Simula
It's been two weeks since Papa's funeral, paulit ulit akong bumabalik dahil hindi ko parin matanggap na wala na siya.
He's gone, the one who i love the most is gone. Till now, hindi ko kayang isipin na dahil saakin ay inatake siya sa puso ng hapong iyon.
My Mom's gone and now my Father too. Is this my punishment for being selfish? Am i destined to suffer like this? That's what i ask myself from time to time. Locking my self up in my room. Crying and feeling weak.
I glanced at my phone when it rang. Si kuya ang tumatawag. I ignored it. He's probably out there looking for me at pag sinagot ko iyon baka mahanap lang niya kung nasaan ako.
Ayokong idamay pa siya sa gulong nagawa ko. He already has many situations on his mind. I don't want him to suffer too because of me.
Tumakas ako sa mga bantay ko sa bahay para lang makapunta rito ng mag-isa at dahil ngayon na rin ang plano kong umalis.
I don't want them to know na andito ako so i parked my car at the University's parking lot bago nag desisyong mag commute papunta rito.
Tinitigan kong mabuti ang puntod ng yumaong ama habang pilit na pinipigilan ang malalakas na hikbi. Gusto ko rin sanang bisitahin si Mama kaso ay sa La union pa siya nahimlay.
This is all my fault. Ni kahit kailan ay hindi ko naisip na mangyayari ang araw na ito. I've been reckless, and i deserve this all. I deserve this pain.
Kung hindi dahil sa katangahan ko ay hindi mangyayari ito. Kung hindi ko lang sana hinayaan ang sarili kong magmahal, sana ay hindi naging meserable ang buhay ko.
Ang tanga-tanga ko lang para mahiwala. When will i ever learn? Pagod na pagod na akong maloko.
"Papa, Is it happy there?" Tumigil ako sa paghikbi at pinunasan ang mga luhang patuloy na lumalandas sa aking pisngi. Preventing my self to sob.
I get it, who would love a person like me? I'm stubborn, selfish, and a result of an affair? I can't blame them when in fact I'm just totally a mistake.
"I'm leaving papa, I'm not sure where to go but please don't worry about me. I went here para mag paalam, so I can't promise that I could visit you often from now on." Pinilit kong ngumiti at pinigilan ang pag-iyak.
"I miss you...already". My voice break.
I reached to touch his carved name that's Iam facing. "I'm going now Papa, Please Guide me still."
Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. I grabbed my backpack tsaka ito isinuot.
"Always remember that I would always love you pa. I'm so sorry for failing you". I said, still sobbing. Inayos ko ang buhok nang inihipan ito ng lumakas na hangin.
"I'll be back pag handa na akong harapin ang mga bagay-bagay." Tipid akong ngumiti pago pinunasan ang luhang lumandas.
"Bye Pa." I slowly walked away whipping my tears and trying to stop myself from crying.
I went to the nearest bus station para makaalis na.
I booked a travel papuntang Cagayan so it won't be too obvious na dito ako pupunta. They will think na lalayo ako ng sobra at doon nila ako hahanapin.
I had planned this after my suicide attemp so i know what should i do next. Pupunta ako saan man ako makarating basta at walang makakakilala saakin.
I even scheduled a flight to Cebu and paid it online but i intentionally missed it today. They will probably track it.
Hinanap ko ang bus na siyang sasakyan ko at agad ko namang nakita iyon. It has a placard in front that states Tuguegarao City. I won't use my credit cards so they won't track me. I still have cash to buy my needs.
I went inside para hanapin ang numero ng uupuan ko. Agad kong nilagay sa compartment ang bag na dala bago naupo at pinagmasdan ang papadilim ng
kalangitan a sign that it's going to rain.
Nagsuot ako ng cap para matakpan ang mukha, para makasigurado naring wala talagang makakakilala saakin.
It's already 5:40 of noon, at ilang minuto nalang ay aalis na.
Naupo sa tabi ko ang lalaking kadarating lang na nakasuot din ng sumbrero kaya napaayos ako ng upo.
Mga ilang minuto pa bago napuno ang Bus. Sinigurado muna ng driver kung talagang puno ba bago nagsimulang umandar.
"Paalis na pre, Oo. Maghintay lang kayo riyan at malayo-layo pa." rinig kong sabi ng katabi ko. Napansin ko rin ang panay na paglingon nito saakin. Hindi ko nalang ito pinansin sa takot na baka kilala pala ako nito.
Hindi ako mapakali kayat tumingin nalang ako sa may bintana. Agad naman akong inantok dahil narin siguro sa pagod.
Naalimpungatan ako ng makarinig ng mga tilian sa may bandang likuran kaya agad akong napaayos ng upo. Nakahinto ang bus sa gilid ng kalsada. Madilim at umuulan. Wala ring dumadaang mga sasakyan.
I curiously surveyed the bus and noticed the three mens checking each passengers bag. Ang dalawa namang kasama nila ay nagbabantay at may hawak na patalim at baril.
Kinabahan akong napaayos ng upo ng makita ang baril na hawak ng dalawang lalaki. Natatakot akong napalingon sa ibang mga pasahero.
May mga batang umiiyak sa may bandang likod at matatandang umiiyak na nagdarasal.
"Kunin niyo lahat ng pwedeng makuha! Walang ititira!" rinig kong sigaw ng isang lalaking naka bonet at may face mask sa mukha. Malaki ang katawan nito at may maraming tattoo sa may kamay.
Sinilip ko ang pintuan ng bus at nakitang meron din doong nakabantay na matabang lalaki malapit sa pinto.
"Kuya! Parang awa niyo napo wala po kaming maibibigay! Kapus din lang kami sa buhay!" dinig kong iyak ng isang ale.
Takot at kaba ang naramdaman ko lalo at hindi ko alam kung ano bang nangyayari. Napatayo ako at napansing wala na ang lalaking katabi ko kanina.
"Hoy ikaw! Hindi ba't sinabi ng walang tatayo!" sigaw ng isang lalaking naka facemask ng makitang tumayo ako.
Nakatayo ito sa may likuran ng driver. Hawak nito ang isang baril na nakatutok sa may driver ng bus.
"B-bababa napo ako" Nanginginig kong saad dahil na rin sa takot.
Nagtawanan ang mga kasamahan niya.
Inasar nito ang nanginig kong boses kaya lalo silang nag tawanan.
"Ganda, wag kang mag-alala. Isasama ka naman namin eh. Maupo ka nalang jan." sabi ng katabi ko kanina na isa pala sa may hawak na baril.
Kinilabutan ako sa tingin at ngisi nito.
"H-huh?! Hindi ako sasama sa inyo!" Dalidali akong naglakad papunta sa may pinto at hindi na inalintana ang daladalang bag.
Napasigaw ako sa sakit ng hablutin ng lalaking naka harang ang buhok ko.
"Ang sabi ay maupo ka lang hindi ba?!" sigaw ng lalaking mataba na siyang humablot saakin.
"Hindi nga sabi ako sasama sa inyo!" sigaw ko't nag pupumiglas.
"Manahimik ka!"sigaw nito at lalong hinigit ang hawak sa buhok ko.Napadaing ako sa sakit.
Hinawakan nito ang braso ko ng makalmot ko ang kamay niya.
"Ano ba! Nasasaktan ako! bitiwan mo ako!" daing ko.
Napadaing ako ng sikmurahin ako nito bigla.
"Sabi ng tumigil ka?!" sigaw nito na agad ko namang dinurahan ang mukha kahit na iniinda pa ang sakit.
"Abat-" Napapikit ako ng tangkain ako nitong sampalin.
"Jokoy! tama na iyan! May paparating na mga pulis!" sigaw ng kasamahan niyang bantay sa labas at mukhang nagsisilbing look-out.
"Putang ina! May tumawag nang pulis!" Galit na sigaw nung lalaking may malaking katawan at may maraming tattoo.
Dalidali itong bumaba ganon narin nag lalaking naka harang saakin kanina. Natulak ako nito sa pagmamadali kayat hindi nabalanse ang pagkakahuong sa may gilid ng kalsada palabas ng bus. Napaupo ako sa gilid at agad na ininda ang sakit ng katawan dahil sa pagkakabagsak.
"Dalian niyo! malapit na sila! Nakuha niyo naba lahat ng pwedeng makuha?" natatarantang sigaw ng kasama nilang nasa lumang itim na van.
Dalidali ang mga itong bumaba at sumakay. Pinaharurot nila ang sasakyan bago pa ito maabutan ng kung sino mang paparating.
Namilipit ako sa sakit ng maramdaman ang humapding sakit ng puson ko. Basang basa narin ako mula malakas na buhos ng ulan.
"I-Iha! Jusko! Dinudugo ka!" Ani ng isang ginang ng lapitan ako nito upang tulungan.
Agad kong hinawakan ang binti ko para tingnan. Nanginig ang kamay ko ng makita ang malapot na dugo ng mailawan ito ng sasakyang pumarada sa likuran ng bus.
"A-ang baby ko" Nanginginig kong saad habang tinitingnan ag dugong nasa palad.
"Hala! Iha, jusko! Tulong!" narinig kong hingi ng tulong ng ginang.
"T-tulungan niyo ako!" hikbi ko. "Ayokong mawala ang baby ko!" paos at nangingilid ang luha kong saad. Takot na may mangyari sa dinadala.
Nanikip ang dibdib ko sa kaba at takot. Nandidilim at umiikot na rin ang paligid. Napa higa ako sa gilid ng kalsada ng maramdaman ang panghihina at masakit ang katawan.
"Arisse!"