CHAPTER 42 After an hour of travel, we finally arrived at their house. Alec’s telling me that everything will be fine. Naroon ang mumunting kaba sa aking dibdib. Ganunpaman, alam kong gaya ni Alec ay mababait din ang mga magulang nito. He is the living proof that they’re a good parents, they obviously raised their child well. Kaya, kahit papaano ay napapakalma ako nito. Papasok na kaming dalawa sa napakalaking bahay nila. Sa labas pa lang ay masasabi mo ng maraming tao ang nasa loob dahil sa nagkalat na sasakyan sa labas pati na rin sa parking. “Simple birthday celebration pala ‘to?” Pagbibiro ko sa kaniya. He’s holding my waist tightly, guiding me inside their house. Animong makakawala ako sa kaniya. “Their definition of ‘simple’ is different, baby.” Napailing-iling pa ito nang su

