LIVING TOGETHER

2457 Words
CHAPTER 37 “Wala ba kayong booth, Gail? Parang napapansin ko kanina ka pa nakatambay dito. Nakakahiya naman sa mga kasamahan mo.” Pagpuna ko kay Gail na kanina pa nanghihinain ng mga binebenta naming sweets dito sa booth. Tumingin muna ito sa akin atsaka kumagat sa hawak n’yang brownies. “’Di naman need ng appearance ko roon, bestie.” “Kapag hinanap ka nila tapos nakitang narito ka, malalagot ako sa mga ‘yon.” Iniikot nito ang mata, umirap. “Heh! Basta dito muna ako. Sobrang bored ko roon, plus ang sarap ng offer n’yong pagkain dito dagdag mo pang masarap din kasi ang nagtitinda ‘no? Yie, kilig ka ba Lyanne?” “Weh? Natiikman mo na ba ako? Paano mo naman nasabi?” Pagsakay ko sa pangbubuska n’ya. Tawang-tawa si Gail nang marinig ang sinabi ko. “Tingnan ka pa lang, yummers na.” Hindi ko na lang ito pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pag-aasikaso ng booth namin kasama pa ang ibang members ng journalism. Napakasisipag ng lahat ng kasama ko kung kaya’t napadali naman ang mga gawain, wala ring naging aberya sa pagbubukas ng aming booth. It went good and smooth. First day ng College Week, mukhang lahat naman ay mayroong pinagkakaabalahan. Mahahalata mo rin kung sino ang mga freshmen dahil mababakas mong mga excited pa itong maglibot at mag-ikot ikot. Samantalang karamihan naman sa amin, lalong lalo na ang mga nasa senior year ay sinusubukang kuhanin ang pagkakataong ito para magpahinga sa mga gawain. Marami rin ang hindi na pumapasok kapag ganitong College Week at mas pinipiling magbakasyon kasama ang ibang blockmates nila o di kaya’y manatili sa kani-kanilang unit para magtulog. Kami rin naman nila Gail, napaaga ng lang ang naging bakasyon namin at iyon nga ang naging mabilis naming trip sa Casa Alta. Hindi kami puwedeng mawala rito, higit lalo ako dahil gusto kong masigurong maayos ang lahat. Isa pa ay mayroon namang schedule na nakalaan na magduduty sa oras at araw ng operation ng booth. Makakapagpahinga pa rin kami at makakapag-enjoy. Maraming activities na mayroon mamayang hapon, mayroong mini concert ang official band ng MU kasama na rin ang buong Music Club. Iyon lamang ang nilolook-forward namin at inaabangan dahil tunay naman kasing walang kasinggaling ang mga ito. Taon-taon naman din talaga ay iyon ang inaabangan ng lahat. Bukod pa rito ay parating mayroong guest singer para makiisa sa concert ng Manila University. “Bestie, saan ka mamayang lunch?” Tanong ni Gail. I just shrugged. Wala naman kasi akong plano, depende sa kung saan makaisipan dahil maraming open na booth ngayon sa MU na puro pagkain ang inooffer. “Hindi ko pa alam, hindi pa rin nagmemessage si Alec sa’kin. Sabi n’ya ay susunduin n’ya ko rito para sabay kaming mag-lunch, kaso mukhang busy masyado ang Business Department sa activities at booth nila.” Mahabang sagot ko kay Gail. Saglit pa itong nag-isip. Nagsalita akong muli. “Sumabay ka na lang sa amin ni Alec. Ano bang plano mo?” Ngumuso ito at iyon ang ginamit pangturo. Sinundan ko naman ito ng tingin. Nagtataka kong ibinalik sa kaniya ang mata ko, nagtatanong. “Kasabay ko si David. Baka sa labas kami kumain.” Lumapit ito sa akin at bumulong. “Eh bakit mo pa ‘ko tinatanong? Kasabay mo naman pala si David.” “Of course, baka wala kang kasabay mamaya. Ayaw naman kitang maiwan mag-isa rito.” Eksahedera kong hinawakan ang dibdib ko kung saan naroon ang aking puso. “Grabe, ka-touch naman ‘yon, Gail. Mahal na mahal mo talaga ko ‘no?” “Ew, shut up.” Natawa na lang ako sa naging reaksyon nito. “Pero huwag kang mag-alala, kasama ko boyfriend ko.” “Wow, flex na flex naman. Edi ikaw na may ‘boyfriend’.” She emphasized the word boyfriend. “Proud lang.”Maikli kong sagot kay Gail. Ngumiti lang ito sa akin, nang-aasar. Nagliligpit na ako ng iilan kong gamit na dala dahil sa hapon ay mayroon ng ibang nakaduty. Magla-lunch time na rin at ang tanging hinihintay ko na lang ay si Alec. Wala pa rin itong message sa’kin kung kaya’t balak ko na lang na puntahan at sadyain ito sa building nila. “Bestie, mauuna na ako ha. Update me na lang kung anong ganap.” Bilin nito sa’kin. “Hindi ka na ba babalik?” Nagkibit-balikat lang ito sa tanong ko. Naisip ko nga na baka hindi na rin bumalik ‘tong si Gail. Natutukso rin tuloy ako, gayong tapos naman na ang duty ko. Mabilis lang kaming nagpaalamanan ni Gail. Umalis na ito kasama si David. Samantalang ako ay hinihintay pa ang iilang miyembrong naka-assign sa ibang actvity pati na rin sa naka-duty sa booth para bigyan sila ng iilang paalaala. Nagkaroon lang din kami ng maikling pagpupulong. “EIC, you need to go. Your sundo is here.” Napatingin ako kay Timothy sa biglaan nitong pagsasalita. Tumuro pa ito sa likod ko kaya agad naman akong napalingon. Nakita ko si Alec na prenteng nakatayo lang sa likuran ko at naghihintay. Wala naman itong ginagawa at nakapameywang lang pero napakaguwapo pa ring tingnan. Napailing na lang ako at pilit na tinatago ang kilig dahil sa naiisip. Mabilis na umalingaw-ngaw ang ingay mula sa mga ka-miyembro ko, mga nang-aasar. Wala naman itong kibo at binigyan lang ng maliit na ngiti ang mga nasa harapan. Natuwa naman akong nag-e-effort itong makisalamuha kahit na papaano ng dahil sa akin. Alec is nice, he’s easy to get along with pero masyado itong lowkey na tao kaya’t pili lang din ang nilalapitan. Kaya ganoon na lang ako ka-proud na pinili ako nito, pinili ako nitong kausapin no’ng una pa lang. Hinarap ko na ito at inaya paalis doon sa gawi ng booth namin. Naiilang ako dahil maraming nakatingin sa aming dalawa. Baka nga hindi naman talaga sa aming dalawa, kundi rito lang sa guwapo kong kasama. “Let’s seat, Xia.” Dinaluhan pa ako nito paupo sa bench. Bahagya akong tumagilid para maharap s’ya ng maayos. Nakapatong pa ang kanang braso ko sa hita n’ya. “Pupuntahan na dapat kita kanina kasi sabi ko wala ka pa, pero naaunahan mo pa rin ako.” “Turtle, may sasabihin ako.” Bigla itong sumeryoso. Kinabahan naman tuloy ako sa paraan ng pagkakasabi n’ya. Tumaas agad ang kilay ko. Hindi ko napigilang magsungit dito sa kaharap. Good mood pa naman ako dahil pinuntahan at sinundo n’ya talaga ako. “Ano iyon?” Seryoso ring sagot ko sa kaniya. Napakunot-noo ako nang makita ang pinipigil nitong tawa sa kaniyang mukha. “Wow! The sudden change of mood, baby.” Pinisil pa nito ang pisnge ko. Mahina kong hinampas si Alec, jino-joke time na naman kasi n’ya ako. “Ano nga ‘yon?” “Pupuntahan na dapat kita agad kanina kaso naharang ako nang mga nanghuhuli sa booth.” Nakataas lang ang kilay ko sa kaniya, hinihintay s’yang matapos na magsalita. “Sa Mariagge booth.” Hindi pa rin ako nagsasalita, gusto ko lang din s’yang inisin. Nakatingin lang ito sa reaksyon ko. “Tatakbo na nga dapat ako sa’yo kanina para magtago para hindi nila ko mahuli e.” Seryoso pang pagpapaliwanag nito. “Wala akong ginawang kakaiba, promise. Kasama ko roon si Kyle. You can ask him.” Pinipigilan kong matawa sa sinabi n’ya. Parang bata lang ang dating. I’m looking intently to the man in front of me. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto rito? He’s the standard. Hindi naman ako nagseselos, hindi naman ako ganoon kababaw. Isa pa, ano pa ba ang dapat kong ipangamba? Ako naman na ‘yong nobya n’ya. “Hmmm?” Hinawakan na nito ang kamay ko ngayon. Hindi ko na napigilang matawa. “Ayos lang ‘yon, hindi naman ako nagseselos. Kahit naman siguro ako sila, gagawin ko rin iyon sa’yo, papakasalan din kita.” “I listed our names there.” Proud n’yang sabi. Napailing-iling nalang ako. “Self-support ka, Alec.” “Alam kong hindi mo naman kasi gagawin ‘yon, kaya nagkusa na lang akong ilista pangalan natin.” Ultimo s’ya ay natawa rin sa kalokohang ginawa. Inayos ko ang kuwelyo ng suot n’yang kulay pulang polo shirt. “Ang guwapo mo,” hindi ko napigilang purihin s’ya. Sa lahat naman kasi ng anggulo n’ya, sa lahat ng uri ng isuot n’ya, ang lakas talaga ng dating nito. “Really? Hug mo nga ‘ko oh.” He opened his arms wide waiting for me to hug him. “Kailan ka pa naging fan ng PDA?” Ibinaba ko lang ang dalawang kamay nito. Nakakalimutan ‘atang nasa school kaming dalawa. He pouted. “I don’t mind having bebe time with you in public.” Tumayo ako sa harapan n’ya. “I do mind, Penguin. Halika na kumain na tayo. Nagugutom na ako.” Pag-aya ko kay Alec. “Okay. Saan mo gusto?” “How about you cook for me?” Mabilis kong tugon at pagbibiro sa kaniya. Nag thumbs-up pa ito sa akin. “Nice suggestion baby.” “Biro lang ‘yon, ang hassle kapag uuwi pa tayo.” Agad kong bawi sa sinabi ko kanina. Hinawakan na nito ang kamay ko at hinila ako sa gawi papuntang main gate. Hindi ‘to nakikipagbiruan sa’kin kaya s’ya ang nanalo. Gusto ko rin naman talaga ‘yon. Na-mimiss ko na rin kasing ipagluto n’ya ako. We’re heading to his unit. Prenteng nakaupo lang ako sa sasakyan n’ya. Nakatitig lang ako kay Alec habang kalmado itong nagmamaneho. Kinuha ko ang atensyon niya. “Baby?” “Hmm?” Saglit lang ako nitong tinapunan ng tingin at ibinalik muli ang mata sa harapan. “Tinatanong ni lola kung may balak daw ba akong magstay sa La Union after graduation. Alam kong kahit ‘di naman ‘yon madalas nagsasabi, gusto n’ya pa rin talaga ng may kasama. Ang rason kasi namin ni Sheena ay pareho lang. Tinatapos kasi namin ‘tong college years, napakalayo naman kasi kung manggagaling pa kami ng La Union tapos papasok ng MU. Iniisip ko rin na narito rin sa Manila ‘yong trabahong gusto ko. Pero iyon, kinokonsidera ko naman ‘yong suhestiyon ni lola, kasi gusto ko rin naman s’yang makasama.” “Bukambibig nga ni lola ‘yon noong magkausap kaming dalawa. Gusto n’ya nga raw na roon sana kayo ni Sheena. But anyway, that’s good to hear that you’re considering her. You can still think of that, matagal pa naman ‘yon, baby. Pero kung saka-sakaling doon mo planong magstay habang nagwowork ka rito, puwede naman kitang sunduin at ihatid no’n o kung ano man ang plano mo, I'll support you.” “What do you think about living together after graduation?” Bigla ko lang namang naisip ang tanong na iyon. Napa-preno ng malakas ‘tong over-reacting na boyfriend ko. Minsan talaga ay ganito s’ya kapag nabibigla. He’s shocked about my question. “Are you serious, turtle?” “Nagtatanong lang naman ako, wala naman akong sinabing gagawin talaga natin.” Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Sa tono n’ya kasi ay parang ‘di iyon puwedeng mangyari. “Well, I would love the thought of you waking up next to me in the morning. Eating breakfast with you and just goofing around until midnight.” Magtatampo na sana ako pero nang marinig ang sinabi n’ya ay umurong ito. Lalong-lalo na ang dila ko. Wala akong masabi. Dahil ang isiping makakasama ko s’ya sa iisang bubong ay ganoon na lamang siguro kasaya. Nakakataba ng puso marinig s’yang sabihin ang lahat ng ‘yon. I looked at him with a wide smile. “We’ll see.” “Graduation mo o graduation ko?” Tumaas-taas pa ang kilay nito. “Of course, mine! Kapag sa graduation mo, isang taon nalang ‘yon mula ngayon. Marami pa ‘kong dapat matutuhan ‘no, nakakahiya naman sa’yo kapag nagpakaprinsesa ako kapag magkasama na tayong dalawa sa iisang bahay.” Natatawa kong sabi. Seryoso itong tumugon sa akin. “I don’t mind, prinsesa naman kita.” Hindi ko talaga inaasahan ang mga biglaang banat ni Alec na ganito. Para akong bata. Kinikilig ako masiyado pero kailangan kong pigilan dahil narito lang s’ya. Baka lumaki na ang ulo nito kapag nalaman n’yang kilig na kilig ako sa kaniya. Hindi ko namalayang nasa Noble Place na kami. Kung hindi pa huminto ang sasakyan ni Alec ay masiyado akong malilibang sa mga naiisip. Inalalayan lang ako nito sa pagbaba at sabay naman kaming dalawa na pumanhik sa unit n’ya. Ako pa ang nagbukas ng pintuan ng condo ni Alec dahil mayroon naman akong susi nito. Ako pa ang naunang pumasok sa kaniya, tatawa-tawa lang ito at inaasar akong papasa na raw ako bilang may-ari ng unit n’ya. Biniro pa akong puwede na nga raw ako ritong tumira. Aba! Baka kapag pinatulan ko ‘yong offer n’ya e ngayon pa lang talagang mag-iimpake na ko para lumipat rito. Dumiretso ako sa sala at naupo. Nakita ko itong lumapit sa cabinet sa tabi ng bookshelf n’ya at mayroong kinuha. “Wear this. I bought slippers for you here. Para kapag pupunta ka rito, ito na ang gagamitin mo. Hindi ‘yang nakaapak ka.” Lumuhod pa ito sa harapan ko para isuot ang kulay green na malambot na tsinelas. Mayroon itong design na turtle sa ibabaw. “Okay po daddy.” I joked. Para naman kasi s’yang nagpapaalala sa anak n’ya. Para akong batang nakaupo rito at nakikinig lang sa mga sinasabi n’ya. Tiningala ako nito, nakakunot-noo. “What?” “Sabi ko, opo, yes po, daddy.” Inosenteng pag-uulit ko sa sinabi ko. “Xia... stop that.” Pinisil nito ang ilong ko. Nagtataka man ay hindi na lang ako kumibo. Binigyan ko agad ng mahigpit na yakap si Alec. Kung sa iba ay maliit na bagay lang ito, pero napakalaking bagay na nito para sa akin. He and his thoughtfulness and efforts made my heart fall for him more. “Thank you, baby.” Pagpapasalamat ko sa kaniya. Malawak lang ako nitong nginitian, nilalaro-laro ko pa ang suot kong tsinelas at itinataas-taas habang suot-suot ko ito. Tumayo si Alec at gumawi muli sa cabinet, bumalik ito sa harapan kong suot naman ang kulay puting tsinelas na mayroon namang Penguin design. He is such a baby. Bagay rito ang suot n’yang pangpaa. “Cuties,” Marahan ako nitong hinila at binigyan ng mabilis na halik sa noo. “Magluluto lang ako, puwede ka sa kuwarto ko magpahinga kung gusto mo. Mas malamig doon. Wait me there. Okay?” Tumango-tango lang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon. Nililibang ko lang rin ang sarili dahil sa tsinelas na suot. Aliw na aliw talaga ako at kinuhanan ko pa ito ng litrato.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD