby ay biglang mayroong nauna sa akin. Tinignan ko ang naka-cap na lalaki at saglit na pinamilyaran. Kilala ko ito. Sigurado akong s’ya ito. Narinig kong nagsalita si Gail. “Alec! Hinahanap ka ni kuya Kier kanina hindi ka raw pumasok tapos makikita kitang namimili lang dito. Nako ha, kailan ka pa naging tamad?” Teka, magkakilala ba silang dalawa?Tumalikod agad ako at nagtago sa gilid kung saan hindi nila ako tanaw pero sapat lang para marinig ko ang pinag-u-usapan nilang dalawa. “Hi, Gailey. Yeah, I didn’t attend class today. Please do tell Kier that I’m fine. I still have a hang-over. I just bought medicine for my head ache and here a chocolate.” Sinisilip ko silang dalawa habang nag-u-usap. Itinaas pa ni Alec ang hawak n’yang choco baby. Sa akin dapat ‘yon e. Bakit ba naman kasi wala na silang choco baby? Dapat magsara na sila . Mabalik lang, ngayon palang s’ya nagising simula kagabi? Ang fresh n’yang tingnan at mukhang bagong paligo. Kinastigo ko kaagad ang sarili. Hindi ko alam dahil para akong tangang nagtatago rito habang hinahangaan ang itsura n’ya. Sana all fresh. “Uhm, I need to go Gail. Are you with someone? May nakita akong narito kanina,” “Sure, Alec. Makakarating kay kuya Kier. Yes I’m accompanying someone.” Tumingin-tingin pa ito sa paligid at hinahanap ako. “Wait nasaan na ‘yon?” Ini-abot nito kay Gail ang choco baby. “Here, maybe she wants it. Give it to her. I’ll go and get other chocolate for me.” “Hala nawala si Lyanne. Ah, yes. Actually favorite n’ya ‘to. Thank you, Alec. Bye!” Kumaway pa ang bestfriend ko bago ako hinanap muli. Nagkunwari lang akong kumuha ng chips kaya ako nawala bago ako bumalik kung saan sila nag-usap ni Alec. Pagkakita sa akin ay iniabot agad ang chocolate. “Bakit ka nawala? Saan ka ba galing?,” sunod-sunod na tanong nito. “Kumuha lang ako ng chips, oh. Sino ‘yong kausap mo?,” gusto ko lang kumpirmahin kung kilala n’ya ba ito at mukha ngang tama akong mas kilala n’ya ito. “Ah, that’s Alec Bren Ynovis, friend ng kuya Kier Wayne ko. 3rd year college taking Business Administration. Sayang hindi mo s’ya na-meet. Naipakilala manlang sana kita," ang sabi ko pa naman kanina ay hindi ko ipagkakalat ang mumunting nalalaman ko tungkol kay Alec, pero heto si Gail mas marami pa ang alam sa kanya kaysa sa akin. ‘Di alam ni Gail na na-meet ko na ang lalaki kagabi at ito ang tinutukoy n’yang isinakay ko sa taxi. “I see,” tumango-tango lang ako sa kanya. “Guwapo ‘no? Gusto mo I-reto kita?,” inakbayan pa ako ni Gail. “Paanong guwapo? Hindi ko naman nakita. Nakita ko lang noong nakatalikod na,” pagkikibitbalikat ko kunyari. “Next-time ipapakilala kita. Single yata ‘yon si Alec e. Solid yummers ‘yon,” tuwang-tuwa s’ya sa idea n’ya. Hindi ko maintindihan sa babaeng ‘to kung anu-ano ang lumalabas sa bibig. Tiningnan ko sandali ang hawak kong chocolate, ang paborito kong choco baby. Sandali akong napangiti nang maalalang ibinigay nalang n’ya ito. Pero, kung tutuuisin ako naman panigurado ang unang nakakita no’n ‘no. Kaya deserve ko ito. Nagbayad na kami ni Gail ng lahat ng pinamili ko. At gaya ng pangako ko sa kanya ay binilhan ko sya ng DQ. Mayroon naman s’yang pambili pero siguro nga talaga, iba ang sarap ng pagkain kapag libre. Saglit lang kaming nagpaalamanan ni Gail. Naghiwalay na kami paglabas ng Supermarket. May pupuntahan pa raw s’ya kaya pumayag na akong hindi magpasama pabalik sa MU. Nag-text na rin si Sheena sa akin na hihintayin nalang daw nya ako sa car park. Kaya doon ako dumiretso dahil gaya ng napag-usapan ay sabay kaming uuwi. Sumakay lang ako ng taxi dahil medyo marami rin ang bitbit ko, nagpahatid na lamang ako mismo malapit sa parking ng Campus. Maya-maya lang ay nakarating na rin ako doon kung saan malapit nakapark ang pinsan ko at bitbit ko ang mga pinamili kong grocery. Nilagay ko lang ang mga groceries namin sa likod na upuan at sumakay na ako sa front seat. Nakita kong abala si Sheena sa pagtitipa sa kanyang cellphone kaya’t hindi ko na ito inistorbo pa. “What’s the matter?,” hindi ko na napigilang tanungin pa s’ya dahil bakas sa mukha n’yang may malalim itong iniisip. “Let’s talk at our condo na lang,” malamya nitong sabi, hindi na ako magtatakang may problema ito. Dumaan lang kami sandali sa malapit na Popeyes para bumili ng paborito kong Cajun Fries at Buttermilk biscuit shrimp naman ang kay Sheena. Pareho kaming walang pasok bukas kaya’t napagpasyahan naming magkuwentuhan para magpalipas ng gabi. Nang makauwi kami ay saglit lang kaming nagpahinga ,inayos ko rin ang mga grocery namin. Naligo lang ako sandali at gano’n rin si Sheena. Nauna akong matapos sa kanya kaya’t ini-ayos ko ang lamesa sa balkonahe at inihanda ko ang binili naming pagkain. Kinuha ko lang ang cellphone ko at lumabas sa balkonahe. Nakatanaw ako sa mga mumunting ilaw na nagmumula sa malalayong bahay mula sa kinatatayuan ko. Ang payapa masyado ng paligid ang sarap sa pakiramdam mapagmasdan. “You’re here na pala,” dumating si Sheena na nagpupunas pa ng basa n’yang buhok. Naupo na rin ako sa katapat n’yang upuan. Magkaharap kaming dalawa sa lamesa. Kaya’t kitang-kita ko ang kabuuan ng mukha n’ya. I sense that something’s bothering her. Nagsimula na akong tanungin s’ya, “What happened? Hmmm?,” kumakain lang ako ng paborito kong Cajun Fries habang nakatingin sa kanya. “Do tell me, Sheena. So I know how I’ll comfort you. You know, I can’t stand seeing you with that sad face,” nagulat ako ng magsimula itong umiyak. Tumayo kaagad ako para daluhan s’ya at yakapin, umiiyak lang s’ya at walang salitang namumutawi sa kanyang mga labi kundi mga hikbi. Nang saglit na kumalma ito ay tsaka ako muling naupo sa harap n’ya para kausapin s’ya. “I hate changes. I hate how people care about you at first then eventually will do bad things against you. I am so wrong for giving him my trust,” nagpupunas pa rin ito ng mga luha sa kanyang mata. “Maudin, I don’t know the whole story so I won’t conclude, but I want you to know that people change when their need changes. We can’t force them to stay that way. I guess, we just have to deal and adapt with the changes that occurred and move-on eventually,” mapait ko s’yang nginitian, bakas sa mga mata nito ang lungkot. “I don’t know, I feel bad,” mahinang bulong nito. “Your feelings is valid. I understand why you feel that way. But please, bear in mind that, It’s not your fault for trusting him. Ang tiwala ibinibigay natin sa taong nagpakita ng magandang motibo sa atin sa umpisa diba? But please do remember that time reveals true colors and intentions. It may be good or bad, we just have to prepare ourselves with changes and disappointment.” Tumayo ito at hinawakan ang kamay ko. “ Thank you for being with me. I feel better.. a bit, atleast,” lumapit ako rito at niyakap s’ya nang mahigpit. “Always, Sheena. Always,” tinapik-tapik ko lang ang likod nito at s’ya na rin ang kusang kumalas sa pagkakayakap namin. Nagpaalam na ito na papasok na s’ya sa loob ng kwarto n’ya at doon na lang kakain. Hinayaan ko na rin s’ya dahil baka gusto n’yang mapag-isa. Hindi ko na naikuwento sa kanya ang nangyari sa akin kagabi. Sasabihin ko na lang ito kapag mayroong pagkakataon. Kinuha ko ang cellphone at saglit na nag-scroll sa f*******:. Napahinto lang ako sa pag s-scroll noong may biglang tumawag sa’kin. Numero lang ito at hindi nakarehistro ang number sa contact ko. Iniisip ko kung sasagutin ko ba ito dahil usong-uso pa naman ang mga prank call ngayon at budol. Mahirap na no! Hinihintay kong magkusa itong tumigil sa pagtawag pero dahil makulit ito ay sinagot ko na. “Hello. Thanks for answering the call. Are you the one who brought me home at my condo last night?” Napakabog agad ng mabilis ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Naalala kong nakita ko pa s’ya kanina sa Supermarket, pero iba pa rin pala ‘yong kaba kapag nakausap ko na s’ya. Hindi pa ako sumasagot sa kanya ng muli itong magsalita. “I got your number here at the back of the post-it-note. You actually wrote your number here rather than your real name,” medyo papansin naman talaga ako sa part na numero ko ang inilagay ko kaysa sa pangalan ko. Pero ‘di ko naman inaasahang tatawagan n’ya ako 'no.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD