1
Lagitgit ng napunit na tela ang umigting sa aking tainga. Ibig lumugwa ang mata ko nang mapagtanto ko na unti-unting napunit ang aking suot na palda.
Napasingasing ako na sinundan ko ng tingin kung sino man ang may salarin. Halos uusok ang aking ilong na sinundan ang palda ko na unti-unting nauubos ang telang sinulid. Iyon pala ay na-ipit sa nakasarang pinto ng magarang kotse ang laylayan nito.
Paunti-unti na akong nahuhubaran habang papalayo nang papalayo ang kotse.
"Anak ng!" bulyaw ko nang tuluyan ng dinala ng kotse ang palda ko. Naiwan akong nahubaran at lantad ang maiksi ko na itim na short na sobrang short.
Lahat ng mga tao sa kalye ay tumingin sa direksyon ko at nagkakagulo. Samo't saring reaksiyon ng mga tao. Naaawa, nandidiri o naglalaway ay hindi ko alam kung alin doon. Parang mababastos pa ako sa eksinang 'to.
Sumisipol ang adik sa kanto ng sinuyod ng tingin ang aking binti at hita. "Wow, ulam."
Kung alam ko lang na mahuhubaran ako sa araw na 'to e di sana ang aking pangmalakasan panty na inutang ko pa sa Avon ng kapitbahay namin ang sinuot ko.
Tang inang buhay 'to kapag minalas ka nga naman.
***
Simula
Tagaktak ang pawis at habol ang hininga. Napaungol pa ako sa tinding pagka-unat ng aking mga kalamnan. "Sige pa isagad mo pa, Menang!" diin ko na daing na hinihingal.
Mainam ng mag-iihersisyo bago maglalako sa eskinita. Sinusundan ko ang 5 minutes exercise tutorial sa Youtube video na nakaplay sa phone ko. Pinag-uunat ko ang aking mga binti at braso.
Bago ko pa natapos ang video ay nagloading na ang youtube ko. Ubos na pala ang data ko.
Pinagpipindot pindot ko ang screen ng cellphone, sobrang loading. Second hand lang kasi 'to nang mabili ko sa kalapit na pawnshop diyan sa kanto. Siguradong sinanla ito ng mandurukot na adik.
Napabuntong hininga na lang akong tinigilan ang pagpipindot sa aking pipitsyugin na android phone.
Ako nga pala ay si Emena Paleria dalawang pu'ng taong nabubuhay sa mundo. Kadalasan ay tinatawag ako ng aking mga suki't kapitbahay bilang Menang.
Kinurap-kurap ko ang aking mga mata na tiningala sa bobong namin. May butas na at tumagos na ang paningin ko sa kawalan. Sinipat ko ang paningin sa butas at tagpi-tagpi naming bobong na kinakalawang na. Napabuntong hininga ako pagkatapos. Kailan pa kaya kami ni inay makakaraos sa ganitong sitwasyon?
Nag-aaral ako, isang taon na lang at matatapos na ako ng kolehiyo, Business ad ang aking kinuhang kurso. Kaunting sakripisyo't mapasaan man makakuha na rin ako ng trabahong maayos-ayos. Sinabayan ko ng kaunting pagtitinda at pagtulong kay inay sa palengke para naman mabawasan ang hirap ng inay ko.
Ang mahal ng matrikula ko. Kailangan magbanat ako ng buto para naman kahit papaano makapagtustus ako sa aking sariling pangangailangan. Ayaw ko na palagi na lang humihingi kay inay. Simula't sapol hirap na ang inay ko sa pagpapalaki sa akin. Maagang kinuha ang itay. Sobrang lasenggero at sinaksak doon sa kanto.
O siya! Medyo mahaba na ang pagpapakilala ko baka mahuhuli na ako't wala na akong maabutan na mga suki sa kanto.
Nagsuot lang ako ng pink na bulaklaking palda hanggang sa bukong-bakong ng aking binti. Pinaibabaw ko ito sa maiksi ko na short na sobrang short. Ta's bota pang-ulan.
"Perfect!" Isang pilantik ng daliri ang aking ginawa sabay na nag pose na daig pa ang isang modelo ng Victoria Secret.
Yes. Victoria Secret talaga. Kung ikukumpara ang sarili h'wag doon sa alanganin. Kumpara na nga lubus-lubusin na.
