2

1845 Words
Araw na naman ng Sabado wala akong pasok. Maaga pa lang ay nagsimula na ako maglako. Inagahan ko dahil may bago akong destinasiyon. Doon sa kung saan nagtatrabaho ang aking kaibigan na si Althea. Sabi nitong papatok daw ang bibingka ko pang meryinda ng mga kasamahan niya sa trabaho. Nagsasawa na raw ang mga ito sa pagkaing canteen. Hindi nag-atubili ay sumugod ako sa sinasabi ng kaibigan ko. Nagtuloy tuloy akong gumawi sa entrance ng building. Dumaan ako sa isang revolving door. Ibig kong mahilo sa revolving door at kailangan ng timing. Lumapit ako sa receptionist at nanghingi ng visitors ID. Walang namang problema at mabilis akong binigyan. "Miss ano ba 'yang tinda mo?" ang babaeng receptionist. Dahil doon nakahinga ako ng maluwag. Wala naman pala itong pinagka-iba sa eskinita eh. High class nga lamang ang lugar pero iyong mga taong nakapaligid pareho rin namang bumibili. Sinunggaban ko na agad. Bumili ang receptionist. Pagkatapos ay gumawi na ako sa ibang floor. Susulitin ko na ang pagkakataon. Ilang minuto pa lang ubos na ang paninda ko hindi na ako umabot sa kaibigan ko. Halos lahat ng mga empleyado ay bumili. Nanibago sa tinda ko. Sobrang nagliwanag ang mukha ko nang wala ng natira sa basket maliban sa ibibigay ko kay Althea. Nagtuloy-tuloy na ako kung saan ang opisina ng kaibigan ko ngunit sa kabalik-balik ko ng sakay ng elevator ay ibig ng bumaliktad ang sikmura ko sa tinding pagkahilo. Tiniis ko dahil gusto ko makita si Althea at makapagpasalamat naman. Gumawi pa ako sa floor kung saan nandoon ang kaibigan ko. Tinirhan ko ito ng isang supot para naman may maibigay ako kahit maliit na bagay. "Menang." Si Althea na kinumpas ang palad sa ere. Nang mapansin ko siya ay mabilis ko na tinungo ang cubicle niya. "Hoy bruha! Salamat ha." Mahina lang ang pagkasabi ko dahil ayaw ko makadisturbo ng ibang emplayado. Nakangisi siyang bumaling sa akin. "Wala iyon ano kaba, eh asan na ang free na sinasabi mo." Nilahad agad niya ang palad sa harap ko. "Ano ba 'yan tinudas mo pa ang paninda ko." Biro ko sa kaibigan na inabot ang isang supot ng bibingka. "Wala ng libre sa mundo, dai!" Inirapan niya ako ta's ngumiti. Hindi ko mapigilang managhili kay Althea. Nabibilang ito sa isa sa sikat na kompanya at malaki ang pasahod. Hindi ko maiwasang mangarap na balang araw magkakaroon din ako ng maayos na trabaho at maganda at konkretong na bahay. Talagang pagtiya-tiyagaan ko ang pag-aaral dahil gusto ko rin mapabilang sa lugar na gaya nito. Sawa na ako sa paglalako ng bibingka sa eskinita. Mahigit ilang minutong nanatili ako sa loob ay napagdesisyonan ko ng bumaba na. Nakakadistorbo na rin ako sa trabaho ng kaibigan ko kung mananatili pa ako roon. Sa totoo lang ayaw ko pa sanang umalis dahil gusto ko pa magmasid. Gusto ko pa samyuhin ang lamig ng aircon. Kaso hindi naman ako kabilang sa team at maglalako lang ako. Pinili ko na lang magising sa panaginip. Lulan ng elevator ay pagod ko na sinandal ang likod sa pader. Sinuportahan ko ang sarili dahil kanina pa ako nahihilo na ibig ko nang mabuway. First time ko rin na makasakay ng ganito dahil pawang sa paaralan, eskinita at palengke lang umiikot ang buhay ko. Hindi ko na pinansin ang isang babaeng kasabayan ko't pinikit ko ang mga mata. Tumigil ang elevator at bumukas ang pinto. May pumasok na panauhin ngunit hindi ko na rin binigyang diin. Narinig ko na nagsalita babae na kasabayan ko. "Good day, sir." Lumalabo na ang paningin ko dahil sa hilo. Pinilit ko na aninagin ang control panel kung saang floor pa ako. Gusto ko ng mag-ngangawa at nasa 30th pa lang ako. Gusto ko ng humilata sa sahig dahil sa lula na aking nadarama. Nanlagkit na ang laway ko. Ang sikmura ko ay nais ng bumaliktad. Umiikot na rin ang paligid ko. Mahigpit ang aking pagkakahawak sa dala na basket. Para atang mabubuway na ako. Nawawalan na ng lakas ang tuhod ko. Malalaking butil ng pawis ang lumabas sa aking sentido. Nanlalamig na ang aking buong katawan. Sadyang pinikit ko na lang ang aking mga mata baka sakaling maibsan pa ang sama ng pakiramdam ko. Mas lalo akong namutla nang tuloy-tuloy na ang pagbaba ng elevator. "Miss, are you okay?" Boses ng babae ang narinig ko. Siguro napansin nitong namumutla na ako. Hindi ko magawang magsalita kaya tumango na lang ako bilang tugon. "Miss?" Niyugyog nito ang aking balikat. Lumala yata ang pakiramdam ko nang yugyogin niya ako. Hindi ko na napigilan at sumuka na ako. Napatili ang babae na umilag mula sa akin. Tuloy roon napunta ang suka sa lalaking nasa likuran niya at tumama sa mamahalin nitong amerikana. "s**t!" malutong na mura ng lalaki. Hindi ko maaninag masyado ang mga nangyayari dahil sa bilis ng pangyayari. "Sir," ang babae na sinuyod na tingin ang lalaki na nadumihan ang damit. Bago pa ako makabawi mula sa pagkahilo ay may biglang lumapit sa aking kinaroroonan. Saktong nagbukas ang pinto ng elevator nang maramdaman ko na umangat na ang aking paa sa ere. May mga bisig na kumarga sa akin papalabas. Karga ako nito na tila isang sakong bigas. 'T-Teka po!" Nagprotesta ako. "Ibaba n'yo po ako!" Ngunit tila bingi ang panauhin at nagtuloy-tuloy ang mga hakbang. Pinilit ko na magpumiglas. Pinagsusuntok at pinaghahampas ko ang likuran ng lalaki sa dala ko na basket pero walang panama ang lakas ko kumpara dito. "T-teka po, ibaba n'yo ako, mister!" "Shut the f**k up, you stupid b***h!" Dumagundong ang mura ng lalaki na patuloy ang malalaking hakbang hanggang sa narating namin ang malawak na parking space ng kompanya. Hindi ako nagpatinag at todo hampas ko sa likod nito sa basket na bitbit ko. "Ibaba mo 'ko, mister—" napatigalgal ako nang biglaan at walang ingat niya akong tinapon sa ibabaw ng hood ng sasakyan na nakaparada roon. Sobrang gulat ko't dama ko ang hapdi ng pang-upo ko na tumama sa ibabaw ng sasakyan. "Pwede ba tumahimik ka't masakit ang tainga ko sa tili mo, babae!" bulyaw niya. "Teka, mister—" pumiyok ang boses ko nang mag-angat ako ng tingin sa mapangahas na lalaking kumarga sa akin. Ang lalaki ay walang iba kundi ang nasuntok ko noong isang araw. Ang lalaking namunit ng palda. Ang bastos na antipatikong aroganteng gwapo... ay este lalaking masungit at mayabang. Napatikhim ako upang tanggalin ang bara sa lalamunan ko. Tumama ang mga mata ko sa madumi niyang amerikana. May mga Lucky me noodles pa roon na dumikit. Noodles nga kasi ang agahan ko kanina. Umungol ako't wala akong mahanap na salita sa bibig ko. Uminit ang pisngi ko dahil sa hiya. Lihim akong napahiling na sana ay bumuka na lang ang lupa lalamunin ako at maglaho na parang bula. "What a small world, huh?!" wika niyang nakatitig sa akin. Madilim ang mukha. Parang tigre na gusto akong atakehin. Kinagat ko na lang ang labi na naninigas na naka-upo sa hood ta's yumuko. Tumawa siya ng mapakla nang mapansin ang pananahimik ko. "Ano na?" Iritable at nakataas ang kilay na tinitigan ako. Kita ko ang pagalaw ng bagang niya sa tinding frustration. "A-Ano kasi... am..." nabubulol ako dahil sa tinding kaba. "Stupid! I still have a meeting to attend and look what you did!" Napahugot siya ng hininga na napatingala sa kawalan. Sa tinding inis niya ay pinagkakalag niya ang butones ng longsleeve at marahas na binalibag sa basurahan. Ibig lumipad ang kaluluwa ko sa tinding gulat sa ginawa niya. Hindi ko naman sinasadya. Kasalanan ko ba? Oo kasalanan mo talaga, Menang! Napahigpit ko ang kapit sa dala ko na basket na hanggang sa sandaling ito ay bitbit ko pa rin. Akma ko sanang ibuka ang bibig nang muling lumapit siya at dumukwang payuko. Tinukod niya ang magkabilang braso sa ibabaw ng hood na napagitnaan ako. Samyo ko ang mamahalin niya cologne na may kasamang asim dahil sa suka ko. Yumuko ako ngunit mas lalong hindi ko maipalagay ang sarili nang tumama ang inosenting mata ko sa anim niyang pandesal sa tiyan, Namumutok. Diyos por santo. "What now?" Tanong niyang tinititigan ako. Pumaypay ang mainit niyang hininga sa pisngi dahil sa tinding lapit. Napa-irap ako. Patas na siguro kami dahil sa pagkaladkad nito sa aking palda noong isang araw. Pero hindi ata, dahil nasuntok ko ito. Nakaganti na ako. "Eh, sumama lang talaga ang pakiramdam ko eh," dahilan ko na hindi siya matitigan sa mata. Isang mapaklang ngiti ang pinakawalan niya. "Ah so, sa gano'n lang at okay na?" "Eh ano bang gusto mong gawin ko?" Padaskol ko na turan na nakasimangot. "Say sorry, and I will be okay," pagde-demand niya. "Bakit naman ako magso-sorry? Di ka nga nagsorry sa 'kin noong isang araw!" balik ko sa kanya na tinititigan na siya sa mata. Nakanguso ako. Ngumiti siya ng mapakla. "Stupid woman, just apologize para matapos na tayo," nanggagalaiting giit niya sa akin na hindi inilayo ang sarili. Aba! Hindi nga ito ng nagsorry sa akin na mas sobra pa ang ginawa nito. Ngayon pipilitin ako? No way over my sexy dead body! "Kung simple lang iyon sa iyo then mag sorry ka muna sa akin, tapos magsorry ako sa'yo." Taas noong paghahamon ko sa kanya. Tinaas ko pa ang baba. Kita ko ang paglaki ng butas ng matangos na ilong niya na lumukot ang gwapong mukha. "Damn it! If you don't, then I'll make my move," sabi niyang umayos ng tayo. Pinaliit niya ang kanyang mga mata na animo ay humanap ng bwelo. Gigil niyang tinututukan ang mukha ko. Wala sa sariling napakapit ako sa dalang basket. Walang pakundangan ang kaba sa dibdib ko sa eksina namin. Ilang saglit na nagtagisan ang aming paningin na tila walang magpapadaig. "T-teka, anong plano mo, mister?" pumiyok ang boses ko. Kitang ko na nangingilid ang pilyong ngiti sa labi niya habang nakatitig sa akin. Dahan dahan siyang yumuko upang magpantay ang aming mga paningin. Nilapit niya ang gwapong mukha sa mukha ko na halos isang dangkal lang ang layo namin sa isa't isa. Wala sariling naihilig ko ang katawan paatras. Nanlaki ang mga matang nakatitig ak sa kanya. Napalunok ako ng laway. "A-anong gagawin mo, mister?" kanda-utal na tanong ko dahil sa tindi ng kaba. Hindi nagpatinag mas lalong inilapit niya ang mukha sa mukha ko hanggang kusa niyang inabot ang panga ko. "Mister!" Hindi ako nakapaghanda sa sumunod na ginawa ng lalaki. Isang malakas na pilantik ng daliri ang tumama sa aking noo. Sapol ang noo ko. Tang ina! Tumunog ang bungo ko sa lakas. "Aray!" Napadaing ako sabay himas sa nasaktang noo. "We are now fair!" gigil niyang turan na tumalikod at deritsong pumasok sa loob ng kotse. Naiwan akong nanigas. Umusok ang tainga ko na halos sumabog na parang bomba dahil sa inis. Namilog ang butas ng ilong ko habang nakasunod tanaw sa lalaki. Natauhan na lang ako dahil sa pag-ugong ng makina ng kotse. "Bumaba ka riyan, babae!" bulyaw niya sa inusli ang ulo sa bintana. Kontra gustong tinalon ko ang hood makababa lang agad. "Bye, stupid!" Nakangising paalam pa niya na pinaharurot ang magarang sasakyan papalayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD