PLOT TWIST

1630 Words
CHAPTER 35 “Hindi ka pa ba pagod?”  Pagtatanong sa’kin ni Alec. Umiling lang ako sa kaniya. Saglit akong umahon mula sa dagat para tingnan kung ayos lang siya rito. Kanina pa kami nagsu-swimming nila Gail. Ang dami na naming nagawang water activities dito sa resort. Ang tagal naming nagjet ski kanina. Ang komportable ko habang nakayakap kay Alec habang nagpapaunahan kaming anim. Kung masayang mag jet ski mag-isa, mas iba pala sa pakiramdam kapag may kasama ka. Tama nga si Gail. Unang beses ko ring nasubukang mag snorkeling sanay na sanay silang lahat samantalang ako ay nangangapa pa kanina, pero nariyan sila lalo na si Alec para gabayan ako. Talagang ginugol namin ang araw na ito ng puno ng kasiyahan.  Ayaw pa namin pare-parehong umahon, iniwan ko lang sandali sila Gail at Sheena para bisitahin sila kuya Kier rito sa cottage dahil nagpapahinga na muna sila. Ayaw pa akong iwanan ni Alec kanina pero dahil napilit ko itong samahan sila kuya Kier dito ay wala na itong nagawa. “Okay ka lang ba rito?” Tumabi ako ng upo kay Alec. Sinundan naman agad ako nito ng mga mata n’ya. He smiled. “Ayos lang ako rito, ang sayang panoorin kang magtampisaw. Para kang bata.” Hinarap ko s’ya.“Bata mo naman ako ‘di ba?” Itinaas-taas ko pa ang kilay ko. He laughed when he heard what I said. “Huwag mo ako masiyadong tinitingnan, baka magsawa ka n’yan agad sa’kin.” Pagbibiro ko rito.  Sinamaan ako nito ng tingin agad na tumututol, “Imposible ‘yon, Xia. You’re the cutest turtle ever.” Tumayo ito at saglit akong iniwan sa pagkakaupo. Lumapit ito sa kabilang upuan at kinuha ang kulay puti n’yang damit agad naman itong bumalik sa harapan ko. Nagtataka pa akong pinagmamasdan s’ya. Iniladlad nito ang damit, buong akala ko ay isusuot n’ya ‘yon sa kaniya pero... “Wear this, Xia.” Hindi na ako nagtanong pa at nakipagtalo sa kaniya. Kinuha ko sa kaniya ‘yong damit at agad na isinuot sa’kin. Umiwas pa ito ng tingin sa gawi ko habang ginagawa ko iyon. Hindi pa rin ito humaharap sa akin kung kaya’t kinalabit ko na s’ya. “Hey, hey.” He startled a bit, “Hmm?” maikli nitong tugon. Napansin ko agad na namumula ang tainga nito. “Namumula ka.” Hindi ito kumibo sa pang-aasar ko sa kaniya at kinuha lang nito ang kamay ko. “Alec, gusto mong sumama pag-uwi sa mansyon ni lola Espe? Naroon ang iba naming gamit nila Sheena. Babalikan pa namin ‘yon.” “Ayos lang bang sumama kami? Kasabay ko sila Kier.” Tumango ako sa kaniya. “Oo naman, nang makita rin kayo ni lola. Naikuwento nga kita sa kaniya.” Bahagya pang lumaki ang mga mata nito. “Paniguradong galit na iyon sa’kin, baby.” Natawa ako noong marinig ang sinabi n’ya. “Sinumbong kita kasi ghinost mo ako.” Nakangusong sabi ko “I’m sorry. Natatakot na tuloy akong pumunta roon, sira na agad image ko kay lola, Xia.” Agad ko itong hinila para yakapin. “Biro lang ‘yon, ‘wag kang mag-alala magiging happy ‘yon kapag nakita ka n’ya.” Niyakap lang din ako nito pabalik. “Okay, I'll go with you.”   “Ehem, ‘wag naman sana kayo maglambingan dito bro, respect naman sa’kin.” Narinig kong sabi ni kuya Kier. Bumaling kaunti si Alec para maharap si kuya Kier, “Hanap ka na rin iyo, bro.” Sagot naman nitong si Alec habang yakap pa rin ako. Lihim na lang akong napapangiti dahil hindi ko rin naman inaasahang magiging ganito kaming dalawa, na magiging ganito kami ka-clingy sa isa’t-isa. Nakita kong nag middle finger pa si kuya Kier kay Alec. “Pag ako nakahanap, who you kayo sa’kin ni Kyle.” “Try harder next time, bro.” Pang-aasar pa nitong isa. Loko-loko rin talaga e. Saglit lang akong nagpaalam kay Alec para bumalik kung saan naroon sila Sheena. Inabot kami hanggang gabi sa paliligo sa dagat. Sinulit na namin ang oras dahil kinabukasan ay ba-byahe na kami pabalik sa mansyon ni lola Espe at pagkatapos noon ay pauwi na ulit ng Manila. After ng dinner namin ay napagpasyahan na nilang magpahinga. Pagod na pagod si Gail at Sheena kaya’t pumanhik na ito agad sa aming kuwarto. Ganoon rin si kuya Kier at si Kyle. Kaming dalawa naman ni Alec ay nagpaiwan sa ibaba para maglakad-lakad. Gusto ko pa rin naman itong makasama kaya’t pabor na pabor iyon sa’kin. Yakap ko ang sarili habang naglalakad kaming dalawa. Nasa tabi ko lang din ito at tahimik. “Alec?” Pagtawag ko sa kaniya. Lumingon naman ito sa’kin. “Hindi kita nakikita sa campus noong mga nakaraang linggo. Hindi ka ba um-attend ng class mo?” Kuryoso kong tanong. “Hindi ako nakakapasok. I accompanied someone. Inu-update ako nila Kier sa mga gawain pati na rin sa mga asessment na namissed ko and I also tried my best to make sure you’re okay, tinatanong kita parati doon sa dalawa. Ang kaso hindi ka naman daw nila nakikitang madalas. Ayaw ka naman daw nilang puntahan at abalahin.” Nakatingin lang ako ng diretso sa harapan ng nilalakaran namin. Gustong-gusto kong magtanong sa kaniya pero pinaninindigan ko sa sarili kong hihintayin kong s’ya ang magsabi. “Nag-aalala ako kasi hindi kita nakikitang pumapasok. I know how hard 3rd year is. Nagpaalam ka ba sa mga prof mo?” Kinuha nito ang kaliwa kong kamay at mahigpit itong hinawakan. “Oo, sinabi ko na may importante lang akong kailangan ayusin.” Hindi na ako nagsalita. Ayaw ko ng magtanong pa ng kung ano sa kaniya. Alam ko kasing hindi naman iyon puwedeng ipaalam sa’kin. Ayaw kong pilitin s’yang magsabi. Matapos ng mahabang katahimikan ay nagsalita itong muli. “Rye needs me that time. I cannot say ‘no’ to her. Ako lang kasi ang kaibigan no’n. Ever since we’re still a kid we’re each other’s bestfriend  kaya hindi ko s’ya matanggihan. Something  happened kaya noong tumawag s’ya, nataranta ako, hindi ko alam ‘yong gagawin.” Tumigil ako sa paglalakad at naupo sa malaking batong nasa gilid ng puno. Tanaw ang kabilang parte ng dagat sa puwesto ko. Nasa likuran ko si Alec. Nakikinig lang ako sa sinasabi n’ya. Hindi nga ako nagkamali noong araw na ‘yon sa nabasang pangalan ng tumawag sa kaniya. Si Rye. Sa maikling kuwento pa lang ni Alec ngayon ay nahihinuha ko ng malapit na malapit ito sa kaniya, at ganoon rin s’ya rito. “I hope she’s okay right now.” Sincere kong sabi. Iniisip ko kung ano kayang pinagdadaanan nito dahil mukhang kailangang-kailangan n’ya ang kaibigan. I felt bad for her. Kumpara naman sa akin noong mga araw na ‘yon na miserable lang dahil sa pangungulila kay Alec. Sumagi tuloy sa isip ko na parang wala akong karapatang mag-inarte dahil mas mabigat ‘yong pinagdadanan n’ya. I feel guilty knowing that she needs someone. She needs Alec and Alec is here with me. “Prairie’s getting better now. Don’t worry.”Maikling sagot nito. Napakalamig sa paligid, napakatahimik, napakapayapa. Pumupulot ako ng maliliit na bato sa aking paanan at sinusubukang paabutin ito sa dagat sa pamamagitan ng malakas na paghagis. Nagsalita akong muli. “Sana hindi mo muna s’ya iniwanan, baka kailangan ka pa n’ya ngayon, Alec.” Mahina itong nagsalita. Sapat lang para marinig ng mga tainga ko. “How about me? I need you...” Saglit akong napapikit dahil sa sinabi n’ya. Gaya ko kasi noong mga oras at pagkakataon na wala s’ya, ay sigurado akong kailangan ko rin s’ya sa tabi ko. Kaya ang marinig na sabihin n’ya ang mga salitang iyon ngayon, hindi ko mawari ang eksaktong dapat kong maramdaman. “I’m here, I'm just here Alec.” I feel his hugged from behind. Nakita ko itong bahagyang lumuhod para mayakap ako. “Baby, gusto kong malaman kung bakit naisipan mong pumunta rito ngayon. You don’t usually hang-out lalo na kapag marami kang gawain.” S’ya naman ang nagtatanong ngayon. Malalim akong bumuntong hininga. “Gusto kong tumakas sandali, masyado kong nalulungkot no’ng nawala ka. Sinusubukan kong hindi maramdaman ‘yon pero wala akong magawa. Nagkukusa, e.” “Nalulungkot rin tuloy akong isipin na gusto mo na akong takasan dahil sa ginawa ko, ayaw ko ng mangyari ‘yon ulit. I know I'm wrong, I just can’t reach you out that time, Xia. Sa susunod ay magpapaalam na ako sa’yo, magsasabi ako sa’yo. Ayaw kong bigyan ka ng iisipin, higit sa lahat ayaw kong masaktan ka.” I’m just processing eveything he’s saying right now. Trying to understand him. “Hindi naman ibig sabihin no’n ay ayaw ko na sa’yo. Masyado lang akong okupado nang mga araw na ‘yon at palagay ko’y ang saglit na bakasyon na ‘to ang sagot, Penguin.” Saglit akong tumigil sa pagsasalita. Muli akong nagpatuloy. “Gaya ng sinabi mo sa’kin, hindi ko rin maipapangakong magiging perfect partner ako, Alec. I’ll be childish at times, inconsiderate and immature. But I’ll also try my best to understand you as much as I can, to be better for you and for myself.  And I promise that I won’t leave no matter what circumstances.” “We will try our hardest best, Xia. We'll meet in the middle.” Dinampian ako nito ng mabilis na halik sa aking noo. “Sabi ko tatakasan muna kita, iyon ang plano ko. Pero biglang naiba ang nangyari, naiba ang plano.  Narito ka na ngayon, sinundan mo ako.” Pagbibiro ko sa kaniya. Narinig ko ang mahinang pagtawa n’ya. “I’ll chase after you wherever you’ll go.” “This is the plot twist, Alec. You are the plot twist.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD