XIA

2067 Words
CHAPTER 9 Huminga ako nang malalim bago magsalita. “Hi, Alec. Yes, ako ang naghatid sa’yo kagabi. Nalaman ko ang information sa ID mo. I’m about to go home last night from MU, then I saw you. I hope you’re doing fine now,” mahinahon ngunit kabado kong sabi. “Sorry for the trouble. Naabala pa tuloy kita kagabi. And, If you’re not busy on Monday, I actually want to thank you personally.” Ang malalim n’yang boses sa kabilang linya ang mas lalong nagpapa-kaba sa akin. Hindi ako agad nakasagot sa kanya at sandaling binigyang laya ang sarili para mag-isip. Wari ko’y na-hipnotismo ako ng boses nito. Tumikhim ito sa kabilang linya kaya’t napabalik ako sa wisyo. “Yes, sure. I guess, I’m free after class,” pumayag ako sa offer n’yang makipagkita sa akin. I don’t want to be rude kung tatanggihan ko s’ya at ayoko rin namang magsinungaling sa sarili na ayoko s’yang makita. “That’s good to know, where do you want us to meet?" gusto ko sanang sabihing kahit saan kaso mahirap naman 'atang hanapin ‘yong lugar na kahit saan. “There’s new opened cafe near MU, Mini Saucer Cafe. We can try it,” nagmana ako kay Gail, pala-desisyon din talaga ako. But it’s nice knowing that he’s considering me. “Alright, see you after class then. Anyway, before I forgot, make yourself known,” tumawa pa ito ng bahagya dahil sa sinabi n’ya. Nakalimutan ko naman kasing ipakilala talaga ang sarili ko. Hindi naman ako pa-misteryoso ‘no. “Elyxia Lyanne,” pagpapakilala ko sa sarili. “Wow! nice name,” parang ngayon ko lang yata na-appreciate ang pangalan ko. Bahagya pa akong nakaramdam ng mga mumunting paru-paro dahil sa sinabi n’ya. “Thank you,” I giggled a bit. “Your welcome. Bye, Xia.” Pormal lang itong nagpaalam. Bago sa pandinig ko ang sinabi n’ya. Wala namang tumatawag sa akin ng ganoon, pero mukhang ngayon ay mayroon na. Pinatay ko na ang call matapos naming mag-usap. I’m still a bit surprised. I’m caught off guard. Para akong tangang nakangiti ngayon habang nakatanaw sa mga ilaw na nagmumula sa mga bahay. “Xia, Xia, Xia,” inulit-ulit ko pa sa sarili ang tinawag n’ya sa’kin. I don’t know, It’s soothing hearing him calling my name. Calling me in that nickname. Pakiramdam ko tuloy ay malapit na kami sa isa’t isa dahil first name basis na kaming dalawa. I guess, It’s a good night. It’s Saturday today, tanghali na akong bumangon dahil wala namang pasok. I just did my weekend routine, nag work-out lang ako sandali at nang matapos ay nagluto ng lunch namin ni Sheena. Nagising ako ng wala na s’ya sa unit at hindi manlang nagpaalam ito. Iniisip ko na lang na ayaw ako nitong istorbohin sa pagtulog kaya hindi na ako inabalang gisingin pa. Iniisip ko na sana maging maayos na s’ya. Hindi naman ‘yon pala-kuwento kung anong nangyayari sa kanya, kaya hanggat maari ay nariyan lang ako para samahan s’ya sa lahat, kahit hindi s’ya mag-sabi o kahit walang salita ang mamutawi gusto ko s’yang samahan sa lahat dahil gano’n din naman ang ginagawa n’ya sa’kin. Sinamantala ko na rin ang pagkakataon para makapagligpit ng buong unit. Paniguradong magiging busy na naman kami next-week at hindi na namin magagawa ito. Niligpit ko ang mga kahon sa ilalim ng higaan ko. Binabalak kong itapon na ang mga papel at mga abubot na hindi naman na ginagamit at hindi na kailangan pa. Ang pagliligpit at pagtatangal ng mga kalat ay nauwi sa pagbabasa ng mga lumang diary, pagtingin-tingin sa mga lumang litrato at pagbabalik tanaw sa nakaraan. Seeing my 7 years-old picture made me realize that I’m really a grown woman now. Humaharap na sa totoong hamon ng mundo. Nakakasalamuha ang iba’t-ibang tao. Nadadapa, patuloy na bumabangon at natututo. Napangiti ako nang makitang ang liit-liit ko pa noon at walang kamuwang-muwang sa mundo. Ang daming litrato ang naroon, mga larawan namin ng mga pinsan ko, kami ni Sheena, ang aking paboritong Lola, si Lola Espe pati na rin ang aking mga