CHAPTER 12
Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong nagkita kami ni Alec. Paminsan-minsan ay nagkakaroon kami ng interaksyon dahil nagrereply s’ya sa i********: story ko na random post lamang at wala namang kuwenta ang iilan. Friend ko na rin s’ya sa f*******: at fino-follow sa i********:. Doon ko nalaman na hindi ito gaanong pala-post sa kanyang mga socials. Masyadong pribado ang buhay niya. Parang artista lang ang ganap. Malinis din ang feed n’ya at puro inspirational quotes ang mga sini-share. Kung hindi ko s’ya nakasama sandali ay iisipin kong napakabait at seryoso n’yang tao kung social media lang ang pagbabasehan. But to be honest, the moment when he utter a word to speak, it’s all wisdom. I’m mesmerized.
Nakakatuwa lang na s’ya rin naman mismo ang nagtanong ng pangalan ko sa mga social media accounts ko. Nagkakausap kami sandali at nagkakakumustahan sa chat, na akala mo’y hindi kami iisa ng Unibersidad na pinapasukan. Pero sa katotohanan nga ay sa loob ng dalawang linggo na iyon ay bilang lang sa kamay ang naging pagkikita namin sa loob ng MU. Alam kong marami rin s’yang ginagawa gaya ko kung kaya’t hindi ko rin naman ito inaabala.
Narito ngayon si Gail sa condo namin ni Sheena. Maaga kaming nakauwi dahil mayroong faculty meeting ang mga Professor sa Journalism Department. Kaya heto kaming dalawa at magkasama. Parati naman. Wala kaming choice. Nagkayayaan kaming dalawa na manonood ngayon ng movie. Ito ang ikinaiinis ko sa kanya. Ang taas-taas ng IQ n’ya pero hindi matigil sa kakatanong dahil hindi n’ya raw maintindihan.
“Paano ba kasing bigla na lang s’yang nawala? Gara naman ka-bonding n’yang bida. Sabi sa’yo horror na lang panoorin natin e. Bakit ba kasi ang hina ng loob mo,” nakahalukipkip pa nitong sabi sa tabi ko.
Napairap ako sa sinabi n’ya. Sa aming dalawa talaga, s’ya itong duwag. Hindi n’ya hilig ang horror o anumang nakakatakot na palabas, samantalang ako ay iyon ang paborito kong mga pinapanood. Hindi ko alam pero kapag nanonood din ako ng mga horror at zombie movies ay mas nae-enjoy ko. I just do love suspense.
“Kaysa sa dumaldal ka kasi ay panoorin mo ng mabuti. Kainis naman ‘to.”
“Hindi ko gusto ‘tong storyline ng Paper Towns ha. Why did Margo leave? Tapos bibigyan n’ya pa pala ng iisipin si Quentin. Kung ako naman ‘tong lalaking bida hindi ko na ‘yan hahanapin, promise,” itinaas pa nito ang kanang kamay, at nangangako pa. Ang daming comment, sa susunod talaga ay magkukuwento na lang ako at hindi ko na sa kanya ipapanood.
“Ang impatient mo, Gail. ‘Wag na tayo manood ha. Chika ko na lang sa’yo at mukhang humihina na signal ng utak mo,” nagsasalita pa ako nang bigla itong sumingit sa akin. “Joke lang naman, papanoorin ko na. Mas matalino pa rin ako sa’yo. No cap.”
Dalawang oras na ang nakalipas nang matapos namin ang pinapanood. Nagdadabog ‘tong katabi ko sa ending at hindi maka-move on.
“Do you think that’s possible in real life? ‘Yong tipong you’re both cool, enjoying life and you do shits together then after that you’ll leave like nothing happened? I hate Margo. But I do love the courage and patience of Quentin. S’ya talaga ‘yong halimbawa ng martyr. Pero nakakaawa pa rin s'ya.
Seryoso at bakas sa mukha ni Gail na iniisip n’ya talaga. Nahawa tuloy ako at bigla ring napaisip. Ang sabi naming dalawa ay manonood kami para makapag-chill ‘di namin alam ay mas mai-stress pala kami.
“Hindi ko rin gano’ng gusto ‘yong ending. I’ve watched that many times but I still don’t get the idea why she gave Quentin so much to remember and leave after they do things. For sure it’s possible to happen in real life. Ang gara lang. Dahil sa mga palabas na ganiyan mas lalo lang nabubuwag ‘yong mga paniniwala ko,” maikling paliwanag ko naman sa kanya.
“Bakit ba kasi iyan ang pinanood mo sa akin? Alam mo na pala ‘tong ending e. Sa susunod nga ‘no, check mo muna kung masaya ba ‘yong ending. Malungkot na nga buhay nating dalawa ganito pa ba panonoorin natin?” pinagpatuloy lang nito ang pagkain n’ya habang naghihimutok pa rin. ‘Di ko maiwasang mapailing dahil sa sinabi n’ya. Hindi naman kami gano’n ka-lungkot at hindi rin kami masaya, sakto at pantay lang.
“Kaya nga iyan ang pinanood ko sa’yo para mag-isip ka rin. ‘Di puwedeng ako lang ‘di ba? Sige next time isu-sure kong goods ‘yong ending para ‘di triggered yang kaluluwa mo.” Natawa na lang rin ako sa sinabi ko. Maisip ko pa lang na ganoon na s’ya ka-invested sa napanood ay nakakatuwa na. Hindi ko alam na baka kaya ganoon ay nakaka-relate s’ya sa palabas, Hmm…
Matapos namin manood ay napagpasyahan na ni Gail na umuwi. Magrereview pa raw ito. Halos araw-araw naman kasi ay mayroon kaming assessment kaya’t mainam na rin na handa kami.
“Mag-ingat ka dyan, Ely ha.’Wag magpapapasok ng hindi kakilala kahit na guwapo pa ha? Ingatan ang sarili at ang puri.” Humagikgik pa ito. Natutuwa talaga s’ya sa mga ganoong joke n’ya.
“Loka-loka umuwi ka na nga. Mag-ingat ka rin medyo ano ka pa naman,” ‘di pa ako natatapos sa pagsasalita nang sumagot na ‘to ulit. Hindi nagpapatalo. “Anong ‘ano’?”
“Wala, umuwi ka na,” napangiti na lang ako.
“Pero seryoso na, mag-ingat ka d’yan ha? Text din kita pag nasa bahay na ako para ‘di ka mag-alala sa bff mong pretty.” Self-proclaimed talaga ‘to.
Tumango-tango ako sa kanya. “Okay Gail. I’m getting whipped tonight. Bye.” Kinindatan ko lang s’ya at pinagsaraduhan na ng pinto. Narinig ko pa ang sigaw nito sa labas at ang pagbabanta sa akin.
“Gaga ka talaga, Elyxia. Basta Ninang ako ha! Galingan mo.” Alam naman naming parehong biro lang iyon. Narinig ko pa ang malakas na paghampas nito ng pinto hudyat na aalis na s’ya.
Nabibigla si Gail kapag ganoong klase ang biro ko sa kanya. Palibhasa sa aming dalawa mas marumi ang isip n’ya. Nakakatawa lang s’yang asarin dahil ang satisfying ng reaction n’ya.
Nagligpit lang ako sandali ng kaunting kalat sa condo matapos umalis ni Gail. Walang pa ring paramdam at text si Sheena kung nasaan s’ya pero dahil mas nauna nga akong nakauwi ay tiyak na maya-maya pa ito makakarating dahil baka over time ang klase nila. Habang naghihintay kay Sheena ay nagluto ako ng pagkain naming dalawa para pag-uwi n’ya ay mayroon s’yang makakain.
Napapansin kong matamlay ito at malungkot noong mga nakakaraang araw. Hindi ito nagkukuwento masyado at madalang ko rin s’yang makita dahil madalas na umuuwi ito ay dis-oras na ng gabi at tulog na ako. Ayaw kong harapin n’ya lahat ng s’ya lang kaya pinaparamdam ko lang sa kanya na hindi s’ya nag-iisa sa paraang alam at kaya ko.
Napagpasyahan ko na magluluto ako ng paborito n’yang pagkain, sisig at baked macaroni. Iyan ang gusto n’ya sa mga niluluto ko. Naging busy din ako noong nakaraan kaya ngayon ko na lang ulit s’ya maipagluluto. Paniguradong matutuwa iyon.
Dahil sanay na akong lutuin ang mga inihahanda ko ay mabilis lang akong natapos. Ang tanging hinihintay ko na lang ay ang baked macaroni. Narinig kong mayroong nagbubukas ng pintuan. Hindi na ako nag-abalang lumapit pa sa may pinto dahil binabantayan ko ang niluluto ko. Pagbukas ng pinto ay narinig ko si Sheena, pati na rin ang mga kaibigan n’ya.
Parang tanga lang din ng reaksyon ng pinsan ko. Gulat na gulat pa s’yang makitang naririto na ako. Akala mong di kami nagkikita at magkasama araw-araw. Pero hindi ko rin maitago ang gulat dahil ngayon na lang din naman s’ya nauwi ng maaga dagdag pa nang makita kong kasama n’ya ang mga kaibigan n’ya. Sanay naman akong nagpupunta sila dito pero nasa loob na ako ng kuwarto o kaya’y minsan wala ako sa condo. Kahit na nakakasalamuha ko sila ay ‘di ko gaanong gamay ang ugali ng lahat kaya naiilang pa rin ako.
“Ely you’re here na pala. Kasama ko mga friends ko. Biglaan silang nag-aya rito kaya ‘di ko nasabi sa’yo. We’ll drink.” Lumingon pa ito sa gawing likuran n’ya, tinuturo ang mga kaibigan n'ya. Sinundan ko ito ng tingin at nakita ko ang mga kaibigan niyang may bitbit na mga pagkain at inumin. Nagpatuloy lang silang pumasok sa loob at ang iba’y binati ako. Mayroong hinahanap ang mga mata ko dahil nakapagtatakang wala ‘ata s’ya ngayon rito at hindi kasama nila Sheena.
“Ayos lang, nakalimutan ko rin mag-abiso sa’yo. I cooked sisig and baked macaroni for you. Ipaghanda mo rin mga friends mo, marami naman ‘yan,” nakangiti kong sabi sa kanya.
Nagtataka akong tumingin sa mukha n’ya dahil maluha-luha pa ito. Masyado nga s’yang nagiging emosyonal. Gusto ko na rin makita ulit ‘yong masaya at maayos na Sheena. Kahit na nag-aasaran kaming dalawa at paminsan-minsan ay hindi nagkakaintindihan, hindi ko gustong makita s’ya sa ganitong kalagayan. Nasasaktan din ako kapag nasasaktan s’ya, at nawawasak din ang puso kong makita s’yang malungkot. Iniisip kong ganito pala ang epekto sa kanya ng labis na pagmamahal sa isang tao na kung saan hindi mo na mamalayang unti-unti ka na pa lang nasisira at nagiging miserable.
Niyakap n’ya ako ng mahigpit at sabay na bumulong sa akin. “Thank you for existing, Ely.”
Nanlambot ang puso ko nang marinig ko s’yang magpasalamat. Tinapik-tapik ko lang ang likod n’ya at ako na ang nagkusang kumalas sa aming pagkakayakap. Seeing her cry made my heart broke into pieces.
“Sige na puntahan mo na mga kaibigan mo roon. Ihahanda ko rin ‘tong mga niluto ko. Kung may kailangan ka ay nasa kuwarto lang ako ha. Love you, ‘wag ka na umiyak.” pang-aalo ko sa kanya.
Tumalikod na ito at dinaluhan ang mga kaibigan n’ya sa sala. Tamang-tama rin pala ang pagluluto ko dahil mayroon s’yang mga bisita. Buti na lang din ay nagligpit ako. Nakakahiya pa pala kung nadatnan nilang makalat ang condo.
Hinahain ko ang mga pagkaing niluto nang may narinig ako muling mahihinang katok.
Suot-suot ko pa ang apron at hawak ang sandok sa isang kamay ay binuksan ko ang pinto. Wala na akong oras pa para magtago at mahiya dahil sa itsura ko. Ang kanina lamang na taong iniisip ko dahil wala rito at hindi kasama nila Sheena, ay ngayon kaharap ko na.