Pagkatapos naming kumain ay tumambay muna kami saglit. Pinagusapan namin ang planong mag outing sa paparating na sabado. Plinano namin kung anong oras ang punta namin at kung kaninong sasakyan ang gagamitin.
Sasakyan ni Axel ang napagbotohan dahil ito ang madalas na mag drive saaming apat.
Napalingon kami sa phone ni Edge na nasa lamesa ng mag ring ito
Agad niyang sinagot ito ng mabasa kung sinong tumatawag
"Rein?" bungad nito matapos masagot ang tawag."Madaling araw pa jan? Why did you call?" tanong nito
Tahimik lang kaming naghintay sa pakikipag usap niya
"Really?" mukhang natuwa ito sa pakikipag usap sa kababata niya "Kailan?" dagdag pa nito
"Call me, Yeah. I probably will" ani nito sa kausap
Rein is his friend bata pa lamang sila, nagpuntang US in Knoxville ito dahil merong business doon ang pamilya at napilitan lang sumama pagkatapos ng graduation nito sa elementary.
We haven't meet her yet dahil si Edge lang at ang pamilya nito ang dumadalaw sa America pagka may bakasyon but he always tells us about her kapag nagtatanong kami.
"Sure sure, bye then and go to sleep." aniya bago binaba ang phone
"Si Rein? Bakit daw?" tanong ni Axel
"Pinayagan na raw siyang umuwi, and she had decided na mag aral dito" aniya
"Talaga? So makikilala na namin siya?" Adah asked then he nodded
"Kailan daw?" tanong ko naman at sumandal sa backrest ng upuan
He looked at me. "Wala pang exact date but maybe baka this week ang sabi niya"
"That's good, we'd like to meet her narin" ani ko
After minutes more we've decided na bumalik na sa school para hindi narin ma late.
Edge and Axel are both on the same Course, BS in Civil Engineering. Adah's course is BS in Psychology while I'm BS in Accountancy so magkakahiwalay kaming apat pwera sa dalawang boys.
Nakarating kami sa school ng Twelve Fifty-three kaya may oras pa kaming mag-ayos sa may powder room ng school.
I arrived exactly our first period for the after noon at kasunod ko lang Si Ma'am Santos na siyang instructor namin on Prinsciples of Marketing for 2 hours.
She only discussed so i took down on my notes para may basis. Hindi rin naman siya boring magturo kaya nakinig nalang ako.
Pansin ko parin ang tingin ng grupo ni Lyca sa akin pero hindi ko nalang pinansin. I wont waste my time for those feeling special cuckoos
Pagkatapos ng klase ay sumunod kaagad ang subject naming Philippine History and Public Science under Ms. Silverio. She's a terror instructor so i listened intently. Madalas pa naman itong magtanong ng pabigla, kaya kung hindi ka nakikinig ay talagang masesermonan ka.
Mabilis lang itong natapos kaya excited na lumabas ang mga kaklase ko to have their break. Pagkatapos ng Break time ay mayroon kaming isang oras na vacant so maybe they are going outside the campus. Maybe uuwi narin ang iba dahil labasan na after our vacant.
I went on the cafeteria to buy snack and seated on the single table pagkatapos makuha ang binili. I scrolled through my social media account to pass my time since mamaya pa ako pupunta sa office ni Ms. Brillo for some questions and probably report.
"s**t!" napatayo ako agad ng maramdaman ang malamig na juice na bumuhos sa akin
Somebody gasped at natigil ang ingay ng mga grupong nasa tabing lamesa.
"b***h!" nag ngangalaiting sabi ni Meriete na siyang nasa gilid ko ngayon. Hawak nito ang babasaging baso ng Cafeteria.
Rinig ko ang bulungan ng mga taong nakakita.
"What the hell is your problem?!" inis kong sigaw rito.
She sneered and pushed me but i was able to balanced myself.
"You are my problem! You seduced my boyfriend!" she shouted. The whispers became loud because of what she said.
I glared at her and walked slowly to approach her. She flinched as i walk near her smirking.
"Is it my fault that I'm pretty and you're not?" i chucked and rolled my eye. Tiningnan ko pa ito paitaas paibaba.
"How dare you! Palibhasa, malandi ka kasi kaya ka nilalapitan!" nagngangalaiti niyang pahayag.
"Inborn lang talaga yung kamanyakan ng jowa mo kaya di niya mapigilan. Kamutin mo kasi para hindi mangati." ani ko na siyang ikinatahimik niya.
"Oh Speechless?What? Can't you satisfy your boyfriend enough for him to crave for something more than what you can offer?" I stated crossing my arms. "His the one who molested me here. So don't act like the kawawang victim!" dugtong ko raising my voice.
I saw her fingers gripping at her bag tightly, looks like she's loosing her patience at pilit nalang ang pagtitimpi.
"For all we know, kasalanan mo rin kung bakit nagbago ang isip ni Edge na isama si Nicaciah kaninang Lunch" sabat ni Lyca na siyang ikinalingon ko sa may banda niya.
I raised my brow. Ang pakealamerang 'to.
"Look Lyca, I don't care about that any nonsenses you spout. Kasi for all i know either, sayang saya kana kasi nagbago ang isip ng kaibigan ko na i date iyang two faced mong kaibigan kasi nga you're one of those assumera girls who are obsessed with Edg-" napasinghap ako ng lumagapak ang palad sa pisngi ko.
Nilingon ko ang galit na galit na si Nacaciah, inawat siya ng ibang kaklase namin na nakalapit na siyang 'di niya pansin.
"You ruined everything!" she shouted at galit na galit ako nitong tiningnan.
"You wanted to keep Edge for your self kaya siniraan mo ako!" dugtong pa niya.
Unbelievable! How dare this girl blame me for what i didn't even do! Nabagok siguro ang ulo nito somewhere kaya nagiilusyon ngayon sa harap ko.
"Nababaliw ka naba?! If that's your problem then he's all yours! Sainyong sainyo si Edge! For Godsake! I won't steal him to all of you!" i shouted so all of them would be able to hear.
Mga praning!
"Really!?...Alam lang naman ng lahat dito na manipulative ka! Maybe you manipulated Edge and told him something kaya naging cold siya bigla saakin!" Naluluha na nitong saad.
"Hindi ko na problema kung mga assumera kayong lahat! Mga ambisyosa! Baka naman kasi natauhan lang talaga ang kaibigan ko kasi nga two faced ka." Aniko.
"Arisse?" nilingon ko si Adah na palapit saakin. Sinamahan niya ng tingin sina Nicaciah ng mapansin ang itchura ko.
"Anong ginawa niyo sa pinsan ko?!" galit niya nang tanong ng makita ang namumula kong pisngi at basang uniform na may mantsang orange juice.
"Iyang pinsan mo napakalandi kaya tinutu-" napahiyaw si Lyca ng biglang hilahin ni Adah ang buhok nito.
Nanlaki ang mata ko at agad inawat ag dalawang nagsasabunutan sa may sahig. Nakahiga na ngayon si Lyca sa may lapag habang dagan siya ni Adah habang gigil na hawak ang kulot nitong buhok.
Nataranta ang ibang studyante sa nakita, ang iba ay lumapit pa para mas makita ang kaguluhan.
"How dare you'll lay your filthy fingers on my cousin!" Sigaw ni Adah na pilit kong hinihila para pigilan.
"E totoo naman! Malandi 'yan kaya maraming lalaking lumalapit jan!" sigaw naman pabalik ni Lyca na pinipigilan ngayon ng mga kaibigan.
Hinila ng mga kaklase namin ang dalawa at agad itong napag hiwalay. I gripped on Adah parapigilan ito.
"Maganda talaga ang lahi namin kaya habulin, While you don't even look attractive at all!" Adah smirked gigil paring tinitingnan ang grupo.
"Couz, Come on. Wag nalang nating sayangin ang oras natin sa mga 'yan. Let's go." ani ko nalang para mailayo siya. Adah would always be my protective cousin and i know na hindi talaga ito titingil hanggat hindi ko siya mailalayo rito.
"You think you'd get away with this? Specially you Nicaciah, binigyan kalang ng bulaklak akala mo gusto kana. Edge just wanted to know kung easy to get ka ba or not!" natatawa na nitong pahayag.
Everyone whispered. Rinig na rinig ang mga bulungan ng mga ito.
"No he didn't!" Naiiyak nitong pahayag. Pulang pula na ito at kaunti nalang ay maiiyak na.
Adah laughed. "Bakit kasi hindi mo nalang tanggapin na hindi ka
magugustuhan ni Edge! Tingnan mo tuloy, agad na turned off" she said smirking pissing Nicaciah more.
"Sinabi niya na gusto niya ako, but it all changed when that b***h butted in!" she yelled pointing at me. "He even said that h-"
"Enough Ciah!" a baritone voice from behind yelled.
"Adah, stop now" ani Axel na kadarating lang. Nilapitan nito ang girlfriend at pilit na inilayo kahit na nagpupumiglas ito.
"No!" angal ni Adah ng hinahin siya nito palayo "Let me go! Axel!" pag mamaktol nito. Tuluyan niya itong nailayo at hinila kung saan.
"Edge! Is it true that you just tested if I'm Easy?" naiiyak na tanong ni Nicaciah.
Hindi siya nito pinansin. Instead, he approached me. He stared at me and pulled my hand.
"Let's go..." ani nito saakin.
Tumango ako at hinayaan ko itong hilain ako palabas ng cafeteria.
Since nasira na ang break time namin ay hinila nalang niya ako sa may silong ng mangga kung saan walang tao.
Naupo ako sa long wood bench na nasa gilid while he remained standing in front of me. Mataman niya akong tinitigan. Salubong ang makakapal at maayos niyang kilay.
"What happened?" agaran niyang tanong as he stared intently.
"Ewan ko ba sa mga babaeng 'iyon na obsessed sa'yo! gosh!" pagtataray ko staring back at him.
He enhalled deeply seemed like he already lossed his patience.
"I know your pissed, Please don't be hardheaded Aria." He finally said calmly.
"Paano ko malalaman ang nangyari kung nag mamaldita ka parin diyan" dugtong nito.
"What? Don't tell me kinakampihan mo sila?" I raised my brow and crossed my arms on my chest.
"It's not like that, i just want to know kung ano bang nangyari at bakit ka nanaman napaaway?" Tinabihan niya ako, he sitted still facing me.
"The first stupid girl-"
"Aria" he cutted me off. I rolled my eyes at him.
"Stupid naman talaga 'yon. She can't accept that it's her boyfriend's fault and still blaming me for what happened. Napaka martyr." I explained.
"It's not nice to insult someone Aria" sermon nito.
I maked face. "Fine! Sesermonan mo nanaman ako i know." I said.
"This girl Meriete is blaming me for what happened so, she pured the orange juice right through my uniform." ipinakita ko sa kanya ang natuyuan ng mantsa.
He's seriously listening so i continued.
"Then one of your obsessive lover blamed me na it's my fault na nagbago ang isip mong isama si Nicaciah. That Nicaciah girl even slapped me dahil nga raw inaagaw kita." I narrated.
Bumuntong hininga siya. He leaned at the back rest of the bench. "Does it hurt?" tanong niya at sinulyapan ang pisngi ko.
I didn't answered him at itinuloy ang pagmamaktol ko. "Why are they blaming me right? Wala naman akong sinasabi sa'yo." I looked at him.
"It's your decision anyway. Buti nga sakanya na nagbago ang isip mo. Ang kakapal ng mukha." I smirked.
"I'll talk to them." He drifted his gaze on the classrooms.
"Wag na! Mas lalo lang akong sisisihin ng mga dorks na 'yon" I leaned my back and placed my feet on the small table na nasa side ko.
He carefully pulled my skirt down when it slightly raised. "Ano ba Aria, Sit properly." namamaos niyang sabi.
"Don't you have class?" tanong ko and looked at him not minding what he just said.
Umiling ito. "Put your leg down Aria." he said and looked away.
"Wala namang nakakakita, nangawit ako kaya that's fine." l said not listening.
Nangunot ang noo niya. "Someone may come, they might see your underwear kung hindi mo pa iyan ibababa."
Mabilis kong ibinaba ang paa ko and looked around. Wala naman akong nakitang dumadaan.
"There, happy?" I mockingly asked.
"You can go now, Are you sure you don't have class?" paninigurado ko.
Binalingan niya ako. "Nagiwan lang ng activity ang Prof. namin kaya sa bahay ko nalang gagawin."
Tumango ako. I reached for my bag and stand para pumunta na sa office ni Ma'am Brillo. Tumayo narin siya ng makitang aalis na ako. Sumunod siya sakin at nagpaiwan nalang sa may labas ng opisina para mag hintay.
Ma'am Brillo asked me questions. Natanong na pala sila Edge kaninang umaga kasama ang ibang ka team mate at ang class mayor na si Nicaciah na siyang nakakita.
Natanong niya rin ako kung bakit ako may mantsa sa uniform kaya ikinuwento ko na'rin ang nangyari.
She asked me kung gusto ko bang mag file ng report pero mas ginusto kong 'wag nalang. For now. It's been a tough day and I'm already tired. Gusto ko nalang umuwi.
Subukan nalang talaga nilang ulitin at 'di ko talaga papalampasin niyon.
Tumagal lang ng mga ilang minuto iyon at mabilis ring natapos. Nagpaalam ako at lumabas pagkatapos.
Edge approached me and handed me a uniform. It's my other uniform from my locker.
"When did you get this?" nagtatakang tanong ko bago iyon kinuha.
"Kaninang pagpasok mo." ani nito.
Alam naming apat ang passcode ng bawat isa, para narin sa emergency purposes. It's Adah's idea and we all agreed on it's since convenient nga naman.
"Salamat, ang layo ng building namin dito ah?" tanong ko.
Nagkibit ito ng balikat. Sinundan niya akong pumunta sa malapit na comfort room at naghintay sa labas.
Pumasok ako sa loob para makapagbihis at makapag ayos. Lumabas ako pagkatapos at nakita siyang nagkasandal na naghihintay sa tabi ng pinto.
"How is it?" tanong niya still leaning.
"Hindi ako nagfile, I'm already tired to even process reports" kibit balikat ko.
"Are you sure? You have witnesses after all." sabi nito.
"Basta wag nalang nilang ulitin at talagang 'di na ako makakapayag" ani ko nalang.
Let's see kung anong gagawin ng mga iyon once na gumanti ako.
Tumango ito at sinamahan nalang akong tumambay sa may kiosk malapit sa may library at nagpasya rin naman siyang doon nalang gawin ang activity niya.
Hindi nalang namin pinansin ang mga nakatingin sa'amin. Baka alam na ng mga iyan ang nangyari sa may Cafeteria.
Tahimik nalang akong naupo at nag cellphone as he do his own business.
After a while, nainip din ako sa cellphone kaya nilingon ko siya. Tahimik siyang nagsusulat sa may tapat ko hawak ang isang calculator.
Sinilip ko ang sinusulat niya at puro ito mga measurements and such. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko iyon maintindihan.
Tinitigan ko ang mukha niyang chill at seryoso lang na animoy basic lang para sa kanya ang mga ginagawa.
"What?" tanong nito at mabilisan akong tiningnan ng mapansin ang paninitig ko bago ibalik ulit ang tingin sa ginagawa.
"I was just thinking, hindi kaba nahihirapan diyan? It looks complicated." aniko at sinilip ulit ang ginagawa niya.
"Nahihirapan din." tipid na aniya.
Really? He doesn't look like it.
"It seems like you're not stressed over it." pumangalum-baba ako. "Pogi ka parin tingnan kahit sabi mong mahirap 'yan." pranka kong sabi.
He laughed "It's hard but not that stressing. This is just a simple activity." aniya
Napaayos ako ng upo when i realizes that i find his laugh pleasing. I cleared my throat ng bumaling siya sa akin.
"Madalas din namang mayroong mahihirap kaya i always study our lectures." pahayag nito.
"Is that so?" aniko at ibinalik ang tingin sa ginagawa niya. "I never saw you stressed tho." aniko.
"You won't notice kung nasa iba naman ang attention mo Aria." aniya. He stared at me then looked away.
Huh? What does he mean?
"No!" i paused "I give you attention sometimes" kunot noong sabi ko.
I scooped my long wavy hair and placed it on my side.
He glanced at me. Kumunot din ang noo niya. "If you say so." aniya.
Tahimik nitong binalikan ang ginagawa.
Minutes had passed but he seemed like he's bothered about something.
What? Does he also find it complicated now?
"There you are." nagulat ako kay Tyler ng bigla itong sumulpot.
"Ano tuloy ba? My house or Yours?" he asked never bothered to talk kahit nakatingin na saamin si Edge.
"Didn't i told you already?Ang kulit mo!" aniko bahagya siyang itinulak.
"Come on Arisse, I know you're not serious over it." he chuckled, nagawa pa akong kilitiin sa may bewang.
"Will you leave me alone. Ano ba!" I hissed when he tried to hug me.
"Dude, will you respect Aria? Binabastos mo na siya." ani ni Edge, he's now standing.
"Will you leave us alone? We're talking here." ani naman nito kay Edge.
"Tyler! Ano ba!" saway ko rito dahil parang nanghahamon na ito ng away.
"Tara na? Sa bahay nalang namin para walang mang iistorbo." ani parin nito ng lingunin ako.
I glanced at Edge feeling ashamed. I saw his jaw clenched while glaring at Tyler.
"Ayoko na nga kasi sabi!" I said now pissed.
"What the hell! Ano ba!" sigaw ko ng sapilitan akong hilain ni Tyler.
"Pakipot kapa eh!" ani nito.
"Oh my God!" Sunod akong napatili ng bumagsak si Tyler dahil sa malakas na pagkakasuntok ni Edge.
"Can't you understand na ayaw niya?" ani ni Edge. I grabbed his masculined arm at abilis ko itong hinila palayo.
Bumangon si Tyler at galit na binalingan si Edge. "Ano bang pakialam mo e girlfriend ko iyan!" hinawakan nito ang pumutok niyang bibig.
"I'm not your girlfriend Tyler!" mabilisan kong agap.
Ibinaling nito ang galit na galit niya tingin sa akin. "Really Arisse? Really?" he angryly laughed.
"Oo! Your just my pass time so leave us alone!" amin ko.
Natahimik ito at galit na binalingan si Edge bago umalis. Ikinalat pa nito ang mga papel at notes na nakalapag sa may mesa.
"Are you ok?" tanong ni Edge pagkatapos.
"I'm alright, thankyou." ani kong nahihiya.
He licked his lover lip while looking concerned. Tumango ito bago nagpasyang pulutin ang mga gamit niyang nasa lapag na agaran ko namang tinulungan sa pag pulot at pag aayos.
"I'm sorry, nadamay kapay tuloy Edge. The nerve of that guy!" i said after helping him.
"It's alright if it's about you Aria." he said seriously. "I won't mind."