Back to normal
"Welcome back, Ma'am!" Salubong ni Estrelle pagkapasok ko.
"Thank you! Kumusta kayo dito?"
"Naku, ayos naman po kami. Mas lalo nga pong dumami ang costumers natin," nakangiti niyang balita.
"That's good to hear," I smiled at her at pinagmasdan ang paligid.
Ngayon ang balik ko sa trabaho matapos ang mahabang bakasyon. Mabuti nga at pinayagan ako, although naiintindihan naman nila. The Assistant Manager is there kaya kahit papaano, panatag ang loob ko.
I am currently the General Manager of Tea Life. We served different kinds of tea like Peppermint, Hibiscus, Chai, Chamomile, Matcha, Oolong, Ginger, and White. Also, we have cafe and desserts.
The interior design of this tea shop is modern, and has a wide area. There are 10 single couch with a mirror small table and short green carpet within the area. 25 double couches with a mirror table and green carpet within the area. The right side is 20 wooden high end chairs with a long wooden table of it. There are big vases around the corner while the left side is a big bookshelf with a collection of magazines, fiction books, and non-fiction books that is free to read but don't take it away.
The ambiance is good and you can solemnly relax because of the 19's music. You can also request your favorite music in the counter if you want. Most of our costumers are professionals, college students, models, celebrities and high school students.
Kaunti palang ang tao ngayon dahil maaga pa naman. Paniguradong mamaya, dadagsa ang maraming tao. Madalas akong nasa office pero minsan lumalabas ako to check the surroundings and to entertain guests.
"Congrats to your wedding, Ma'am!" Muling sabi ni Estrelle kaya liningon ko siya.
"Thank you! Anyways, if there is emergency, just call me at my office."
"Sure, Ma'am." Magalang niyang tugon kaya tinanguan ko siya at umakyat na papunta sa ikalawang palapag kung saan ang sarili kong office. May sariling rooms at lockers din ang mga empleyado dito.
I opened the door at pumasok. Kahit papaano, nakakamiss din pala magtrabaho kahit stress din minsan. I sat at my swivel chair at tinignan ang mga papers na puro report noong wala ako.
Buong oras kong binabad ang sarili sa pag check ng mga reports at sale. I shocked in disbelief nang almost 50% ang itinaas ng sale. Just wow! My employees are doing their job too well. They deserve a reward though.
Napatingin ako sa cell phone ko nang nag ring ito. I immediately smile when I saw who the caller is.
"Hey, baba ka na. Let's eat wife, it's already lunch."
"Subuan mo 'ko?" Para akong tangang nakangisi dito kahit hindi niya naman nakikita.
"Mrs. Estavillo, 20 minutes lang ang free time ko. Baka gusto mong bilisan? Nandito na ako sa labas."
"Sungit mo koya, wait lang ah," iniligpit ko na ang gamit ko at pinatay ang tawag. Nagmadali akong lumabas ng opisina at bumaba.
"Kain na kayo. Huwag kayong magpapalipas ng gutom, ok?" Bilin ko sa mga empleyadong nadadaanan ko.
Pagkalabas ko ng pintuan, nakita ko siyang nakasandal sa kanyang kotse wearing his police uniform kaya lumapit ako dito.
"Hoy, san tayo?" Nginisian ko siya kaya napasimangot tuloy.
"Gusto ko sa Mcdo pero mas gusto kita."
"Ano ka, bata?" Taas kilay niyang tanong.
"Hindi ako bata pero baby mo naman ako,"
"Tara na nga!" He grabbed my hands and he intertwined our fingers.
Linakad lang namin ang distansya papuntang mall dahil malapit lang naman. Wala na kaming time para pumunta pa sa malayo. Isa pa, mas maganda din na kumain minsan sa mga fast food para makatipid.
After a minute, nakarating na kami at umorder na siya.
"Kumusta work, Police Officer Caelvin Estavillo?" Tanong ko habang kumakain.
"Puro minor cases palang sa ngayon." Tumigil siya saglit sa pagkain at tinignan ako. "Ikaw? Don't stress yourself, please?"
"Yes, chief!" Salute ko sa kanya.
"Do you think, magiging chief din ako balang araw? Parang malabong mangyari." Pilit siyang ngumiti.
I smiled at him. "Hoy, ano ka ba? Basta ako, naniniwala ako na magiging Police Chief ka din. Maaabot mo din 'yun, basta tiwala lang."
"Kapag nangyari 'yun, gusto ko nasa tabi kita."
"Oo naman! Always got your back, mister." Masaya kong sagot.
Pinisil niya ang pisngi ko. "I love you!"
Saglit lang ang itinagal namin at bumalik na din kami sa trabaho.
He never failed to make time with me. Kahit busy pa yan, gagawa siya ng paraan para makausap ako at makasama.
Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa aking bulsa kaya kinuha ko ito.
Dahlia:
Ate, kailan ka pupunta dito?
I sighed heavily. Maybe, this is the right time? Matagal na kasi akong hindi nakabisita dahil aaminin kong pinanghihinaan ako ng loob.
I focused myself on working para kahit papaano maibsan ang matinding pag-iisip. Tinapos ko ang mga reports at nag organize ng mga plano this week.
I checked my phone and it's already 7 p.m. Iniligpit ko na ang aking mga gamit at kinuha ang bag ko para bumaba. I checked the surroundings sa baba at nagbilin sa Assistant.
It's supposed to be 8 p.m ang out ko but I need to go. Mabilis akong nagmaneho papuntang ospital.
Nang makarating ako, huminga ako ng malalim at pumasok. Dumiretso ako sa room 104 kung nasaan siya, kung nasaan ang mama ko.
Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang payat at nanghihinang katawan ni Mama. May tubong nakasalampak sa kanyang bunganga kung saan doon dumadaloy ang kanyang mga kinakain. May mga nakakabit sa katawan.
I looked at mama who is helplessly staring blankly above the wall. Pinunasan ko ang nagbabadyang luha at lumapit dito. Hinawakan ko ang kanyang kamay kaya dahan dahan siyang lumingon sa akin.
"Hi, Mama."
Hinigpitan niya ang hawak sa aking kamay at may namuong luha sa kanyang mga mata parang pinaparating na nasisiyahan siya. Alam kong gusto niyang magsalita pero hindi niya lang magawa.
I wiped her tears. "Ma, ikinasal na ako," ipinakita ko sa kanya ang singsing sa kamay ko. "Masaya ka ba para sa akin?" Ngiti kong tanong.
Napatango siya at hirap na umungol kaya hindi ko na napigilan ang luha ko. Gustong gusto kong marinig ang kanyang boses. Gustong kong marinig sa kanya na 'Nak, masaya ako para sayo.'
"Ma, pagaling ka na. Gusto kong masaksihan mo ang bawat yugto ng buhay ko. Di ba, sabi mo pa nga na ikaw mag-aalaga sa mga anak ko? Kaya dapat, wag ka pong sumuko." Nakangiti ngunit lumuluha kong tugon.
This is the most hardest part bilang anak. Ang makitang nahihirapan ang kanyang ina ngunit walang magawa.
"Ate." Napatingin ako sa tumawag sa akin.
"Dahlia, di ba gagaling din si Mama?"
Lumapit siya sa akin at yinakap ako. "Oo naman. Huwag ka na umiyak, di 'yan magugustuhan ni Mama."
Wala namang masama kung aasa di ba? Oo, tama Aila! Gagaling din si Mama. Alam kong gagaling din siya.
"Excuse me, Ma'am. Time to check the patient." May pumasok na doctor kaya kinalas ko ang yakap at pinunasan ang aking luha.
"Dahlia, labas muna ako." She nodded at me.
Wala eh, hindi ko pa kayang pakinggan kung may pangit na sasabihin ang doctor sa health condition ni Mama. Hindi pa sa ngayon. Mabuti nga at nandiyan si Dahlia. Siya palagi ang nagbabantay kapag wala siyang pasok. 3rd year college na siya ngayon. Kapag may pasok naman, si Papa ang nagbabantay o kaya naman ay naghahire.
I checked my phone at bumungad sa akin ang napakaraming text ni Caelvin. Hindi niya alam na nandito ako. I immediately called him.
"Nasaan ka? Kanina pa kita hinahanap." Bungad niya sa akin.
"Ospital. Sunduin mo 'ko." Mahina long sagot.
"Ha? Anong nangyari sayo?" Mababakas ang pag-aalala sa kanyang boses.
"Dinalaw si Mama." Saglit siyang natahimik sa linya.
"Papunta na ako diyan."
I ended the call at lumabas ng ospital. Dumiretso ako sa katabing convenience store at bumili ng apat na red horse at dalawang Nova na malalaki. Diniretso ko ito sa aking kotse at naghintay muna sa labas nito.
Pagkaraan ng limang minuto, nakita ko ang kanyang kotseng huminto kaya lumapit ako dito. Kinatok ko muna ang pinto nito bago pumasok.
I quickly hug him. Alam kong alam niya na nagiging emotional ako pagdating kay Mama. Hindi siya nagsalita at mas lalong hinigpitan ang kanyang yakap.
"Ayoko munang umuwi. Tambay muna tayo," pakiusap ko.
"Saan?"
"Stargazing garden."
Tumango siya kaya kinalas ko ang yakap at tumingin sa kanya.
"Dala ko ang kotse ko kaya mauna ka na."
"Kaya mo ba?" I nodded at him at lumabas. Nakita ko ang pag alinlangan sa kanya pero wala siyang magawa.
Kapansin pansin ang mabagal na pagmaneho ni Caelvin at minsan napapahinto pa at linilingon ako. Parang tanga, amp!
Binilisan ko ang pagmaneho at linagpasan siya. Todo busina tuloy siya sa likod.
Aabutin kami ng siyam-siyam kapag ganoon kabagal. After a minute, nauna akong dumating at sunod naman siya. Kinuha ko ang plastic na may laman ng binili ko at umupo sa may damuhan.
Binuksan ko ang beer at tinungga ito. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko kaya inabot ko sa kanya ang isang beer. Wala lang, gusto ko lang ng kadamay ngayon.
Tumingala ako sa mga bituin, napakagandang pagmasdan.
"Alam kong mahirap para sayo pero gusto kong malaman mo na nandito ako. Your battle is my battle too. If you feel that the world betrayed you, I am here wife. I am always here."
Sumandal ako sa kanyang balikat at di ko na napigilang umiyak.
Somehow, I feel comfort. Atleast, may isang taong naiintindihan ako at handa akong damayan. A person that is willing to stay and chose at my side in my hardest moment.
A/N: Always wear your mask, wash your hands and be safe everyone. Don't forget to pray. Malalagpasan din natin lahat ng pagsubok na 'to. Glory is all His!