CHAPTER 43 Ilang minuto na ang lumilipas simula nang umalis ako sa garden, narito ako ngayon sa rest room. Pilit kong sinasabi sa sarili na kung ano man ang nararamdaman ay hindi ko dapat hayaang makaapekto ito sa sarili higit lalo sa aming dalawa ni Alec. Naisip kong balikan ng muli si Alec sa garden. Ayaw kong mag-alala ito sa’kin sa oras na hindi ako nito makita. Hindi ako nagpaalam sa kaniya kaya’t paniguradong sa pagkakataong ito ay hinahanap na n’ya ako. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway. Madilim na ngunit dahil sa mga ilaw sapat na ito para makita ang mga taong nagkalat sa paligid. “Ely...” Napahinto ako dahil sa pamilyar na boses na tumawag sa’kin. Agad na nahagilap ng mga mata ko kung sino ito. “Xander?” Nagtataka ako ngayon kung bakit niya ako nilapitan. Gustong-g

