CHAPTER 40
“Enjoy vacation, guys!”
Malayo pa lang ay naririnig ko na ang boses ni Gail. Natatanaw ko na ito ngayon na kumakaway-kaway sa iba naming ka-blockmates. Ito ang huling araw na babalik kami sa MU dahil pagkatapos nito ay bakasyon na. Narito lang kami para sa completion ng requirements.
Nang makalapit ito sa’kin ay excited ako nitong niyakap. “Finally! 3rd year, here we come!”
“Congratulations, Gail! Goodluck to us!” I congratulated her and gave her a tight hug.
“Congratulations, bestie. Two more surviving years together, okay?”
“Together, Gail.” I smiled when I saw her reaction. Umiiyak pa ito kunyari.
Sabay kaming napalingon nang magring ang phone n’ya. Agad naman n’ya itong kinuha. Lumayo pa ito ng kaunti sa’kin at tsaka ito sinagot.
Sinamantala ko rin ang pagkakataon para mag message kay Alec at kumustahin ito. He’s also busy accomplishing his final requirements for this year. Kung marami na kaming ipinasa nila Gail, mas doble ang kailangang ipasa nila Alec. Ilang araw na kaming hindi nagkikita dahil pareho kaming abala. Ganunpaman, we always make time to at least check each other.
I planned to go at his condo after this. Ang alam niya ay mayroon pa akong pupuntahan kaya paniguradong mabibigla ito.
Hindi nagtagal ay bumalik si Gail sa tabi ko. Ngiting-ngiti ito kaya naintriga ako.
“What’s with the smile, Gail?”
“David and I will go on a trip.” She excitedly utter.
Nakakahawa ang ngiti nito. Just looking at her wide smile makes me happy as well. Indeed, secondhand happiness it is.
Mapang-asar ko ‘tong tiningnan. “Hmmm, saan kayo?” Naintindihan naman agad nito ang pangbubuska ko sa kaniya. “Gaga mo naman, Lyanne. Boracay lang kami. Two weeks lang.”
“Ay ‘lang’ bitin ba ‘yon?” Namumula na ang mukha nito ngayon.
“Nahihiya ako sa pinagsasabi mo, Lyanne ha. Parang may kakaibang meaning ka r’yan!” Mahina pa ako nitong hinampas.
“But kidding aside, Gail. Mag-ingat kayo. You deserve that break so enjoy, okay?”
“We will. Thank you, bestie. Ikaw ba, mayroon ba kayong plano ni Sheena o kaya ni Alec?” Mabilis lang akong umiling sa kaniya. “I don’t know yet, hindi pa kami nagkakausap ni Sheena. Baka may sarili iyong lakad. Si Alec naman, abala pa ‘yon sa final requirements n’ya. Hindi ba nakapagkuwento sa’yo si kuya Kier? Marami pa silang dapat tapusin e.”
“Regardless, mag-enjoy ka pa rin tsaka magpahinga. Give me a call when you need me, bestie ha.” Hinawakan pa nito ang dalawa kong kamay.
“Huwag mo ‘kong alalahanin. I’ll be okay here.” Saglit akong tumahimik at muling nagsalita.“‘Di na rin kita kakausapin kapag wala kang pasalubong, Gail. Kaya huwag mong kalimutan.” I joked.
Lumapit ito at bumulong. “Sure, uwian kita boylet.” Sinamaan ko s’ya ng tingin nang marinig ang sinabi. “Sige, uwian mo pa ako ng sampung, Alec Bren.”
Natawa ito. “Aww, malakas na pagkakahulog mo.”
“Atleast, sinalo.” She slightly raised her brow. “E di, ikaw na champion.” We both laugh at her response.
“Uuwi ka na ba? Sinabihan kita kagabi na kakain tayo ng buong block after nito.” Biglaang pag-iiba ni Gail ng usapan.
Sandali akong napaisip. Hindi naman ako um-oo sa kaniya, pero iyon na nga ang plano nila noong nakaraang gabi pa at nabanggit ko na ‘yon kay Alec.
“I can’t go, Gail. Balak kong puntahan si Alec. Ngayon lang din ako nagkaroon ng pagkakataon, sunod-sunod na araw na busy tayo. Gusto kong samahan muna sana s’ya.”
Mahina nitong tinapik ang balikat ko. “Naiintindihan ko, ikumusta mo na lang din ako sa kaniya, bestie.”
“Thank you, Gail. I need to go. Enjoy!!”
Pagtapos naming mag-usap ni Gail ay nauna na akong nagpaalam dito. Hinihintay n’ya pa ang ibang blockmates namin dahil mayroon pa silang lakad. Agad akong lumabas sa main gate ng MU at pumunta sa waiting shed para roon mag-abang ng masasakyan.
I checked my phone while waiting for taxi. Nabasa kong mayroong message si Alec. Hindi ko na ‘yon sinagot dahil gusto ko itong surpresahin. Pero ilang minuto lang ang nakakalipas ay nakita kong tumatawag na ito.
“Hey.” Narinig kong sabi n’ya sa kabilang linya.
Agad na kumurba ang mga labi ko sa isang ngiti. “How are you?” I asked him.
“I’m fine baby. But I didn’t sleep yet.” Bakas sa malambing nitong boses ang pagod. “Are you sleepy? Matulog ka muna kahit ilang minuto. Tatawagan kita para magising ka.”
Hindi n’ya pinansin ang sinabi ko at sunod-sunod itong nagtanong. “Kumusta pagpapasa mo ng requirements baby? Where are you right now? Kasama mo na mga kaklase mo?”
“Mabilis lang akong natapos at hindi naman nagkaproblema. Narito ako ngayon sa shed naghihintay ng masasakyan.” I casually said. Hindi ako nagpapahalatang excited na akong makita at makasama s’ya.
“Huh? Why? Mag-isa ka lang? Bakit hindi ka sinabay nila Gail?” Halata sa paraan ng pagsasalita nito ang pagtataka at pag-aalala.
“No, no, I cancelled my plans. Nagpaalam ako na ‘di muna ako sasama sa kanila.”
“Why did you cancel?!” Hindi ko nakikita ang mukha nito, pero nasasalamin ko na ang itsura n’ya ngayon. Paniguradong nakakunot-noo ito at naghahanda na akong pagsabihan.
“I’ll be there in 30 minutes baby.” I smiled as if he was seeing me now.
Narinig ko ang malalim nitong pagbuntong-hininga. “Xia...” Naroon ang awtoridad at ang bahagyang pagbabanta. “Why did you cancel?”
“Priorities, baby.”
Sandali itong natahimik. Hindi kumikibo. “Do you want me to fetch you?”
Hindi ko napigilang malakas na matawa. Because I know he wanted to see me too. “Huwag na, hintayin mo na lang ako r’yan.”
“Are you sure?” Paninigurado n’ya.
“Yes. Sandali ito na ‘yong sasakyan. Bye baby, see you in a few.”
Bago ko patayin ang tawag ay narinig ko pa itong muling nagsalita. “I love you, turtle.”
Abot tainga ang ngiti ko ngayon, hinding-hindi ako magsasawang marinig iyon mula kay Alec. Sa tuwing sasabihin n’ya kasi ang tatlong salitang ‘yon ay ramdam kong puno ito ng pagmamahal at ng sinseridad.
“I love you, Alec.” Mahina kong bulong sa sarili.
I’m on my way to his condo unit. Naging mabilis lang ang byahe. Nagpababa ako sa coffee shop malapit sa Noble Place para bilhan si Alec ng kape pati na rin ng brownies. Hindi ganoon karami ang tao sa Café kaya’t nakapag-order ako agad.
Nang oras na makuha ko ang binili ay hindi na rin ako nagtagal. Nilakad ko na lamang ang condo n’ya dahil malapit lang naman ‘yon.
Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na ako sa unit n’ya. Excited akong mayakap si Alec. Ilang araw ko ng hinahanap-hanap ang init ng yakap nito. Kaya susulitin ko na ang pagkakataon ngayong makakasama ko s’ya.
Hindi na ako nag-abala pang kumatok, kusa ko na lang binuksan ang pintuan. Naabutan ko itong nasa sala at abala sa kaharap na laptop. Tutok na tutok sa pagtitipa. Kung hindi ko pa s’ya tinawag ay hindi n’ya malalamang nakarating na ako. Ganoon na lamang nga siguro ka-okupado ang isip nito dahil sa dami ng ginagawa.
“I’m here, baby!” Pagkuha ko sa atensiyon ni Alec. Nakita kong lumingon ito sa gawi ko. Halatang-halata sa mata n’ya na wala pa s’yang maayos na tulog pero nang makita ako ay agad na nagliwanag ang kaniyang mukha. Dali-dali ako nitong nilapitan.
“I miss you, Xia. Sorry, I have a lot of paperwork to do, ‘di na tuloy kita nasamahan ngayon.” Mahigpit niya akong niyakap, isinandal n’ya pa ang ulo sa balikat ko. “Ang sabi ko naman sa’yo ay ayos lang ‘yon. Pareho tayong mayroong dapat tapusin at importante iyon. Makakapaghintay naman din ako, hindi mo kailangang magsorry.” Tinapik-tapik ko ang likod nito.
Humiwalay na ito sa pagkakayakap sa’kin, maayos ko ‘tong tiningnan. “Kumain ka na ba? I bought coffee and brownies for you, baby.”
“How sweet of you, Xia. Tamang-tama hindi pa ako kumakain.” Hinila ako nito papuntang kusina, inilapag ko lang ang pagkaing binili para sa kaniya. Saglit pa akong kumuha ng platito at kutsara. Nakaupo na ito at sinusundan lang ng tingin ang bawat galaw ko. Nang makabalik ako sa mesa ay uupo na rin dapat ako sa katabi n’yang upuan nang hawakan n’ya ang kamay ko at marahan akong hinila paupo sa kandungan n’ya.
Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa ginawa n’ya. Pakiramdam ko’y nag-iinit ang magkabila kong pisnge at gusto ko na lamang ibaon sa unan ang mukha dahil sa hiya dahil sa posisyon naming dalawa ngayon.
“Breath, baby.” Itinapat nito ang bibig sa aking tainga. Para naman akong batang sumunod sa sinabi n’ya. Huminga ako nang malalim. Dahil sa katotohanan ay parang ilang segundo ko nga ‘atang nakalimutang gawin ‘yon.
I heard his laughter. “Cute, cute. Why are you so stiff?” Napakahigpit ng pagkakayakap sa’kin ngayon ni Alec habang nakakandong ako sa kaniya. Animong ayaw akong pakawalan. “Paano ako makakagalaw ha? Ang higpit ng hawak mo sa’kin.” Matapang kong sabi kahit na pakiramdam ko ay nanlalambot na ang aking mga tuhod.
“I miss you so much.” He’s giving me soft kisses in my neck.
“Y-you’re tickling me, Alec.” My voice hoarse because of what he is doing.
Narinig ko lang ang mahinang tawa n’ya sa likod ko. Kumuha ako ng brownies at sinusubuan s’ya.
Payapa lang kaming kumakaing dalawa. Sinasamantala ni Alec ang oras na akala mong hindi s’ya abala ngayon sa mga ginagawa. Kinuha nito sa kamay ko ang ponytail at maayos na itinali ang buhok ko. Lumingon ako ng kaunti para bahagyang maharap s’ya.
“Pagtapos natin kumain, magpahinga ka muna. ‘Yang mata mo, parang ilang minuto na lang bibigay na.” Marahan ko pang hinawakan ang talukap ng mata niya.
Malambing ang boses nitong sumagot sa akin. “I’m resting now, Xia.” Isinandal n’ya pa ang sarili sa’kin.
“Kahit sandali lang. Please, baby?”
“Last subject na lang ‘yon, turtle. I’m going to finish it. So that we can have our bebe time.”
“Okay, hihintayin kitang matapos. Halika na, tumayo ka na r’yan ng maipagpatuloy mo na. After no’n pahinga ha?” He nods. “Yes, baby. Give me five more minutes.” Nakita kong ipinikit nito ang mata at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa’kin. I know he desperately want us to stay like this, pero may mas importante s’yang dapat unahin at naiintindihan ko ‘yon.
“Time’s up, baby. Halika na.” Tumayo ako mula sa pagkakakandong sa kaniya. Sa mahigit sampung minuto nitong nakasandal sa’kin ay naramdaman kong nakaidlip at nakapagpahinga ito. I feel relieved, at least he has the energy when he starts doing his things again.
Tumayo na rin ‘to at sinundan akong pumunta sa sala. Naupo ako sa sofa at si Alec naman ay sumalampak sa lapag, muling itinuon ang atensiyon sa ginagawa. I can’t help him with what he’s doing but I want him to know that I’m just here by his side, cheering him up.
I’m just watching him seriously typing on his laptop. His brows are slightly furrowed. I realized at this moment that, he’s very eager to achieve his heart desires and someday, I can’t wait to see all of his hard work to be paid off.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog. Naramdaman ko lang na ginising ako ni Alec dahil madilim na. Nakatulugan ko na ang paghihintay sa kaniya kanina.
“Tapos ka na?” Tumango s’ya sa’kin. “Ihahatid na kita baby, madilim na.”
Nakahiga pa rin ako ngayon, nakatayo naman si Alec at bahagyang nakayuko ang ulo habang kausap ako.
I opened my arms wide waiting for a hug. Nang makita ang ginawa ko ay mabilis itong lumapit sa’kin at niyakap ako. “Congratulations, baby. Makakapagchill ka na after mong maipasa ‘yan.”
“I know right. You can have my all time, turtle.” Bumangon ito pero hindi pa rin ako umaalis sa pagkakayakap kaya’t sa pag-angat n’ya ay kasama ako.
“Who’s the big baby now ha, Xia?” Buhat-buhat na ako nito ngayon. “’Wag mo na ako ihatid.” Nakakunot-noo ito ngayon at nagtataka. “Huh, why? Gabi na, oh.”
Nginitian ko s’ya at mabilis na dinampian ng halik sa labi. “I’ll spend the night with you, kaya ‘wag mo na ako ihatid.” He smiled widely when he heard what I said. “Really? You didn’t tell me. Plano mo ‘to ‘no, baby?” I cling to his neck. “Surprise, then.”
After eating dinner, we decided to sleep already. I just took a quick shower, pinahiram pa ako nito ng shorts at t-shirt n’ya. I am lying on his bed while waiting for him to finish taking a bath.
Narinig ko ang pagpihit ng seradura ng pinto ng bathroom ni Alec. Tapos na itong maligo. Napalingon ako sa gawi n’ya. He’s just wearing his comfy short and nothing on top. This man’s really a walking fire. How can he be this fine. Hindi manlang ‘ata nagkaroon ng pagkakataon na hindi naging maayos ang itsura nito.
Nagpupunas ito ng basa n’yang buhok. Tutok ang mga mata sa’kin. “Come here,” Aya ko sa kaniya. Lumapit naman ito at naupo sa kama. Iniabot at ibinigay sa’kin ang hawak na tuwalya. Ako ang nagpatuloy sa pagpupunas sa kaniyang buhok. Habang ginagawa ko ‘yon ay nagsalita ito.
“Xia, month from now, we’ll going to celebrate our 8th month. I want you to meet my parents, ayos lang ba sa’yo ‘yon?” Matagal na naming pinaplano ‘yon pero ngayong binuksan n’ya ulit ang usapin tungkol doon ay hindi ko mawari ang nararandaman.
“Kinakabahan ako. Paano kapag ‘di nila ko nagustuhan?” Lumingon agad si Alec sa’kin. “’Wag kang kabahan, they knew you, Xia. Mom and dad actually liked you. I just want you to formally meet them.”
“Totoo ba ‘yan? Baka sinasabi mo lang ‘yan ngayon sa’kin para di ako kabahan.”
Kinurot nito ang pisnge ko. “Stop pouting, baby. And yes, totoo nga ‘yong sinasabi ko.”
“Hay nako, Alec Bren. Kapag ako inuuto mo lang. Makakatikim ka talaga sa’kin.” Pabirong pagbabanta ko sa kaniya.
“Makakatikim ng ano?” He quickly gave a peck on my neck. “Ng kiss?” Natatawa pa s’ya sa kalokokohan n’ya. Kung alam lang n’ya ‘yong epekto n’ya sa’kin. I showed him my close fist. “Eto, oh.”
“Sungit.”
Iniayos ko ‘yong unan naming dalawa at tsaka ako pumuwesto ng pagkakahiga. Tumabi naman agad ‘to sa’kin. Maingat na iniangat pa nito ang ulo ko at inilipat sa pagkakaunan sa braso n’ya. Komportable pa akong nakadantay sa binti n’ya at nakayakap. Napakalapit namin sa isa’t-isa kaya’t amoy na amoy ko ang bango nito. I’m feeling his body’s warm. It screams comfort.
Alec is looking straight in my eyes. “I wish moments like this last forever, Xia.”
“It last forever, baby.” Itinuro ko ang dibdib n’ya kung saan naroon ang kaniyang puso. “In our hearts, who holds every moment and memory.”
“Goodnight, Xia.” He leaned closer to me and kissed my forehead.
“Dream of me, Alec.” I joked before I closed my eyes.
Just like him, I wish everything last forever at kung saka-sakaling maglahong parang bula ang lahat, alam kong mananatili ‘yon sa aming mga pusong hindi marunong kumalimot.