Kahit na tulog ang kalahati ng diwa ko dama ko pa rin na may na-upo sa gilid ng malambot na kama. Pinilit ko na imulat ang aking mga mata pero pakiramdam ko ay tulog pa rin ako at nasa mundo ng aking panaginip. Talagang nasa panaginip ako dahil bumungad sa akin ang lalaki na aroganteng nasagupa ko noong isang araw. Ang lalaking mapangahas na sumira ng aking palda at ang lalaking pinilantik ang noo ko.
Anak ng! Nanaginip ba talaga ako? Kinurap-kurap ko ang aking mga mata upang siguraduhin kung panaginip lang ba talaga?
Nanatiling nakatitig sa akin ang gwapong mukha nito? Malamlam ang mapupungay nitong mga matang sinuyod ang aking mukha na may pilyong ngiti sa labi.
Bakit ko naman napapanaginipan ang lalaking iyon? Hindi ito isang panaginip kundi isang napakasamang bangungot! Kailangan na magising ako, baka ito ang papatay sa akin.
"Do you like the bed?" bungad ng lalaki sa panaginip ko. Nakatitig pa rin ito sa akin na may pilyong ngiti sa labi.
Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit damang dama ko ang mainit nitong hininga na tumama sa pisngi ko?
Inilapit pa niya ang mukha sa akin. Nakita ko na dahan-dahan niyang inangat ang daliri.
Napatili ako. Ito na yata ang eksina na akmang sasakalin na ako. Kailangan ko na magising. Biglaan na inangat ko ang aking ulo mula sa pagkakahiga. Talagang biglaan at dahil sa ginawa ko ay sapol at nabunggo ko ang noo ng lalaki.
"Oh s**t-"
"Aray-"
Magkasabay halos naming daing. Parehong nanggagalaiti ang aming mga mukha. Magkasabay na hinimas namin ang noong nasaktan.
"Ay anak ng!" Hinimas himas ko ang aking noo. "Kakaibang panaginip yata iyon ah!" Kinurap ko ang mata upang makabawi.
"Are you stupid!?" May nagsalita.
Napatili tuloy ako lalo dahil sa gulat. Napasapo ako sa aking dibdib. Nakatiim bagang ang lalaking nakatingin sa akin. Hindi man lang kumukurap.
Hindi pa rin makapaniwala ay kinurot ko ang aking bisig upang malaman ko kung gising ba talaga ako? "Aray!" napadaing ako nang makadama ako ng hapdi. Hindi ito panaginip at nasa harap ko talaga ang lalaki.
Tumikhim siya na nanatiling nakatitig sa akin. Tarantang napatayo ako mula sa kama. Inayos ko ang nagusot na bedsheet dahil sa pagkakasalpak ko roon.
"Do you like the bed?" ulit niya sa tanong kanina na nakataas na ang kilay. Inihilig niya ang katawan sa kama patagilid saka tinukod ang kanang siko roon.
Lumunok muna ako ng laway bago nagsalita. "A-anong ba ang ginagawa mo rito ha?" Pinilit ko na hindi mawalan ng balanse. Nangangatog ang tuhod ko.
Isang nakakalukong tawa ang pinakawalan ng lalaki na sumakop sa buong silid. "I should be the one asking you that, lady?" balik niyang sabi na nang-uuyam ang mga titig.
Nanliit ang aking mga mata dahil sa inis na halos umusok na ang ilong ko. "Eh kita mo naman nakasuot ako ng uniporme, nandito ako upang magtrabaho!" Inis na sinulyapan ko siya.
"Trabaho?"
"O-oo."
Umungol siya na tila ba hindi kumbinsido sa sagot ko. "I doubt, as I witnessed seems you're not, you're here just to take a nap." Nanunuksong tinaasan niya ako ng kilay.
"T-Teka sino ka ba ha? Nakita mo naman na natapos ko na ang lahat ng kailangan ko na gawin, siguro magpahinga ng kaunti ay hindi na iyon malaking bagay?" nakanguso na dahilan ko. Nanginginig na hinakbang ko paatras ang aking paa pero sumagi na ang binti ko sa gilid ng mamahaling bedside table.
"Kinaka-usap pa kita-" Mabilis ang palad niyang hagipin ang braso ko't inunat bigla. Sa inaasahan nawalan ako ng balanse at napatihaya muli sa kama.
"Para sa akin napakalaking bagay niyon, babae," inusad niya ang sarili at tinititigan ang mukha ko.
Mahinuhang singnipis na lang ng karayom ang agwat namin sa isa't isa. Pumaypay na ang mabango at ma-init na hininga niya sa pisngi ko .
Naaasiwa at kinakabahan na parang hindi na ako makakahinga. Lahat ng pakiramdam ay nararamdaman ko dahil lalaki na ito! Nakapagdagdag pa sa akin ang mamahaling pabango niya na parang hinihigop ako. Nahihipnotismo ako dahil kay banayad ng amoy niyon sa ilong ko. Kaiga-igaya sa pakiramdam at nakaaddict.
Pigil hiningang nakipagtagisan ako ng titig. "Ha? At bakit? Hindi naman kita kilala ah," sinagot ko pa rin siya kahit halos mahihimatay na ako dahil sa kaba.
Nagdilim ang gwapong mukha ng lalaki nang marinig ang sinabi ko. Gumalaw ang masel niya sa bagang. Inilapit lalo ang sarili sa akin. Kitang kita ko ang gwapong mukha niya ng malapitan.
"Mas mabuting h'wag mo na lang alamin dahil sigurado akong kapag malaman mo, you can't dare to talk to me like that," mahinang sabi niyang may diin. Inangat niya ang daliri, inabot ang bangs ko at nilalaro. "You are stupid... very stupid," dagdag pa niyang bulong sa tainga ko.
Gustong humiwalay ng espiritu ko sa katawan dahil sa init ng hininga niyang tumama sa puno ng tainga ko. Napanguso rin ako pagkatapos dahil sa sinabi niya. Alam ko na hindi magandang katangian iyon pero animoy kinatuwa ng tainga ko. Diyos por santo.
Tumikhim ako upang makabawi ngunit nanatiling nakatitig ang lalaki sa akin. Hindi ko magawang ikurap ang aking mga mata, parang namagneto ako sa titig niya.
Bumaba ang paningin niya sa nakaawang ko na labi. Dahan dahan na bumaba ang mukha papalapit sa mukha ko.
Naninigas na lang ako na hinihintay ang susunod na gagawin niya.
"Stupid!" Isang malakas na pilantik ng daliri na naman ang tumama sa noo ko.
"Aray!" Nakadalawa na ang lalaking to' huh! Dali akong nagbawi at bumangon. Akma ko na sabunutan-nang may biglang kumatok. Napinto ko ang akmang gagawin. Ito naman ay umayos at tumayo agad mula sa pagkakasalpak sa kama.
Isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi niya na tinapunan ako ng tingin. Hinarap niya ang pintuan kung saan iniluwa roon ang isa sa mga kasambahay na gaya ko.
"Seniorito Aries, may tawag ka po galing Italy," sabi ng kasamahan ko at tumalikod.
"S-Seniorito?" nauutal ko na ulit sa kataga.
"Yes at ngayon kilala mo na ako?" baling niya sa akin na may tonong panunuya. Humakbang papalabas ng silid. "Hindi pa tayo tapos, lady," pahabol pa niya hanggang nawala sa paningin ko.
Naiwan akong nakanganga at gulat pa rin sa aking nalaman. Nang makabawi ay pabagsak ako naupo sa kama.
"Lintik ba't ang tanga ko?" Kagat labi na natampal ako sa aking noo. Bibitayin na talaga ako ng lalaking iyon... ah hindi pala kay Seniorito Aries na iyon. Baka bukas wala na akong babalikang trabaho. Kailangan ko pa naman ng income sa mga panahong ito.
Hindi mapakaling ginulo ko ang aking tuwid at mahabang buhok. Gusto ko ng maglumpasay at magngangawa dahil sa hiya. Wala akong mukhang ihaharap sa Seniorito Aries na 'yon. Ang tanga ko talaga! Bakit naman kasi sa daming pwedeng maging amok o ang lalaki pa na 'yon.
Bumangon ako at umayos ng tayo. Muli na inayos ko ang nagusot na bedsheet. Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili.
Akma ko na ihakbang ang aking paa nang may biglang nagbukas muli ng pinto ng silid. Nagulantang ako na halos mawalan ng balanse sabay sapo sa kanyang dibdib. Bumungad sa akin si Seniorito Aries.
Yumuko ako. Nilampasan lang niya ako. "Sumunod ka sa akin." Dumeritso siya sa isang pinto at pumasok.
Tahimik na sumunod ako sa kanya. Pagkapasok ko bumungad sa akin ang malawak na built-in cabinet. Sobrang daming mga mamahalin ng gamit. Amerikana na iba't ibang kulay. May mamahaling palamuti at kung anu-ano pa basta lahat magara at mamahalin.
Sinundan ko ng tingin ang amo ko. "Come here."Halatang nagmamadali.
Lumapit ako sa kanya na nanatiling nakamasid. Kumuha siya ng isang pares ng itim na suit at binigay sa akin. Walang pasabing naghubad sa harapan ko pagkatapos.
Diyos por santo! Namilog ang aking mga mata at nanigas. Ibig ko na lang malagutan ng hininga. Gusto kong pumikit pero hindi ko magawa. Nanatili ang mga mata ko sa nakahubad barong amo sa harapan.
Pilit ko na ibaling ang aking paningin sa ibang direksiyon pero natagpuan ko na lang ang sariling sinuyod ito.
Napakaperpekto ng hubog ng katawan niya. Malalapad ang mga balikat, mamasel ang dibdib at may anim na pandesal sa tiyan, girl!
Dagdag pa ang mabalahibo niyang puson, hanggang sa.. hindi ko napigilang bumaba ang aking mga mata at tumama sa bumubukol sa ibabang pusonan niya. Tanging iniwan niya ng boxer na itim. Namumutok ang mga hita at binti. Para bang isang bida sa pelikula... sobrang hot. Gusto ko na paypayan ang sarili't tila uminit ang hangin sa paligid.
Tumikhim siya't napansin 'ata na pinag-aralan ko ang kanyang kahubdan. Awtomatikong binaling ko ang paningin sa ibang direksyon. Umakto ako na parang walang nakita.
Mayamaya ay naramdaman ko ang mga hakbang niyang papalapit sa akin. Kinabahan ako lalo dahil papalapit na naman siya sa akin.
Nakatingin siya sa akin na pinagpatuloy ang hakbang. May ngiting pilyo na naman sa labi hanggang sa tumapat siya sa kanitatayuan ko. Yumuko upang magpantay ang aming paningin.
Maagap naman ako at agad naiharang ang hawak na tuxedo sa gitna namin sabay pikit sa aking mga mata. "Anong gagawin mo, s-seniorito?" nanginginig ko na tanong. Baka pilantikin na naman ako ngunit walang nangyari pagkalipas ng maiksing sandali. Nang minulat ko ang mata ay nakatitig lang siya sa mukha ko.
"Anong nasa utak mo?" Seryoso na binawi niya ang hawak ko na damit at sinuot.
Brusko, antipatiko, mayabang, bastos lahat siguro ng ayaw ko na ugali sa lalaki ay nasa lalaking ito. Lahat ng negatibong pang-uri ay bagay na ilarawan dito.
"Get me some tie," malamig n autos niya na nakaharap sa salamin.
Natataranta ako na nagtungo sa kung saan-saang bahagi ng silid. Hindi ko alam kung saan nakalagay ang mga gamit n'ya. Nabuksan ko na drawer ay pawang mga mamahaling relo. Bumaling ako sa kabilang drawer pagkabukas ko bumungad sa inosenteng mata ko ang mga mamahaling briefs at boxers niya. Umakyat 'ata lahat ng dugo ko sa sentido sa sobrang pamumula. Aba unang araw ko pa lang! Malay ko kung saan nakalagay.
Napasingasing ito. Mabibigat ang paa na tinungo niya ang harap ng drawer sa likuran ko. "Stupid, here!" Kumuha siya ng isa ta's nilahad sa harap ko.
"Pasensiya na po, seniorito aalamin ko po sa susunod."
"Good, dahil ayoko ng ta-tanga tanga." Sabi niyang inayos ang necktie sa harap ng salamin.
Napanguso ako. Pinilit ko na ikalma ang sarili dahil kailangan ko ng trabaho. Tahimik lang ako na hinintay siyang matapos. Nang matapos ito ay tinawid niya ang pagitan namin saka yumukong muli.
"See you tomorrow, stupid," sabi niya sa'kin na kinindatan ako ta's tinapik ang bubunan ko.
Tinukso ba niya ako? Kita ko ang malapad na ngiti niya sa labi. Nilampasan at gumawi siya sa pinto papalabas. Bago pa siya tuluyang lumabas ay muli siyang nagsalita.
"Familiar everything or else... ipapakain kita sa pating, babae."
Nakanguso ako na tumango.
"Work harder... Emena," nakangiting pahabol pa ng amo ko bago tuluyang lumabas.
Napatirik ko ang aking mga eyeballs dahil sa inis habang ginaya ko ang sinabi nito. "Huh! Work harder Emena! Duh!"