NATAGPUAN ko na lang ang sarili sa harap ng napakatayog at pribadong condominium. Nalululang nakatingala ako sa gusali. Ibig ko na namang masuka. "Ano bang tinitingala mo diyan, hurry up!" si Seniorito Aries na nauna nang pumasok sa lobby ng condominium. "Emena, hurry up!" ulit niya nang mapansing hindi pa ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. "Opo, andiyan na!" Tumatakbong sinundan ko siya. Sinapit namin ang harap ng elevator. Namutla akong nakatingin sa pinto. "Seniorito, maghagdanan na lang kaya ako!" Isang mahinang ngisi ang pinakawala niya. "Are you nuts?" ani niyang nakapamulsang hinihintay magbukas ang pinto. "Eh kasi seniorito—" Tumingkayad ako sa tabi niya upang bumulong, "—nalulula po ako pagsumakay ako ng elevator, baka masuka uli ako." Nanlaki ang mga mata niya. Umatras nang k

