The Beginning
MATAGAL muna akong napatitig sa screen ng cellphone ko bago nagpasyang pindutin ang send button. Kakatwang nagulat pa ako nang biglang tumunog ang aparato. Nagreply na siya!
Zeke: Sure na yan, Thea, ha? Tuloy na tayo mamaya?
I took a deep breath before I replied.
Althea: Yeah. Basta ung usapan natin, ha? NO MONKEY BUSINESS. Kita lang tayo, chika ng konti den uwian na.
Zeke: Yes! Finally, pumayag ka rin. Sige na ,I'll get ready na. So very xcited!
Naiiling akong natatawa. Kahit hindi ko siya nakikita ay nakikini- kinita ko ang hitsura niya ngayon. Hanggang tenga na naman pihado ang smile ng lokong iyon.
Zeke and I have been texting each other for almost 4 months. At hindi iilang beses niya akong niyayang lumabas.
We're working under the same company. Isa sa pinakamalaking Japanese factory sa Pilipinas na gumagawa ng wire harness.
Magkaiba ang line namin pero halos magkatabi lamang. Taping ang process ko , Inspection naman si Zeke.
Five years na ako sa trabaho at regular na habang siya ay mag- aanim na buwan pa lamang. 26 na ako, Zeke was four years younger than my age pero hindi naman halata sa kanya. He looks mature ,parang magkaedad lang kami kung titingnan.
First day pa lang niya sa trabaho ay na- crush-an ko na siya agad. He's tall, dark and handsome. Hunk din siya, masipag, friendly at higit sa lahat, walang sabit. At ang nakabihag sa akin sa lahat ay ang kanyang killer smile!
Nang malaman ng mga ka- line ko ang tungkol sa pagkaka- crush ko kay Zeke ay inulan ako ng kantiyaw. At dahil nga medyo matagal na akong single ay inireto nila kami agad sa isa't isa . Dati siyang Chef sa barko pero gusto daw niyang sumubok ng ibang trabaho.
Ang totoo, mula nang maghiwalay kami ng my ex kong si Blake one year ago ay ngayon lang ulit ako na- attract sa opposite s*x. I won't deny that until now eh Bitter Ocampo pa rin ako. Paano ba naman ako makaka - move on kung araw- araw ko pa rin siyang nakikita. Jr Staff na siya ng line na kinabibilangan ni Zeke.
Flirting was never really my thing. Hindi ko ipinahahalata kay Zeke na crush ko siya pero parang alam niya at flattered siya. I'm always serious and formal pero hindi ako manhid para hindi mapansin ang mga pasimpleng panlalandi niya sa akin. Naaasar ako but at the same time, kinikilig.
At ang matindi pa kay Zeke eh tila ba hindi niya ikinahihiya na ma- link kami sa isa't- isa. Lalo pa nga niyang aakit sa akin. Laging nakadikit na parang linta. Kapag break time ay lumilipat pa sa pwesto namin para mang - istorbo. Imbes tuloy na makaidlip ako sa 15 mins break ay hindi ko magawa dahil sa kakulitan niya.
"Anong pabango mo, Thea?" Out of nowhere ay tanong niya minsan sa akin habang halos nakadikit na ang mukha sa leeg ko.Kulang na lang ay singhutin niya ako. Hindi naman ako nakasagot dahil nakakahiya. Fiona lang ang gamit kong perfume at mura lang iyon. Iyon lang kasi ang afford ko, char! Ang totoo niyan eh medyo may pagkakuripot ako at nagtitipid.
"Lucero! Balik sa linya mo. Kaya tayo nade- delay dahil pasaway kayo. Double time! We need to reach today's target output. " natigilan kami pareho sa pagsigaw na iyon ni Blake.
"Support muna ako dito, sir Blake! Wala pa naman tayong wire.." Talagang sumagot pa eh mainit na nga ang ulo ng Jr Staff niya. Pagtingin ko sa mga kasamahan ko ay makahulugan ang mga tinginan.
"Bumalik ka na kasi don, Zeke. Baka pati ako eh mapagalitan din." Parang wala namang pakialam ang walanghiya, itinuloy pa rin ang pagsu- support sa akin. "Uy, ano ba..balik ka na sabi sa line nyo."
"Tsss, hayaan mo siya Thea. Selos lang iyon." At kinindatan niya ako. Siraulo din talaga. Nang sulyapan ko si Blake ay kandahaba pa rin ang nguso at kunot ang noo.