PROUD

2042 Words
CHAPTER 10     I did refused someone’s invitation just for him and guess what, there’s no Alec in front of me right now…   Sinusulit ko na lang ang pagkakataon ko rito sa Mini Saucer Cafe. They actually offered the best Blueberry pie. Kahit paano ay naibsan ang kaunting lungkot at pagkadismaya ko. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain. Iniisip ko na lang na baka mayroon siyang biglaang kailangang gawin kaya’t hindi n’ya ako magagawang siputin ngayon. Pero sana’y nag-abiso manlang s’ya at paniguradong maiintindihan ko naman iyon. Sinusubukan ko ring huwag gawing malaking bagay pa ito.   Ipinaalam ko lang kay Sheena na hindi ako makakasabay sa kanya pag-uwi. May plano rin itong gawin ngayong araw at nagsabi na ito kaninang umaga pa lang kaya’t kung saka-sakali ay hindi rin kami magkakasabay.   Inilabas ko na lang muna ang readings ko sa Media Management. Mayroon kaming assessment sa subject na ito bukas kaya kaysa sa masayang ang oras ay nagbasa na lang muna ako habang naghihintay sa kanya… Kahit na hindi ko alam kung pupunta pa s’ya.   Palingon-lingon ako sa paligid at nagbabakasakaling dumating s’ya. Marami pa ring tao ngayon dito sa Cafe. Mayroong mga kani-kaniyang ginagawa at pinagkakaabalahan.   Hindi ko namalayang nalilibang na rin akong magbasa ng mga lectures ko. Sandali pa akong tumingin sa pintuan sa may entrance ng Cafe nang biglang mapamilyaran ko ang lalaking humahangos papasok at animo’y mayroong hinahanap. Noong sandaling makita ko s’ya ay agad akong tumayo para hintayin s’ya sa gawi ko. Nang sandaling magsalubong ang mata naming dalawa  ay dali-dali itong pumunta sa harapan ko.   “I’m sorry for making you wait, Xia,” bakas sa mukha nitong nagmadali s’ya para makarating rito, tanaw ang mumunting butil ng pawis na nagmumula sa  noo n’ya at ang bahagyang nagulong buhok na wari ko’y dahil sa malakas na hangin mula sa labas. Ganunpaman, ay ‘di ito naging kabawasan sa kanyang taglay na ka-guwapuhan.   Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay parang mas lalong umurong ang dila ko.’Di ko agad nakuhang magsalita. Ganito pala s’ya sa malapitan. Lalo’t ngayon pang mas tanaw ko ang mapupungay n’yang mata dahil noong una kaming magkita ay hindi ko gaanong tanaw ito dahil s’ya ay pikit na at walang malay.     Inilahad nito ang kamay n’ya. Ang pormal n’ya masyado ngayong kaharap ko na s’ya samantalang nang nagdaang gabi ay ang lakas n’ya pa ako tawagin sa pangalang s’ya lang ang nag-imbento at gumawa.   “Nice to meet you again,” malawak itong naka-ngiti habang hinihintay na abutin ko ang kamay n’ya. Napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi n’ya. Hindi ba’t ngayon pa lang naman n’ya ako nakitang talaga dahil sa pinaka maagang memorya ko ay hindi naman n’ya ako naaalala nang inihatid ko s’ya? Napakunot-noo tuloy ako’t napaisip sa kanyang sinabi.   Narinig ko ang mahina n’yang pagtawa. “Uhm..” Itinaas pa nitong muli ang kamay at ipinakita sa’kin hudyat na tanggapin ko ito.   Iniabot ko ang kamay ko sa kanya. Dama ko ang malambot na palad nito. Walang kagaspang-gaspang. Ang sarap hawakan.   Ako na rin ang nagkusang alisin ang mga kamay namin sa pagkakadampi. Nakangiti pa rin ito sa harapan ko kaya’t hindi ko tuloy maiwasang hindi s’ya tingnan. Nakaka-distract ito masyado.   “Again, I’m sorry for making you wait,” iginiya nitong muli ang inuupuan ko para maayos akong makaupo. Hindi naman n’ya kailangang gawain iyon. Matapos ko maupo ay naupo na rin ito sa katapat kong upuan.   “Ayos lang iyon. Iniisip ko na nga ring hindi ka makakapunta,” nag-iwas ako ng tingin, nahiya akong bigla sa lumabas sa’king bibig hindi ko naman intensyong magtunog bitter pero kasi totoo naman ang sinabi ko, baka may kailangan s’yang gawin sa mga oras na ito at hindi na s’ya makakapunta. “Galit ka ba?” Ibinaling pa nito sandali ang ulo at sinilip ang itsura ko. Naiilang na tuloy ako. Bakit naman ako magagalit hindi ba? Sino ba naman ako ‘di ba? Ako lang naman ito.   “Hindi ako galit. Wala namang dapat ika-galit ‘no,” iyon naman talaga ang totoo. Sincere naman talaga ako sa sinabi ko kaya dapat maniwala s’ya.   Napatingin pa ito sa lamesa ko. Naroon pa ang pinagkainan ko. Nahiya tuloy akong nauna na akong umorder sa kanya at hindi ko manlang nagawang hintayin s’ya.   “Pasensiya ka na, nag-order na ako kanina, hindi na kita nahintay kasi nagugutom na ‘ko,” wala ng paligoy-ligoy pa. Honest lang, pero nahihiya pa rin talaga ako. “Understandable, Xia.” Napangiti ito ng malawak nang marinig ang sinabi ko. “Sandali, ano pang gusto mong kainin?,” tumayo ito sa inuupuan n’ya at tinanong ako. Busog na ako dahil sa kinain ko kaya’t maayos akong tumanggi.   Umalis pa rin ito sa harap ko para mag-order. Tinitingnan ko s’ya mula sa kinauupuan ko. Pamilyar na pamilyar si Alec unang beses ko pa lang s’yang makita ngunit, hindi na ako magtatakang hindi ko s’ya maituturing na na ibang tao kahit na ito ang unang pormal naming pag-u-usap at pagsasama.   Maya-maya pa’y  bumalik na ito sa table namin at may bitbit na kape. Kasunod nito ang isang staff dala-dala ang dalawang box ng brownies.   “D’yan na lang po. Thank you po,” narinig kong  nagpasalamat ito sa staff na tumulong sa kanya.   Naupo ito sa harap ko at inilagay ang dalawang box ng brownies. “Here, this is yours,” sandali pa itong natahimik at nagsalitang muli. Nakatingin ako sa kanya at handang makinig sa mga sasabihin n’ya sa akin. “About last time, I’m sincerely sorry for the trouble. Something happened that night that’s why…,” napahinto ito saglit at biglang nagkunot-noo. Kitang-kita ko kung paanong biglang nabago ang expression sa kanyang mukha ng simulan ang pagsasalita. Halata ring iniisip pa nito kung sasabihin ba sa akin ang dahilan o hindi.   “Kung hindi ka komportable ay ayos lang na ‘wag mong sabihin. ‘Wag kang mag-alala dahil hindi ka naman nakagulo sa’kin. Pinili ko naman talagang tulungan ka,” nang mga oras na nakita ko s’ya noong gabing iyon  ay totoo namang hindi ako nagdalawang isip na daluhan s’ya. Hindi rin siguro kakayanin ng konsensiya ko kung hahayaan ko lang s’ya roon kahit na may kakayahan naman akong tulungan s’ya.   “I actually don’t know how I’ll express my gratitude. I’m not that good with words. Pero sobra akong nagpapasalamat sa’yo. I’m planning to do something about myself that night, but your small act of kindness really did save me. That’s why I’m still here and alive,” narinig ko pa ang mahinang tawa nito matapos n’ya sabihin ang huling salita.   ‘Di lang ako makapaniwala na sa mga oras na tinitingnan ko s’ya ngayon kung panlabas ang pagbabasehan ay  iisipin kong ayos naman ito. Pero tama nga, hindi naman talaga natin malalaman kung ano nga ba ang pinagdadaanan ng tao na iyon kung hindi rin natin ilalagay sandali ang sitwasyon natin sa kanila. Nakakatuwa lang isipin na dahil sa simpleng pagpapakita ng pagmamalasakit sa iba ay malaking bagay na kung tutuusin dahil naisalba mo sila.     “I’m happy to see you alive and breathing, Alec,” natawa ako ng bahagya, ayaw ko namang bumigat ang atmospera sa pagitan namin. Kung saka-sakaling ito lang din ang pagkakataon n’yang alisin panandali ang mga nasa isip n’ya, gusto kong kunin n’ya ang pagkakataon para tumakas sandali sa lahat ng iyon habang kasama n’ya ako.   Umayos ito ng upo at uminom sa hawak n’yang kape. “I’m the one who’s happy too see you.”   Sa mga ganitong pagkakataon ko natatawag ang sarili na marupok. Masyadong malambot ang puso ko sa mga ganitong salita. I feel appreciated thinking that someone’s really happy with my presence… I didn’t hear that words often. It feels nice to hear.   Napansin nito ang binabasa kong lecture sa Media Management sa table kanina. Itinabi ko na ito at narinig ko s’yang nagsalita muli. “Hmm, Media Management, I assumed that you belong to Journalism department? What year?,”   “Yes, BA in Journalism. Sophomore. Pangalawang taon ng nakikipagbuno para maka-survive. Ikaw anong course mo?,” balik na tanong ko naman sa kanya.   “This is my 3rd year now. Business Administration ang kinuha ko,” aniya. Naalala kong sinabi na nga pala iyon ni Gail sa akin. Kaibigan at kaklase pa nga raw ito ng pinsan n’yang si kuya Kier Wayne.   “Gusto mo naman ba ‘yang kurso mo?” kuryoso kong tanong.   Walang pag-a-alinlangang sumagot ito. “Gusto ko ito at masaya naman ako sa ginagawa ko. Mukhang hindi ko rin kasi makita ang sarili ko sa ibang kurso bukod dito. And I do have so many plans in mind for the future regarding business kaya gusto ‘ko ito ipagpatuloy and my family are all supportive about it,” bakas naman talaga sa mukha nitong masaya s’ya sa ginagawa n’ya at ang mas nakakatuwa siguro ay ‘yong suportado s’ya ng bawat miyembro ng kanilang pamilya. He really looked so in love with his course. I feel the second hand happiness because it’s visible at his face that he’s happy. And I’m happy as well about it. “Ikaw, sana gusto mo ‘yong kinuha mong kurso,” he sound so hopeful. “Don’t worry, like you, I’m also in love with Journalism. Gusto kong makita ko ang pangalan ko sa ‘The Manila Times’ sa hinaharap ‘no,” nang matapos kong magsalita ay nakita ko s’yang huminga ng malalim. “I feel relieved. Ang dami ng intances na hindi nila ipinagpatuloy ‘yong desired nilang course because of some reasons. Masaya ako para sa’yo,” hindi ko lubusang maipaliwanag na sa pakikipag-usap lang sa kanya ay tunay na nakakagaan na ng pakiramdam. Sinabi n’ya kaninang hindi s’ya ganoon ka-husay sa pag-eexpress ng nasa isip n’ya pero sa palagay ko ay nagkakamali s’ya.   I continued talking, “Pero sana ay ganoon din ka-supportive ang pamilya ko,” he’s surprised a bit about what I said. Tinuloy ko pa rin ang pag-kukuwento. “They’re against about this and they did even push me to take course that I don’t like. Hindi naman talaga nila gusto itong kinuha ‘ko pero wala na silang nagawa noong nakapag-enrolled na ako,”  tumawa ako ng bahagya, sinusubukang takpan ang pait sa tono ng aking boses.   “Sa palagay ko hindi man nila gusto ‘yong kinuha mo pero ang mahalaga gusto mo ito hindi ba? You’re probably the one who’ll study for 5 freaking years and not other people. Wow, I’m proud now, Xia,” totoo naman ang sinabi n’ya ako naman ang maghihirap para rito sa gusto ko.   “Thank you, hindi ko inaasahang maririnig ‘yan mula sa’yo,” naluluha-luha pa ako ng bahagya.Talagang sa taong hindi ko pa ganoon kakilala magmumula ang mga salitang ‘yon. Ang sabi ko ay ayokong bumigat o maging malungkot ang pag-u-usap naming dalawa. But talking about personal things with him just came out smoothly.   “What do you mean? You deserve the word proud, Xia. ‘Wag kang umiyak d’yan . Baka isipin nilang pinapaiyak kita at abangan nila ako sa labas kung sino mang makakakita.” Hindi ko napigilang matawa sa sinabi n’ya. Talaga nga naman. Mayroon din pala s’yang side na ganito.   “Whatever the consequences is, in exchange for pursuing your dreams, I’m sure you’ll surpassed it. You have the right to stand for yourself. I’m hoping that someday you will have unending courage to speak up and finally be free from the things that’s been controlling you for a long time.” He said casually while looking straight in my eyes. “Why are you making me cry? Unang beses pa lang nating pormal na mag-usap tapos pinapaiyak mo na ako. Grabe ka, Alec.” Pagbibiro ko habang nagpupunas ng mga luha sa mata.   Iniabot  nito ang panyo n’ya at pinahiram sa’kin. Tinanggap ko naman kaagad ito. Hindi ko ugaling magkuwento sa iba ng mga personal na bagay tungkol sa akin. Hindi ako nagbibigay ng tiwala basta-basta. Pero sa kanya ay hindi ko alam kung bakit parang napakagaang sabihin lahat ng bagay na iyon. Just his mere presence screams comfort. And among all, he has the ability to made me feel at ease in just a single word.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD