Laglag balikat na naglakad ako sa gilid ng kalye. Nakasuot pa ako ng aking school uniform. Katatapos lang ng aking klase. Binaybay ang daan patungo sa aming munting tahanan.
Sadsad ang sapatos sa aspaltong kalsada sunod-sunod na buntong-hininga ang aking pinakawala.
Pinuproblema ko na naman ang aking matrikula. Kahit anong benta ko ng bibingka kulang pa rin. Kainis naman 'tong buhay 'to.
Bakit pa kasi ipinanganak akong mahirap? Mapasaan man at makakamit ko rin ang pangarap ko basta mapupursige lang ako.
Sadsad ang aking sapatos sa semento. Mabibigat ang aking mga hakbang. Nakalimutan ko na medyo nakanganga na ang talampakan ng sapatos ko. Sa ginawa ko ay naiwan ang talampakan ng sapatos ko na pipityugin.
"Putik!" Wala ng talampakan ang sapatos ko at talagang talampakan ko na ang nakaapak sa semento. Hinubad ko na lang ang kabilang pares ng sapatos. "Siguro pwede pa itong ayusin."
Ke mahal mahal na ng pamilihin ngayon hirap nga kaming bumili ng bigas at ulam tapos uunahin ko pa ang sapatos ko. Ididikit ko na lang 'to pag-uwi ko.
Tinungo ko ang isang bakanteng upuan sa may parke at umupo doon. Pinagpahinga ko ang ulo sa sandalan. Gulo ang utak ko ngayon at parang hindi ako makapag-isip ng maayos. Nag-iisip ako kung anong ang raket ang gagawin ko.
May napansin akong umupo sa kahanay ng upuan na inuupoan ko. Medyo nagulat ako, pero dapat hindi ko iyon ikinagulat dahil nasa parke ako at pampublikong lugar ang kinaroroonan ko. Natural na may maupo roon, pero talagang nagulat pa rin ako.
Naparami ata ang kapeng na-inom ko at naging magugulatin na ako.
Minulat ko ang sariling mga mata. Tumambad sa akin ang isang matandang lalaki. Mga sisenta siguro tantiya ko base sa kulubuting mukha nito. Nagbabasa ang matanda ng isang dyaryo.
Dahil nakukuryuso rin ako sa mga pangyayari sa kapaligiran ay nakibasa na rin ako. Palihim na sinulyapan ko ang hawak nitong dyaryo na hindi nito napapansin. Nakibasa na rin ako. Tumama ang mata ko sa pahina ng classified ads.
'URGENT HIRING Wanted housemaid.'
Namilog ang aking mga mata sa nabasa. Naku talagang nama na pinagpala ako sa araw na ito.
Mapuntahan nga ang sinasabing hiring na iyon. Baka papasa ako marunong naman akong maglinis at maglaba. Naku! Overqualified pa nga ako. Maganda at seksi ako. Sino naman ang hindi gusto ng housemaid na maganda na't seksi pa.
Nilisan ko ang parke na hindi initinding wala akong sapin sa paa. Kailangan kong makarating agad doon baka may mauuna pa sa akin.
Nanakit ang aking paa sa kakalakad. Pati talampakan ko, pakiramdam ko nagkasugat sugat na. Narating ko subdivision na naka address doon sa newspaper.
Nilinga ko ang paningin. Naglalakihan ang mga bahay ang iba ay napakatayog. Talagang ginawa ang subdivision para sa mga mayayaman. Nalulula tuloy ako sa kakalinga, naninibago ako.
Nagagandahan, nagtatayugan at naglalakihan talaga ang mga bahay sa lugar na ito. Pero may isa talagang naiiba. Sa tingin ko ay iyon ang pinakamaganda sa lahat ng bahay sa loob ng subdivision, may apat na palapag ang bahay. Yari sa bato, ladrilyo, kahoy, stucco, vinyl siding, at Hardie Plank kung tama ba ako. Sobrang lawak ng bakuran. Magarbo ang bakud na yari rin sa bakal.
Mula sa kinatatayuan ko makikita ko mula sa siwang ng bakud ang matayog na fountain sa gitna ng malapad at malawak na bakuran. May magarang landscape, may mga rare na halaman sa loob at malawak na swimming pool. May naka-uniporme na mga tauhan tila ba bahay ng isang maharlika.
Halos lumuwa ang mga mata ko sa paghanga. Nakalimutan ko tuloy ang aking sadya. Kusa akong dinala ng aking mga paa sa harapan ng gate sa malaking bahay saka pinagsawa ko ang sarili sa tanawin sa loob ng mansion.
Balang araw magkakabahay rin kami ni Inay. Nakatingalang sabi ko.
Pangarap ko talaga magkaroon ng maayos na bahay. Tama lang sa amin ng inay ko. Iyong maayos kaming makakagalaw. Makahiga sa malambot na kama at hindi palagi sa matigas na papag. Makaligo sa isang shower at hindi palaging sa bomba ng kapitbahay namin.
Makakain ng masarap na pagkain at hindi palaging tuyo at daing na tinitinda ni inay sa palengke. Iyong mabuhay kami ng maayos at walang pinuproblema. Makakabayad ng bill kahit papaano.
Nasa kalagitnaan ako ng aking panaginip nang biglang bumukas ang magarbong gate ng malaking bahay. Nagulantang ako sa gulat.
Tumambad sa harap ko ang isang naka-uniporme na lalaki. Tantiya ko ay ang guwardiya. Mga nasa kuwarenta siguro pero hindi ako sigurado.
"Ma'am? Ano ang kailangan n'yo?" Seryoso ang mga mata niya na sinuyod ako ng tingin. Tumama ang paningin niya sa paa ko na walang suot na sapatos. "Bawal po ang tumambay rito, ma'am."
Napaatras ako ng kaunti. Kahina-hinala naman ang kilos ko lalo na hindi ako tagaroon at ang dugyot ko.
"Nandito ka ba upang mag-aapply?" Nakataas ang kilay na tanong ng guwardiya sa akin.
"Ho?" wala sa sariling iyon ang katagang lumabas sa aking bibig. Hindi pa ako nakabawi sa tinding paghanga ko sa lugar.
"Nandito ka ba upang mag-aapply bilang housemaid?" ulit niya na tinaas pa ang kilay.
Mabuti at inulit niya ang tanong at gumana na ang aking utak. Nilinga ko muna ang aking paningin. Ayon nakita ko ang address, bumagsak pala ako sa harapan ng bahay na aking hinahanap kanina pa.
"O-opo."
"Sumunod ka sa akin," matigas niyang sabi na tumalikod. Walang imik ay sumunod na rin ako sa guwardiya.
Pagkapasok ko sinalubong ako ng isang naka-uniporme na babae. Tantiya ko'y ito ang mayordoma. Mga nasa singkuwenta ang edad.
Habang nakasunod sa babae ay hindi ko maiwasang ang mga mata at kung saan-saan dumadapo. Kung magarbo man ang bahay sa labas lalo na sa loob. Bumulaga sa akin ang napakaaliwalas at napakalawak na sala. May mga kasangkapan na mas nagkakahalaga pa sa buhay ko. May napakalapad at napakatayog na hagdanan. May napalakaling ilaw na nakabitin sa kisame na napapalibutan ng ginto. "Cha...Shan..." nakatingala na sinuyod ko ang ilaw.
"Chandelier," pagtatama ng babae na sinundan ang mata ko na nakatingala.
Napatikhim ako. Hindi ko napansin na lumabas pala iyon sa bibig ko. Ngumiti sa 'kin ang babae ta's muli niyang pinagpatuloy ang napintong mga hakbang hanggang sa narating namin ang isang silid.
Pinaupo niya sa isang sofa. Binigyan niya ako ng application form. Masunurin naman ako at pini-fill-up-an iyon. Matapos ay kinuha ng babae at binasa.
Housemaid lang ang aaplayan ko, para tuloy akong nag-apply sa isang kompanya. Siguro dahil sa yaman kailangan ng maiging proseso dahil malimit na sa panahon ngayon ang mapagkatiwalaan.
Nakamasid lang ako kanina pa, marami naman kawaksi sa bahay. Lahat iyon naka uniporme, pero bakit kailangan pa nila ng housemaid?
"Okay, you are Emena Paleria?" ang babaeng may edad na. Bahagya niyang binaba ang suot na salamin saka sinulyapan ako.
"Opo," magalang kong sagot.
"Studyante ka pala?"
Isang tango ang aking ginawa bilang pagsang-ayon.
"Tamang tama lang dahil, ang oras na kailangan ka ay tuwing biyernes hanggang linggo lang," sabi nito. "Kasi weekend lang din nandito si Seniorito Aries, at ikaw ang kanyang magiging personal maid."
Tumingkag tuloy ang tainga ko. Ano daw personal maid?
"At saka dapat biyernes ay malinisan mo na ang silid niya dahil ang araw na iyan ang nakagawiang uwi ni seniorito sa bahay. Dapat malinis at walang alikabok dahil may allergy ang seniorito, naintindihan mo?"
Sunod-sunod na tango lang ang aking ginawa. Hanggang natapos ito sa pagpaliwanag sa lahat ng aking dapat gawin at kondisyon.
Pumirma na rin ako ng kontrata. Binigyan rin ako ng isang kulay itim na uniporme. Iyong tipong pang maid talaga. May apron at headband sa ulo.
Sabi ni Maam Joy iyong nag-interview, na magsisimula ako sa aking unang araw sa darating na biyernes. Mabuti at pang-umaga lang ang klase ko sa araw na iyon at tumutugma sa bago kong papasokan.
***
Araw ng biyernes ang unang araw ko bilang kawaksi sa Dankworth Residence. Ala una nang dumating ako sa malaking bahay. Nakasuot ako ng uniporme na binigay sa akin.
Nasa loob ako ng maid's locker room. May malaking salamin roon. Napansin ko na na-iiba ang uniporme ko sa lahat ng mga kawaksi.
Sinuyod ko ang aking repleksiyon. Maiksi talaga ang uniporme ko. Hanggang gitna lang ng aking hita samantala ang sa mga kasamahan ko ay hanggang ibaba ng tuhod nila.
Baka matandang maniac 'tong amo ko! Kinilabotan ako sa na-isip. Hindi ko na lang pinansin at tuluyang lumabas ng silid.
Bumungad sa akin ang napakalawak na bahay. Napakadaming kwarto, pakiramdam ko tuloy maliligaw ako. Alas siyes ang uwi ni Seniorito Aries. Naintriga tuloy ako kung ano ang hitsura ng amo ko.
Ilang minutong binaybay ko ang pasilyo'y sinapit ko rin sa wakas ang master's bedroom. Sa laki ng bahay nangangatog ang binti ko. Pinihit ko ang doorknob at pumasok doon. Sinalubong ang ilong ko ng panlalaking amoy. Mabango at hindi masangsang sa ilong.
Ginala ang mga mata sa loob. Silid pa ba ito sa lagay na 'to? Kalimahin o kasampuin siguro ang bahay namin dahil sa laki. Hinakbang ko pa ang paa papasok. Nilinga ko ang paningin sa paligid. Manghang mangha ako sa nasaksihan. May malaking kama, may sariling sala ang silid, may sariling banyo, at kay laki ng banyo. May mamahalin din na mga kasangkapan na yari sa mamahaling muebles. May malaking LCD flat screen smart tv mahinuhang sinehan.
Tantiya ko mga dalawa... hindi tatlo ay hindi pa rin, apat? Ah basta mahabang oras ang kakailanganin ko para malinis ang buong silid.
Sinimulan ko na agad ang paglilinis. Ilang mahabang oras ang nakalipas ay natapos na rin ako. Napalitan ko na ang bedsheet lahat ng kakailanganin ng amo ko ay nagawa ko na.
Nakaramdam ako ng pangangalay. Naupo ako sa kama saglit. Nilinga ko ang paningin nahagip ng mata ko ang isang larawan na nakapatong sa bedside table. Isang larawan ng isang masayang pamilya. Isang nasa kwarentahing babae't lalaki. May dalawang batang hawak babae at lalaki rin. Naagaw pansin ko ang batang lalaki at tila pamilyar ako ngunit hindi ko lang matandaan.
Hanggang sa hindi ko napigilan ang sariling humiga sa ibabaw ng malambot na kama. Nakalimutan ko na nasa trabaho ako. Hindi ko napigilan at unti- unting nilamon ang diwa ng antok. Nakatulogan ko ang isiping hindi ko man lang masagot sagot.
***
After a long day of work Aries finally home. Matamlay niyang pinihit ang doorknob ng kanyang silid. Gusto niyang makapagpahinga. Subalit ibig tumalon ang puso ng binata sa nabungaran niya sa loob ng sariling silid.
Who the f**k is that lady? May babaeng natutulog sa ibabaw ng kanyang kama. As he looks at her. She wears a maid uniform. Ang maid niya na binabayaran niya ay natutulog sa kama ng amo niya! Dumilim ang mukha ng binata na nilapitan ang babaeng mahimbing na natutulog.
Nagsalubong ang kilay niya habang sinuyod ng tingin ang babae. Unti-unti niya itong nakilala. He drew a tiny smile on his lips while watching her sleeping on his bed. Hindi niya mapigilang mapatitig sa mapang-akit nitong mukha.
"Stupid lady!" Bahagyang niluwagan ni Aries ang kanyang necktie nang masuyod niya ang kabuuan ng babaeng nakahiga sa ibabaw ng kama.