CHAPTER 44 “When is your enrollment, Ely? Gusto mo bang sumabay na sa’kin?” Kasalukuyang nag-aayos si Sheena ngayon, naghahanda sa pagpuntang Manila University. Nakaupo lang ako sa sofa habang pinapanood siyang magkulot ng buhok. “Mamayang 1pm pa schedule ng enrollment namin. Kasabay namin Business department. Hindi ba nabanggit sa’yo ni Kyle?” Nagkibit-balikat lang ito. Hindi sinasagot ang tanong ko. “What happened?” I curiously asked her. Nase-sense kong mayroon na naman sigurong hindi pinagkasunduan ‘tong dalawa. Sa mga nakalipas na buwan, napansin kong nag-iba si Sheena. I observed that she’s genuinely happy with Kyle. She became more patient with things, and she always chose to understand the situation first before she reacts, before she decides. Alam kong hindi naman s’ya gan

