CHAPTER 69 Kakarating lang naming dalawa ni Xander sa Eastwood Mall. Naging mabilis lang ang biyahe naming dalawa. Tahimik lang kaming pareho at nagpapakiramdaman. Hindi ako sumubok na magtanong sa kaniya tungkol kay Alec dahil hinihintay kong sa kaniya mismo iyon magmula. Na siya mismo ang magkuwento. Mukhang hindi na rin naman siya nagulat at nagtaka sa nasaksihan kanina dahil sa palagay ko’y alam niya na rin na nagkausap kami ni Alec no’ng nakaraan sa Casa Alta. Napasin ko rin na walang balak na magbukas si Xander ng usapan tungkol doon kaya’t hinayaan ko na. Naglalakad kaming dalawa ni Xander sa Eastwood Mall Open Park. Napakaliwanag ng mga ilaw na naroroon at talaga namang nakakapukaw ng pansin. Mayroon ding paikot na water fountain sa gitna na siyang dinadayo at pinupuntahan ng mga

