First Date

780 Words
"Bakit gano'n Thea?Araw- araw pagganda ka nang pagganda. Lalo tuloy ako naiinlab sa'yo. " Ganyan ang mga banat ni Zeke sa akin maaga pa lang. Bago siya dumiretso sa line nila ay dadaan muna sa akin para mangulit. Kilig na kilig ang mga ka- line namin lalo na ang expert na si ate Abby. Irap lang ang iginaganti ko kay Zeke pero deep inside eh feel na feel ko ang kahabaan ng buhok ko. Lagi siyang may baon na pakilig at mga hugot na pamatay .Pero kahit naman crush ko siya eh uso ang pabebe diba?Isa pa, naiilang din ako dahil lagi kaming tinitingnan ni ex. Hanggang sa masanay na ako sa presensya ni Zeke. Nang hingin niya ang number ko ay di na ako nagpakipot. At heto nga, we're in getting to know each other stage pa rin. Sa loob ng 4 months na katext ko siya ay marami na kaming alam tungkol sa bawat isa. I found out that he's in a complicated relationship. May gf siya na pinapag- aral sa Manila. Nakilala niya daw nung nasa barko pa siya. Heidi's the name. Medyo nahihirapan nga daw siya kasi LDR pero mahal naman daw niya. Wala namang kaso sa akin kasi crush ko lang naman siya. Pero aaminin kong nadismaya ako ng very light. Alam ko din naman sa sarili ko na hindi na ako magmamahal ng katulad ng kay Blake. He was my first love. Pero imposible na rin na magkabalikan pa kami dahil ikakasal na siya. That's why I'm thinking of having a baby na lang. Wala akong balak mag- asawa. All I need is someone who will impregnate me. I'm willing to be a single mother. I know isang malaking kahangalan iyong naiiisip ko pero si Blake lang kasi talaga ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Maybe that's the reason why I agreed to meet Zeke tonight. He has no idea about my plan. I never told him. That would be my secret , sikretong malupit . Naputol ang pagmumuni- muni ko nang biglang tumunog ang cp ko. I know it's him. Siya lang naman ang katext ko eh. Zeke: byahe na ako, Thea .See u later. Ingat ha? Muaaah! Althea: okay. Ingat din. Muaaahhgs. Haha. Ganyan ako magreply sa kanya. Awkward maging sweet kaya dinadaan ko lagi sa biro. Matapos magwisik ng pabango ay ipinasok ko na ang cp ko sa bag pati na rin ang susi ng kwarto ko. And then, after locking my door, nagpaalam na ako kay mama na aalis. I was wearing a red spaghetti top, skinni jeans, rubber shoes and my favorite black cardigan . Nag- apply din ako ng manipis na make-up at hinayaan lang na nakalugay ang lampas- balikat ko na buhok. Morena ako, 5'4 ang height at mukhang bumbay. Namana ko ang features na iyon kay Papa. Hindi ko matawag na sexy ang sarili ko pero tanggap ko naman na ganito ang katawan ko.Siguro mas type ni Zeke ang tulad kong chubby. Madami kasing nagpaparamdam sa kanya sa trabaho, magaganda at sexy. Tisay pa, pero ewan ko ba kung bakit niya napansin ang beauty ko. Kahit nga noong kay Blake ay di rin ako makapaniwalang nagustuhan niya ang isang ordinaryong babaeng tulad ko. Halos tatlong taon din ang itinagal ng relasyon namin. Sunday at off namin pareho ni Zeke. Pareho kaming shift A kaya tuwang - tuwa siya dahil lagi niya daw ako makakasama at makikita. Pagkarating ko sa park kung saan kami magtatagpo ni Zeke ay bigla akong sinalakay ng matinding kaba. Zeke: asan ka na? Dito na ako,tapat tindahan ng balut at sigarilyo. Hindi ko na siya nireplayan sa halip ay naglakad na ako patungo sa kinaroroonan niya. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang nakatalikod niyang pigura. Eksakto namang lumingon siya at nakita ako. Agad niya akong sinalubong nang may malapad na ngiti. "Kanina ka pa ba?", I asked him. "Hindi naman. Nauna lang ako sa'yo ng 10 mins?" Hindi nakaligtas sa akin nang pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nilamig tuloy ako bigla dahil sa mainit ang kanyang mga titig. Nahihiyang itinaas ko ang neckline ng damit ko. Kung bakit kasi ito pa ang napili kong isuot . "Akala ko, iindyanin mo ako eh.", he said starting a new convo. " Naks, pormang- porma tayo ah. Pinaghandaan mo talaga ang first date natin, ha.." Lakas talaga nito mang- alaska.Pero ngiting - ngiti ang loko. Simple lang ang porma niya, black shirt and maong pants at Islander na tsinelas. Nahiya tuloy ang suot kong rubber shoes. "So, let's go?" Si Zeke ulit na may kakaibang kislap sa mga mata. Wala sa sariling napasunod na lamang ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD