Kabanata 1

3499 Words
"What Arisse?" kunot noong tanong saakin ni Tyler matapos ko siyang bahagyang itulak ng maramdamang gumapang ang kamay niya sa may isang dibdib ko as he kissed me. Inayos ko ang nabuksang dalawang butones ng uniform pati narin ang gusot nito. "That's enough for today." bored kong sagot bago siya tinalikuran. Sinundan ako nitong lumabas sa may storage room ng University bago niya hinila ang palapulsuhan ko ng maabutan ako na siyang hinayaan ko. "After class then? My place?" nananabik niyang suhesyon habang marahan niya akong tinitigan. Natawa ako bago siya inirapan. "Ayoko na." malamig kong saad na ikinakunot ng noo niya. "Then bukas? Anong oras ang bakante niyo?" makulit niyang tanong. Inismiran ko siya kaya mas lalo siyang nagtaka. A sarcastic laugh scaped my mouth. "Ayoko nanga Tyler! Ang kulit nito!" i bursted rolling my eyes. Tinalikuran ko ito kaya hinigit niya ang palapulsuhan ko. "Ok, what's the problem? Bakit ayaw mo na?" gulong tanong nito. I raised my brow at tahimik ko itong tiningnan. "Come on Arisse! What do you mean na ayaw mo na? What's with the mood all of a sudden?" naiinis na nitong tanong. "You know my rules hindi ba?" Sinimangutan ko siya. "Oh? Bakit?" Bored at walang pakialam niyang tanong. Hinablot ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya then i crossed it on my chest. "You're becoming very touchy these days! Kahit na alam mo namang ayaw ko sa ganon!" Tumaas ang boses ko dahil sa pagkakairita. I do have rules when it's about making out. He broke it and now I've lost my interest in him. He just laughed. "You expected me not to touch you while we're making out Arisse?" Naguguluhang tanong niya. Seemed so amused that I've become suddenly angry because of it. "Well lumalagpas kana sa limitasyon! You're becoming aggressive! Noong una at pangalawang beses hinayaan ko. I warned you but you didn't listen" litanya ko but he seemed like he doesn't care at all.Natawa pa ito ng malakas. "Kasalanan mo 'yan, you make me crave too much! Come on, binibitin mo ako lagi." Umamong saad niya. "What do you expect sa make out? That's a lame rules" He stared at me, halatang inip na. He reached for my face as he tried to kiss me again. He then groaned ng iniwas ko ang mukha. "Kung tingin mo I'm lame then let's end this shit." Inirapan ko siya. "What?!... Come on Arisse!" pikon itong natawa. "Bahala ka na nga jan! You're waisting my time." Pahabol ko bago tumalikod. "Fine! No touching kung 'yan ang gusto mo!" rinig kong sigaw niya. Hindi ko ito pinansin at tuloy tuloy ng nag lakad. Derederetcho ang lakad ko kahit na paulit ulit ako nitong tinatawag. I don't care! Kung ayaw niyong gawin ang mga bagay na gusto ko edi wag nalang! These stupid boys thinks that i can't live a life without them. Parehong pareho lang silang mga ex at manliligaw ko. Akala nila they can play me anytime they want, when infact I'm the one who's toying them. Sweet talker immature boring type. Tyler Sandoval is one of the varsity's star of our University. Hunk at maraming admirer. I was one of them actually, but i losed interest after a month going out with him. I thought he's cool and handsome, pero sa una lang pala. Now, napuno na ako sa kaartehan niya sa buhay. Lumiko sa papunta sa may girls comfort room to fix my self. Walang tao ng makapasok ako so i locked the door. I went to the sink to wash my face pero agad na napamura ng makita ang kumalat na lipstick pati narin ang may sugat nang lower lip. The f**k that guy! He bit it! Tinitigan ko itong mabuti at bahagyag dumaing ng maramdaman itong masakit pag nagagalaw. I washed and dried my face with the clean disposable tiny towel that is available and free here in our comfort room. I put on my light everyday make up to look fresh. I'm already finished when i heard a knock on the door. "Locked? Nakalimutan nanaman atang buksan ni ate Lyda ang pinto. Doon lang tayo sa may Educ building Star, tutal at malapit lang". I heard someone said behind it pertaining to our department janitress. "I think may tao, i heard footsteps." the other one said. Binuksan ko ang pinto at nakitang nagulat ang mga ito. It's Star Malvar and her friend Tatiana Mendoza. Senior high students. Bahagya akong nagtaka dahil may kalayuan na dito ang building nila. I just ignored it, baka namamasyal. They awkwardly smiled at me. I smiled at them and left. Pumunta na ako sa section ko which is the Accountancy 2A. May meeting ang mga instructor kaya nadatnan kong may sari-sariling mundo ang mga kaklase. Naupo ako sa upuan ko at tahimik na pinagmasdan ang mga nagiingay na kaklase. Kinukulit nila si Nicaciah Vergarra na may hawak na malaking bouquet ng rosas. "Grabe! Napakaganda ng mga bulaklak na iyan Ciah! Nakakainggit ka talaga!" ani ni Mariane na hindi maalis ang titig sa bulaklak. "Just imagine pag sinagot mo ang Isang Janiel Edge Castillo Guerrero, for sure maraming iiyak na mga babae!" Manghang saad ni Lyca na halata naman ang ka plastikan sa mukha. I scoffed. Napalingon sila sa may banda ko dahil doon. "Kunyari pa kayo! Alam naman ng lahat na isa kayo sa mga iiyak pag nangyari 'yon." I chuckled and rolled my eyes na siyang ikinatahimik nila. Totoo naman, isa ang grupo nila Lyca na baliw na baliw kay Edge! Kunyari pang ang sasaya eh nam pplastik naman. These girls are so obviously into him. Edge is my friend and too many girls are drowling upon him. I know kasi madalas kong makita ang mga baliw na mga babaeng nahuhumaling sa kanya. Mga kulang nalang maglaway ng wala sa oras. Someone even tried to be friend with me and Adah para lang malapitan ito pwera pa sa ibang nag sasabing boyfriend nila ito kahit hindi naman pala. Marami ding rumors na some girls are crying because they got rejected after confessing. He's Gorgeous and you can tell that he's the matured type sporty guy na gustong gusto ng mga babae just by looking at him. The fact that he has these condition of different eye colors that is called Heterochromia that makes him uniquely attractive. He has the ideal body na halatang pinaghihirapan sa gym. Fascinating abs and broad shoulders check. Kilala at mayaman ang pamilya at napaka talino. Isa sa mga top student ng Engineering department. Except for the fact na ang damot niya sa sagot! Eh mas advanced naman sila sa minors topic. I often ask him for answers ng quizzes lalo at nauuna sila but he always refuse. Even Axel, both of them doesn't like to share it with me. Hindi rin ito gaanong active sa social medias. Kaming tatlo lang nila Adah and Axel ang madalas na may post kaya kapag may picture kaming apat na naka upload ay madalas itong dumugin ng mga interesadong babae nito. Napalingon ako sa tabi ko ng mapansing tinabihan ako ni Nicaciah. Yakap-yakap nito ang bouquet na ibinigay raw ni Edge kaninang umaga. "Arisse, Inaya kasi ako ni Edge kaninang kumain ng lunch kasama ang grupo niyo. Ok lang ba sainyo?" ngiting ngiti niyang tanong. I raised my brow. "So what? Aba, ano naman sanang paki ko kung magsama ng babae ang kaibigan ko? Inaya ka na nga diba? Bahala ka, like i have other choice anyway." bored kong pahayag na siyang nakapagpawala ng ngiti niya. I heard someone gasped. May mga nagbulungan din. "Ganon ba? Sige, Hindi nalang siguro" malungkot niyang pahayag bago bumalik sa upuan niya. I rolled my eyes.Huh? Edi wag! Ano? pipilitin ko ba siya? Wala naman akong maling sinabi kasi totoo naman. Ba't kailangan pa ng concent ko o ng mga kaibigan namin the fact that she's already been invited? "Grabe, parang ayaw kang kasama. She didn't even make you feel invited at all." mahinang bulong ni Mariane. The f**k? I don't care kung inaya bayan o ano ng kaibigan ko, Hindi ko na desisyon yan kung gusto ba siya ni Edge or what. Why do they need my approval? Umayos ang mga magugulo kong kaklase ng pumasok si Ma'am Brillo na siyang Physical Education instructor namin. Maybe tapos na ang meeting. We will have our PE sa may gymnasium kaya kilig na kilig ang mga babaeng kaklase ng malamang nag prapractice doon ang mga varsity ng school na siyang kinabibilangan nina Edge at Axel. Naupo ako sa isa sa mga upuan at nakinig ng mga sinasabi ng guro na siyang instructions. We will have our Arnis lesson at pinakiusapan muna ni Ma'am Brillo ang Coach ng mga varsities na makikihati muna sa gym. Kinikilig na nagbubulungan ang mga babae kong kaklase ng matanawan na palapit ang ibang varsity players kasama si Edge na bitbit ang mga arnis. Nagtama ang mga mata namin kaya agad ko siyang sinimangutan. Tinaasan lang ako niyo ng kilay bago iayos sa lapag ang arnis na dala Umalis na ito pagkatapos at itinuloy ang pag prapractice. "Ang bango bango talaga niya kahit pawisan no?" rinig ko pang bulong ng mga kaklase, namumula sa kilig. "Now let's group you guys into two, ako ang mag aassign para walang lugi. Alphabetical order for todays activity para fair is that okay?" tanong ni Ma'am. Nagtinginan ang mga kaklase ko, ang iba ay sumangayon at ang ibang naman ay hindi. "Ma'am, pwedeng partner nalang po kami ni Vick?" tanong ng isa dahil sa magaling ito sa sports at gustong makasama ang kaibigan. "Sorry but it's final...now lets start." Kinuha nito ang log book niyang laging daladala bago ito sinimulang basahin ang listahan ng mga pangalan namin. "Altamirado, Samuel G. is with Andrada Mariane B." Tinawag nito ang mga kaklase kong mag ka grupo sa may gilid at agad naman itong sumunod. Si Christopher Arazabal ang natawag na kapareha ko. Mabilis akong nagpagilid, sinundan ako ng magiging ka partner ko at agad kaming nag warm up. Nginitian ako ni Christopher ng malingon ko siya sa may banda niya. Hindi ko nalang ito pinansin dahil baka iba nanaman ang isipin ng girlfriend nito pag nakita. Tinawag pa ang iba at ng matapos ay nilapitan kami ng girlfriend nitong nakasimangot. Mukhang ayaw nito sa naging ka pareha niya. "Gusto kong ikaw ang partner ko babe" ani ni Meriete. Busangot ang mukha nito ng lapitan ang jowa. Sinamaan ako nito ng tingin. "Ngayon lang naman ito babe, dali na at mag sisimula na. Hinihintay kana ni Julianne" ani nito bago ako pinagmasdan. Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa iba dahil ayaw ng makialam pa. Bumalik na ang girlfriend niya sa dapat niyang ka partner ng tawagin ni Ma'am ang bawat pares para makapagsimula na. Maghihintay muna ang mga dipa susunod sa may mga upuan habang hinihintay na matapos ang gumagawa ng activity. Dumiretcho ako sa locker room ng matapos ang klase, sa Cafeteria naman ang mga kaklase. Pawisan ako kaya kailangan kong magbihis. Hinubad ko ang PE shirt kong puno ng pawis tutal at magisa lang naman ako. Hindi ko pinansin ang bumukas na pinto at nagsimulang kunin ang towel at extra uniform sa locker. "Arisse, can we.." "s**t!" nahulog ang hawak kong uniform sa gulat. Agad kong itinapis ang tuwalyang hawak. "Oh! Sorry! Hindi ko sinasadya!" gulat na gulat na sabi ni Christopher. "What are you doing here! This is a girls locker room for God's sake!" Galit kong pahayag. Mahigpit ang hawak ko sa tuwalya. Takot at ayaw na masilipan. "May sasabihin lang sana ako, i didn't mean to see you like that. Sorry Arisse, Please don't tell anyone that-" "Get out!" Putol ko dito. Boy's are not allowed to go inside girls locker room kaya saan niya nakuha ang lakas ng loob niyang pumasok dito? Shit! he's about to see me naked! "I'm really sorry-" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang may kumatok sa pinto. Nilingon naming pareho nag pinto. Nanlaki ang mga mata nito ang maringig ang nagsalita. "Hey, Aria? Are you ok?" Rinig kong tanong ni Edge sa labas. He's trying to open the door but it's locked. "Edge there's a m- hmp!!" Agad na tinakpag ni Christopher ang bibig ko. Pilit akong pinapatahimik. "Shut up!" bulong at pagalit na sabi ni Christopher. Pilit kong inaalis ang hawak niya sa bibig ko gamit ang isang kamay habang mahigpit naman ang isa sa may tuwalyang ipinantkaip. "I'll open the door!" Sigaw nito. Kumalabog ang pinto pagkatapos. Hirap at pilit niya itong binubuksan. Bumukas ito at lumikha ito ng malakas na ingay sa silid. Dahil doon ay mabilisan akong naitulak ni Christopher palayo sakanya. Napadaing ako sa sakit ng balakang sa pagkakatumba. "What did you do?!" galit na sigaw ni Edge. Mabilis ang hakbang nitong nilapitan si Christopher at agad itong kwinelyohan. "Kakausapin ko lang siya, It's not what you-" natumba ito sa pagkakasuntok. "Yet you're locking her in! Gago ka ba!?" Matalim nitong tiningnan si Christopher. Hirap akong tumayo para pakalmahin ito. Agad ko itong hinila palayo sa naka upo ng si Christopher. Hawak nito ang namumulang panga. May mga studyanteng sumilip sa pinto. Nagbulungan ang mga ito sa nakita. Pumasok ang ilang mga kaklase kong kararating lang. Kasama dito si Nicaciah at Meriete. Gulat na gulat nag mga ito. Agad na nilapitan ni Meriete ang boyfriend ng makitang nakaupo ito sa lapag. "What happened Edge?" tanong ni Nicaciah Hindi niya ito pinansin, instead he looked at me. Marahan niya akong hinila palapit sa bukas kong locker. Pinulot nito ang nahulog kong pamalit bago iabot saakin. Inalis din nito ang suot na varsity jacket bago mismong isuot sa akin. "What happened Edge? Bakit andito kayo sa loob ng Accountancy girls locker room? Christopher?" nagtataka paring tanong ni Nicaciah. Tumayo si Christopher at hinawi ang kamay ni Meriete na nakahawak. "Arisse and i are making out, pumasok yang si Edge at nang istirbo". Sagot nito na ikinabigla ko. Nagbulungan nag mga nanonood. Naestatwa naman si Meriete sa tabi nito. Napasinghap ang mga kaklase ko sa nakita at dalidali ang mga itong lumapit para makiusyoso. "Hoy Arisse! Sinasabi mo bang minamanyak ka ng boyfriend ko?! Ang kapal naman ng mukha mo!" biglang singit ni Meriete na girlfriend niya na kakalapit lang. "Don't hoy me! Hindi ikaw ang kinakausap ko stupida!" sigaw ko pabalik. Susugurin na sana ako nito pero pinigilan ito ng jowa niya. "Oo nga naman Arisse, umikot ka kaya aksidente lang siguro 'yon." ani naman ni Nicaciah na mukhang walang pakialam sa nangyari. What the hell! Imposibleng hindi niya nakitang hinipuan ako ng lalaking iyon kasi ang lapit-lapit niya! Inawat kami ni Lyre na siyang vice mayor ng klase but i voiced out what i needed to say. "Hindi nga 'yon aksidente! Class mayor ka but you're tolerating that kind of stupid reasons!" ani ko. Nagbulungan ang mga kaklase ko. "I've seen what happened" napalingon ako sa nagsalita. Nagtama ang mga tingin namin. It's Edge kasama ang mga team mate niya na mukhang kakatapos lang magpahinga. "Gago ka pala Christofer e, Anjan yang girlfriend mo pero pasimple ka pang nagcchancing." ani ni Axel, inakbayan nito si Edge. "Dude, kitang kita sa banda namin yung ginawa mo" ani pa ng isang ka team mate nilang si Marcuz. "Aksidente lang 'yon!" Kinakabahan niya saad bago lingunin ang girl friend na naiiyak na "Nakita ko ring sinadya niya talaga iyon" singit naman ng isa kong kaklase na hindi ko masyadong close. Sinang ayunan ito ng dalawang kaibigan pati narin ni Lyre. See how dare this guy! "N-nakita ko rin na sinadya nga ni Christofer iyon kanina, hindi lang basta aksidente" Hindi maka tingin na saad naman ni Nicaciah na siyang ikinairap ko. Isa pa 'to! Kanina ay sinasabing aksidente! Ngayong meron sina Edge ay nagpapaka super hero! "Gago pare! Manyakis ka pala e!" natatawang pahayag ni Axel."Si Aria pa talaga a, Lagot ka ngayon" he smirked. Padabog na tumakbo palabas ng gym ang girlfriend nito na siyang hinabol niya. Buti nga sa'yo! Manyak! "Are you alright?" mas lalo ko itong sinimangutan ng lapitan ako. "Yeah, I'm fine now" ani kong busangot ang mukha. Mariin ako nitong tinitigan bago tumango kahit na bakas sa mukha ang hindi paniniwala sa sinabi ko. Bumalik si Ma'am ng nagtataka kaya sinabi ni Nicaciah kung ano ang mga nangyari, dahil doon ay na consider na tatlo ang naipasok kong bola at pasado naman sa dribbling. Pagkatapos ng PE period ay tapos na ang lahat maliban kay Meriete at Christofer. Nag deretsho kaming mag kakaklase sa may shower room para makapag bihis narin at hindi mag amoy pawis. Kinausap naman ni Maam si Nicaciah kaya naiwan ito sa gym kasama sina Edge at ang ibang nakasaksing varsity team. Ang sabi naman ni Maam ay kakausapin niya ako sa may vacant para mag kwento sa nagyari at makapag file ng report. Pagkatapos kong magshower at makapag ayos ay dumiterso agad ako sa may classroom. Nadatnan ko ang grupo nila Lyca na pinapatahan sa pagiyak si Meriete. Natahimik ang mga ito mula sa pagkwekwentohan ng pumasok ako at masasama ang tingin sa akin na siyang inirapan ko lang. Kasalanan ko paba kung bakit umiiyak yang stupidang yan? Wala namang paki alam ang ibang kaklase na may kanya kanya ring mundo. Pumangalumbaba ako sa mesa para sana matulog ay nagsi-ayusan naman ang mga kaklase ko ng pumasok si Sir. Mendoza na siyang instructor sa Intermediate Accounting 2 namin ng dalawang oras bago ang lunch break. Nagdiscuss lamang siya at nagpagawa