CHAPTER 36
Sometimes things don’t go according to our plan and that’s fine, we just have to breath and let things surprise us.
And I can say that during my entire stay in Casa Alta it still feels surreal, because of the people I am with and especially because of Alec.
We are on our way to lola Espe’s mansion. Maaga kaming umalis ng Casa Alta para agad din na makabalik sa bahay ni lola. Plano namin na samahan muna sandali si lola at doon na magsasabay-sabay na mananghalian. Kasunod namin sila Alec sa likod. Nauuna kami sa kanila, kami ang sinusundan ng mga ito dahil hindi sila ganoon ka-pamilyar sa lugar.
Katabi ko si Gail at abala lang ‘tong tinitingnan ang mga larawan n’ya. Si Sheena naman ay tutok lang ang mata sa pagmamaneho.
Nabasag lang ang katahimikan namin ng magtanong si Gail. “Sheena, bakit ka nawala kagabi sa kuwarto? Hinahanap kita kasi magpapasama akong kumuha ng pagkain e. Bumalik na lang tuloy ako sa pagtulog ko.” Pagtatanong ni Gail sa pinsan ko.
Biglang napaubo si Sheena sa tanong ni Gail. Lihim akong napaismid. Alam ko kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon n’ya sa inosenteng tanong ng bestfriend ko.
“Bumaba lang ako no’n, kumuha rin ako ng food. Nagutom ako e.” Kaswal lang ang tono ng boses nito.
Sumimangot naman ang katabi ko nang marinig ang sinabi ni Sheena. “Sana naman ginising mo ‘ko ‘di ba?” Ang lala talaga ng gutom ko kagabi.”
“Duh! Malay ko ba?” Pagtataray ng pinsan ko.
Napaniwala n’ya si Gail sa kaniyang palusot. Hindi n’ya alam ay nakita namin siya ni Alec kagabi kasama si Kyle papuntang CA’s Bar kung saan malapit sa resto na kinainan namin noong agahan. Napakagaling din talagang pagtakpan ang sarili. Napailing-iling na lamang ako, mukhang sinisimulan na n’yang kainin ang mga sinabi noong nakaraang araw.
Makalipas ang ilang minutong byahe ay nakarating na kami sa mansiyon. Tinatanaw-tanaw ko pa sila Alec sa likuran namin. Nakita kong kasunod lamang namin ito. Mabilis lang kaming pinagbuksan ni Mang Fidel ng gate.
Bumaba kami bitbit ang ilang dalang gamit, ang iba ay naiwan dito sa mansiyon. Sa katotohanan nga ay ako ang pinakamaraming gamit na dala. Kung maari nga lang manatili pa rito nang mas matagal ay gagawin ko.
Hinintay lang din namin silang makababa sa sasakyan. Nang natanaw ako ni Alec ay agad ako nitong dinaluhan at tinulungang bitbitin ang dalang mga gamit. Si Kyle naman ay agad din nilapitan ang pinsan ko. Para tuloy kaming tangang nagkatinginan ni Alec, alam kasi naming magkasama ‘tong dalawa kagabi. And seeing Kyle’s action right now, he’s very easy to read. While my cousin, she’s trying to hide and maximize her reaction to Kyle but she’s failing because she is too obvious.
Mahigpit akong hinawakan ni Alec. Ramdam ko ang lamig ng mga palad nito.
“What’s wrong?” Takang tanong ko sa kaniya.
Yumuko ito sa akin upang magpantay kami. Mahina itong bumulong. “Kinakabahan ako kay lola, Xia.” Napangiti ako sa sinabi n’ya. Kaya ganito na lamang pala kalamig ng kamay n’ya. Kinakabahan.
Tumingin pa ako sa paligid at siniguradong walang nakatingin sa aming dalawa. Marahan ko s’yang hinila at dinampian ng halik sa pisnge. “Huwag kang kabahan, hindi naman nangangain ‘yon. Sobrang bait no’n si lola. Wala kang dapat ikatakot.”
Bakas pa ang gulat sa mukha nito dahil sa ginawa ko. He’s caught off gurad. Pareho lang naman kami parati ng reaksyon sa tuwing gagawin namin iyon sa isa’t-isa. Pareho lang namin tiyak nararamdaman ang mga paru-paro. Tumango-tango lang s’ya sa’kin at hindi na kumibo.
Nauna na sila Sheena pumasok sa loob. Dumiretso lang kami sa sala. Nadatnan lang rin namin sa ibaba, sa kusina ang asawa ni Mang Fidel dahil s’ya ang naghahanda ngayon ng pagkain. Sila Kyle ay manghang-mangha pa rin, nakikita kong pinapalibot nila ang tingin sa kabuuan. Pare-pareho lang naman ang reaksiyon ng mga pumupunta dito sa manisyon ni lola. Lahat ay naiiwang mangha at walang mabigkas na salita.
“Nasaan po si lola?” Pagtatanong ni Sheena sa asawa ni Mang Fidel.
“Nasa itaas nagliligpit ng mga gamit sa kuwarto n’ya. Nagbilin sa akin na kapag daw dumating kayo ay puntahan n’yo na lamang s’ya roon. Maya-maya ay maluluto na rin ‘tong pananghalian ng makakain na kayo.” Sagot nito.
“Sige po, salamat po. Panhik na muna po kami.” Pagpapaalam ni Sheena. Saglit lang din akong nagpaalam at kumaway rito.
Sabay-sabay kaming pumanhik. Lilinga-linga itong si Alec sa tabi ko. Tahimik lang na nagmamasid.
Nang makapanhik kami ay agad naming pinuntahan si lola Espe sa kuwarto n’ya. Nadatnan namin itong nakaupo sa kama n’ya at hawak-hawak ang mga kahon, nakakalat rin ang mga larawan sa ibabaw ng kaniyang kama. Halatang nagliligpit nga talaga ‘to.
“Lola...” Pag-agaw ko sa atensiyon n’ya. Hindi naman agad pumasok sila Alec at naghintay lang muna sa labas ng pintuan. Pumayag naman ako’t sinabi kong tatawagin ko nalang sila. Ayaw ko namang mabigla rin itong si lola.
Lola Espe quickly moved her gazed to me. Pagtapos no’n ay inilipat naman kay Gail at Sheena.
“Narito na pala kayo. Kumusta ang naging lakad ninyo ha? Ayos naman ba at walang naging problema?” Sunod-sunod na tanong ni lola.
Nagmano muna kami sa kaniya. Si Gail ay tinabihan si lola sa pagkakaupo sa kama nakitingin-tingin sa mga litrato sa kama at kami naman ni Sheena ay nanatiling nakatayo. “Masayang-masaya po kami lola. Bitin po ang naging bakasyon namin.” tugon ko naman dito.
“Ang sabi ko kasi sa inyo, dadalasan n’yo ang punta rito. Bukod pa roon, kung pupunta kayo ay habaan n’yo ang araw ng pananatili.”
“Opo lola, sa susunod po asahan n’yo. Kapag hindi po ganoon ka-hectic ang schedule namin.” Sagot ko.
Sumingit naman si Sheena. “Ako lola hindi hectic schedule ko. Dito na lang po kaya ako?”
Tumingin si lola kay Sheena, hindi makapaniwala. “Duda ako r’yan napakarami mong ginagawa. Pero pabor sa akin na narito ka nalang ng hindi ka kung saan-saan nakakarating.”
“Tsk.”
Natawa nalang din si lola Espe kay Sheena
Nakatuon na muli ang atensyon ni lola sa pagtingin-tingin ng mga litrato. Nagtataka ako dahil nakaisipan naman nito ngayon maghalungkat ng mga gamit n’ya kahit na maayos namang nakasinop ang mga iyon.
“Lola, mayroon po kaming kasama ngayon.” Kaswal na sabi ko kay lola Espe.
Napakunoot-noo ito, sinilip pa ang likod namin kung mayroong tao. “Nasaan?”
Lumabas ako saglit at tinawag sila Alec. Nakatanaw pa silang tatlo sa balkonahe.Nang tawagin ko sila ay agad naman silang lumapit. Samantala ang mukha naman ngayon ng boyfriend ko ay hindi maipinta.
“Baby, calm down. Si lola Espe lang naman ‘yon.” Pagpapagaan ko ng loob n’ya.
“I’m trying, Xia.” He gave me a small smile.
Naunang pumasok si Kyle at si kuya Kier kaya agad na napako ang tingin ni lola roon sa dalawa. Pagtapos ay pumasok na rin akong muli. Nauna ako at kasunod ko si Alec. Ngiting-ngiti si lola habang nakatingin doon sa dalawa, hindi pa nito napapansin ang nasa likod ko. Nagmano ‘yong dalawa at agad namang iniabot ni lola ang kamay n’ya kaya’t sumunod na ring lumapit si Alec para bumati at magmano.
“Lola, si Alec po. Iyong kinuwento ko sa inyo.” Tumingin ito kay Alec. Napahinto ito sa pag-angat ng kamay n’ya. Hawak lang nito ang kamay ni Alec.
Hindi naalis ang mata ni lola sa kaharap. Sinipat nito ang mukha ni Alec. Tila kinikilala at pinapamilyaran. Para tuloy akong kinabahan sa paraan ng paninitig nito. Ang kamay ni Alec ay hindi pa rin binibitawan ni lola. Lahat kami ay nagulat sa naging reaksyon ni lola Espe. Marahan pang hinaplos nito ng dalawa n’yang kamay ang mukha ni Alec. Nakikita kong bahagya na rin ‘tong maluha-luha.
“Kamukhang-kamukha mo s’ya, ang kaniyang matangos na ilong, ang mapupula n’yang mga labi, ultimo ang mahabang pilik-mata n’ya.” Sinusundan ni lola Espe ng kaniyang mga daliri ang bawat parte ng mukha ni Alec. Lahat kami ngayon ay natahimik, nagpapakiramdaman, nagtataka at puno ng tanong sa isipan. Napaupo si lola at mahinang napahikbi. Si Alec naman ay parang naestatwa sa kaniyang kinatatayuan at gaya naming lahat ay nagtataka rin.
Agad na dinaluhan ni Sheena si lola na ngayon ay mahinang humihikbi. Mayroong dinampot na kulay tsokolateng notebook si lola Espe binuklat n’ya ito at mayroong kinuhang nakaipit na maliit na litrato sa isang pahina. Pinakita n’ya sa amin iyon at...
“Ang aking una’t huling pag-ibig.”
Mayroon kaguluhan sa aming isipan dahil alam naman naming pareho ni Sheena na si lolo Antonio ang asawa ni lola Espe. Na ito ang mahal at tinutukoy nito, ngunit hindi ito ang nasa larawan. Hindi si lolo Antonio ang nasa larawan.
Kahawig nga ni Alec ang nasa larawan. Animong s’ya iyon at mas lalong bumata. Mas lalong pinaguwapo. Agad kong tiningnan si Alec hawak na nya ngayon ang larawan, napukaw ang atensyon niya ng makita ito.
Mahinang itong nagsalita. “It’s lolo Brent...” Napatingin agad si lola Espe kay Alec. Gulat dahil sa sinambit na pangalan.
“Brent Ynovis.” Pag-uulit ni lola. Sinabi pa nito ang buong pangalan. Ngayon ay sigurado na akong hindi nga si lolo Antonio ang pinapatungkulan n’ya.
Agad na akong nalinawan, mukhang kakilala ni Alec ang nasa litratong inabot ni lola Espe sa amin. Hindi lang basta kakilala ngunit ayon sa sinabi n’ya ay tinawag n’ya itong ‘lolo’. Tunay nga namang maliit ang mundo.
Tumayo si lola Espe at niyakap si Alec. “Pagpasensiyahan mo na ako, hindi ko lang inaasahang sa tagal na panahon na hindi ko na s’ya nakikita ay ‘yong apo pa n’yang hawig na hawig n’ya ang masisilayan ko ngayon.” Kumikinang ang mga mata ngayon ni lola may bahid pa rin ng kaunting luha, ngunit suot na n’ya ang mumunting ngiti sa labi.
Niyakap namang pabalik ni Alec si lola. “Marami nga pong nagsasabing kuhang-kuha ko ang itsura ni lolo Brent” Tumawa ng bahagya si Alec, pilit na pinapagaan ang atmospera sa paligid. Muli itong nagsalita. “Ayos lang po iyon, lola. Kung gusto n’yo po s’yang makita ay tingnan n’yo lang po ako.” Pagbibiro pa nito.
Lola Espe slightly tapped my boyfriend's shoulder. “Saulo ko ang lahat ng tungkol kay Brent. Hinding-hindi ko ‘yon malilimutan. Kaya kung sakaling hindi kita nakita ngayon, tandang-tanda ko pa rin naman ang kabuuan n’ya.” Seryoso ngunit naroon ang ngiti ni lola.
Bumaling naman ngayon sa akin si lola. “S’ya iyong tinutukoy mo, apo?”
Tumango ako sa kaniya. “Opo lola. Si Alec.”
Malawak na itong nakangiti ngayon, animong hindi naluha kanina. Matanda na ngang talaga si lola Espe, ang bilis ng magbago ng mood nito. “Nobyo mo na ba s’ya?”
Sabay kaming nagkatinginan ni Alec. Kinuha naman agad nito ang kamay ko. Nakatingin na ngayon si lola sa magkasiklop naming kamay.
“Mukhang alam ko na ang sagot, Elyxia Lyanne.”
Pinalipat-lipat nito ang mata sa aming dalawa ni Alec.
“Mukhang naulit sa pagkakataong ito, tunay na walang makakapigil. Mukhang hindi man noon para sa aming dalawa ang itinakdang pangmatagalang pagsasama, umaasa akong ang dahilan noon ay inilaan para sa inyo.” Huling binitawang linya ni lola Espe bago muling ibinalik ang atensyon sa litrato ng tinutukoy n’yang una at huli n’yang pag-ibig.
Wala akong ideya sa kung ano ang naging takbo ng kuwento nila ng lolo ni Alec. Pero base sa sinabi nito, base sa mga nangyari, mukhang hindi ‘to naging maganda at tila naging isa ‘to sa mapait na ala-ala ni lola Espe.
Kung ano man iyon, kung ano mang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni lola Espe, pipiliin at pipilitin kong maging iba ang sa aming dalawa ni Alec.
Gulat pa rin kaming lahat, lalo na kami ni Alec sa nalaman namin ngayon. Hindi na ‘yon mawala sa isip ko at naroon ang kagustuhan kong malaman kung anong nangyari sa kanilang dalawa.
Samantala si lola Espe naman ay kausap na ngayon si Alec sa balkonahe, hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nilang dalawa pero paniguradong may kinalaman iyon sa lolo nito. Hinayaan ko na lamang muna silang dalawa dahil kahit mismo ako ay nabibigla pa rin.
Narito lang kami sa sala nila Sheena sa itaas at nagkukuwentuhan. Tanaw na tanaw lang din namin si lola at si Alec na seryosong nag-uusap.
Parang ako lang ang okupado ang isip, ang pinsan ko kasi ay patuloy lang ang pakikipag-asaran habang katabi si Kyle.
Tumayo ako at iniwan sila sa sala, bumalik ako sa kuwarto ni lola Espe. Agad na hinanap ng mata ko ang notebook na kinuhanan n’ya ng litrato kanina. Binuklat ko iyon, napakaraming liham at mayroon pang iilang litrato ng kaparehong tao. Ayaw ko sanang makielam ng gamit ni lola pero kuryoso talaga ako. Pinihit ko pa ang ibang pahina at nakita ko ang larawan ni lola Espe habang nakaupo sa ilalim ng puno kasama ang lolo ni Alec. Tingnan palang ang mukha ni lola sa larawan ay mababakas mo ng masayang-masaya talaga ito kasama ang dating kasintahan. Hindi ko rin tuloy maiwasang mapangiti nang makita ito. Dagdag pang walang kupas ang ganda ni lola pati na rin ang kakaibang kakisigang taglay ng kasama n’yang lalaki sa larawan.
Ipinihit ko ang likod ng larawan nilang magkasama. Nakita kong mayroong nakasulat ditong maikling liham, pangalan at petsa.
“Mahal kong Ezperanza, itabi mo sana ang unang litrato nating dalawang magkasama. Dahil kung saka-sakaling hindi na natin muling makita ang isa’t-isa sa pagsapit ng umaga, alam kong mananatili at hindi magbabago iyang mga ngiti nating kumikinang sa larawan. Hindi ako sigurado kung masisilayan pa ba kita sa darating na kinabukasan gayong alam kong maglalakbay ka na palayo, pero gaya ng bilin at parati kong sinasabi sa iyo, kung mayroon kang nais sabihin sa’kin ay iparating mo lang sa buwan. Walang pagdududa at pag-aalinlangan, matatanggap ko ang mensahe mo, mahal ko. Tandaan mong kailanman ay hindi ka nag-iisa, narito lang ako at nakatanaw sa’yo mula sa malayo, Ezperanza. - Nagmamahal, Brent.”
Para akong sandaling nalagay sa pagkakataon na ‘yon ng mabasa ang liham ni lolo Brent para kay lola. Hindi ko namalayang mayroon ng tumutulong luha mula sa aking mga mata. Parang nahati ang puso ko. Hindi ko alam ang buong pangyayari, pero dahil sa nabasa ko, masasabi kong masakit iyon. Ngayon, unti-unti ko ng napagtatanto at napagtatagni-tagni ang tinutukoy ni lola Espe noon sa’kin na tungkol sa buwan. Si lolo Brent. S’ya ang nagsabi noon sa kaniya, ang lalaking pinakamamahal n’ya. Ang tinutukoy n’yang una at huli n’yang pag-ibig.