Married Life
"Ilang beses ko bang sasabihin sayong wala akong babae?"
Napalingon ako sa kaharap na bahay nang may lalaking sumigaw at tila galit na galit sa kanyang asawa. Kasalukuyan akong nagdidilig ng mga halaman sa harap at kanina ko pa naririnig na nag-aaway ang mga ito. Nasa labas silang dalawa kaya hindi ko maiwasang makinig sa kanilang pinag-uusapan.
"Maraming nakakita, Franco! Sa tingin mo ba, hindi ko nahahalata? Palagi kang may kausap sa cellphone tuwing hating gabi! Ano sa tingin mo ang iisipin ko, ha?" Nanggagalaiting sigaw ng babae.
"Isipin mo na ang gusto mong isipin! Bahala ka sa buhay mo!"
Nakita kong lumabas ang lalaki at pinaharurot ang sasakyang paalis. Naiwang tulala ang babae at mababakas ang matinding poot sa kanyang mukha. Bigla niya akong liningon kaya napayuko ako at umastang inaayos ang hose. Baka sabihing chismosa ako, di ba?
Pag-angat ko ng tingin, wala na ito sa labas. Siguro ay pumasok na. Away mag-asawa nga naman! Bakit kaya may mga lalaking hindi makuntento sa kanilang asawa? Ano pa ba ang hinahanap nila? I don't understand those who cheat. Napailing nalang ako at pinatay ang hose.
I hold my waist at pinagmasdan ang mga bulaklak. There are roses, orchids, tulips and daisies. Maybe, I can add more kapag may free time ako. Gustong gusto ko kasi ng mga halaman at bulaklak because I find it relaxing kapag pinagmamasdan ko ang mga ito.
May garden kasi kami sa bahay dahil mahilig si Mama sa mga pagtatanim din ng mga iba't ibang halaman. Sa kaniya ko natutunan kung paano pahalagahan at alagaan ang mga ito. Gardening is our kind of bond. We talk silly things at palagi niya akong pinaparangalan sa mga bagay bagay. I miss her already!
Napabuntong hininga ako at binalewala ang namumuo sa isip ko at naglakad papasok sa bahay dahil kailangan ko pang maglaba. Mag-isa Lang ako dahil nakaduty ngayon so Caelvin. Shocks, bakit ganito? Feeling ko, isa na akong super wife. Imagine that? Wala pa akong pahinga dahil kanina pa ako kumikilos. Well, this is called a wife material thingy.
Umakyat na ako sa taas at kinuha lahat ang mga labada. Hindi naman ako lumaking maarte dahil simula pagkabata, tinuruan na ako sa mga gawaing bahay. My mom is teacher while my dad is businessman. Ako ang panganay sa aming dalawang magkapatid kaya kahit papaano tumutulong ako sa mga gawaing bahay. I am proud that my parents didn't spoil me that much.
May washing machine naman kaya kahit papaano hindi din ako gaanong mahihirapan. I fixed my hair in a messy bun then I started to put some clothes in the washing machine.
Dahil nga mag-isa ako, I need destruction para hindi mabaliw. Ay hindi, ayos lang pala mabaliw, 'wag lang sa maling tao. Pero kung feeling mo nababaliw ka na talaga, matindi na 'yan! Baka may tulo ka na! Charot!
I open the music playlist on my cellphone at inenjoy nalang ang ginagawa. Sabi nila, para mapadali ang iyong ginagawa kailangan mo lang libangin ang iyong sarili at sabihing 'grabe, sarap talaga maglaba!'
Isa lang ang nasa isip ko ngayon, I am happy and I have no regrets. Masaya ako sa aming dalawa ni Caelvin and I don't want to loose him.
After an hour, I finished doin' laundry. Nagwalis ako sa sahig para maalis ang mga alikabok at dumi, kasing dumi ng ex mo! Charot ulit! I mopped the floor para maging makintab ang tiles, kasing kintab ng ex mong naglaho!
Napasalampak ako sa couch nang sa wakas ay natapos na din. Napatingin ako sa orasan at nagulat ako ng alas dose na pala ng hapon. Swerte talaga ni Caelvin sa akin. Ang ganda ko na, ang sipag ko pa! Di na siya lugi niyan!
Inis akong napakamot sa noo kung kaninong cellphone ang maingay na kanina pa ata may tumatawag. Wala pa atang balak sagutin! Bakit di nalang niya itapon? Feeling ko nasa malapit lang 'yun eh. Sinubukan kong kinapa at nang may naramdaman akong matigas na bagay na parang cellphone ay basta ko nalang ito sinagot.
"Tangina, kanina ka pa tawag ng tawag. Ano, may emergency? Kung may emergency man, sorry hindi ko kilala ang may ari ng phone na 'to kaya stop calling nalang, ha?"
"Nakahithit ka ba ng busha? Lakas ng amats mo pre! At anong emergency ang sinasabi mong gaga ka? Huwag mo nga 'kong pinaglololoko, Aila!"
Parang nagising ang sistema ko at biglang napadilat. Pinagmasdan ko ang paligid at napagtantong nandito ako sa couch kaya napabangon ako . Grabe, nakatulog pala ako? I glanced at the clock at nanlaki ang mata ko ng 3:30 na pala ng hapon. Tatlong oras akong nakatulog ng di ko namamalayan? Hanep!
"Hoy, ano na! Nadeads ka na ba diyan?" Bigla kong inilayo ang phone sa aking tainga dahil sa lakas ng sigaw nito. Punyeta naman! Oo nga pala, may tumatawag. I checked the name who called. Si Bea pala!
"Bakit ka ba tawag ng tawag? Nagising tuloy ako, punyeta ka!" Sigaw ko pabalik.
"Ako pa ang punyeta? Hoy Aila Jean Muñoz na Estavillo na ngayon, baka nakakalimutan mong may usapan tayo? 3:00 sa may Grand Salon, di ba? Ikaw pa ang nag-aya! Kanina pa ako nandito at anong oras na, ha?" Sigaw ulit niya. Naiimagine ko tuloy ang kanyang mukhang nagtatantrums. Gusto kong tumawa kaso baka mabadtrip 'yan.
Napakamot nalang ako sa ulo dahil nawala sa isip ko.
"Ha? Oo, otw na 'ko."
"Anong otw? On the way? Ulul! Kakasabi mo na kakagising mo palang!"
"Shunga! On the water. Hintayin mo lang ako diyan. Bye!" I ended the call at nagmadaling umakyat sa taas.
I take a bath for almost 20 minutes lang, baka kasi napanis na si Bea kakahintay sakin. I stare myself at the mirror. I am wearing a white fitted sleeveless dress that fits on my body. Red lipstick is my mood with a simple make up. I combed my dark ash blonde hair. Ngayon ko lang napansin na hanggang bewang na pala ang buhok ko. Well, I don't wanna cut it.
Napasulyap ako sa cell phone kong kanina pa tunog ng tunog. Wait lang, di makapaghintay? Eto na nga eh!
I wear my black pointed heels at nagmadaling bumaba. Paniguradong hassle magcommute ngayon kaya gagamitin ko nalang ang kotse ko.
After a minute, I parked my car near the salon. I grabbed my purse at dumiretso papasok sa salon.
"Nahiya naman ang 5:00 sa 3:00 mo!" Napatigil ako at napalingon sa side. Bumungad sa akin ang nakahalukipkip at hindi maipinta na muka ni Bea habang nakatayo.
Ngumiti ako at nagpeace sign sa kanya. "Sorry na, lilibre nalang kita."
"Dapat lang, uy! Ano ka ngayon? Asawa pa ng maaga, ah! Napakalandi mo kasi!" Irap niya sa akin.
Bitter talaga! Di pa sabihing gusto niya na din mag-asawa! Paniguradong hanggang ngayon, zero pa din ang love life! Gusto ko siyang asarin pero mamaya na, high blood pa siya ngayon eh.
"Huwag ka na sumatsat diyan. Tara na!" Nauna na akong naglakad at sakto namang may lumapit na babae sa amin.
"Hi, Ma'am! What can I offer to you?" Nakangiting tanong ng babae.
"Pedicure and Manicure for two, please."
"Ok, Ma'am. Diretso lang kayo sa room service." Tumango naman ako at pumasok sa room service na sinasabi.
Unlike sa ibang salon, Grand Salon is one of the most comfy kaya dito kami palagi. Maayos ang service at maayos ang mga pakikitungo ng mga assistant kaya sulit na sulit talaga ang bayad. They offer spa, facial, manicure, pedicure, and body massage. Expensive but worth it.
"Grabe, panalong panalo pa rin ang Grand Salon," sabi ni Bea habang luminga linga sa paligid. Kasalukuyan na kaming linilinisan at kanina pa 'yan puri ng puri. Kung hindi ko lang libre, iisipin kong manghihingi lang 'yan ng discount. Ngumiti naman si Beth sa kanya. Siya ang naglilinis kay Bea. Halos kilala ko na lahat ang mga empleyado dito dahil madalas kami dito noon.
"Huy, ingay mo! Baka naiirita na si Beth sa'yo." Lumingon naman siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Ikaw lang naman ang naiingayan sa akin dito. Siyempre kailangan din nila ng pampagana, duh!"
"Hindi sila nagaganahan sa boses mo, 'te. Nauumay sila," She raised her middle finger at me kaya natawa ako.
"Nasaan na pala si Leticia? Tagal ko na siyang hindi nakikita dito," tanong ko kay Ria. Siya naman ang naglilinis sa akin.
"Matagal na talaga siyang hindi pumapasok, Ma'am." saglit siyang lumingon sa likuran. "Nahuli niya kasing may babae pala ang asawa niya at ang masaklap nabuntis niya ito. Wala pa kaming balita sa kanya at hindi namin alam kung papasok pa ba. Sabagay, kaibigan naman niya ang may-ari nito eh."
"Ano? Sa ganda niyang 'yon, nakuha paring mambabae ng asawa niya?" Sabat ni Bea.
"Kahit gaano pa kaganda at sexy ang isang babae, kung hindi marunong makuntento ang asawa, wala parin," saad ni Beth.
"Mga lalaki talaga ngayon, hindi na marunong makuntento. Ako naman, nalaman kong may babae din ang asawa ko, kaya ayun pinalayas ko na. Gago siya eh." Tugon naman ni Ria kaya napatitig ako sa kanya.
"Bakit mo pinalayas? I mean, there is still second chance." Sabi ko kaya natawa siya.
"Paulit ulit na second chance kaya tama na rin siguro. Mahal ko pa ang sarili ko at hindi ako nabubuhay para lang gaguhin ako ng isang tao," nakangiting sagot niya.
"True 'yan sis. Dami pang iba diyan. You deserve better," ani Bea.
I don't know why I feel bothered. Maybe, I have husband? Hindi naman siguro magagawa ni Caelvin 'yun. He loves me and I know he won't hurt me. I trust him. I trust his words.
A/N: Always wear your mask, wash your hands and be safe everyone. Don't forget to pray. Malalagpasan din natin lahat ng pagsubok na 'to. Glory is all His!