CHAPTER 70 Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili nang marinig kong bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa no’n si Hazel. “Ma’am Ely, sasabay po ba kayong magdinner sa amin o ipapapanhik ko na lang po rito ang pagkain niyo?” Inilipat ko ang tingin sa kaniya mula sa salamin na aking hawak. “Hindi na, Haze. Baka sa labas na ako magdinner.” “Aalis po kayo?” Tumingin pa siya sa likuran ko kung saan naroon ang orasan. Alam kong nagtataka si Hazel ngayon dahil mabibilang lang sa daliri kung ilang beses ako lumalabas ng ganitong oras. “Ah, yes.” Simple kong sagot sa kaniya bago muling humarap sa hawak na salamin. Pinagpatuloy ko lang muli ang paglalgay nang kaunting make-up sa mukha. “Ma’am Ely, kung saka-sakali lang pong mayroong maghanap sa inyo, ano pong sasabihin ko?” Nilingon ko si

