Natigilan ako nang mapagtanto kung saan ako balak dalhin ni Zeke. Kabisado ko na kasi ang bawat sulok ng lugar . Luminga ako sa paligid at puno ng pangamba ang puso na baka may kakilala akong makakita sa amin.
'Zeke...ano 'to? Akala ko ba nagkasundo tayo sa No Monkey Business? ' Hindi ko na napigilan ang sarili na magtaray. Oo nga at naisip ko kagabi ang tungkol sa pagkakaroon ng anak pero kaninang umaga paggising ay tila natauhan ako. Hindi ko pala n kaya, hindi pa ako handa. I still love Blake at siya lang ang nag- iisang lalaking nais kong pagkalooban ng lahat.
'Relax, Thea. Wala naman akong gagawin na hindi mo magugustuhan. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo. I'm just so lonely now at kailangan ko ng makakausap...', malungkot na pahayag niya
Pero hindi pa rin ako kumbinsido ,hindi magandang ideya ang pumunta kami sa isang lugar na bawal. Nang tumigil ako sa paglalakad ay naiiling na nilingon ako ni Zeke.
'Thea, please?Promise, mag- uusap lang tayo. Alam mo naman kung gaano nakakapagod at stress sa trabaho natin. Gusto ko lang sana sa lugar na tahimik. With you. '
Hindi ko alam ni kung bakit napahinuhod akong tumuloy ni Zeke kahit panay ang tunog ng warning bell sa utak ko. Marahil ay dahil pareho kaming malungkot.
Mabuti na lamang at suot ko ang aking paboritong cap. Inayos ko ito para matakpan ang aking mukha.
'Doon tayo dumaan sa exit...' nagpatiuna na akong lumakad. Pero napatigil muli sa paghakbang nang biglang magsalita ang kasama ko.
'Nakapasok ka na dito?' Blangkong tinitigan ko lang ang siya. Nakakunot ang kanyang noo. Agad ko siyang tinalikuran at nagpatuloy sa paglakad upang itago ang namumula kong pisngi.
Nang nasa pinto na kami ay lalong nag- init ang aking mukha. May isang pares nakaupo sa lobby at obviously ay naghihintay ng bakante.
Sa sobrang hiyang nadarama ay nagtago ako sa likuran ni Zeke.
'Magpapa- reserve lang ako,' he gently told me. Wala na akong nagawa kundi tumango at umupo sa tabi ng magjowa na naghihintay din gaya nila. Hinila ko pababa ang suot na sombrero para matakpan ang aking mukha.
'Puno pa, Miss. Kanina pa nga kami dito, eh.' Nagulat ako nang magsalita ang babaeng katabi. Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya at hindi na rin ako nag- abalang tingnan pa siya. I was having a cold feet. It was a very awkward and embarrassing moment!
Medyo nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman ang pag- akbay sa akin ni Zeke.
'Wag na kaya tayong- - - - '
'Saglit na lang, Thea. Five minutes. May lalabas na raw. Nakapagbayad na ako' putol niya sa sasabihin ko pa sana . Talagang desidido na masolo ako. Saka ko lang na- realize kung anong katangahan ang pinasok ko.
Naputol ang pagmumuni- muni ko nang makarinig ng mga yabag na pababa ng hagdan. Awtomatikong napayakap ako paharap kay Zeke. Natatawang inakay niya ako patungo sa hagdan.
'Room 214 , sir.' Anang lalaking nasa counter. Bale tatlong lalaki ang naka- assign doon kaya lalo akong nakaramdam ng hiya sa sarili dahil kahit di ko sila
tingnan , alam ko kung anong naglalaro sa kanilang mga isip.
Mabibigat ang mga paa ko habang paakyat kami. Dulong kwarto ang kinuha ni Zeke. Matiyaga siyang nakaalalay sa mabagal kong paglalakad.
Nang makapasok sa loob ay nanatili ako sa likod ng saradong pinto habang siya naman ay dumiretso sa kama at umupo. Maya- maya ay inilabas niya ang charger mula sa bag at naghanap ng malapit na saksakan.
Inilibot ko ang tingin sa paligid ng silid. It wasn't my first time going to a place like this. Si Blake ang nagpakilala sa akin sa ganitong klase ng lugar.
But now's a different case dahil hindi naman kami magnobyo ni Zeke. At higit sa lahat, hindi namin mahal ang isa't isa. Bigla ay parang gusto kong umiyak at mag- walk out!
'Hey, okay ka lang?' Hindi ko namalayan ang paglapit ni Zeke sa kanya. 'I don't bite, okay?' Aniya sa tonong nagbibiro. Pagkatapos ay masuyo niya akong hinila papunta sa kama.
Noon ko lang napansin na nakainom pala ang siya. I took a deep breath first bago dahan- dahang umupo sa dulo ng kama. Tumawa ng nakakaloko si Zeke dahil sa inakto ko.
'Come on, Thea. Para naman akong may sakit na nakakahawa', tila nagtatampong wika niya. Napilitan tuloy akong sa tabi niya umupo.
Malawak ang naging ngiti niya.
'So anong gusto mong pag- usapan natin, hmmm? Bigay ka ng topic..' he said, smiling. 'Wala akong maisip , Zeke, eh.'
Nagitla ako nang bigla na naman niya akong akbayan pero hindi na ako umangal. May tiwala ako kay Zeke. Tingin ko naman ay gentleman siya. . Naiilang ako pero binalewala ko na lamang.
Ngunit nang akmang hahalikan niya ako sa pisngi ay napatayo ako.
'Zeke!' Shookt talaga ako. Pero ngisi lang ang naging sagot niya at unti- unting naglakbay ang mga mata sa kabuuan ko. Nang mapadako sa dibdib ko ang tingin nya at magtagal doon ay niyakap ko ang aking sarili. Nakaramdam ako ng panganib sa pag- iiba ng awra ng aking kasama.
Marahil ay epekto ng alak. Mukhang aroused na siya at mapupungay na ang mga matang titig na titig sa akin.