MAINGAT na pinihit ko ang pinto ng master's bedroom. Maaga pa lang ay dumating na ako sa malaking bahay. Marami akong gagawin. Magbe-breakfast in bed daw ang aking amo.
Bilang personal maid nito ay kailangan ko rin na maging maaga. Pagtitiyagaan ko na lang muna ito. Kung hindi lang ako nangangailangan ng trabaho, hinding hindi ako babalik dito.
Makikita ko na naman ang asungot, bastos at antipatiko kong amo.
Bakit ba kasi ang liit-liit ng mundo para sa aming dalawa at muli kaming nitong pinagtagpo? Ang saklap nagiging amo ko pa.
Pigil hiningang humakbang ako papasok sa loob ng silid. Nagsalubong ang aking kilay sabay linga sa buong lugar. Lahat ng ilaw sa loob ng kwarto ay nakabukas at sobrang liwanag.
Baka gising na ito—nang tinalunton ko ang kinaroroonan ng malaking kama ay nakita kong mahimbing pa itong natutulog, na parang isang sanggol. Nakadapa.
Walang suot na damit pang-itaas at tanging kumot lang ang nakataping hanggang beywang.
Lantad sa paningin ko ang malalapad nitong balikat at mamasel nitong likod.
Bakit ba kay perpekto ng lalaking 'to?
Hinakbang ko pa lalo ang paa hanggang sinapit ko ang gilid ng kama. Yumuko ako upang suyurin ng tingin ang gwapong mukha nito.
Ayon na naman ang pamilyar na kaba sa dibdib ko nang muling natunghayan ang hitsura nito. Inilapit ko pa ang mukha sa mukha nito, nakayukong sinuyod ko ito.
Sa totoo lang gwapo talaga ito. Para nga siyang isang modelo eh. Malinis ang cut ng buhok at medyo parang may halong ibang lahi ang dugo.
May mapupulang labi, matangos ang ilong, makakapal ang kilay at malantik ang pilikmata. Hindi malayong type ko ito kung hindi lang ito bastos at mayabang.
Wala sa sariling inangat ko ang daliri at dinala sa tungkil ng ilong nito.
Umungol itong bigla kaya halos mag-alsa balutan ang kaluluwa ko sa katawan. Tang ina! Agad akong umayos ng tayo at akmang aatras ngunit biglang hinawakan nito ang braso ko sabay marahas na inunat.
Sa isang iglap natagpuan ko na lang ang sarili sa ilalim niya. Nakaluhod siyang napagitnaan ang mga hita ko sa mga tuhod niya. Nakatukod ang mga palad niya sa kama at napagitnaan ako. Kinorner niya ako.
Ang mga mata niya'y nanatiling nakapikit. Ang saklap wala siyang ibang suot kundi ang pang-ibabang pajama lang.
Sobrang gulat ko't nanlaki ang aking mga matang naninigas na nakakatitig sa kanya.
Hindi ko inaasahan ang ginawa ng amo ko. Pinag-aamoy ang leeg ko. Umungol siyang hinalik-halikan ang leeg ko. Binaon pa niya ang gwapong mukha roon.
"S-Seniorito, s-sandali!" Sobrang nanginginig ang buo kong kalamnan nang maramdaman ko ang labi niya sa balat ko. Tila ba nakukuryente ako.
Hindi siya tumigil hanggang bumaba ang labi niya sa gawing puno ng dibdib ko.
Sa sobrang gulat ko't napatili ako. "Seniorito, wala po 'to sa kontratang pinirmahan ko!" Buong pwersang tinadyakan ang pagitan ng hita niya.
At sa ginawa ko awtomatikong nakalas niya ang sarili sa akin sabay napadaing. Napabaluktot niya ang katawan sa ibabaw ng kama sapo ang ibabang pusonan.
"S-Sorry, seniorito ikaw kasi!" Tarantang bumangon ako.
"D-Don't get near me when I am half sober, specially tuwing umaga!" pangaral niya na namilipit pa rin sa sakit.
"Hindi ko kasi alam." Halos nilundag ko ang kama makababa lang. Inayos ko ang uniporme.
"Mapanganib ako kung hindi mo alam. I can rip that f*****g uniform of yours kapag gagawin mo pang lumapit sa akin ng ganitong oras," bumangon siya nang makabawi mula sa tadyak ko. "Pwede kang lumapit sa akin kapag I am fully awake, understand?"
"Opo, seniorito," nakanguso na sang-ayon ko.
"Now, get me my breakfast," utos niyang pungas-pungas na hinilamos ang palad sa gwapong mukha.
"Masusunod po, seniorito." Halos nilipad ko ang pinto makalabas lang sa master's bedroom.
Sobrang ingat na sinara ko ang pinto sabay napasandal ako sa pader pagkatapos. Sunod-sunod ang pakawala ko ng hininga dahil kanina pa sa loob nangangatog ang tuhod ko sa tinding kaba. Namumutla tuloy ako.
Ano ba kasi ang nangyari kanina? Aba malay ko na ganoon pala ang seniorito pagkalahating gising. Nang makabawi sa tinding gulat ay umayos ako ng tayo nang dumaan si ma'am Joy.
"Emena, ba't ang aga mo? Pumasok ka ba sa loob ng silid ni seniorito?" naintrigang turan ng mayordoma.
Nakangusong tumango ako sa kanya. Saglit narinig ko na tumawa siya ng mahina. Siguro napansin niya ang pamumutla ng mukha ko.
"May nangyari ba?"
"Ma'am Joy, ba't di mo sinabi na ganoon pala ang seniorito," wika ko na sinabayan ng hakbang ang matanda.
"Ang alin?"
"Iyong ano po, paano ko ba ipapaliwanag—
"Ah nakuha ko na ang ibig mong sabihin, hindi ba nasabi ni Seniorito Aries sa iyo na h'wag kang lumapit pagtulog pa siya o kaya kalahating gising?"
Umiling ako dahil nagmamadali kasi ito kahapon nang umalis. Wala namang binilin kundi "kabisaduhin at work harder".
"Ngayon na alam mo na, h'wag kang maglalapit lapit sa amo natin tuwing umaga. Natural lang kasi iyan sa mga lalaki lalo na't bata pa ang amo natin," turan niya na may tukso sa mga labi.
Si seniorito Aries Dankworth ay nasa bente nuwebe, ayon kay ma'am Joy.
Nagmamaktol na sumunod ako sa matanda patungo sa kusina upang ihanda ang agahan ni seniorito.
Bumalik akong bitbit ang bed tray na may lamang bacon, itlog, tinapay at mainit na kape. Nadatnan ko ang amo ko na nakasandal sa headboard ng kama at nakatuon ang paningin sa laptop na nasa kandungan niya. Magulo pa rin ang buhok subalit sa paningin ko ay mas lalo siyang gumagwapo.
Pinilit kong na e-sentro ang sarili sa trabaho.
Tumikhim ako para mapansin niya. Kinumpas niya ang palad sa ere na lumapit ako.
Tahimik akong sumunod sa amo saka nilapag ang bed tray sa tabi niya. Nagsimula na siyang kumain habang abala pa rin ang mga mata sa harap ng laptop.
Paminsan minsan sinusulyapan ko ang laptop niya. Nagbabasa ito ng mga business proposal sa aking palagay.
Business Administration ang kinuha ko kahit papaano may alam din naman ako pero hindi ganoon ka eksperto.
Nakamasid lang akong nakatayo sa tabi nito na hinihintay siyang matapos.
"Emena?'
"Opo, senoirito?"
"Kumain ka na ba?"
"Po?" nagulat ako sa tanong niya. Nag-agahan na ako kanina bago ako umalis ng bahay instant noodles nga lang, kanin at daing.
"Tinatanong kita kung kumain kana ba?" naiiritang binalingan niya ako.
"O-opo nag-agahan na po ako bago umalis ng bahay—
"Ano, hindi ka kumain sa baba? Hindi ba nasabi ni Joy sa orientation mo na lahat ng mga kasamahan mo dito sa bahay ay may nakatalagang pagkain? Kung anong kinakain ko ganoon din sa inyo," nagsalubong ang kilay niya.
Tumahimik ako.
Dinig ko ang pagbuntong hininga niya saka mabilisang pinindot ang entercom sa tabi ng kama.
"Laura, bring me another set of breakfast right now!" Yon lang at padaskol niyang muling hinarap ang laptop.
"Next time, magtanong-tanong ka rin para alam mo ang palakaran dito, I treated everybody as one of my family, Emena."
Base sa narinig ko tila hinaplos ang puso ko. Siguro nga bastos at antipatiko ito ngunit may busilak ang puso.
Napayuko ako't hindi makatingin ng deritso sa amo. Hindi ko naman alam.
Dumating si Laura na dala ang tray ng pagkain. Inutusan ni Seniorito Aries na ilapag ang dalang tray sa veranda saka pina-alis na si Laura pagkatapos.
"Come here," dala niya ang laptop saka nilatag sa mesa at na-upo roon pagkatapos. "Come here and eat!" ulit niya nang mapansing nanatili akong nakatayo.
"Seniorito, doon na lang po ako sa baba, nakakahiya po eh," tanggi ko na may pag-alinlangan.
Ano na lang ang isipin ng ibang kasamahan ko, pagnakita ako?
"Do what I say, you stupid!" singhal niyang pinadilatan ako.
Kahit na nahihiya ay mabilis ang kilos kong kinuha ang tray niya na may natitira pa na pagkain saka na-upo ako sa katapat na upuan.
"What are you waiting for? Dig in," pinandilatan niya ako nang mapansing hindi pa ako kumikilos.
Tarantang nagsign of a cross muna akong pinikit ang mga mata.
"Salamat po sa pagkain," mahinang bulong ko. Hindi ko tuloy napansin ang amo ko na ngumiti ng sobrang lapad na nakamasid sa akin.
Nang minulat ko ang mata ay nakatuon na ang paningin niya sa laptop sabay na tumikhim.
"Hurry up and eat, you idiot!" pinilit niyang iiwas ang paningin sa akin. Pinagpipindot niya ang laptop na tila ba ibig na lang sirain.
Nagkibit-balikat na lang akong kinuha ang sandwich sa plato saka sinubo.
Nang malasahan ko ang pagkain tila ba lumutang ako sa alapaap sa sobrang sarap. Unang beses kasi akong nakakatikim ng pagkaing mayaman.
Sobrang lapad ng ngiti ko sa labi nang hindi ko namamalayan. Labis akong nasisiyahan sa pagkain at halos sinubo ko ang lahat sa bibig ko.
Narinig kong muling tumikhim si Seniorito Aries. Agad ko na naiangat ang aking paningin sa gwapong mukha niya.
"Do you like the food?" kunwa'y seryosong tanong ng amo ko.
Sunod-sunod na tango ang ginawa ko na ngumiti. Ilang saglit ay nilahad niya ang parte ng pagkain niyang dinala ko kanina.
"Here, eat more, baka pumangit ka pa," sabi niyang agad na tinuon ang paningin sa malawak na hardin sa ibaba.
Napanguso tuloy ako't inasar niya ako. Hindi ko na lang pinansin at pinagpatuloy ang pagkain. Ilang saglit ay tumayo na siya.
"I have to take a bath, ikaw naman pagkatapos mong kumain simulan mo na rin ang paglilinis sa buong silid," bilin niyang tumalikod na bitbit ang laptop.
Nakangiting sinundan ko na lang siya ng tingin habang pinagpatuloy ang pagnguya ng pagkain.
Arogante at mayabang nga ang amo ko pero may mabait na kalooban na tinatago. Hindi nga lang ito magaling maglahad ng sariling emosiyon.
MABILIS ang mga kilos na sinimulan ko na ang paglilinis at pagpupunas ng kasangkapan.
Kailangan pag-igihan ko ang paglilinis. Ayon kay ma'am Joy may allergy sa alikabok ang amo ko.
Habang nakatuon ang atensiyon ko sa pagba-vaccum ng carpet at couch ay nagbukas ang pinto ng banyo ng silid.
Dali akong bumalikwas paharap upang tingnan ang amo ko ngunit nawindang na naman ang inosenting mata ko sa nabungaran.
"Seniorito!" bulyaw ko nang makitang relax na naglalakad siyang nakahubad. Talagang ni isang saplot ay wala.
Wala sa oras na nabitawan ko ang hawak na vaccum. Tila kidlat na tinakpan ko ang mga mata.
Gusto ko ng mangisay. Sa tanan buhay ko. Hindi pa ako nakakita ng bagay na hindi ko dapat makita. At heto ang amo ko't dini-display pa talaga sa harapan ko. Tang ina!
"f**k!" malakas niyang mura nang makita ako. Pati siya ay nagulat sa sariling ayos.
Mabilis siyang tumalilis pabalik sa loob ng banyo. Nang lumabas ay nakatupi na siya ng tuwalya.
Ako naman ay parang kamatis ang pisngi na nais pumutok sa tinding pamumula.
"Dapat masanay kana!" kunwa'y hindi apektado si Seniorito Aries na nilampasan ako't dumiretso sa walk-in closet.
Anak ng pating na amo at sobrang taas ng kompyansa sa sarili. Eh kung tutuusin may maipagmamalaki rin naman.
Napabuntong hininga na lang akong pinagpatuloy ang paglilinis.
Lumabas ang amo ko na nakapagbihis na. Simpleng khaki shorts at abuhing t-shirt ang suot niya. Sobrang linis at swabeng tingnan.
Araw ng pamamahinga nito tuwing Sabado at Linggo. Sadyang dinala nito ang trabaho sa bahay. Pamamahinga pero hindi naman nagpapahinga.
Pansin ko na ilang oras na nakatuon ang paningin nito sa harap ng laptop at pagsagot ng mga tawag sa cellphone.
Napa-isip tuloy ako kung bakit sobrang tiyaga nito.
Ayon kay ma'am Joy, ulilang lubos na si Sir Aries. Namatay ang magulang nito sa isang plane crash sa Italy. May kapatid din daw itong babae pero wala na din. Hindi dinetalye ni ma'am Joy kung bakit. Siguro sobrang lungkot ng buhay nito kaya nakatuon na lang sa negosyo ang atensiyon. Nakakalungkot isipin.
Sadyang nakatuon lang ang paningin ko sa amo kong may ka-usap sa cellphone.
Hindi ko tuloy na napansin na bumaling siya sa direksiyon ko.
May pilyong ngiting tinawid niya ang ilang dipang pagitan namin na dumukwang at tinapat ang gwapong mukha sa akin.
"Ganun na ba talaga ako kagwapo para pagpistahan ng mga mata ng maid ko?" anas niya.
Wala sa oras na bumalik ang aking lutang na diwa sa kasalukuyan dahil sa init na hininga na tumama sa pisngi ko.
"O-Oo, ay este ano po iyon, seniorito?"
Ngumiti siya na pinilantik na naman ang noo ko.
"Stop spacing out and do your job, stupid woman!" pagkasabi niyon ay tumalikod siyang nakapamulsa.
Nakangusong hinimas ko na lang ang nasaktang noo. Hindi ko napansin ang ngiti ko sa labi habang sinundan ang amo kong arogante pero may puso.