nanaman ng situational problem na kailangan naming ma balance ang mga amount ng perang nakalagay. Natapos ko ito kaagad bago pa mag ring ang bell dahil nakinig ako sa discussion. Nagpaalam na si Sir kayat nagsitayuan narin kaming lahat para makapag lunch. Bitbit ko ang bag kong lumabas ng classroom at natanawan ang mga kaibigang nagaabang sa may benches na nasa tapat ng building ng BS Accounting department na nalililiman ng mga malalaking puno. "Ang sabi ni Axel at Edge ay hinipuan ka raw? Sinapak mo pa sana ng ilang beses para nakaganti ka" ani ng pinsan kong si Adah na ikinatawa ng boyfriend niyang si Axel. "Pasalamat kamo siya at nakapagpigil pa kami nitong si Edge. Ang lakas kaya ng pagkakasampal ni Aria doon kanina, Good job" natatawang saad ni Axel. "Wag na nga nating pag usapan ang manyak na iyon, kapag naaalala ko ay nakakairita!" ani ko tsaka sila sinimangutan. "Ano? Saan tayo kakain?" tanong ni Adah kay Edge dahil ito madalas ang nag dedesisyon ng kainan. "Mag Mcdo nalang tayo? Gutom na ako" suhesyon ko nalang. "Mcdo then, Gutom narin ako" ani nito at nauna ng naglakad. Sumunod kami sa kanya sa pay Parking ground ng school na siyang malapit sa may ground square ng school. Sumakay kami ni Adah sa may back seat ng 4x4 na sasakyan ni Edge. Nagsimula na itong mag drive ng mapansin kong wala si Nicaciah na naalala kong inaya niyang mag lunch kasama ang grupo. Bumaling ako sa banda niya. "Oh? Wala yung date mo?" tanong ko rito. Tiningna niya lang ako sa rear-view mirror at hindi umimik. "Nagbago ang isip- Ouch!" Axel Mounted then hinampas ito ni Edge ng plastic water bottle sa ulo na siyang naabot niya. "Ba't naman?" tanong kong natatawa. "Sino yan? Diko alam yan a!" Adah asked curiously. "Si Nicaciah Villacorte, classmate ko. Binigyan niya ng bulaklak kanina" kibit balikat kong sinabi. "Nicaciah? Yun bang sumasali sa beauty pageant ng school?" nilingon nito si Edge na busy sa pag mamaneho. Nanliliit ang mga mata niya itong tiningnan. "Oo, crush na crush nga niya itong si Edge e" i rolled my eyes sneering. "Oh? Ba't nagbago ang isip mo Edge? Ano easy to get ba?" she chuckled. Nilingon ko siya but he's busy driving. Hindi nito sinagot kung bakit nagbago ang isip niya kahit na pinipilit naming pareho ni Adah. Adah said that ililibre niya ito pag umamin pero wala parin, ayaw niya paring mag kwento. Natatawa lang na nakikinig si Axel na amimoy may alam kung bakit. Sinubukan din ni Adah itong tanungin pero ang sabi lang nito ay si Edge ang dapat namin tanungin. Wala kaming nagawa kaya iniba nalang namin ang usapan. Edge And Axel went to order our usual order at tahimik lang kaming naghintay ni Adah samay usual table namin. Waiter served our order habang busy kaming nag kwekwentohan. "Pst" tawag ko sa attention ni Edge na siyang katapat ko. Nilingon ako nito at tinaasan ako ng kilay habang busy sa pagnguya. I licked my lips. Tiningnan ko ang chicken niyang hindi pa nababawasan ang skin bago nginuso ito. Binaba niya ang tingin niya doon at binalatan, masaya akong naghintay dahil paborito ko ito. I smiled ng maalis niya ito but it immediately faded ng agad niya itong isinubo na siyang ikinadismaya ko. I glared at him. This Brute! Umirap ako at tahimik nalang na kumain. He chucked at my expression at hirap na ngumuya dahil puno ang bibig. Gago! Mabulunan ka sana!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD