CHAPTER 13
I’m a bit shock when I saw him in front of me, but I still manage to greet him. “Hi Xander! Tuloy ka,” sinipat pa nito ang kabuuan ko. Higit lalo akong nahiya ngayon. Hindi ko na nga napaghandaang may bisita pala si Sheena tapos ay maabutan pa ako sa ganitong itsura ni Xander. Parang kanina lang ay nagtataka pa ako kung bakit wala ito tapos ngayon ay narito na s’ya.
Matiim itong nakatitig sa hawak kong sandok sa kanang kamay at muling tumingin sa apron kong suot. Halata namang nagluto ako. I-explain ko ba dapat sa kanya? Matagal pa itong nakatingin sa akin bago nagsalita.
“Wow! You can actually cook. Your apron looks nice on you,” bakas sa mukha nitong nagpipigil s’yang ngumiti. Aba! Parang gusto ko naman ‘atang mainsulto.
“Ah, talaga ba?” totoo namang ‘di ako naniniwala sa kanya. Pero natuwa pa rin ako ng punahin n’ya ito kahit na alam ko namang walang hindi ‘nice’ ang itsura ko ngayon.
Nag thumbs-up pa ito at muling nagsalita. “Yes, really. Turtle apron suits you.”
“Thank you, naroon sa sala sila Sheena. Baka hinihintay ka na nila,” I’m trying to dismissed him because I feel someone’s staring at us from his friends, ngunit mukhang ayaw pa nitong umalis sa harapan ko at gusto pa akong bolahin pero kinakailangan ko na ring pumasok sa kuwarto para mag-review at magpahinga.
Ang galing talaga mambola at magpaikot. Sanay na sanay si Xander.
Matapos kong ihanda ang pagkain ay dinala ko ito sa kanila. Para na rin matikman nila ang ginawa ko. Alam kong hindi naman ako mapapahiya dahil ayon naman kay Sheena ay masarap ang mga luto ko. Tiwala ako sa kanyang panlasa. Dahil sa katotohanan ay mapili talaga s’ya sa pagkain kaya masaya ako ng magustuhan n’ya ang mga inihahanda ko para sa kanya.
Pumunta ako sa sala kung saan sila naroon. Narinig kong inaasar nila si Xander noong lumapit ako.
“Akala ko ba hindi ka makakasama ngayon dito Xan? Dami mo pa kamong gagawin ‘di ba? Tapos nagsend lang ako ng picture ng likod ni Ely, pumunta ka na? That was fast, boy!” pang-aasar ni Mikiel. Isa sa makukulit na kaibigan ni Sheena. Wala talagang preno ang bibig nitong si Mikiel. Isa ito sa nakapalagayan ko na rin ng loob dahil mabait naman ito kahit na sobrang daldal.
“Dont exposed him too much, Miki,” mahina pang hinampas ni Kaye ang katabing si Mikiel.
Nagtawanan pa sila at pinagkakaisahan si Xander na pulang-pula na ang mukha ngayon at halatang nahihiya. Paniguradong ‘di naman ‘yon totoo kaya’t di ko na lang binigyang pansin.
“You cooked this, Ely? Mukhang masarap amoy pa lang ha. Ipagluto mo naman ‘yong isa d’yan next time,” si July, s’ya ang nag-abot ng pagkaing dinala ko at inamoy pa ito.
Gusto ko na sanang umalis sa sala at magpaalam sa kanila pero dahil kinausap pa nila ako ay naudlot ang aking pagpapahinga. Bukal naman sa loob ko na manatili at ayaw ko rin magmukhang bastos kung aalis ako.
Mayroon silang kanya-kanyang usapan, samantala, katabi ko naman si Kaye at si Mikiel. Silang dalawa ang kumakausap at nangungumusta sa akin. Maalam din sila sa kinuha kong kurso dahil noong unang taon nila ay miyembro rin sila ng Journalism kaya’t nagkakaintindihan kami.
“Bago ko makalimutan. May nagsabi sa’kin na nakita ka raw nila sa hallway last time, Ely. Natapunan ka raw ni Iris ng drinks n’ya. Basang-basa ka nga daw e. Narinig ko lang sa blockmates ko. Totoo ba?” napalingon ang lahat sa sinabi ni Mary. Kaibigan din ito nila Sheena pero hindi nila kapareho ng departamento. ‘Di ako gano’ng ka-komportable sa tinanong n’ya pero baka ‘di naman n’ya intensyong maki-usisa sadyang baka narinig at nabalitaan n’ya lang talaga. Napakunot-noo agad si Sheena at tumingin sa gawi ko, halatang nagtatanong ang mga mata nito. ‘Di ko naman sinabi ‘yon sa kanya. Hindi naman na ako bata, para magsumbong pa. At isa pa, kasalanan ko rin naman ‘yong nangyari sa’kin.
Nakita kong nag-iwas ng tingin si Xander. Tanging kaming dalawa lang naman ang nakakaalam ng nangyari. Nakatingin sila sa akin lahat ngayon at naghihintay ng isasagot ko. Lahat ay kuryoso.
“Ah, oo e. Nagmamadali kasi akong pumunta kay Ms. Apolonio noon para ibigay ‘yong mga article kasi kailangan na raw. Tumatakbo ako noon kaya hindi ko napansin si Iris at paniguradong s’ya rin ay hindi ako nakita. Pareho naman naming ‘di gusto ‘yong nangyari,” pagpapaliwanag ko.
“Hindii mo ‘yan sinabi sa’kin Ely. Wala kang kinukuwento. Tinarayan ka ba ni Iris? Anong sabi sa’yo? Sana naman nag-apology s’ya kung hindi aabangan ko talaga ‘yan. Ako ang magiging bangungot n’ya sa MU. You’ll see.” si Sheena.
“Hindi s’ya nag-sorry. Hayaan mo na iyon. ‘Di naman na dapat palakihin pa. Kaya hindi ko na rin sinabi sa’yo kasi alam kong magiging ganyan reaksiyon mo.” Mahinahon kong sabi, naiintindihan ko rin naman talaga kung maiinis si Sheena dahil ‘di ko iyon nabanggit sa kanya.
“Narinig ko lang sa mga girls na pinuntahan daw ni Alec si Iris after the incident. By any chance do you know Alec?” Do you know him?” pagtatanong ulit ni Mary. ‘Di ko agad naintindihan ‘yong tanong n’ya kaya saglit pa akong natahimik at napaisip. Nag-sink in sa akin ang ‘di sadyang pagkakarinig ko ng usapan ng mga babae sa comfort room noong kaparehong araw din na iyon.
“Have you seen Alec earlier, grabe he’s so mad to Iris.” Narinig kong kwento ng babae sa kasama nito.
“Iris deserve that. She’s so attitude.” Sagot naman kaagad ng kausap n’ya.
Bigla kong naalala ang narinig kong usapan. Hindi ako sigurado kung si Alec ba ang tinutukoy nila pero nabanggit ni Mary na blockmates daw n’ya ‘yong mga babae pati na rin si Alec. Paniguradong iisa lang ang tinutukoy nito.
Hindi ko naman kilala si Alec ng mga oras na ‘yon kaya’t paniguradong di para sa akin o dahil sa akin ang ginawa n’yang pagkompronta kay Iris. Baka nagkakamali lang sila, dahil gaya ko, ‘di pa rin naman ako kilala ni Alec no’n.
“Kilala ko s’ya, mutual friends lang, Pero ‘di kami ganoon nagkaroon ng interaksiyon. Kaya, baka nagkakamali lang kayo. ‘Di n’ya ‘yon gagawin para sa’kin kasi ‘di naman kami close,” naiilang man ay sinubukan kong magpaliwanag ng maayos. Ayaw ko sanang magsinungaling na nagkakausap kaming dalawa, pero naisip kong may mga taong di naman dapat makaalam ng mga bagay tungkol sa’yo. Ayaw ko rin na mapag-isipan kami ni Alec at baka kumalat pa ang mga balitang wala naman katotohanan at sabihing pang nagmula sa akin ang mga iyon. Sa Unibersidad pa naman namin ay mabilis ang pag-ikot ng mga isyu.
Habang nagsasalita ako kanina ay napansin kong napatitig si Xander sa akin higit lalo nang marinig ang pangalang pinag-uusapan. Biglang naging iba ang reaksiyon ng mukha nito. ‘Di ko alam kung interesado ba s’yang malaman o ano. Pero kitang-kita sa kanya na napukaw ang atensyon n’ya noong pinag-uusapan si Alec.
“Alec is kind. He will definitely do that and help you without having any second thought. He’ll do that without you even asking,” sagot naman ni Mary. ‘Di naman relate ang iba dahil di naman ‘ata nila kilala ang tinutukoy ni Mary. And even Sheena, medyo naguguluhan pa ito. Laking pasasalamat ko nang nawala sa amin ang atensyon. Ngumiti na lang ako rito biglang pagsang-ayon.
Nakakatuwang ganoon pala talaga ang ugali n’ya. Inisip ko tuloy kung nagkataon lang ba talaga ‘yon o talagang ginawa n’ya iyon para sa akin. Nagtatalo ang isipan ko’t sinusubukang tumanggi.
Nang makaramdam ako ng antok at pagod ay nagpaalam na akong papasok na ng kuwarto. Nagkakasiyahan pa rin sila at marami pang nakapilang mga inumin. Talagang dinadamayan din nila ang pinsan ko. Kahit papaano ay nakakatakas naman sandali sa stressed si Sheena sa tulong ng mga kaibigan n’ya. Napapanatag din ang loob ko.
“Mauuna na ako. Enjoy the rest of the night,” matapos magpaalam sa kanila ay mga nagpaalam din sila sa akin.
Nangibabaw nga lang ang boses ni Xander sa lahat. “Good night, Ely.”
“Good night,” saglit akong ngumiti at umalis na sa sala.
Pumasok na ako ng kuwarto ,nag half-bath lang ako sandali para mapreskuhan at nilabas ko ang mga lectures ko para magbasa ng mga readings sa subject namin bukas. Sinusubukan kong mag-concentrate pero dahil sa ingay sa labas ay hindi ko magawa. Nagkakasiyahan doon sila Sheena. Minsan lang naman sila narito kaya ayoko namang magpaka-kill joy sa bonding nila.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagscroll ng feed sa i********:. Kinuhanan ko ng litrato ang readings ko at nagstory. I captioned ‘ I can’t focus ‘. Wala pang ilang minuto ay nagreply na agad ang bestfriend kong si Gail.
@gaildlclzd
‘Why? Did you get whipped tonight bestie? Maybe that’s the reason why your mind was clouded of thoughts. How’s the experience?’
Tawang-tawa ako sa reply n’ya. Puro kalokohan talaga. Nagreply agad ako sa kanya.
@ELyanneCrnl
‘Hoy! Nag-aaral ako ‘no. Maingay dito kaya di ako maka-focus. Nandito mga friend ni Sheena ngayon e.’
@gaildlclzd
‘Okay lang yan, super talino mo na rin naman. Tama na ‘yan at masyado ka ng maraming nalalaman. Ipapatumba na kita n’yan sige! Btw, nariyan si kuya mong Alexander ‘no? Anong ganap?’
Hindi talaga ako makakatakas sa pag-uusisa ni Gail. Lahat kasi talaga ay inaalam nito.
@ELyanneCrnl
‘Wala namang nangyari, hindi naman din kami nag-usap ng matagal. Kaya ‘wag na manghingi ng kuwento. Kasi wala naman.’
@gaildlclzd
‘Parang disappointed ka ‘ata na ‘WALANG NANGYARI’, bestie?’
Napailing-iling na lang ako sa sinagot n’ya.Hindi ko na lang din s’ya pinansin, nagulat akong mayroon pa akong isang direct message at galing iyon kay Alec. Nag-reply din s’ya sa story ko. Nagulat ako kaya binaba ko pa ang cellphone ko, ‘di ko muna binuksan ang message n’ya. Ang sabi ko sa sarili ay patatagalin ko muna ‘to ng limang minuto bago ko buksan. Dahil baka masyado naman akong mapaghalataan n’yan. Para akong tangang nakatitig ngayon sa cellphone. Bumilang lang ako ng sampu sa isipan ko bago ito buksan at basahin.
@BrenYnovis
‘What’s bothering you? Tara, kape :)’
Para akong tangang napatalon-talon ng mabasa ang ni-reply n’ya sa story ko. Iilang salita lang naman ‘yon pero parang nagwala na ang mga paru-paro sa tiyan ko. ‘Di ko rin naman inaasahang ganito ang epekto ng salitang ‘Tara, kape.’ Matagal ko pang inisip ang dapat kong isagot sa kanya.
@ELyanneCrnl
‘When ba ‘yang ‘Tara, kape?’ Anyway, Okay lang ako. ‘Di lang maka-focus kasi medyo maingay ngayon sa condo.’
Pagpindot ko ng send button ay para na naman akong tanga rito sa isang tabi. Ibinalibag ko pa ang cellphone sa kama ko. Pero pinulot ko rin naman agad ito kasi baka ma-mali ng hulog at mabasag ko pa. Nang umilaw ito hudyat na sumagot na s’ya muli ay kinabahan na naman ako. Hindi pala talaga healthy na kausap ‘to. Mukhang magkakasakit pa ‘ata ako sa puso.
@BrenYnovis
‘Anong mayroon d’yan sa condo n’yo? ‘Di ka ba makapag-review? You can study at my condo if you want. Wala namang tao doon ngayon. You have your own key. Haha’
Grabeng offer naman ‘yon. ‘Di naman ganito ka-seryoso ‘tong review ko. I mean, seryoso ‘to kasi nakasalalay ang grades ko dito. Pero nakakahiya namang dumayo pa ako ‘di ba?
@ELyanneCrnl
‘Narito ang mga kaibigan ng pinsan ko. They’re having a good drink. Maingay na, mga lasing na siguro. Thank you sa offer mo, maybe next time?’
@BrenYnovis
‘Bakit di ka sumama sa kanila? Oh, Naalala ko, ‘di ka nga pala umiinom ‘no? Tama ‘yan, baby ka pa kasi.’
Natawa ako ng mabasa ang sinabi n’ya. Sana all baby.
Hindi pa ako nakakasagot ng muli itong nagreply.
@BrenYnovis
‘You can’t focus especially when it’s loud and noisy on your study place. Much better to rest and then tomorrow morning when you wake up, you can browse your readings. It’s effective, mas ma-aabsorb ng isip mo ang mga binabasa mo dahil fresh ang mind mo.’
Napangiti ako ng mabasa ang sinabi n’ya. Ang dami n’ya talagang wisdom na sini-share sa akin. Ang dami kong natututuhan sa kanya kahit na paminsan-minsan lang kami nag-uusap.
@ELyanneCrnl
‘Wow! Noted, Penguin. Thanks for the tips. I’ll probably do that on a daily basis.’
@BrenYnovis
‘You actually gave me that nickname. Okay turtle, Goodluck on your readings.’
@ELyanneCrnl
‘HOY! ALEC BREN! ANONG TURTLE?!’
Iniisip ko na agad ‘yong kaninang suot kong apron at kung saan naman n’ya nakuha ang idea na iyon.
@BrenYnovis
‘From sources, Xia. I need to go, matulog ka na rin. :)’
Sineen ko na lang ang huli n’yang mensahe. Susundin ko talaga ang sinabi n’ya. Kasi tama naman s’ya, ‘di naman talaga ako makakapag-aral ng maayos kung maingay pa rito. At bukas pagkagising ko ay magbabasa ako. Masunurin talaga ako.
Nakangiti lang ako habang nagliligpit ng mga notes ko. Masaya ako sa tuwing may nagpapaalala sa’kin dagdag pang nadadagdagan ang kaalaman ko. Isa sa rason kung bakit gusto ko s’yang kausap ay natututo talaga ako sa kanya.
Balak ko na sanang matulog nang maalala ko si Sheena. Hindi pa ako puwedeng magpahinga dahil aasikasuhin ko pa rin ang wasted kong pinsan mamaya at magliligpit pa ako ng mga kalat nila. Hindi ko naman din ‘yon puwedeng pabayaan.
Sa ngayon habang nakahiga ako sa kama at nakatanaw sa payapang langit sa labas, tinitingnan ko ang malayang buwan na animo’y nakangiti sa akin. Nang makita ko ito ay nagkusang gumalaw ang mga labi ko at hindi namalayang kumurba sa isang matamis na ngiti. Tunay na walang katumbas ang ganitong mga gabi.