Pauwi na ako ng dorm ng mga oras na iyon. Hindi ko na hinintay pa si Paul na ihatid ako dahil may group session sila ngayon na gagawin kaya hindi ko na inabala pa sya pati na din ang sarili ko.
Hindi din naman ako yung may gusto na ihatid nya ako kaya mas mabuti na din iyon pero bakit parang bigla akong nakaramdam ng kaunting pagkadismaya sa isiping hindi nya ako maihahatid ngayon. Naipilig ko na lang ang sariling ulo dahil sa naisip.
"Hindi ba ako makakauwi mag-isa ng wala sya at saka isa pa malapit lang naman yung dorm ko." Pagpapaliwanag ko sa sarili.
Kaysa isipin ko pa minabuti kong dumiretso na lang sa dorm. Pagkarating ko ay kaagad ko naman binuksan ang pinto saka pumasok na sa loob. Huminto ako at wala sa sariling isinandal ang sariling noo sa kasasara ko pa lang na pinto.
Napabuntong hininga na lang ako sa bigat na nararamdaman ko. Tinatanong pa din ang sarili kung bakit hindi ko nakasabay si Paul sa pag-uwi ko ngayon. Nakunot naman ang noo ko sa patuloy na pag-iisip sa bagay na iyon. Bakit ba masyado kong ginagawang big deal ang hindi nya paghatid sa akin.
"Kanina pa kita hinihintay," Narinig kong tinig ni James.
Nataranta naman ako nang marinig ko ang boses nya. Mabilis na naitindig ko ang sarili habang nananatiling nakaharap sa likod ng pinto. Napalunok na lang ako ng sariling laway. Pakiramdam ko may trauma na ako sa bawat oras na nandyan sila at nakakasama ko.
Naramdaman ko ang mga braso nya na pumulupot sa baywang ko pati na din ang pagdiin ng harapan nya sa pagitan ng dalawang pisngi ng puwit ko. Hindi ko magawang igalaw ang sarili dahil na din sa pagkataranta ko sa isiping nandito sya.
"Wala ka man lang bang sasabihin," Sabi nya sabay hinalikan ang batok ko na nagpanginig na naman ng buo kong katawan at nagpatindig ng mga balahibo ko.
"James, wag ngayon."
"Bakit?" Sabi nya habang nakangudngod at inaamoy ang halimuyak ng batok ko.
"You are the fragrance I do not want to lose to, Cy."
Hindi ko na magawang magsalita pa nang magsimula na namang pumatak ang mga luha sa aking pisngi.
"Before I forgot, I have something for you," Sabi nya sabay bumitaw sa pagkakayakap sakin.
Agad na pinunasan ko ang mga luha dahil ayaw kong ipakita sa kanila na mahina ako pero gustuhin ko man maging matapang dumadating din talaga ako sa punto na panghihinaan na lang ako sa tuwing mababanggit ni James ang tungkol sa binabalak nyang gawin kay Paul.
"Here," Sabi nya habang inaabot sakin ang isang maliit na paper bag.
Hindi ko kinuha iyon at tinitigan lang iyon.
"Come on, don't be a shy type. Take it." Sabi nya at sya na mismo ang naglagay sa kamay ko.
"Take a once look at it, so that I can go."
Napatingin naman kaagad ako sa gawi nya.
"Yes, you're right. I am not staying. Hinintay lang talaga kita. Tignan mo na."
Dahan dahan ko namang tinignan ang laman ng paper bag na hawak ko. Kinuha ko sa loob nun ang isang maliit na garapon na parihaba. Sumulyap ako sandali sa mukha ni James na nakangiti habang pinagmamasdan ako.
Kinuha ko sa loob ng garapon ang isang bote ng pabango. Nakunot naman ang noo ko sa bagay na hawak ko ngayon.
"Para saan 'to?" Walang emosyon kong sabi.
"Binili ko 'yan nung isang araw. Gusto ko palagi kang mabango. Ginaganahan kase ako palagi kapag naamoy kitang mabango, Cy." Malibog na tono nyang sabi sabay binigyan ako ng mabilis na halik sa labi.
Hindi na ako nagulat sa ginawa nyang paghalik dahil pakiramdam ko naging manhid na ako at pakiramdam ko nawala na lahat ng senses sa katawan ko simula nung araw na hindi ko na makakalimutan.
Umalis na sya pagkabigay nya sakin ng bagay na iyon at nang makita nyang nakita ko na iyon. Naiwan akong blanko ang utak, hindi na alam ang gagawin sa mga sandaling iyon. Hindi ko namamalayan na umiiyak na naman ako dala ng isiping wala na naman akong nagawa pero bakit ako nagdudusa ng ganito. Umiiyak ako dahil sa isiping hindi ko maipagtanggol ang sarili ko mula sa kanila. Bakit ba masyado akong natatakot? Mga tanong na gumugulo ngayon sa isipan ko.
Tinungo ko na lang ang sariling kama at duon inginudngod at nilunod ang sarili sa pagiyak. Unti unti ko ng nakakalimutan kung sino na ba talaga ako nitong mga lumilipas na araw hanggang ngayon. Nalilimutan ko na din na kamustahin sila mama kahit na may mga pinapadala silang mensahe sakin.