Makinis ang balat ko kahit sa eskwater ako nakatira. Laking pasalamat ko kay inay. Genes kumbaga. Kaya girl be confident! Lahat tayo pinanganak na maganda, be proud!
Bitbit ang basket na puno ng aking panindang bibingka nagpose ulit na akala mo'y exotic model sa eskinita. "Ako lang 'to!"
Lumabas na ako sa munti naming tahanan. Sinara ko ang lumang pinto at ni-lock. Kahit na mahirap lang kami ay naku may mas mahirap pa talaga at walang sinasantong manloloob sa lugar namin. Daming nagkalat na adik.
Buong kompyansyang nagsimula na akong humakbang at nagsisigaw sa maliliit na eskinita. "Mga magagandang ale at nagagwapohang manong, bibingka po matamis, masarap, malambot, bili na po, galing po ito sa napakagandang dilag."
***
"Menang!" si Manang Luz ang suki ko na nagtitinda ng prutas sa gilid ng kalye.
Tumigil ako sa kakahakbang nang matapat ako sa fruit stand niya. "Aling Luz, bili na po," alok ko sa matanda na nginitian ko pa siya ng ubod tamis.
Dumukot agad siya ng ng pera sa loob ng apron.
"Ubusin niyo na po ito, Aling Luz ito na lang ang natira eh."
"Magkano ba lahat iyan?" Sinulyapan niya ang dala ko na basket.
"Isang daan po, pero ibibigay ko sa iyo ng otseyenta, Aling Luz kasi espesyal ka eh."
"Sandali ah," sabi niya nang may isang customer na lumapit at bumili ng prutas.
Hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino at sinentro ko na lang ang aking paningin sa maliit na tv na naka-installed sa tindahan ng matanda. Nang makaalis ang customer ay muli ko na hinarap ang sarili kay aling Luz at sige pa rin ang aming pag-uusap.
Isang malakas na simoy ng hangin ang dumaan sa aking kinatatayuan dahilan upang isayaw ang aking palda.
"Opo Aling Luz, bas-" napatigil ako sa pagsasalita nang may narinig ako isang tunog na parang may napunit sa suot ko. Iyon pala ay nadala na ng kotse ang laylayan ng palda ko! Sa haba ng palda hindi ko napansin na may isang kotse pala na nakaparada sa aking likuran. Nang pumasok ang may-ari ng kotse hindi nito napansin na na-ipit pala ang laylayan ng aking palda nang sinara nito ang pinto ng driver seat.
Ilang segundo ay nagsimula ng tumakbo ang kotse papalayo. Habang papalayo nang papalayo ang sasakyan ay unti-unting naubos ang telang sinulid na tumaping sa aking makinis na binti pataas sa aking hita.
Pinamulahan ako sa eksina. "Anak ng!"
Unti-unting nauubos ang palda ko. Tuluyan na akong nahuhubaran at naiwan ang shorts ko na sobrang short.
Pinagtitinginan na ako ng mga tao sa paligid. Mabuti at nakapagshort ako ngayon kundi hindi lang kahihiyan ang abutin ko, pati na pambabastos!
Hindi nakalagpas sa akin ang sipol ng isang adik. "Wow ulam!"
Ang mga tao sa paligid ay nakatunghay sa akin na halos mahuhubaran na dahil sa lintik na kotse. Nanggalaiting sinundan ko ng tingin ang magarang kotse na matulin at papalayo.
Hindi ko na pinansin ang mga mata sa paligid. Mas nanaig ang inis ko dahil sa pagkapunit ng aking palda. Paborito ko pa naman ito, binili ko ito noong isang araw sa ukay-ukayan.
Hanggang hindi pa nakakalayo ang kotse ay sinagad ko na ng takbo. "Hoy! Tumigil ka! Lagot ka sa akin ngayon!" Walang ingat na hinagis ko sa isang tabi ang bitbit ko na basket.
Tumatakbo na hinubad ko ang suot ko na bota. Hinagis ko ito sa likod ng kotse. "Anak ng!" mura ko nang hindi natamaan. Muling hinablot ko ang kapares ng sapin ko sa paa't muling ibinato! Hayon! Sapol ang salamin sa likuran ng kotse. Tama lang upang maagaw pansin ng may-ari.
Laking pasalamat ko't hindi nabasag. Mas mahal pa ata ang kotseng iyon sa buhay ko. Basta di ko matukoy kung anong modelo basta magara.
Nagpreno ang kotse. Lakad takbo ko na nilapitan ang tapat. Marahas na kinatok ko ang tapat ng driver seat kung saan sumabit ang palda ko.
"Hoy! Lumabas ka riyan!" nanggagalaiting bulyaw ko. Hindi ko maaninag ang loob dahil tinted ang salamin ng kotse. "Hoy mag sorry-"
Saktong nagbukas ang bintana. Tumambad sa akin ang isang lalaki. Hindi ko maaninag ang hitsura at deritso lang ang paningin sa harapan subalit isang bagay lang ang alam ko. Ang lalaki ay gwapo at nakakahumaling.
"Hoy, mag sorry ka!" galit na utos ko sa may-ari ng kotse. Sadyang nakapamaywang ako.
"Why should I?" walang emosiyon na tanong ng lalaki. Ang boses niya ay napakalalim na ibig manayo lahat ng balahibo ko sa katawan.
"Mister! napunit iyong palda ko!"
Dinig ko ang mahinang tawa ng lalaki na tila ba hindi man lang apektado. "Then?"
"Napunit 'yong palda ko!" giit ko na yumuko sa tapat ng bintana.
"Wala akong maintindihan. As far as I could remember ay ni minsan hindi ako naging marahas sa mga babaeng dinala ko sa kama. Wala akong naalalang pinunit ko ang mga damit n'yo. In fact, kayo pa ang kusang naghubad sa harapan ko." Bumaling na siya sa direksyon ko.
Pinamulahan ako na nailayo ang sarili. Hindi kami nagkaka-intindihan ng lalaki. "Mister, hindi ko sinasabing isa ako sa babae mo. Ang sinabi ko napunit ang palda ko dahil sa katangahan mo!"
Nang marinig niya ang pahayag ko ay umigting ang panga ng lalaki na napasingasing. "What, tanga!?" hindi makapaniwalang tanong niya
"Tumpak, sa katangahan mo!" sang-ayon ko na tumango-tango.
Nagdilim ang gwapong mukha ng lalaki't kontra-gustong bumaba ng kotse.
Wala sa oras na napatungo ako. Tumama ang paningin ko sa mamahalin niyang sapatos na dahan-dahang lumapat sa aspaltong kalsada. Sinuyod ko ng aking paningin ang lalaki mula paa paakyat sa ulo, ulo pababa sa paa. Halos maputol ang leeg ko sa tangkad niya.
Hindi ko napigilang lumunok ng laway dahil bigla na lang nanuyo ang aking lalamunan. Gusto ko na paypayan ang sarili tila hindi ako makahinga na natunghayan. Taglay ng lalaki ang makalaglag panty na kagwapohan.
Halos ibalibag niya ang pinto ng kotse nang makababa ng tuluyan. Isang hakbang lang ay nakalapit na agad siya sa akin.
Nakapamaywang na nakipaglaban ako ng titig na animo'y walang kinatatakutan pero sa totoo ay gusto ko na lang mangisay sa kinatatayuan ko sa tinding kaba.
Lumapit siya sa akin. Dumukwang ng kaunti upang pantayan ang aking tangkad na limang talampakan mahigit. "Anong sinabi mo? Ako, tanga?" mahina pero may diin na turan ng lalaki.
Halos lumipad ang bangs ko dahil sa mabango at mainit niyang hiningang pumaypay sa mukha ko.
"O-Oo, tanga!" singhal ko na nakipagtagisan ng titig sa estranghero. Wala akong paki-alam kung indanger species 'to sa kagwapohan. Dapat makahingi 'to ng dispensa.
"What is your problem, as I told you wala akong naalalang namunit ako ng palda ng may palda. At sa pagkakatanda ko. Ngayon lang kita nakita." Sinuyod niya ako na tila ba sinaulo ang bawat parte ng mukha ko.
"Oo, ngayon mo lang talaga ako nakita dahil ngayon ka lang din namunit ng palda!" singhal ko na mas tiningala siya.
"And why are you screaming out of nowhere, huh?"
"Kasi ang tanga mo at saka h'wag mo nga ako e-Ingles Ingles nandito tayo sa palengke kung hindi mo alam!"
"Stupid!" Umayos siya ng tayo.
"Ano? Ako, stupid?" Pinandilatan ko ng mga mata ang lalaki. "Eh ikaw nga hindi nakaka-intindi eh. Tingnan mo nga palda ko oh," asik ko sabay turo sa gula-gulanit ko na palda na naka-ipit sa ilalim ng kotse niya, "-naipit lang naman sa pinto ng kotse mo!" Nakataas pa bahagya ang aking kilay.
Ngumisi siya. Tumambad sa paningin ko ang mapuputi at pantay pantay niyang mga ngipin.
"Oh, so iyan pala ang problema mo kaya ka nagwawala?"
"Hoy, excuse me? Kung makaasta ka ay parang maliit na bagay lang 'to. Ako ang nababastos dito, Mister!"
"So, ako pa ang may kasalanan?" Isang mahinang ngisi ang pinakawala niya. Yumuko siyang muli upang magtapat ang mukha naming.
Sa ginawa niya ay tarantang napa-atras ako. Diyos ko Lord! wala sa sariling napasambit ako sa maykapal. Ikaw ba naman lapitan ng isang napakagwapong nilalang di ba mawawala ka rin sa katinuan.
"Sa reaksiyon mo, ako pa ang pinalabas mo na may kasalanan ha... ako pa talaga? Ako pa ang may kasalanan sa lagay na 'to ha?" Nakapamaywang na inilapit ko ang mukha sa lalaki.
Sunod-sunod na tango ang ginawa niya. Umayos siya ng tayo. Pinagkrus pa niya ang braso sa tapat ng dibdib. Sumandal siya sa pag-aaring kotse. Nanatili ang mga mata niyang nakatitig sa aking mukha. May pilyong ngiti sa labi.
"Exactly! Bakit kasi pakalat kalat ka sa gilid ng kalsada at hindi man lang tinitingnan ang paligid. Alam mo naman na public place ito. Ano ka artista para pagtuonan kita?" Nakataas din ang kilay niyang pasaring.
Sobrang yabang ng porma niya na gusto ko na pagtatadyakan. Napakagat ako ng labi sabay na nalukot ko ang aking noo. Isang palatak na tawa ang aking pinakawala upang mainis siya sa akin pero parang hindi 'ata effective at nakangiting nakatingin lang siya sa direksyon ko. Tuloy ako itong naiinis sa eksina namin.
Pinilit ko na ikalma ang sarili. Napa inhale-exhale ako. "Hindi mo ba nakita ha? Ako na ang nadedehado rito at nababastos dahil sa nangyari!" asik ko na hindi pa rin sumusuko. "See... kita mo?" bahagya na ipinangalandakan ko sa pagmumukha niya ang aking mapuputing hita. "Kung hindi ako nakashorts eh ano, hindi lang kahihiyan ang abutin ko. Kaya magsorry ka ngayon din!" matigas na utos ko. Inirap ko ang aking mga mata.
"Sorry? Why should I?" sabi niyang sinulyapan ang mga binti ko.
"Magsorry ka!"
Mas lumapad ang mga ngiti niya sa labi. "Wala sa bukabularyo ko ang salitang sorry, Miss." Umayos siya ng tayo sa akmang bubuksan ang kotse.
"Ah gano'n ha! Ayaw mo magsorry? Pinakulo mo talaga dugo ko ha!" Kinuyom ko ang dalawang palad. Ilang segundong humanap ako ng bwelo. Isang malakas na suntok ang tinapon ko sa gwapong mukha niya. Ayon! sapol ang panga ng lalaki.
"Oh s**t!" Hinimas niya ang nasaktang panga. Nawala ang kanyang angas.
Kinabahan ako sa ginawa ko ngunit ayoko rin na umuwi na dehado. Galit siyang tumitig sa akin. Mahahalintulad sa isang halimaw na gusto ako lamutakin.
"Simple lang naman ang hiningi ko, di mo pa masabi!" Tinaasan ko siya ng kilay. Bago ko siya iniwan tinaas ko pa ang middle finger ko sabay dila sa kanya.
Naiwan ang lalaking blangko ang expression sa mukha na nakasunod tanaw kay Emena na tumatakbo papalayo. Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi nito pagkatapos.
"She is an interesting lady isn't she, Paula?" mahinang tanong ng lalaki sa hangin.