CHAPTER 38
Komportable akong nakaupo ngayon sa sofa sa loob ng kuwarto ni Alec. Ito ang unang beses kong makapasok sa kuwarto n’ya. Gaya noong sa sala ay napalilibutan ng kulay abo ang kabuuan ng kuwarto. Nalanghap ko agad ang mabangong amoy n’ya na nanunuot sa buong paligid. Napansin ko rin ang maayos na pagkakasalansan ng mga unan at comforter sa ibabaw ng kama n’ya at ang mga gamit n’yang parang walang bahid ng kung anong dumi at alikabok, animong hindi n’ya talaga pinapalampas ang isang araw na hindi n’ya ito nalilinis at iniaayos. Well, I expected him to be this clean and organized.
Alec is still cooking in the kitchen. Gustuhin ko man na maging behave lang rito sa sofa at tumingin-tingin lang sa paligid ng kuwarto n’ya pero hindi ko kaya dahil ganoon na lamang ang pagnanais kong libutin ang kabuuan. Tumayo ako at lumapit sa night table katabi ng kama n’ya. Mayroong tatlong maliliit na frame sa ibabaw at sa likod no’n ang lamp at alarm clock. Tiningnan ko isa-isa ang mga larawang naroroon, ang unang-unang pumukaw sa atensyon ko ay ang larawan ni Alec no’ng s’ya ay bata pa. Nginiting-ngiti ito at labas pa ang maliliit at puting-puting mga ngipin. Mayroon pa ‘tong hawak na stuff toy at walang iba kung hindi Penguin. No doubt he’s really into Penguins. Hindi ko na mabitawan ang larawang iyon ni Alec, I'm too soft for this little Alec Bren.
Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa at kinuhanan ng litrato ang frame na mayroong picture ni Alec. I wanted to keep this, gusto ko rin maglagay ng litrato n’ya sa beside table ko sa condo. Tiningnan ko naman ang dalawa pang larawan, ang isa ay s’ya pa rin ngunit mayroon ng kasamang batang babae, they’re both in the swing looking adorable and smiling in the camera. Hindi naman kamukha ni Alec ang kasama kaya malabong kapatid n’ya iyon. Wala rin nababanggit si Alec na kapatid n’ya. Sa sandaling ito, napagtanto kong kahit nobyo ko na ito ay wala pa rin pala akong alam tungkol sa iilan n’yang detalyeng personal. Pero hindi naman minamadali ‘yon dahil nasa proseso pa rin naman kami kung saan sinisimulan naming mas kilalanin pa ang isa’t-isa.
I moved my gaze to the other picture. It was me peacefully sleeping while holding tightly to his arms. Sa D’ Grills and Café ‘yon. Our first study date together. Paniguradong ito rin ang tinutukoy ni Gail na inilagay daw ni Alec sa IG story n’ya. Parang gusto ko tuloy mahiya, tanaw na tanaw ang mukha kong mahimbing na natutulog at parang batang nakakapit kay Alec at ayaw ng bumitaw. Ganunpaman, hindi maalis ang ngiti ko, hindi ko alam na mayroon pala akong larawan dito sa kuwarto n’ya. He never fails to surprise me...
I removed my slippers that he gave me. Dahan-dahan akong sumampa sa kama. Ibinagsak ko ang sarili, dinadama ang malambot nitong tulugan. Dumapa pa ako at parang tangang nilalanghap ang mabango nitong unan. Hindi mo talaga maitatangging si Alec ang may-ari nitong kuwarto. Hawak-hawak ko pa rin ang litrato ni Alec no’ng bata pa s’ya at matiim ko pa rin itong pinakakatitigan. Ang komportable nitong higaan at ang humahalimuyak nitong amoy ang naging dahilan ng aking pagkakaantok. Hinihila ako nitong higaan para matulog, kaya’t ilang sandali pa ay nararamdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng aking mata.
Akala ko’y nanaginip lang ako no’ng maramdamang parang mayroong humahawak at humahaplos sa aking mukha. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Bumungad sa’kin si Alec. Nakaupo ito sa gilid ko, hindi mawaglit ang tingin at hindi pa rin tinatanggal ang kamay sa pagkakahawak sa akin.
“Sorry, I fell asleep. Kanina ka pa r’yan?”
Malawak ako nitong nginitian. “Yes. Matutunaw ka na nga, Xia.”
“Heh! Hindi mo na naman ako ginising. Tsaka kung tititigan mo ako, puwede bang kapag gising na lang ako? Hindi pa naman ako gano’n kaganda kapag tulog.” Pagpo-protesta ko sa kaniya.
“I’m about to wake you up. Kaso, napakahimbing ng tulog mo tapos napakahigpit pa ng yakap mo r’yan sa litrato ko. Nakaka-guilty kung iistorbohin kita.” Pagpapaliwanag nito.
Nanlaki ang mga mata ko nang nilapit nito ang mukha sa akin at yumuko. Binigyan ako nito ng mabilis na halik sa labi, naramdaman ko na lang ang dampi ng labi nito sa akin. “Parati ka ring maganda, tulog ka man o gising.”
Parang naestatwa ako sa pagkakahiga at hindi ako agad na nakagalaw. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at lumingon sa kabilang gawi. Bahagya ko pang hinawakan at nilasahan ang labi ko kung saan saktong-sakto na hinalikan n’ya... Hindi ko ‘yon napaghandaan.
I heard his laughter. “Let’s go baby, kumain na tayo. Wala pang laman ‘yang tiyan mo ngayon bukod sa mga paru-paro.”
Lihim akong napangiti nang marinig ang sinabi nito. Mariin akong napapikit. Nagiging gago na rin talaga ‘to sa harap ko.
“Ikaw kaya bigla-bigla kong halikan, Alec Bren.” Matapang ko kunyaring sabi rito kahit na pakiramdam ko talaga ngayon ay nanlalambot ang buo kong katawan
“Sige nga, ginagawa ‘yon, baby.” Nanghahamon pa talaga ‘to. Pumikit pa talaga s’ya at ngumuso sa harapan ko. Napakaguwapo, pero ganito talaga s’ya pagkaharap at kasama ako, he really wants to be babied.
‘Di ako kumibo sa sinabi nito, bumangon ako at tumayo sa pagkakahiga. Nakapamaywang lang akong humarap sa kaniya. Nang maramdaman n’yang umalis ako sa tabi n’ya ay dumilat na ito. He’s pouting, nagpapaawa.
“Aw, you rejected me, Xia.”
“Next-time. Bibiglain na lang din kita.” Natatawang sabi ko rito.
“Damot, baby.”
Hinila ko na ito patayo para lumabas sa kuwarto at kumain. Ang buong akala ko pa nga ay nauna na itong kumain sa akin at hindi na ako hinintay, pero nang makita ang nakahaing pinggan para sa aming dalawa sa mesa ay doon ko nakumpirmang hindi pa rin ‘to kumakain at talagang hinintay ako nitong magising para masabayan.
Kumakain kaming dalawa ng niluto n’yang Buffalo wings. Napakasarap nito, gumagaling na talaga s’yang magluto. Nadadaig na n’ya ako.
“How was it?”
Nag thumbs-up ako sa kaniya. “Ang galing mo na magluto, love. Natatalo mo na ako n’yan.”
“I told you, kapag free time ko nag-aaral na akong magluto. Para kapag pinaglutuan kita hindi paulit-ulit.”
Nilagyan ko ng kanin at ulam ang kutsara ko at itinapat ‘yon sa bibig ni Alec. “It doesn’t matter kung paulit-ulit pa ‘yan, kung ikaw naman ang magluluto para sa akin, walang problema roon.” Ibinuka naman n’ya ang bibig .
“Hmmm,” Ninamnam pa nito ang isinubo ko sa kanya. “Parang mas lalong sumarap ang luto ko dahil sa compliment mo baby ha.” Sinundan n’ya pa ito ng mahihinang tawa.
Mabilis lang kaming kumaing dalawa. Kasalukuyan akong naghuhugas ng mga pinagkainan namin. Nagpe-presinta si Alec na s’ya na raw ang bahala pero tumanggi ako. S’ya na nga ang nagluto, ako naman dapat ang gumagawa nito. Nakaupo ito sa stool chair at nakapangalumbaba, sinusundan ang bawat galaw ko.
“Baby, naka club-uniform kayo tomorrow?” He asked out of nowhere.
Nilingon ko ito sandali habang binabanlawan ang mga hinuhugasang pinagkainan. “Hindi, sa last day pa ulit. Bakit?”
“Wala lang. Pero color-coding kayo ng department n’yo?” Nagtataka naman ako sa biglaan n’yang pagtatanong.
Kaswal ko lang itong sinasagot. “Hindi rin. Depende sa amin kung anong susuotin.”
“So, what color would you wear?” Seryoso pa ring tanong nito.
“I don’t know yet, maybe hibiscus. Why?” Nilingon ko itong muli pero seryoso na itong nakatingin sa phone n’ya.
“Okay, okay. I’m just asking.
Matapos kong maghugas ng pinagkainan at tulungang mag-ayos si Alec sa unit n’ya ay bumalik kaming dalawa sa sala para magpahinga. Nakaupo kaming dalawa sa sofa ngayon, nakaakbay pa ito sa’kin samantalang ako ay nakayakap sa kaniya.
He’s busy scrolling through his phone. Samantalang ako’y tahimik lang at walang kibo na nakayakap sa kaniya.
“Ehem. Ehem.” Umubo-ubo pa ako kunyari para makuha ang atensyon nito.
Tumingin naman ito sa’kin at agarang binaba ang hawak n’ya. “Hindi ka ba hahanapin sa booth n’yo turtle? Okay lang bang kasama pa kita ngayon?” Concern nitong tanong sa’kin.
Sa katotohanan nga’y muntikan ng mawala sa loob kong bumalik pa sa MU. Gusto ko rin kasing masulit ang oras ko kasama si Alec. “Wala na akong duty ngayong hapon, nag-abiso rin ako sa isa kong ka-miyembro. Pero gusto ko sanang manood ng concert mamayang gabi. Can we go together? I’ll check and visit our booth too.”
“Woah! Our first time to watch concert together. Sure baby. Mamayang 5 pm pa naman ‘yon.”
Pareho lang kaming tahimik na dalawa, pinaglalaruan lang nito ang kamay ko. Kung ganitong katahimikan at kapayapaan ang mararamdaman ko sa tuwing kasama s’ya ay paniguradong hahanap-hanapin ko ito. I feel safe and secure feeling his warmth right now while I'm hugging him.
Nang maalala kanina ang litratong nasa night table n’ya ay sinubukan kong buksan ang usapan tungkol doon. I’m curious about it, plus, I want to know more about him...
“Nakita ko ‘yong picture sa beside bed mo kanina, sorry kung ginalaw ko.”
Nakatitig ito sa mata ko, animong binabasa ang lahat ng emosyon sa aking mukha. Animong sinasaulo ako. “What picture?”
“You... With your sibling?” Naroon ang tono ko ng pagtatanong. Hindi naman kasi ako sigurado kung sino ba ‘yong kasama n’ya.
“That’s Rye, Xia. I don’t have a younger sibling. But I do have a half-brother.” He stopped talking. That’s my sign to stop asking. He’ll talk more about it, kung kumportable s’yang ibahagi iyon sa akin. Ngayon ko lang nalaman na mayroon pala s’yang half-brother. I wonder what he looked like. Paniguradong kagaya ni Alec ay mayroon din ‘tong taglay na kaguwapuhan.
“Rye. ‘Yong bestfriend mo? Talaga pa lang bata pa lang kayo kasama mo na s’ya no? For sure she knows you well.” Hindi ko maitago ang pait sa boses, hindi ko alam kung anong dapat kong ipangalan sa emosyong bigla kong naramdaman, ‘di ko alam kung selos ba ‘to o inggit dahil higit na mas kilala n’ya si Alec kaysa sa akin. Alam kong mali at hindi ko dapat itong maramdaman, kaya pilit ko na lang ‘tong iwinawaksi sa isip.
“We have a lifetime ahead of us. We have the time to know each other more. You have every minute and hour to familiarize every bit of me, Xia.”
Bawing-bawi parati ‘tong si Alec. Sa tuwing may kakaiba akong nararamdaman, parang awtomatiko na sa kaniyang iparamdaman sa akin at iparinig ‘yong mga salitang eksaktong gusto kong marinig mula sa kaniya.
“If ever something’s bothering you... Please let me know. I want to give you the peace of mind you deserve, baby.” Marahan pa nitong hinahaplos ang balikat ko.
Napangiti ako nang marinig ang sinabi n’ya. This man slowly showing what’s the definition of the word ‘best boy’ is.
“Like anything that’s bothering me?”
“Anything, especially what makes you upset. So, we can address it right away.”
“Ano kayang ginawa ko sa past life ko to deserve a man like you, Alec?” Pagbibiro kong tanong rito.
Natawa ito at pinagsiklop ang dalawa naming kamay. “For sure, ever since, you have a soft heart.”
Saglit kong tinanggal ang magkahawak naming kamay para mahawakan ko ng maayos ang mukha n’ya.
“Hindi lang naman ako ‘yong deserving, Alec. Pati rin ikaw. You deserve everything better, that’s why I’m trying to be better for you.”
He smiled. “What a sweet talker, turtle.”
Saglit kaming nagpahinga ni Alec. Matapos noong oras na sandaling iginugol naming dalawa ay bumalik kami sa MU bago pa man mag alas-singko ng hapon para mabutan at masimulan namin ang concert. Dumiretso muna kaming dalawa sa aming booth. Narito pa rin ang mga co-journalist ko at nagliligpit na dahil nakaubos na raw sila ng mga tindang sweets. Nakakatuwang patok na patok talaga ‘to. Hindi rin naman kasi sa pagmamayabang, napakagagaling magbake ng ilan kong mga kasamahan kuhang-kuha nila ang tamang lasa ng mga brownies at cupcakes. Hindi ‘to sobrang tamis, hindi nakakasawa at ‘di nakakaumay. Talagang walang pagdududa na maaubos ‘to agad dahil nagustuhan ito ng karamihan.
“EIC, upo muna kayo r’yan. Nag-aaudit na lang kami ng sales. Ibibigay na rin namin kay Ms. Apolonio ‘yong pera pagkatapos para wala ng problema.” Si Edrix.
Naupo kami ni Alec, narito pa ang iba kong co-journalist na tiyak ay nag-aabang din sa concert.
“Thank you, Drix. Bumalik ba rito si Gail?” Taka kong tanong. Wala naman kasing paramdam ang bestfriend ko. Kanina pa ‘to umalis, halos kasabayan ko lang pero ‘di naman nag-uupdate kung nasaan s’ya.
“Oo, EIC. Hinahanap ka nga n’ya, kasama si David. Nagbilin text mo raw s’ya kapag dumating ka na rito.”
Tumango lang ako kay Edrix at nagpasalamat.
Nagmessage agad ako kay Gail na nakabalik na kami ni Alec ng Campus.
Tahimik lang dito sa tabi ko si Alec. Pinagmamasdan lang lahat ng dumadaan at lumalapit sa’kin.
Mas lumapit ako sa kaniya at mahinang bumulong. “You okay here baby? Baka hindi ka kumportable ha? Gusto mo bang pumunta muna sa department n’yo?” Nag-aalala kong tanong sa kaniya. Marami kasi kaming kasama sa tent at hindi naman n’ya kilala ang karamihan.
“I’m fine here. Dito na lang ako. Baka nagliligpit na rin naman sila roon.” Mabilis na tanggi nito sa sinabi ko sa kaniya.
“Sure?” Paninigurado ko.
Tinaas-taas pa n’ya ang kilay. “Yes, ma’am.”
Tumunog ang phone ko, tumatawag ang bestfriend kong si Gail. Mabilis ko itong sinagot. Narinig ko agad ang napakalakas nitong boses.
“Nagtatanong-tanong ka pa kanina kung wala na akong balak bumalik tapos ikaw naman ‘tong nag-enjoy ‘ata masiyado at napilitan nalang bumalik dito sa MU.” Panenermon nito sa kabilang linya.
Natawa agad ako, wala talagang ligtas kay Gail. Lahat talaga ay pupunahin n’ya. “Biglaan lang ‘yon. ‘Wag mo na akong pagalitan, nakakahiya naman sa boyfriend ko at sinisigaw-sigawan mo lang ako. Alec oh, si Gail.” Pagsusumbong ko naman kunyari kay Alec. Natatawa lang ito sa tabi ko at napapailing-iling sa usapan naming dalawa ni Gail.
“Okay, edi sorry. Pero ‘di ‘to sincere ha. Halika na kayo rito, pinagsave ko kayo ng upuan ni Alec.” Pag-aaya nito sa amin.
“Punta na kami r’yan. Saan kayo banda? Kasama mo ba si David?”
“Sa harap, malapit sa stage. Para mayanig buong pagkatao mo.” Puro talaga kalokohan ‘to. Kung katabi ko lang s’ya ngayon ay baka sinabunutan ko na s’yang talaga. Narinig ko itong muling magsalita sa kabilang linya. “Oo, kasama ko si David. Ang lagay ba ikaw lang ang mag-eenjoy sa mga kakantahin ni Moira? ‘Wag gano’n bestie. Masaya dapat ang bonding natin.”
“Manahimik ka na r’yan, napakaingay mo. Papunta na kami ni Alec.”
Magsasalita pa sana ito pero agad ko ng pinatay ang tawag. Crazy, Gail.
Pumunta na kami kung saan gaganapin ang concert. Sa court ng MU. Open area ang court kaya tamang-tama lang ang lugar para sa magaganap na event. Dumiretso kami sa puwesto na sinabi ni Gail. Sa harapan nga iyon kaya’t madali lang namin silang nakita. Perpektong puwesto rin ito para malapitang makita ang mga nasa entablado. Hindi ko alam kung paano n’yang nakuha ang upuang ito sa harapan. Paniguradong ginamitan na naman n’ya ng koneksyon. Si Moira Dela Torre ang guest singer ngayong taon sa College Week. Kaya’t maraming natuwa nang marinig ang balitang s’ya ang makakasama ng Official MU Band ngayong concert.
“Bestie, upo na kayo r’yan. Hello, Alec.” Kumaway at bumati pa ito kay Alec.
Naupo sa tabi ko si Alec at tsaka bumati pabalik kay Gail. “Hi, Gailey.”
Saglit kaming nag-usap ni Gail tungkol sa naging biglaan naming pagpunta sa unit ni Alec. Nagkuwento lang din ito ng naging date nila ni David. Maya-maya pa ay nagsimula ng kumanta ang Official MU Band. Nakakatuwa ang playlist nila ngayon dahil magkahalo ito. OPM at kanta mula sa sikat din na banda, ang LANY. Enjoy na enjoy ang lahat lalo na kaming dalawa ni Alec. Magkahawak kamay pa kami habang sinasabayan ang mga kanta.
Nang oras na lumabas na ang guest singer na si Moira ay nag-ingay na ang lahat. Ito lang din ang unang pagkakataon kong makita ‘to. Kaya ultimo ako ay hindi ko napigilang makitili ng malakas kasabay ng iba.
Sunod-sunod nitong kinanta ang mga sikat n’yang mga orihinal na kanta. Lahat ng estudyante ng MU ay nagmistulang mga wasak ang puso dahil sa mga awiting ito ni Moira.
Matapos n’yang awitin halos lahat ng kaniyang mga kanta ay akala namin doon na nagtatapos. Nagtaka pa ako ‘kung bakit n’ya nilagpasan ang pinakasikat n’yang kanta. Iyon pa naman din ang pinakapaborito ko sa lahat.
Literal na dumagundong ang buong stage kung saan nagpeperform ang Official Band ng MU kasama na si Moira noong sinimulan n’yang kantahin ang ‘Ikaw at Ako.’
Kasabay ng pag-awit sa entablado ay ang naging paglapit din ni Alec sa’kin. Itinapat nito ang bibig sa’king tainga upang mas marinig ko s’ya. Sinabayan n’ya ang unang linya sa liriko ng kanta. ‘Sabi nila balang araw darating ang iyong tanging hinihiling’
Saglit akong napapikit nang marinig ang malalim nitong boses. Iisang linya lamang iyon ngunit nagdulot na sa aking ng libo-libong emosyon.
Hinarap ko si Alec, bahagya pa akong tumingkayad para magpantay kaming dalawa. Hinawakan ko ang kaniyang mukha at inilapit sa’kin. Marubdob kong hinalikan ang mga labi nito. Naramdaman ko ang bahagya n’yang pagkagulat pero agad din naman s’yang tumugon at sumabay sa ritmo ng aming mga labing magkalapat ngayon. Kasabay ng madamdaming kanta ay saglit naming dinama at pinagsaluhan ang emosyong sa aming ay kumakawala.
Nang maubusan ako ng hininga ay agad akong humiwalay sa kaniya. Ang mga kamay namin ay magkasiklop pa rin, hindi binibitiwan ang isa’t-isa.
I looked at him and mouthed. “Mahal kita.”
“I love you, Xia.” His smile is already visible in his eyes.
Si Alec ‘yong taong hindi ko inaasahang darating. Pero s’ya ‘yong taong naging hiling ko sa bawat panalangin at masasabi kong narito na s’ya ngayon sa aking piling.