magulang. I’m hoping that atleast I made my 7 years-old self proud, hindi naging madali ang mga pinagdaanan ko, ang makulong sa takot at pagdududa sa sariling kakayahan. All along, I’m living my life trying to please other people. Trying to please them, my parents. It’s just so hard in my part to make them proud. Siguro wala pa rin namang pinagkaiba ngayon, nakalaya lang ako sa apat na sulok ng kuwarto kung saan kasama sila, pero pakiramdam ko’y hawak pa rin nila ako sa leeg at sunod-sunuran. They’re expecting me to be something… that I don’t actually like. I hope someday, I finally have the courage to choose things that I love doing and not even thinking about what might other people will say. “Two months from now you’ll enter college. What are your plans, Elyxia? You’re running out of time. Pinag-isipan mo na ba ang sinabi namin sa’yong kurso? Natututuhan naman ‘yon at paniguradong kakayanin mo naman ang Business Management. Kami nga kinaya namin. Surely, you’re in line with this course too.” I already memorized my Mom’s favorite line. Forcing me to take that course even though they do knew that I want to pursue Journalism. I’m so sick with this topic, because we’ll end up arguing since they don’t want me to go against their plans with my life. Sinasabay pa talaga nilang pag-usapan ang mga ganitong bagay tuwing kakain. Nakakawalang gana. I sighed. Kahit kailan naman ay hindi ako nanalo sa kanila. “I still have two months to figure things out, Mom. Just let me think for now,” halatang hindi nila nagustuhan ang isinagot ko. I don’t know what to do anymore, noon pa naman talaga ay desidido na ako sa kurso ko, but they’re actually the reason why I am holding back. I guess how badly we want to escape reality, It’ll still come. 3 weeks from now, my college year will start and I’m still here stuck. It’s now or never, I need to do it for myself. I talked to my parents and did tell them that I’m already decided to took BA in Journalism. I did enrolled myself without them even knowing. I don’t know the consequences yet but this time I need to take the risk. “I’m not surprised at all, you’re that good in disappointing us. I hope you’ll get something from pursuing that passion of yours. Just make sure your grades is fine kung gusto mo pang maging parte ng pamilyang ‘to,” I felt bad, sinunod ko lang naman ‘yong gusto ko sa pagkakataong ito. Pinayagan nila akong kuhanin ang kursong ito pero monitor pa rin nila ang mga marka ko, they even warned me that, If I didn’t make it to the dean’s list every year they won’t support me. Hindi ko maisip na sinusuportahan nila ako sa ginagawa ko, maybe financially yes, but it ends with that. My Lola Espe got my back when I moved out from our house. I stayed at my Lola’s mansion in La Union for months then eventually stayed with Sheena in our condo here in Manila for almost 2 years. Remembering those times made me appreciate myself more. Kahit papaano ay nalampasan ko ang mga ‘yon. Hindi ako nagsisising minsan sa buhay ko ay gumawa ako ng bagay na ang inisip ko ay para sa sarili kong kapakanan at hindi sa kagustuhan ng iba. Nauwi sa madamdaming pagbabalik tanaw ang paglilinis ko. Required bang maalala ‘yong mga bagay na hindi mo na gustong alalahanin pa? Hays. Nag-ring ang cellphone ko’t sinagot ito kaagad. Tiningnan ko ang caller at si Sheena ang tumatawag. “Ely, I’m not going home tonight ha. Nandito lang ako sa mga friends ko. I’m fine here, don’t worry,” she’s not fine at all, I can sense that. Pero hahayaan ko s’ya kung iyon ang makakatulong sa kanya kahit papaano para maging maayos. “Okay, take care, Sheena.” Maikli akong sumagot sa kanya at pinatay ang tawag. Tinuloy ko lang ang pag-aayos ko ng unit at matapos nito’y nagpahinga. Monday came. Naghihintay na rin ang mga gawain sa’kin. Ngayon din ang araw na napagpasyahan naming pagkikita ni Alec. He did text me yesterday to remind me that we’re seeing each other today. As If namang makakalimutan ‘ko ‘yon. Just a usual morning class, lots of recit and assessment. Magkakaroon din ng meeting ang mga organizations after lunch kaya paniguradong makikita ko sila Sheena. Alas-tres ng hapon ang meeting sa Mabini Hall. Late na natapos ang huling klase ko kaya nahuli ako ng labing-limang minuto. Mabilis lang ako nag-register ng pangalan ko’t pumasok na sa loob. Ito ang pinaka nakakainis sa lahat ‘yong sa’kin mapupunta ang atensyon dahil nahuli ako. Hindi pa naman ako ganoong ka-komportable kapag may nakatingin sa’kin. Buti na lang ay hindi pa nagsisimula dahil hinihintay pa ang iilang mga adviser ng org kaya’t hindi ako gano’n natakot na mapagalitan. Sa likod dapat ako mauupo pero dahil nakita ako ng pinsan ko ay tinawag ako nito ng pagkakalakas-lakas kaya’t napatingin tuloy ang iba sa akin. Sa harap sila naka-upo ng mga friends n’ya, including… Xander. “Ely! Here!” Itinaas-taas pa nito ang kamay n’ya para makita ko s’ya. Lumapit ako kaagad sa pwesto nila Sheena. Ayaw ko man ng nasa harapan pero no choice na ako kung mag-iinarte pa ako. Naupo ako sa bakanteng upuan, sa tabi ni Xander. Sana naman nakiki-ayon ‘yong tadhana sa’kin ‘no. Kasi ang sabi ko ay iiwasan ko na ‘to pero para pa kaming mas pinaglalapit. Gaya na lamang n’yan ramdam ko ang mga matang nakatingin sa’kin nang nasa gawi na ako nila Sheena at higit lalo nang naupo ako sa tabi ni Xander. Mabuti na lang ay nagsimula na rin ang org meeting at nabaling na roon ang atensyon ng lahat. Napag-usapan lang doon ang recruitment ng bawat organizations ng new members at ang mga paparating na event sa mga susunod na buwan. The meeting lasted for almost 2 hours. Palabas na sana ako ng hall nang kausapin ako ni Xander, “Ely, are you free after this? I want to invite you to our friend’s welcoming party. Walang inom ‘yon, promise.” Matagal pa akong nag-isip naalala kong may kikitain ako after ng klase kaya’t tinanggihan ko muna si Xander ngayon. Hindi ko ugaling mag-cancel ng mga naunang plano para sa biglaang ganap. I stick with my words. “Uhm, I’m sorry. I have something to do after class, Xander e. Maybe next time.” I politely refused his invitation. Nakakabigla lang din na inaya n'ya ako. “Okay then, take care Ely,” matapos ng naging usapan namin ay nagpaalam na ako sa kanya. Kinuha ko lang ang mga gamit ko sandali sa locker at bahagyang nag-ayos sa comfort room, gusto kong kaaya-aya naman kahit papaano ang itsura ko. Maganda naman daw ako sabi ni Gail. Pero iniisip ko na baka n’ya lang sinasabi ‘yon dahil magkaibigan kami… Matapos kong mag-ayos ay dumiretso na ako sa Mini Saucer Cafe. Maaga pa ako ng ilang minuto sa napag-usapan naming oras ni Alec. Wala namang rason para kabahan kaya pilit kong kinakastigo ang sarili. Para naman akong tanga oh. Hindi naman kasi ako sanay sa mga paganitong meet-up atsaka mag-uusap lang naman kami’t magpapasalamat s’ya. Biglaan lang din naman ang mga pagkikitang nangyari samin ni Xander noong mga nakakaraan. At ngayon ay sa estranghero naman na nagngangalang, Alec. Inosente ako sa mga ganitong bagay at bago lang ito sa akin. Hindi lang halata… Alas-singko na at iyon ang napag-usapan naming oras ni Alec. Itinext ko agad s’ya na narito na ako. Nakaupo na ako ngayon sa loob. Napakaganda ng disenyo sa loob dahil minimal lang ito. Napapalibutan ng kulay beige ang paligid. Sa kanang parte ng Cafe mula sa pinto ay mayroong mga libro na babasahin at sa kaliwang parte naman ay maliliit na halaman. Wala akong masabi sa kabuuan nito kundi tunay na kahali-halina. Umorder na lang muna ako ng Chocolate drink at Blueberry pie habang naghihintay sa kanya. Gustuhin ko mang hintayin s’ya bago mag-order ay nakakaramdam na ako ng gutom. Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa rin ito dumarating. Walang Alec na dumating…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD