CHAPTER 39
It’s a fine afternoon and we’re doing groceries today. This is our usual weekend date. Just us spending time and accompanying each other.
I moved my gazed to the man beside me. He looks good in his plain brown shirt and white shorts. Simple yet he got the attention of everyone here in the store. While me, I'm lowkey proud of him. I’m the girlfriend, people.
“That’s all?” Pagtatanong nito sa’kin habang tulak-tulak ang pushcart na hawak n’ya.
Tiningnan ko munang muli ang listahan na ginawa ko para sa mga bibilhin namin ngayon. Sinisigurong nakuha namin lahat ng kailangan. Ang totoo ay para sa unit lahat n’ya itong binibili naming stocks. Ako lang ang naglilista para wala kaming makalimutan. Isa pa, sa dalas naming magkasama parati ay nasasaulo ko na lahat ng gusto n’yang pagkain pati na rin ‘yong mga kailangan n’ya sa condo.
Lumingon ako sa kaniya. “Yes. May idadagdag ka ba?”
Umiling lang ito sa’kin. “How about you? I checked your personal toiletries earlier, wala ng laman ‘yong shampoo at cleanser mo.”
“Mayroon pa ako sa condo namin. Bibili na lang ako kapag naubos na.” Hinawakan ko ang isa n’yang kamay. Hindi pa rin ‘to kumikilos, tinitingnan lang ako.
“I mean your personal toiletries in my condo, wala na. Paano kapag nandoon ka, wala kang gagamitin. Tara na, let’s buy it.” Idiniin n’ya pa talaga ‘yong salitang ‘my.’ Dahil nagstock din si Alec ng iilang gamit ko sa condo n’ya, madalas kasi akong naroon. Lihim na lang akong napangiti dahil ultimo ang ganitong maliliit na detalye sa’kin, gaya na lamang ng ginawa n’yang pagtingin sa mga gamit ko para siguraduhing mayroon pa ay sobrang nakakatuwa.
Hinila ako nito paalis doon sa meat section. “Ginagamit mo rin kasi ‘yong shampoo ko roon sa condo mo.” Pang-aasar ko sa kaniya. Maraming beses na tinatanggi n’yang ginagamit n’ya pero kapag inaamoy ko naman ang buhok n’ya ay halatang-halata naman ito.
“Wala kang proof, turtle.” Nangingiti-ngiti n’yang sabi.
“Lumapit ka rito, dali.”
Agad ‘tong lumapit sa’kin at yumuko. “Ki-kiss mo ba ‘ko?”
Hinablot ko ‘yong buhok n’ya at inilapit sa akin, inamoy ko ‘to. “Wild. Masakit, baby.” Tinatanggal nito ‘yong kamay kong nakasabunot ngayon sa kaniya.
“See? Amoy strawberry ‘yang buhok mo. Ikaw talaga umuubos ng shampoo ‘ko.” Binitiwan ko na siya agad. Nakapout pa ito ngayon sa akin at nagpapaawa. What a big baby.
“My bad. Kapag ginagamit ko kasi ‘yon feeling ko parati ka lang malapit sa’kin.” Seryosong sabi nito. Clingy si Alec, lalong-lalo naman ako sa kaniya. Kaya naiintindihan ko s’ya ngayon. Ako nga ay ginawa ko pang punda ng mga unan ang ibinigay n’ya sa’king mga t-shirt n’ya e. Gustong-gusto ko kasing maramdaman na kasama ko pa rin s’ya hanggang sa pagtulog.
He stopped and he opened his arms wide. “Hug, Xia.”
I’m trying hard to contain my smile. Ito ang iilan sa mga dahilan kung bakit kami nagtatagal sa mga gawaing mabilis lang dapat naming natatapos. Paminsan-minsan ay pinagbibigyan ko s’ya sa mga ganito, pero madalas talaga ay hindi kapag maraming tao. “PDA, Alec.”
Kumunot-noo itong katabi ko. “You kissed me in the concert. Dami-daming tao no’n e.” Hindi na ako sumagot sa kaniya at mabilis ko itong binigyan ng yakap. Iyon palagi ang pangbala n’ya sa’kin. Gusto naman n’ya ‘yon at pabor na pabor sa kaniya.
I gave him my full smile. “Happy, baby?” Tumango-tango ito at ibinalik lang din n’ya sakin ang malawak na ngiti.
Nang makarating kami sa toiletries section ay si Alec na ang kumuha ng mga kailangan ko. Kabisado n’ya rin ‘yon lahat. Kaya prenteng nakatayo lang ako habang pinagmamasdan s’yang gawin ‘yon para sa’kin. Nang mayroon akong maalalang bilhin ay nagpaalam ako sa kaniya sandali na mayroon akong titingnan. Itinuro ko sa kanya kung nasaang gawi ako para mabilis n’ya akong makita.
Pumunta ako sa tabi ng toiletries section kung saan naroon ang mga spray disinfectant. Si Alec pa nga ang nagrekomenda sa’kin ng ginagamit n’ya sa condo n’ya. Kaya simula no’n ay bumibili na rin ako ng gaya sa kaniya.
Sinipat ko ang mga disinfectant. Nasa bandang itaas ang ginagamit ko. Sinubukan ko ‘yong abutin ngunit hindi ko nagawa. Nagulat na lang ako ng mayroong kamay ang umabot at kumuha no’n para sa’kin.
“Long time no see, Ely.” Saktong paglingon ko sa kaniya ay iniabot nito sa akin ang spray disinfectant.
I was caught off guard. “Xander...”
“How are you?” Pagtatanong n’ya sa akin. Ngayon ko lang din napagtanto na ang tagal din naming hindi nagkita ni Xander. Nakakapanibago ang itsura nito. He looks a bit matured than before.
Itinaas ko ang hawak na disinfectant na iniabot n’ya. “Thank you rito, Xander. Ayos lang ako, nagkukumpleto na lang ng requirements since magbabakasyon na.”
“That’s good to hear. Are you with someone? Do you want me to help you?” Tumingin-tingin pa ito sa likod ko. Kinukumpirma kung mayroon akong kasama.
Saktong magsasalita na ako para sagutin s’ya ay...
“Baby, wala ‘yong brand ng sanitary napkin na ginagamit mo. Okay na ba ‘tong--?” Alec is looking straight to me. Nang mapagtantong may kausap ako sa harap ay tumigil ito.
Sabay kaming napalingon ni Xander kay Alec. Tulak-tulak nito ang pushcart gamit ang isang kamay at ang isang kamay naman n’ya ay mayroong dala-dalang napkin. Nakakunot-noo ito ngayon.
“Ah, kasama ko si Alec. Boyfriend ko.” Pagpapakilala ko kay Alec. Lumapit agad ako sa tabi nito at hinawakan ang kamay niya. Seryoso lang n’ya akong tinapunan ng tingin no’ng gawin ko iyon.
Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang tensyong nararamdaman ko rito sa dalawa gayong wala naman lumalabas sa kanilang mga salita.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Xander. Lumipat pareho ang mata namin ni Alec sa kaniya.
“Oh, I see. Goodluck, Xia.” He surveyed Alec from head to toe before he turned his back to us.
Naiinis ako sa paraan ng pagkakasabi ni Xander pati na rin ang paraan ng pagtingin n’ya kay Alec. Alam kong mabait s’ya sa’kin pero hindi ko palalampasin ang ginawa n’ya ngayon. I would not let anyone disrespect my boyfriend. Dahil parang ako na rin ‘yong hindi n’ya ginalang kung ganoon.
“Gago.” Hindi ko napigilang ibulong ‘yon sa aking sarili. I was mad. But I stayed calm as possible.
Ramdam na ramdam ko ang paghigpit ng pagkakahawak sa’kin ni Alec. Hinarap ko agad ito.
“Are you okay, baby?” I looked intently at his face. Namumula ‘to ngayon. Alam kong nagpipigil s’ya ng inis. Kabisadong-kabisado ko na si Alec. Hindi naman ‘to war freak, he handled his emotion well.
I tiptoed and grabbed him closer to me. I gave him a soft kiss. Hindi ko napigilang mapangiti sa pagitan ng pagkakadampi ng labi namin. Nakapikit kasi ‘to at ayaw pang humiwalay sa’kin. Nang maramdaman n’yang nakadilat na ako’t nakatitig sa kanya ay bigla itong humiwalay pagkatapos ay umiwas ng tingin.
“What did he say to you?” Seryoso pa rin ‘to ngayon. Mukhang hindi nakuha ng pampakalma kong halik.
“Kinumusta ako. Iyon lang. Kilala mo ba s’ya? Bakit ganoon na lang s’ya magsalita?”
“I do. Let’s not talk about him.” Maikli nitong sagot sa’kin. Hindi na ako nagtanong pa sa kaniya kasi ayaw ko rin naman ng pag-usapan pa ‘yon. Dahil mas lalo lang akong naiirita sa iniasta n’ya sa aming dalawa ni Alec.
“Baby?” Pagkuha ko sa atensyon n’ya.
“Hmmm?”
“Ayos na ‘yong kinuha mong napkin. May wings ba ‘yon?” Natatawa na ngayong sabi ko sa kaniya.
Nakita ko na s’yang ngumiti ulit. Ang guwapo n’ya kapag ganito. But when he’s mad, he’s totally different because he looks damn hot. “Yes, I won’t forget that.”
Nang matapos kaming mamili ay nagbabayad na sa counter si Alec. Naghihintay lang ako sa kaniya sa waiting area malapit sa grocery store. Mahaba ang pila kaya sinabi n’yang hintayin ko na lang s’ya. Pumayag naman ako dahil tanaw na tanaw ko lang ito.
I’m just browsing our picture together earlier in the car while waiting for him. Ngayon ko lang napansin na pareho na naman kami ng kulay na suot. Napatingin tuloy ako ngayon sa kaniya habang nakapila sa counter. Naabutan kong nakatitig na rin ‘to sa’kin. Sabay pa naming nginitian ang isa’t-isa.
I remember the first time that Alec and I had a matching outfit. Iyon ay ‘yong pangalawang araw ng College Week. Kaya pala no’ng magkasama kami ay tinanong n’ya pa ako ng kulay na isusuot ko raw kinabukasan.
“Where are you? Narito na ako sa booth namin.” Tinawagan ko s’ya. Hinihintay ko s’ya ngayon dahil mayroon kaming usapan na magsasabay kaming dalawa na magbreakfast.
“I’m here na, Xia. Natatanaw ko na ‘yang nakakunot mong noo.” Narinig ko pa ang tawa nito sa kabilang linya.
Pinatay ko na ang tawag at hinintay lang s’ya. After a minute, nakita kong papalapit na si Alec sa gawi ko. Ang unang-unang napansin ko talaga sa kaniya ngayon ay ‘yong kulay ng suot n’ya. He’s wearing a plain old rose polo shirt, it is tuck-in with his white pants. Nakasuot pa ito ng shades. Kaya kulang nalang siguro ay mapanganga ako ngayon sa itsura n’ya. Napakaguwapo nito.
“Hi, pretty.” Nang makalapit ‘to sa’kin ay agad ako nitong binola. S’ya nga itong guwapo ngayon.
“Hello po kuya pogi. Puwede pa-picture?” Biro ko sa kaniya.
“Sure. Kahit iuwi mo pa ‘ko. It’s fine.”
“Heh! Kaya pala tinatanong mo kahapon kung anong kulay ng isusuot ko ha. Couple na couple tuloy dating natin ngayong dalawa.”
Tumabi ito ng upo sa’kin. “We’re a couple. Do you like it? I never thought having matchy outfit would be this cute.”
Starting that day, everytime we’re going out on a date he’ll always ask what I would wear to match my outfit. Alec is really doing things unexpectedly and that’s made me happy. Effortlessly, he’s making me fall for him more without him even knowing.
I always ran for Alec to have peace and rest. I always looked for him at times that I felt scared and threatened because I felt my safest with him. I could not think that the most accurate explanation of my peace was his existence.
In our 5 months of being together, I can say that we are the happiest. I didn’t regret spending my day with him. Being each other’s rest, rant buddy, travel buddy and each other’s mentor. He taught me so many things. Doon ko napagtantong hindi lang puro kilig sa relasyon, kundi sasamahan at tuturuan n’yo rin ang isa’t-isa para maggrow at para mas maging better na tao.
I appreciate him and the things he has done for me in the past months until now. Folding clothes when I’m exhausted. Washing the dishes after I cooked breakfast for him. He sending flowers just because. Indeed, it is always the little things. And above all, understanding and choosing to stay with each other through thick and thin is the key.
Hindi ko namalayang nakalapit na pala s’ya sa’kin, nakaupo na ito ngayon sa harapan ko. Pinunasan ko ang mumunting mga luha sa’kin.
Puno ang mata niya ng pag-aalala.
“What’s wrong, Xia?” Tiningnan pa nito ang phone ko. Nagtataka kung bakit ako ngayon umiiyak.
“Our first matching outfit made you cry? Hindi mo ba gusto ‘yong picture na ‘yan?” Seryoso n’yang tanong.
Mabilis ako nitong napatawa. “Hindi ha. Ito ang isa sa mga paborito ko.”
“Then, why are you crying?” Napakalambing ng tono ng boses nito sa’kin ngayon. Hinawakan n’ya pa ang dalawa kong kamay na nasa ibabaw ng mesa.
“I just appreciate you and the things you’ve done for me. Thank you, Penguin.”
“You don’t have to thank me for receiving what you deserve. But thank you for appreciating me, baby.”
“Let’s go?” Pag-aaya ko ritong umuwi na kami.
“I deserve a cuddle.” Parang bata nitong hiling sa’kin.
Tumayo na ako sa pagkakaupo. “After natin ayusin lahat ‘yang mga pinamili.”
He smiled widely. “Promise?”
“Promise, love.”