CHAPTER 11
Hindi namin namalayang dalawa ang oras. Ang dami naming napag-usapan tungkol sa kani-kaniya naming kurso. Ang dami n’ya ring itinuro sa’king mga tips sa iba naming subject na na-take n’ya noong mga nakaraang taon. Habang kausap ko s’ya ay nararamdam at nakikita kong mahusay ito at mayroong taglay na talino. At kasabay ng pakikinig ko sa mga plano n’ya ay tunay kong masasabing, balang araw isa ang pangalan n’ya sa magiging maingay sa industriya ng negosyo. Sigurado ako roon.
“Mag a-alas otso na, Alec. Kailangan mo na ring magpahinga at umuwi,” nakuwento n’ya sa akin na marami raw silang ginagawa kaya paniguradong pagod ito. Kung ako ay busy na sa mga gawain namin ay higit na mas marami pa pala ang ginagawa nila. Naiisip ko pa lang na dumiretso pa siya rito para lang siputin ako ay bahagya akong nakokonsensiya.
“Mayroon ka bang kasabay o mayroon bang susundo sa’yo? Ihahatid na lang kita. Kung ayos lang sa’yo,” tanong nito.
“Ang pinsan ko dapat ang kasabay ko o 'di kaya ay ang susundo sa akin, kaso ay mayroon itong ginagawa ngayon. Mag bo-book na lang ako ng grab, mabilis lang naman iyon.”
Kinuha nito ang susi sa table na nasa harapan namin, tumayo ito at bumaling sa akin. “Why would I let you ride a grab at this hour? Madilim na oh. Ako naman ang nag-invite sa’yo rito kaya ako na ang bahalang maghatid sa’yo,” tumaas-taas pa ang kilay nito at kinukumbinsi ako na pumayag. Iniisip ko na paano ito makakauwi kaagad kung ihahatid pa ako. Ang layo pa naman ng unit nito mula sa inuuwian ko.
“Tara na? Iuuwi kita ng safe, promise.” Napangiti na lang ako sa sinabi nito. Sa sandaling oras na magkausap kami ay masasabi kong may kakahayahan s’yang kumbinsihin ako sa mga sinasabi n’ya.
“Para namang may choice ako, ikaw na nga itong nag-desisyon para sa akin e,” sarkastikong sabi ko sa kaniya.
Itinaas pa nito ang kamay n’ya at nag thumbs-up. “Yes, Because I know what’s the best…” itinuro pa ako nito, kumindat at nagsalitang muli “for you…” mahangin din talaga itong lalaki na kaharap ko, mukhang nag-iiba na ang unang impresiyon ko sa kanya ngayong nakasama ko s’ya. He’s not that serious at all, kasi ay isa rin s’yang maloko. Nakakatuwang tingnan ang seryoso nitong mukha sa mga ganitong pagkakataong nagbibiro s’ya, dagdag pa ang pagsasalita nito sa Filipino kahit na bakas pa rin ang German accent nito.
Nagpunta lang kami sa parking kung saan naroon ang sasakyan n’ya. Malayo ito mula sa Mini Saucer Cafe. Kaya hindi na ako magtatakang humahangos itong dumating kanina. Wari ko’y tinakbo niya ito mula sa parking.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kaniyang sasakyan. Ako na ang nagkusang pumunta sa likod na upuan. Siguradong mas magiging komportable ako rito. Mayroon pa rin naman akong kaunting hiya na nararamdaman dahil naabala ko pa siya kahit pa,medyo palagay na kami sa isa’t-isa. Dahil sa totoo lang madali naman talaga itong makalapit..
Nang oras na makapasok ako sa loob ng sasakyan niya ay agad na nanuot sa aking ilong ang mabangong amoy. Napapalibutan ito ng amoy ng may-ari. Para tuloy katabi ko lang rin siya kahit na sa katunayan ay nasa harapan ito. Hindi ito masakit sa ulo kaya’t para akong hinihikaya’t na pumikit at matulog.
Nakita ko itong tumingin sa rare-view mirror at tinapunan ako roon ng tingin. Sakto namang lingon ko rin kaya’t nagkatinginan pa kami. Nagkusa na akong umiwas ng tingin at sabay na ipinikit ang mata ko.
Narinig ko itong tumikhim at tinawag ako sa pangalang s’ya lang ang nagpasimula.
“Xia? Inaantok ka ba?,” mahinang tanong nito. “Oo, pero pipikit lang ako at baka mapasarap ang tulog ko,” nakasandal lang ang ulo ko sa upuan at nakapikit pa rin ng sagutin ko ang tanong n’ya.
Nagsalita itong muli. “Here, pillow oh. Para ‘di mangalay ‘yong ulo mo,”nagmulat ako at iniabot ang unan na binigay n’ya. “Thank you rito,” ‘di na ako nito pinansin at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Nabanggit ko sa kanya kanina kung saan ang condo na uuwian ko kaya ngayon ay tuloy lang ito.
Akmang ilalagay ko na ang puting unan sa likod ng ulo ko ay napako ang tingin ko sa nakita kong disenyo na nakalagay sa gitna. Hindi ko napigilang tumawa ng malakas kaya’t napa-preno ito.
“Huh, what happened?” Bakas sa mukha nito ang gulat at pag-a-alala.
“I didn’t know you like Penguins ha?,” tumatawa pa ring sabi ko sa kanya. Napakunot-noo ito at kinuha sa kamay ko ang puting unan na may disenyong cartoon character na Penguin sa gitna at sa ilalim naman nito ang pangalan n’ya.
Tumingin ito muli sa salamin sa harapan at sinalubong ang tingin ko. Nakataas pa ang kilay nito at namumula na ang mga tainga. Napikon ko ‘ata.
“What’s wrong with liking Penguins? They’re cute,” Nakatingin pa rin ito sa akin ng seryoso. Pinipigilan ko ang sarili na tumawa ng sobra dahil ayaw ko namang isipin n’yang mayroong mali sa unan n’ya. Nabigla lang din ako dahil hindi ko inakalang sa likod ng seryoso nitong mukha at sa tikas ng pangangatawan n’ya ay mahilig pala s’ya rito.
Umiling-iling ako at nakangiting sumagot sa kanya. “Wala namang mali, Pororo.” Sabay kaming natawa sa sinabi ko. Seems he really knew who’s I’m talking about.
“Okay hands-up na ako sa pang-a-asar mo,” nakangiti na lang ito sa akin ngayon at halatang suko na sa pangbubuska ko sa kanya. Ibinalik n’ya lang muli ang unan n’yang may design na Penguin sa gitna. Nilagay ko na ito sa uluhan ko at pumikit ng muli. Hindi na mawaglit ang ngiti ko sa mga labi dahil sa nangyari.
Ang plano kong pumikit lang sandali ay naging tulog at paghimbing. Naramdaman ko na lang ang mahinang pagtapik ni Alec sa balikat ko nang gisingin n’ya ako. Narito na kami sa tapat ng condo.
“You’re snoring, Xia. Are you that tired? Masayang-masaya ka pa sa unan ko ha.” Aba nga naman. Low-key nang-aasar rin ‘to ha. “Hindi ako naghihilik, Alec ha!” Depensa ko sa sarili, dahil totoo namang ‘di ako naghihilik. He’s lying.
“Oo na, baka umiyak ka pa r’yan,” balik na sagot naman nito agad sa akin.
Bumaba na ako sa sasakyan n’ya bitbit ang binigay n’ya sa aking dalawang kahon ng brownies. Nae-excite na akong kainin ito mamaya dahil ang itsura pa lang ay tunay ng nakakapaglaway.
“Salamat dito! Salamat sa paghatid.” Ngiting-ngiti ko pang pasasalamat sa kanya at sabay na itinaas ko pa sa dalawang kamay ang hawak na kahon.
“You’re welcome. Thank you for accompanying me last time and thank you today. Had so much fun, Xia.”
“Walang anuman, mag-ingat ka pag-uwi mo.”
Ngumiti lang ito at akmang tatalikod na sana nang muli itong humarap sa’kin.
Kinuha nito ang kamay ko. Nabigla pa ako’t hindi nakagalaw sa gulat dahil sa ginawa n’ya. Sinusundan lang ng mga mata ko ang galaw n’ya. Mayroon itong kinuha sa bulsa. Naguguluhan man ako ng hawakan n’ya ang mga kamay ko ay hinihintay ko pa rin ‘tong magsalita. Pinatong n’ya ang kamay sa’kin at mayroong inilagay na susi.
“I’m on the right state now. Here’s your spare key of my unit. It’s not mine anymore. Ikaw na ang may-ari n’yang susi. You can visit at my condo whenever you want,” tiningnan ko pa itong muli. Ito nga ang spare key ng unit n’ya.
I can’t believe him. Malakas ‘ata talaga ang tama nitong si Alec. “Nagbibiro lang ako no’n, Alec. Wala naman akong balak kuhanin at angkinin ‘yan. Tsaka, baka mawala mo ‘yong susi mo atleast may nakatabi ka pa ‘di ba?” Hindi n’ya iniisip na baka pasukin ko ang unit n’ya at basta nalang ibenta ang mga gamit. Talaga namang tiwala s’yang ibigay ang extra-ng susi n’ya ha.
Mas sumeryoso pa ang mukha nito nang marinig ang sinabi ko. Halatang hinihintay lang akong matapos magsalita para madepensahan n’ya ang sarili.
“Well, me, I’m not kidding. Sa’yo na ‘yan. Kung saka-sakaling mawala ko ‘yong sa’kin ay pahiramin mo na lang ako, ‘di ba? Okay, this is a great idea.”
Wala na rin naman akong balak makipagtalo pa sa kanya, kinuha ko na lang ito. Tumango-tango lang ito sa akin. Ang lawak ng ngiti sa labi.
Nagpaalam na ito sa akin at tumalikod na. Pero bago pa ito makalapit sa sasakyan n’ya ay sumigaw ako.
“Text me when you’re home, Penguin!”
“Sure, Bye Xia!” itinaas lang nito ang kamay at kumaway.
Hinintay ko lang s’yang sumakay sa sasakyan bago ako pumanhik sa itaas ng unit namin.
Bubuksan ko pa lang ang pintuan namin ay nakita ko na agad ang chismosa kong pinsan na nag-aabang sa’kin. Narito na pala s’ya at nauna pang umuwi sa akin.
“Elyxia Lyanne! Who’s that guy? I swear to God I’ll kill you. Are you two dating? Who’s that? Hindi ‘yon si Xander alam ko dahil di n’ya ‘yon sasakyan. Ito ba ang tamang oras ng uwi ng babae ha? Gabing-gabi na.” Dire-diretso lang ako sa table at ibinaba ang uwing brownies. Nakasunod pa rin na parang aso ‘tong pinsan ko.
“Ano Ely? Ito ba ang tamang oras ng uwi ng babae ha?” bumaling ako rito. “ Paano ba dapat ang oras ng uwi, gaya mo, umaga na?” napangiti agad ito nang marinig ang sagot ko sa kanya. “Siraulo ka talaga. Protective lang ako kunyari sa’yo ‘di mo pa sinakyan.,” binuksan agad nito ang uwi ko at kumain. Naupo naman ako sa harap n’ya para saluhan s’ya.
“Sino nga kasi ‘yon? Naglilihim ka na sa’kin ha? Di ko matataggap tong suhol mong brownies,” hindi n’ya raw matatanggap pero kasalukuyan n’ya ‘tong kinakain habang nag-iinarte sa harap ko.
“Wow ha, hindi halatang ayaw mo n’yang brownies. Tsaka hindi suhol ‘yan. Pangalawa, kaibigan ko lang ‘yong naghatid sa’kin. Ang issue mo naman. Palibhasa pag may naghahatid sa’yo ay ka-fling mo,” nang marinig ang sinabi ko ay humawak ito sa puso n’ya at nagkunwaring nasaktan.
“Ouch naman. Dahan-dahan ang saksak. Grabe ‘yang bunganga mo Ely. Nagbago ka na rin. Isusumbong talaga kita kay Lola.Siguraduhin mo lang na matino ‘yan ha. Hihintayin kitang magsabi sa’kin.” Pareho na lang kaming napailing na dalawa. Ganito kami sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Ang mag-asaran at magbardagulan. Hiling ko lang din na sana ganito s'ya parati. Alam kong may pinagdadaanan ito, pero sinusubukan pa ring umakto ng normal at masaya. Halata naman sa mga mata n'ya na malungkot ito.
Nagpaalam lang ako kay Sheena na maliligo na ako at magpapahinga. Naiwan pa ito sa kusina dahil kinakain ang dala ko.
Nang matapos akong maligo ay tiningnan ko agad ang cellphone ko. Hinahanap ko kung mayroon bang text si Alec at ‘di naman ako nagkamali dahil nakita kong mayroon nga. Nakauwi daw s’ya ng ligtas.
Sinagot ko lang ito sandali at nahiga na ‘ko para magpahinga.
Masaya ako ngayong araw at hindi ko iyon maitatanggi. Parang ang daming nangyari sa sandaling kasama ko s’ya. Nang maalala ang reaksyon n’ya habang binubuska ko s’ya dahil sa unan n’ya ay hindi ko mapigilang matawa. Sa katunayan ay pagod ako sa ginawa ko maghapon, pero ng mga saglit na ‘yon habang kausap at kasama s’ya ay di ko inaasahang posible palang maramdaman sa isang tao ang lumanay at pahinga.