Chapter 1

1636 Words
The baby "Aila, anong plano niyo ni Caelvin?" Tanong ni Bea habang ngumunguya ng apple. Saglit kong itinigil ang pinupunasang picture frame at napatingin sa kanya. Tignan mo 'tong babaeng 'to, feel at home. Nakataas ang paa sa small table habang sarap na sarap pa sa pagnguya. "Anong plano? Marami kaming plano kaya alin doon? May plano kaming kumain, matulog, magkwentuhan, maligong sabay, manood, magbonding, magchukchakan at marami pang iba kaya linawin mo." Umasim ang kanyang mukha. Malay ko ba kung ano ang tinutukoy niyang plano eh marami kaming plano sa buhay. Alangan namang isa-isahin ko sa kanya?  Ano siya, fan naming dalawa at kailangan palaging updated sa plano namin? Pwede din naman.  "Tangang 'to! What I mean is, wala ba kayong plano magkaanak? Hello? Two weeks din kayong nag honeymoon kaya imposibleng wala pa 'yan." Sabay tingin sa tiyan ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. "May plano kaming magkaanak pero hindi pa sa ngayon. May kanya-kanya pa kaming priorities na dapat tapusin in our own." Humarap siya sa akin at itinaas ang isang kilay.  "Seryoso ba kayo? Te, mag-asawa na kayo kaya kung ano ang priority mo, ay priority niya na din at ganoon ka din sa kanya. Kaya nga kayo mag-asawa di ba? Nagdadamayan sa lahat ng bagay." I avoided my gaze at her at pinagpatuloy ang pagpupunas sa picture frame. It's been a month simula noong ikasal kami. We spend our honeymoon in Corales De Isla, napakagandang lugar at masarap balik-balikan. I already miss that place. Last week lang kami lumipat dito sa bagong bahay namin. It is our dream. A modern house. Both of us agree na hindi dapat masyadong malaki, sakto lang para sa isang not so big family. "We both know that. I mean, we have to finish our own priorities first, at the same time, we will comfort each other before we proceed to our main priority as a husband and wife. Bata pa kami  and we have to enjoy this married thingy." "Alam mo, hindi kita maintindihan eh. Bakit kayo nagpakasal agad? No offense, ah? Pero shock talaga ako eh. Let's say 8 or 9 months palang kayo nagkakilala tapos kasal na agad? Aila, 24 palang tayo at fresh graduate. Madaming opportunities ang nakaabang," napailing siya at kumagat sa apple. "As long as you love that person you won't mind if how many days or months since you've met. The important is, you love that person and you are seeing yourself together in the future." Seryosong sagot ko. Napamaang siya at hinawakan kunwari ang ilong. "Sus, edi ikaw na ang may love life. May paganyan ka pa! San mo napulot yan?"  "Nabasa ko lang sa Google, bakit ba?" Umirap ako "Palibhasa kasi, ghinost ka ng kafling mo ngayon. Ano ka ngayon? Nga-nga!" Sinamaan niya ako ng tingin kaya napatawa ako. Paano ba naman, ghinost siya ng kachat niyang doctor kaya di maka get over ang gaga. Pinaplano pa naman niyang ipakilala samin, kaso olats. "Ang pangit talaga ng lumalabas sa bibig mo. Atleast, hindi maagang malolosyang." Napangisi siya. "Sinong malolosyang? Baka ikaw! Malolosyang ka sa kakahanap ng jowa mo! Assume pa!" Halakhak kong sabi. Inis siyang tumingin sa akin at napanguso "Gago 'yung doctor na 'yon! Ako, ighoghost niya? Asa siya!" Bigla siyang tumayo at inayos ang sarili at astang aalis. "Hoy! Asar ka na niyan?" Natatawa kong tanong. Di naman 'yan madaling maasar eh. Siguro naattach na siya sa doctor na 'yun kaya grabe makapag drama.  "Gago, hindi 'no! May sakit ako." Tinaasan ko siya ng kilay. "Ha?" "Pupuntahan ko siya sa ospital at ipapagamot ang sakit na dinulot niya," madrama niyang sabi. "Hanapin mo pake ko."  She raised her middle finger at me at agad na tumalikod. Napailing nalang ako. Time flew so fast. Parang kailan lang noong high school kami at parehong nagrereklamo sa buhay. Mga panahong sinusubok ang mga uso ng isang kabataan para masabing hindi mapag-iiwanan. Nagkamali pero ang mahalaga ay natuto at bumangon ulit. Pinagmasdan ko ang paligid dito sa sala. Someday, we will gonna build our own family. I imagine how our kids are running in every corner of our house. We will witness how they grow up and learn from their mistakes. I smiled at that thought. Someday. I glanced at the clock. It's already 7:50 and I think malapit ng umuwi si Caelvin from work. He is a police man, and I am glad that he is serving the country and the people. I am so proud. I will be forever proud! Napalingon ako sa may pintuan ng may pumasok. My jaw, dropped seeing my man holding a bouquet of flowers while walking on his police attire uniform. "Para sakin 'yan?" Ngiti kong tanong nang makalapit siya sakin. "Hindi ah, ilalagay ko 'to sa flower vase," nakangisi niyang sagot kaya hinampas ko siya. "Mama mo flower vase, akin na 'yan," inilahad ko ang aking kamay.  Kung hindi lang 'to gwapo kanina ko pa nasipa palabas. Actually, hindi ko nga din alam kung bakit ako nagpakasal dito eh. Pinilit niya lang ata ako tapos um-oo nalang ako. Kawawa naman kung tatanggi ako, di ba? "Gusto mo 'to? Bili ka," asar niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ah, ganoon? Pwes, kainin mo 'yang bulaklak mo ngayong gabi. Huwag kang kakain ng niluto ko, ha?" Tinaasan ko siya ng kilay pero ang gago mas lalong tumawa. Ako talaga kasiyahan niya. "Actually, I bought this flower for my wife." He sweetly smiled at inabot sakin pero hindi ko ito kinuha. Nagkibit balikat lang ako at nagkunwaring nagtatampo. Mas lalong lumapit siya sakin at yinakap ako. Ganyan nga, Estavillo! Matapos mo akong inisin, although hindi naman talaga ako masyadong nainis. Nag-iinarte lang, bakit ba? I smirked. That's Caelvin, gusto palaging may thrill. Kaya nga 'yan nag pulis eh. Hindi siya direct to the point at gustong gusto ka muna niya pahirapan. Parang tanga pero nasasanay na ako sa kanya. "I miss you, wife," he kissed my forehead. Wala na, kainis naman 'to! Mapaghahalataang marupok eh! Kumalas ako sa yakap at nakasimangot na kinuha ang bulaklak. Ano ba 'yan Aila, masyado ng pabebe. Hindi ko na napigilang ngumiti kaya napatawa siya. "May toyo ka talaga eh," umiiling niyang tugon. "Mama mo may toyo," inirapan ko siya at naunang naglakad patungong kusina. We spend our dinner talking about work. Our plans, that we need to accomplish. Speaking of work, one week nalang ang natitirang vacation leave ko. After that, balik na naman sa normal ang lahat. Parang napakabilis ng mga pangyayari. I can't believe, that I am starting to build a family. Mariin kong sinulay ang aking buhok at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Kakatapos ko lang maligo and I am wearing a gown nighties. I immediately applied a cream on my face para hindi magdry. Liningon ko si Caelvin na kasalukuyang nakatayo sa may veranda. Kahit nakatalikod, ang poging tignan. Ikaw ba naman magkaroon ng ganyang asawa talagang sulit na sulit. I stood up at naglakad patungo sa kanya.  "Hey, hindi ka pa inaantok?" Pang aagaw ko ng atensyon at tumabi dito. Nakasandal ang dalawang kamay niya sa railings habang may hawak na basong may lamang alak ang kanyang kaliwang kamay at nakatanaw sa view sa ibaba. "You should sleep first wife, it's already late," lingon niya sa akin at tinitigan ako. Patalikod akong sumandal sa railings at tiningala ang madilim na kalangitan. Ignoring what he said kasi hindi pa naman ako antok. "Do you think, magiging mabuti tayong magulang?" Tanong ko habang nakatingala. "No one is perfect. One thing for sure is, gagawin natin ang lahat para sa mga anak natin. We will guide them every moment. Papalakihin natin silang may disiplina at maging mabuti sa kapwa," napalingon ako sa kanya at di ko maiwasang mailang dahil nakatitig parin siya sa akin.  Tumingala nalang ako ulit sa langit dahil di ko masabayan ang kanyang pagtitig. I don't know what's going to his mind kapag ganyan siya. "Bakit ka nakatitig? Sobrang ganda ko na ba?" Nakangising tanong ko. "Thank you, wife." He said huskily. Taka ko siyang liningon. His eyes are full of emotion yet unread. "Thank you kasi ang ganda ko?" Panloloko kong tanong pero hindi siya natinag at seryoso akong tinitigan. "Thank you, kasi dumating ka sa buhay ko at pinili mong makasama ako. Alam kong hindi ako perpekto pero gagawin ko ang lahat para hindi kita mabigo." I smiled at him. "You don't have to be perfect. But please, don't do such things that can break my heart and the whole me. That's all I want." "I won't hurt you," I'll keep that in mind.  Lumipat siya sa harap ko at kinulong niya ako gamit ang kanyang dalawang braso. Di ko maiwasang mapalunok. He never failed to make my heart beats faster. "Alam mo ba kung ano ang nasa isip ko?" Gusto ko siyang saguting pabalang at sabihing 'paano ko malalaman eh hindi ko naman nakikita ang isip mo' kaso baka mabadtrip sakin si mister.  Umiling nalang ako sa kanya. "Sabi ko sa sarili ko, 'pre sobrang swerte ko sa babaeng 'to kasi tinanggap niya kung ano at sino ako." Nangilid ang kanyang luha at nakangiting tumitig sa akin. Again, he never failed to make me fall in love with him harder. I wipe his tears at ngumiti sa kanya. Grabe, bakit ang swerte ko sa lalaking 'to? Hindi ko lubos isipin na may magmamahal sa akin ng ganito. Speechless ako ngayon at isa lang ang masasabi ko. "I love you, Caelvin." Under this night, with a thousand beautiful stars in the sky, the moon that serves light to us, I kissed the most amazing man I ever know. My husband. A/N: Always wear your mask, wash your hands and be safe everyone. Don't forget to pray. Malalagpasan din natin lahat ng pagsubok na 'to. Glory is all His!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD