CHAPTER 14
Mayroong kumakatok sa pinto ng aking kuwarto. Agad akong tumayo para tingnan kung sino ito.
“Oh, Kaye, bakit?” taka akong tumingin sa kanya.
“Uuwi na kami, Ely. Lasing na ‘yong mga boys. Ihahatid na namin sila ni Mary. Si Sheena wasted na roon ipasok mo na sana s’ya sa kuwarto n’ya. Sasakit ang likod n’ya roon at ‘di makakahiga ng komportable,” bakas sa tono ng boses nito ang pag-aalala sa mga kasama lalo na kay Sheena.
Inaasahan ko naman na talagang malalasing sila sa dami ng kanilang ininom. Lumabas ako ng kuwarto kasabay ni Kaye. Pinuntahan ko sila sa sala. Nakita kong nakahiga na sa sahig si Sheena at nakapikit na. Sila Mary ay hindi naman lasing kaya’t sa pagkakaalam ko’y sila ang maghahatid sa mga lalaki. Hinanap din agad ng mata ko si Xander, nakaupo ito sa balkonahe, nakasandal ang ulo sa upuan at nakatingala. Nakapikit na rin ito at wari ko’y lasing na lasing na rin.
“Mauuna na kami, Ely. Take care of Sheena, please.” Pagpapaalam ni Mary sa akin.
“Ako ng bahala sa kanya. Wag kayo mag-alala. Mag-ingat din kayo sa pag-uwi.”
Nakita kong sumesenyas si Mary kay Kaye, ngumunguso -nguso pa ito. Sila lang dalawa ang nagkakaintindihan.
Halatang naiilang si Kaye na magsalita pero nagpatuloy pa rin ito. “Ely, wala kasing magda-drive ng sasakyan ni Xander. Pwede bang manatili muna s’ya rito? He can’t drive. Lasing na din e. “
Nakita kong tumingin sila sa gawi ni Xander. Sinundan ko rin naman ito ng tingin. Halata rin naman sa itsura nitong hindi na n’ya kayang umuwi. Kung saka-sakali ‘di rin naman ako papayag na magmaneho pa s’ya sa ganitong kalagayan n’ya.
Sinigurado ko sa kanilang magiging maayos lang din si Xander. Alam ko ring mas mapapanatag sila kung alam nilang narito lang ito.
“Sure guys. Mag-ingat kayo” nagpaalamanan lang kami. Tinulungan ko rin silang ilabas sila Mikiel na ngayon ay pagewang-gewang na ang lakad.
Matapos kong ihatid sila sa labas ay si Sheena naman ang inasikaso ko. Nakahiga ito sa sahig at mayroon pang hawak na bote ng iniinom. Tinanggal ko ito sa pagkakahawak n’ya at tinulungan s’yang makatayo. Lasing na lasing ito. Ganito palagi ang set-up naming dalawa kapag wala na s’yang malay. Dinala ko na s’ya sa kanyang kuwarto. Inihiga ko na ito sa kama n’ya at mabilis na pinalitan lang ng damit nang sa gayon ay hindi na ito maistorbo pa sa kanyang pagkakatulog.
Akala ko’y kay Sheena nagtatapos ang gampanin ko. Pero bigla kong naalalang nasa labas pa nga pala sa Xander. Lumabas na ako’t pinuntahan si Xander na nakaupo sa upuan sa labas ng balkonahe.
Nilapitan ko ito. Nakatingala at nakasandal ang ulo nito sa upuan. Pikit na ang mga mata nito. Tanaw ang kunot nitong noo kahit na madilim at ilaw na lang mula sa labas ang nagbibigay ng liwanag.
“I feel your gaze, Ely.” Bahagya pa akong napatalon sa gulat ng marinig ko s’yang magsalita.
Naupo ako sa kaharap nitong upuan. “Ang lakas naman pala ng pakiramdam mo kung ganoon. Pumasok ka na sa loob, baka sumakit pa ang ulo mo r’yan.”Concern kong sabi sa kanya.
“Later.” Mahinang sagot nito sa akin.
Tahimik lang din akong nakaupo. Pinapakiramdaman ko lang din s’ya. Ganoon rin ang paligid, napakapayapa.
“Ely, do you think there’s afterlife?” Xander asked out of nowhere. Nakapikit pa rin ang mga mata nito kaya’t malaya kong natititigan ang mukha n’ya. Halatang mayroong banyagang lahi ang kaharap ko. Ang matangos nitong ilong, mahabang pilik-mata at makapal na kilay. Dagdang pa ang mala-abong kulay ng buhok nito.
Hindi ko namalayang iniisa-isa ko na palang tingnan ang bawat parte ng mukha n’ya. Tumikhim lang ito kung kaya’t napabalik ako sa katinuan. Naalala kong bigla ang tanong n’ya at biglang napaisip.
Naniniwala nga ba akong mayroong susunod na habang buhay?
“ Afterlife, Hmm… Wherein souls are free from any pain, suffering and judgement. Place that doesn't care how much wealth, possessions or popularity you have when you’re still alive is all meaningless. Afterlife is all about happiness and freedom. I guess, it exist.”
Nang marinig ang sinabi ko ay nagmulat ito at diretsong tumingin sa mata ko. Puno ito ng pag-asa. “If afterlife is true, I want to go there. I want to see my Mom closely, smiling and free,” nakuha ko agad ang ibig n’yang sabihin. Kumikinang ngayon ang mga mata n’ya dahil sa luha.
“Somehow, I felt good knowing that, at least she’s doing fine up there. No pain, no stressed and sufferings..” He added.
He started to wipe his tears. ‘Di ko alam ang dapat sabihin dahil ‘di ko rin naman alam ang eksaktong pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay. Siguro, higit pa sa salitang masakit at higit pa sa salitang pangungulila.
Tumayo ako’t lumapit sa gawi n’ya.
I welcomed him on my opened arms. Alam kong sa pagkakataong ito ay iyon ang kailangan n’ya.
This is Xander’s vulnerable side. Seeing him cry right now, made me realized that he looked so lost. Nakatayo ako sa gilid n’ya at naramdaman ko ang balik yakap n’ya sa aking baywang. Naririnig ko parin ang mga hikbi nito.
Wala mang salitang mamutawi sa aking mga labi, nais kong maramdaman n’yang narito ako bilang isang kaibigan para damayan s’ya. Ilang sandali pa’y naramdaman kong kumalma na ito.
Naupo ako ulit sa katapat na upuan n’ya.
Nagsalita itong muli. “ I did regret that night, if only I spend the remaining hours with her. If only I stayed with Mom. There’s so many what if’s stuck on my mind for years.”
Nakikinig lang ako sa mga kuwento n’ya. Nai-imagine ko kung gaano kahirap ang pinagdadaanan n’ya sa mga nakalipas na mga araw, ang mabuhay ng puno ng tanong sa isipan at pagsisisi. Paniguradong hindi gugustuhing makita ng Mommy n’ya na makita s’yang miserable at sinisisi ang sarili n’ya sa mga bagay na wala naman s’yang kasalanan at sa mga bagay na hindi naman n’ya kontrolado.
“After my Mom died, I stayed here in Philippines because I tried to get-away from the guilt. But I guess, I did not escaped from it at all. Because It haunted me, every damn time. I’ve been her source of headaches back then, If only I could turn back the time. I’ll make everything all right.”
Hearing all of these from him. I witnessed how badly he want to try. Sa palagay ko’y hindi naman pagtakas ang solusyon. Pero dahil magulo pa ang isip n’ya, iyon ang pinaniniwalaan n’yang tama at dapat gawin ng mga panahong iyon.
“Xander, I know you went through a lot. But your Mom wouldn’t be happy seeing you blaming yourself… Alam mo, hindi pa naman huli ang lahat para bumawi ka, nakikita n’ya lahat ng ginagawa mo, nakikita n’yang sinusubukan mo, Xander. ‘Wag mo sanang gugulin ‘yong bawat oras mo para magsisi,” sinusubukan kong aluin s’ya’t pakalmahin.
“I’ll try my best. I’m still working on it.”
“You’re not in hurry. Take your time to heal. Take your time to accept things. Little by little you’ll get there.” Tinapik ko ang kamay n’ya na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Sinundan n’ya ito ng tingin. Nakita ko ang maliit n’yang ngiti sa labi ngunit kapansin-pansin na hindi manlang ito umabot sa kanyang mga mata. Halatang malungkot talaga ito.
“’Di ko inaasahang ikaw pa ang makakausap ko tungkol dito. I’m sorry you have to saw this vulnerable side of me.” Nakaiwas na ito ng tingin sa akin.
“Sa totoo nga n’yan ay hindi ko naman nakita ang kahinaan mo. Alam mo ang nakikita ko sa’yo ngayon? Iyon ay kung gaano ka katapang, Xander.” Totoo ‘yon, mas lalo lang akong humanga sa kanya. Kung paano n’yang sinusubukang lampasan ang lahat lahat.
Inaya ko na s’yang pumasok sa loob. Gabi na at kailangan na naming magpahinga.
“Halika na sa loob, masyado na ring malamig dito.” Inalok ko ang kamay ko sa kanya at tinanggap naman n’ya ito. Inalalayan ko s’ya papasok sa loob. Dalawa lang ang kuwarto namin ni Sheena kung kaya iginiya ko na lamang sa sofa si Xander. Pinaglabas ko na lamang ‘to ng unan at comforter.
Matapos ko itong ihiga ay payapa na itong nakatulog. Sinigurado kong maayos at komportable s’ya.
Sandali ko pa itong binantayan at napagpasyahan kong magpahinga at matulog na rin.
Bago ako pumasok sa aking kuwarto ay inayos ko pa ang comforter nito sa kanyang katawan.
Tiningnan ko ang ang kanyang mukha “I’m looking forward to see you happy and free just like your Mom in afterlife, Xander.”
Maaga akong gumising para magbasa ng lectures ko. Lumabas ako ng kuwarto at pumunta ng kusina para magtimpla ng kape. Nakita kong wala na sa sofa si Xander, maayos ng nakasalansan ang unan at maayos na ring nakatupi ang comforter. Umuwi na ‘ata ito kaninang madaling araw at hindi na rin kami inabalang gisingin pa. Naalala ko ang mga ibinahagi nito sa akin kagabi. Sana ay ayos na kahit papaano ang nararamdaman n’ya ngayon at sana ay ligtas naman s’yang nakauwi.
Hindi ko na ginising si Sheena dahil paniguradong masakit pa ang ulo nito mula sa matinding pagkaka-inom kagabi. Mas mabuti na magpahinga na rin muna s’ya at lumiban na lang muna sa klase. Alam kong kayang-kaya naman n’yang habulin ang mga aralin nila.
Inilabas ko lang ang lectures at nagbasa habang sumisimsim ng kape. Maganda ang gising ko at paniguradong maganda rin ang buong maghapon ko.
Muntik ko ng maibuga ang iniinom na kape ng mabasang mayroong message sa akin si Alec. Gising na rin pala ito ng gano’n ka-aga. Binuksan ko ang message nito sa akin.
‘Stay focused, I know you’ll get an A+ on your assessment. Break a leg.” Masyado naman akong pinapaboran ni Lord. Ang aga naman din ‘atang biyaya nang mensahe n’ya. Kakasabi ko lang kaninang mukhang magiging maganda ang araw ko, pero mukhang totoo nga at nangyari na ito.
Nagtipa lang ako ng sagot sa kanya at ini-off ang cellphone ko.
Sa atin nakadepende kung paano natin titingnan ang isang bagay. Kung sisimulan ba at ikokonsidera natin ‘tong positibo o negatibo. Pero sa kaso ko, kung saan sinimulan kong itatak sa isip na maraming oportunidad at magandang bagay ang naghihintay sa akin, sa kabila ng hindi magagandang pangyayari mukhang mas maayos ngang piliin parating maging masaya.