Prologue
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All Rights Reserved. Angeluzyyy
2020
_______________________________________________________________________
Napakaganda ng sikat ng araw. Napakabangis ng hampas ng alon sa karagatan na animo'y sumasabay sa damdamin ng isang tao. Napakalakas ng hangin pero nadadama ko kung gaano kainit ang buhangin mula sa tsinelas na inaapakan ko.
For others, it is a normal day, but for me, it is another day of facing the biggest battle in my life. I closed my eyes as I feel the calmness of the sea and the surroundings. The fresh air that clears my negativity. I love this place. The best comfort zone ever.
Napadilat ako ng mga mata ng maramdaman ang singsing sa aking daliri. I immediately smiled as I stare at the small stones that surrounded in the diamond. The best gift that I ever received. My wedding ring. I feel complete.
No, I was complete.
"Hey love, take a picture of me. Dapat maganda 'yung awra ko, okay?"
"You are always the most amazing woman, love. Don't worry." He smiled sweetly.
"Hoy! Ayusin mo, hindi ko kailangan ng pambobola mo dahil nakasalalay diyan ang image ko. Pang profile ko yan sa fb."
"Eto na nga eh. Pumwesto ka na," he position the camera.
"You. Are. Pretty," how cute, instead of saying 1 2 3.
"Ayan, tapos na madame."
"Tayo naman magpicture. Lika dito..."
"Excuse me Miss, can you take a photo of us?"
Natauhan ako ng may kumalabit sa akin. Kanina ko pa pala sila pinagmamasdan at ngayon ay nandito na sila sa harap ko. I'm just like a teen ager who witnessed a lovely couple. How embarrassed!
"Sorry? Ano ulit?" Hindi ko kasi masyadong naintindihan yung sinabi niya. Para akong lutang kanina. What is happening to myself?
"If pwede mo kaming picturan. Naaabala ka ba namin? You seem didn't fine at all. Oh my God! I'm sorry! Did I disturb you?" Sinserong sabi ng babae.
Mabilis akong umiling. "No. I'm fine! Hand me the camera." I smiled at her.
"Sure ka ba? Pasensya na ulit." I just smiled again and hold the camera. Pumwesto sila malapit sa maraming corals. The view is so amazing. After a few shots, lumapit ako sa kanila para ibigay ang camera.
"Thank you so much! Buti nalang talaga," masayang saad ng babae.
Masaya ko silang pinagmasdan habang tinitignan nila ang mga pictures sa camera. I am happy for the both of them. They look in love and contented. Napansin ko ang isang bagay sa kamay ng babae.
"Kasal na kayo?" Nakangiting tanong ko habang nakatingin sa singsing ng babae.
Nagkatinginan silang dalawa.
"Nope. Actually, ikakasal palang this month," sabay taas ng kamay niyang may singsing at ipinakita sa akin. They both smiled.
"Best wishes to the both of you. Congrats!"
"Aw, thank you sis! You should get one too, di ba love?" Lumingon siya sa lalaki.
"Yeah! I have cousin. He is single. Kung gusto mo lang naman." Mapang asar na sabi ng lalaki.
I just laughed. They are funny!
"I am married," ipinakita ko din ang singsing ko. Nanlaki ang mata ng babae.
"Oh sorry! I thought... Ah, hindi kasi halata. Where is your husband? Malungkot mag-isa kapag pumunta ka dito sa Corales De Isla."
"Ah, he is coming. Nauna lang ako," nakangiting sagot ko. Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa aking shorts kaya kinuha ko ito.
"Excuse me, I have to take this call." Tumango lang silang dalawa sa akin kaya tumalikod muna ako saglit.
"Yes, Linda?"
"Madame, your husband is here." Bumilis ang t***k ng puso ko at napalunok. I don't know why I feel nervous.
"I'm comming." I turn off the call and breath heavily.
"I need to go. Nice to meet you," hindi ko na hinintay ang kanilang sagot at agad na tumalikod. Oh! Di ko pala natanong ang pangalan nilang dalawa. Sayang naman...
Lakad, takbo ang ginawa ko para agad na makarating sa bahay. Hindi ko alam kung bakit ako nagmamadali basta feel ko lang. I can't wait to see him. I didn't mind all the eyes that are looking on me, maybe they are curious why I'm rushing over.
After a minute, humihingal akong nakarating sa bahay. Tumigil muna ako saglit sa may pintuan at sumandal sa katabing pader. After years, I somehow realized that things are actually changing. Hindi mo lang talaga namamalayan kasi nagfofocus ka lang sa kung ano ang nasa harap mo.
I smiled bitterly.
Pumasok na ako at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.
Nakakapagod din pala.
"Madame, parang ang bilis mo naman ata. Miss na miss?" Nabilaukan ako sa iniinom kong tubig kaya napaubo ako.
"Ay hala! Ayos ka lang, Madame? Pawis na pawis ka pa. San ka ba galing? Tubig gusto mo?" Natatarantang saad niya.
Mabilis akong umiling. I literally wipe the small bullets of sweat on my forehead. Mabuti nalang at sinabi niya. Hindi ko na kasi namalayan kaninang pagkarating ko.
"No no no. San siya?" Napapaubo kong tanong.
"Nasa veranda po," tumango ako at umakyat sa taas para dumiretso sa veranda.
The moment I entered, I saw him standing and leaning on the railings. Tanging ang kanyang likod lang ang aking nakikita. Wait, did he saw me kanina? Hindi naman siguro. Agad akong lumapit at tumabi sa kanya.
"Hey. You are here," Pang-aagaw ko ng atensyon kaya lumingon siya sa akin. I kiss his cheek kaya naramdaman kong medyo nagulat siya. Umiwas siya ng tingin kaya medyo napahiya ako.
"I just arrived," he remove his sunglass kaya nakita ko ang kabuuan ng kanyang mukha even it is side view. His jaw is perfectly fine, his pointed nose that suits well on his face, his mesmerizing eyes that could stare at you perfectly, his clean cut hair that almost attract by any woman.
"You are back." I miss you. I want to utter that but I just smiled at him. Saglit kaming natahimik at pinagmasdan ang view mula sa baba.
Napalingon ako sa kanya. I feel his uneasiness at tila may malaking problema na hindi masabi. Nakakunot ang kanyang noo at napapabuntong hininga.
"You okay? May problema ba?" Nagtataka kong tanong.
Tumingin siya sa akin at napapikit. Malakas na bumuntong hininga ulit tapos seryosong tumingin sa akin.
"I want an annulment."
Para akong nabingi sa kanyang sinabi. I stared at him blankly. I knew it. I remained calm na parang wala akong narinig at naintindihan kahit sa loob ko, gusto ko ng sumabog.
I know, this day would come. I know, but I chose to pretend.
"How's your vacation? Did you enjoy well?" Ngiti kong tanong.
"Aila, you heard me. I said, I want an annulment." Desperadong saad niya.
Napasinghap ako at pinigilan ang luha na nagbabadyang tumulo. Nagbabakasakaling mali lang ang rinig ko at isang panaginip lamang ito.
"Yes, I heard you! Very clear. Do you think, what reaction do you want from me? My husband is requesting an annulment. My husband wants us to divorce. Do you think it is funny, Caelvin?" Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko. Ultimong sakit ay sagad na sagad. Bakit pa ba ako magugulat kung umabot sa ganitong punto ang lahat ng ito?
I am tired. Noon pa...
"Because this is not working anymore. I am too tired to fight in this relationship."
"Tangina! Nakakasawang pakinggan 'yang mga ganyang rason. Hindi na tayo bata para sa mga ganyan. This is not working? Punyeta! Bakit? Gumagawa ka pa ba ng paraan para maayos ito?" I faked a laugh at pinunasan ang mga luhang tumutulo.
"Kung pagod ka, eh ano pa ako?" Turo ko sa sarili ko. "Pagod na pagod? Even if I am tired, I am still fighting. Kahit maubos ako, I will still fight to keep my promise to you and to keep this marriage. We promised Caelvin. Sa harap ng Diyos at sa harap ng maraming tao." Pang iintindi ko at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata.
Napahilamos siya sa kanyang palad at pagod na tinignan ako.
"Then don't keep this marriage anymore, if that's what you think. Wala ng rason para lumaban pa at wala akong nakikitang paraan para maayos pa ito na hindi tayo nasasaktan." He brutally said.
"Maraming paraan at maraming rason kung gugustuhin mo. Kayang kaya kong kalimutan ang lahat kasi kahit anong gawin ko, mahal parin kita at patuloy parin akong bumabalik sayo."
He avoided his gaze at mine.
"I'm done," Seryoso niyang sabi kaya hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya at agad na pinunasan ang aking luha. Simpleng salita pero alam mo na agad kung anong kakalabasan nito. I hold his hand to convince him.
"For better, for worse. For richer, for poorer. In sickness and in health. We will take each other as a whole, no matter what happen to us. No matter how hard the situation is," hamahagulgol kong sambit.
For the second time around, talo na naman ako putangina!
He instantly pulled his hand at walang emosyong tumingin sa akin.
"I don't deserve a wife that cheated on me. I don't deserve a wife that betrayed and fooled me...."