Irresponsible
Limang buwan na ang nakalipas simula noong ikasasal kami ni Caelvin. Here I am, still happy and inlove. May mga pag-aaway na nagaganap pero sa huli, pinipili naming ayusin ito.
Napabuntong hininga ako dahil kanina pa ako na stuck sa traffic. Ano na? Hindi na ba uusad 'to? Ganito nalang ba palagi? Pagod na nga tapos maghihintay pa ng napakatagal na oras. Nakakapang init lang ng ulo.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ito. Still, no message from him simula umaga. Hindi naman sa pag-iinarte pero is it hard to text me even if a few words? Tawag ako ng tawag sa kanya kanina pa pero hindi naman sumasagot! Napailing nalang ako at ipinagpatuloy ang pagmamaneho dahil medyo umusad na ang daloy ng traffic.
It took about a half hour bago narating ang village namin. Napakunot ang aking noo dahil nakabukas ang gate ng bahay. Nilingon ko ang garahe at nandoon na ang sasakyan ni Caelvin.
Don't tell me, he forgot to close it? Paano kung may pumasok na di kakilala?
Bukas naman ang gate kaya madali kong naipasok ang sasakyan ko. I turn off the engine at bumaba. I walk towards the main door at pumasok. And there he is, sitting on the sofa while busy on the phone. Di man lang namalayan ang pagpasok ko.
"Bakit nakabukas ang gate?" Pang-aagaw ko ng atensyon niya.
"Nakabukas ba? Oo nga pala nakalimutan kong isara." he said while busy on his phone. Hindi man lang ako nilingon. I think, naglalaro na naman 'yan!
I rolled my eyes at isinalampak ang bag ko sa kaharap niyang sofa at dumiretso sa kusina. Ok, kaunting pasensya muna. Tinignan ko ang laman ng kaldero at tama nga ako! Hindi pa nagluto.
Napapikit ako sa inis at kumuha ng tubig sa ref. at ininom ito.
Ok, kaunting pasensya pa ulit. Kinuha ko ang pork chop sa ref. at dumiretso sa lababo. Binuksan ko ang gripo at nagtaka ako dahil walang lumabas na tubig.
What the hell?
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at chineck ang page ng Maynilad. Tinignan ko ang latest nilang post at wala namang Maynilad Advisory! Could it be?
Biglang nag init ang ulo ko at dali daling naglakad patungong sala. Wala na! Ubos na ubos na pasensya ko.
"Hindi ka nakabayad ng tubig?"
"Magbabayad palang," sagot niya habang nasa phone parin ang tingin.
"Could you please stop playing that game dahil kahit nakasilent 'yan, alam kong naglalaro ka!" Galit kong sigaw.
Napatingin siya sa akin at nagtaka.
"Alam mo bang naputulan ng tubig, ha?" Galit kong tugon. "Of course you didn't know kasi you are just busy playing that damn game!" Sarkastiko kong sambit.
"I'm sorry kung nakalimutan ko pero wag mo isisi lahat sa akin." Padabog niyang nilapag ang phone sa tabi niya at sumimangot.
"Galit ka? You are responsible for it kasi last week palang ay sinabi ko na sayo. How could you forgot that? Paglalaro nga ng ml di mo nakakalimutan!"
"What the hell? Ok, babayadan ko na!" Sagot niya at tumayo.
"Are you stupid? Do you think, nakabukas pa sa ganitong oras? Anong kakainin natin? Hindi mo man lang nagawang magluto!" Giit ko sakanya.
Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin.
"Pati ba naman pagluluto pag aawayan natin? Hindi mo ba maintindihan na pagod ako?"
"Ako ba, hindi napapagod? Ano tingin mo sa akin, robot?" Taas boses kong sagot.
"Ok, then magpadeliver nalang tayo if that's what you are worrying about." He scratched his forehead at napapikit.
"Yan! Diyan ka magaling eh!" napailing ako. "Caelvin, we need to save dahil marami tayong gastusin. We need to balance our budget as well as our expenses every time."
Napabuntong hininga siya at galit na tinignan ako.
"Ano bang problema mo? Sige, ako na ang mali. Pero 'yung perang ginagastos ko, nagmula sa bulsa ko at pinaghirapan ko kaya wag mong pakialaman!"
His words hit me big time. Masakit.
"Don't I have the right to meddle with my husband's money? Wala ba akong karapatang pangaralan ka for what is better? Kailangan mo bang ipamukha na wala akong karapatan kahit meron naman?" Pinunasan ko ang nangingild na luha at pilit na ngumiti.
Natigilan siya sa aking sinabi at natahimik. Mabilis ko siyang tinalikuran at lumabas ng bahay, pagkatapos ay sumakay sa kotse at minaneho ito.
Sabi nila, kapag galit ka hindi mo makontrol ang galit mo at emosyon na nararamdaman. Lumalabas ang mga salitang hindi mo alam ay nakakasakit na pala. Minsan, kailangan mo munang umiwas pansamantala para hindi na lumaki ang away.
Natagpuan ko nalang ang aking sarili na naglalakad sa corridor ng ospital patungo sa room ni Mama.
I opened the door kaya naagaw ko ang atensyon ni Dahlia na kasalukuyang nakaupo sa sofa at abala sa kanyang laptop.
"Gabi na ah. Wala ka bang pasok bukas?" Kunot noong tanong ni Dahlia.
"Meron, namiss ko lang kayo." Lumapit ako kay Mama na kasalukuyang mahimbing ang tulog. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito.
"Ate, may problema ba?" Nag-aalala niyang tanong.
Liningon ko siya at nginitian. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Ako muna magbabantay ngayon, umuwi ka na muna para makapag pahinga ka." Isinandal ko ang aking likod at tumingala sa puting kisame.
"Ok ka lang ba?"
"Oo naman. Mukhang busy ka sa school kaya tapusin mo muna 'yang ginagawa mo lalo na at may pasok ka pa."
"S-Sige, papapuntahin ko bukas ng maaga si Aling Neneth dito." Buntong hiningang saad niya.
Lumingon ako sa kanya. "Kailan huling bantay ni Papa dito?"
Napaisip siya saglit.
"Last month pa. Bihira nga pumunta sa bahay 'yun eh. Kapag pumupunta, inaabot niya lang allowance ko tapos umaalis na."
Inilipit niya ang kanyang gamit at tumayo.
"Ate, una na ako ah." I nodded at her. Hinalikan niya ako sa pisngi at umalis.
Napabuntong hininga ako at tumitig sa kawalan. I amdit, I am not in good terms with my father and I think I will never be. Siguro sa iba, masama na akong anak. I have reasons. I just don't want to argue with him kasi kahit papaano ay may respeto parin ako sa kanya.
Buong magdamag ay dilat na dilat ako. Siguro nakaidlip lang ako saglit tapos wala na. Maagang nagising si Mama kaya ako ang nag asikaso sa kanya. Saktong alas sais naman ay dumating si Aling Naneth.
"Kayo po muna bahala kay Mama," saad ko habang nagpupunas ng buhok gamit ang twalya. Kakatapos ko lang maligo at buti nalang ay may baon akong palaging damit sa sasakyan.
"Ang aga mo naman pumasok sa trabaho, iha. Siya sige, ako na bahala kay Alice."
Nagpasalamat ako sa kanya at umalis. Si Aling Naneth ay mapagkakatiwalaan namin simula pa noong walang sakit si Mama. Siya din ang nag aasikaso noon sa amin minsan kapag pumapasok sa trabaho si Mama.
Wala pang isang oras ay nakarating na ako sa shop. May susi ako kaya ako na ang nagbukas. Duplicate key kasi ito kaya may susi ako. Siguro nagtataka sila mamaya kung bakit ang aga ko.
Dumiretso ako sa office at umupo sa swivel chair. Awit, wala pa akong tulog! Kinuha ko ang phone sa bag at tinignan ito.
Again, I feel disappointed.
Hindi niya man lang ba ako hahanapin? Hinanap niya ba ako? Napailing nalang ako at nag online. I checked his account. 2 hours ago active. Bumigat ang pakiramdam ko at tinignan nalang ang mga ibang message.
Bea Lazaro sent a photo
Nakita ko siyang online. I clicked her name at bumungad sa akin ang mukha niya.
Me:
Mas maganda 'yang pader na katabi mo.
Typing.....
Bea:
Gago!
Napangisi nalang ako at nag offline. Bumukas ang pinto kaya nilingon ko ito.
"Good morning, Ma'am. Ang aga niyo po." Takang saad ni Estrelle.
I just smiled at her.
"Kapag may naghanap sa akin, sabihin mo busy ako."
Tinitigan niya ako at tumango tango. Marahil ay nagtataka siguro Kung bakit.
"Sige po, Ma'am. Kapag may kailangan ka, tawagin niyo nalang po ako." Ngumiti siya at umalis.
Buong oras ay iginugol ko lang sa pag tatrabaho. Hindi ako bumaba o lumabas. Nagpahatid nalang ako ng pagkain sa office. Ewan, hindi ko feel lumabas at may mga kailangan kasi akong tapusin.
Pagsapit ng alas sais ng hapon ay naramdaman ko na talaga ang pagod. Isinandal ko ang ulo sa swivel chair at pinikit ang mata dahil sumasakit ang ulo ko.
Sa huli, ay nagdesisyon na akong umuwi nalang dahil hindi ko na kaya. I need rest and more sleep.
"Estrelle, may naghanap ba sa akin?" Tanong ko nang makita ko siya pagbaba.
"Wala naman po. May inaasahan ka po bang dadating?" Kunot nong tanong niya.
"W-Wala. Mauuna na ako, medyo sumasakit na ang ulo ko eh."
"Kayo naman po kasi, masyado ka pong nagbabad sa trabaho. Inom ka po ng gamot, ah." Alalang tugon niya.
"Sure, thank you." Ngumiti ako sa kanya at umalis.
Buti nalang hindi masyadong traffic kaya nakarating agad ako sa bahay. Paniguradong wala pa si Caelvin dahil nakaduty siya.
Pagpasok ko ng bahay, nagtaka ako dahil may naamoy akong pagkain. Taena, gutom na ba ako? Nilapag ko ang aking bag sa sofa at dumiretso sa kusina.
Punyeta, ganito ba epekto ng pagod na pagod? Standing near the kitchen, topless and showing his broad shoulders and a well built body while cooking.
Huwag. Hindi tayo marupok, ok?
Nakatalikod siya kaya hindi pa niya ako nakikita. Lumapit ako sa upuan at isinandal ang siko ko.
"Hindi ka pumasok?" Agad naman niya akong liningon at tinignan mula ulo hanggang paa.
"Hindi. Inasikaso ko na 'yung tubig kaya ayos na."
Tumango tango naman ako.
"I see."
"Nagluto na ako ng pagkain. Alam ko kasing pagod ka kaya gusto ko pagkarating mo, kakain nalang tayo." Tipid siyang ngumiti at naghain ng pagkain.
My heart touched at that thought.
"Kumain na ako," pagsisinungaling ko at iniwas ang tingin sa kanya.
Bumuntong hininga siya. "Just eat a bit then."
Tinignan ko ang nakahain sa lamesa. He cooked adobo and chicken curry. Bigla akong natakam at napalunok.
"May choice pa ba ako?" Sarkastiko kong sagot at umupo na. Nauna na akong kumuha ng pagkain at sinimulang magsubo. Kasalukuyan pa siyang naghuhugas ng kamay.
Naramdaman kong umupo na siya sa harap ko kaya liningon ko siya. Tinaasan ko siya ng kilay dahil nakatitig siya sa akin at pinagmamasdan lang ako.
"Bakit hindi mo ako hinanap?" Walang emosyong tanong ko.
"Bakit naman kita hahanapin kung ayaw mo akong makita." Pilit siyang ngumiti.
Hindi naman ako sumagot at napainom nalang ng tubig tapos ay ipinagpatuloy ang pagkain.
"Hindi pala gutom, ah." Tinignan niya ang laman ng plato ko at hinawakan ang kanyang baba tapos ay ngumisi.
I looked also at my plate. Madaming rice at ulam, taliwas sa sinasabi niyang 'bit' kuno. I rolled my eyes and I heard him chuckled.
Lihim naman akong napangiti.
A/N: Always wear your mask, wash your hands and be safe everyone. Don't forget to pray. Malalagpasan din natin lahat ng pagsubok na 'to. Glory is all His!