BUONG magdamag na aligaga ang isipan ni Aries. Kanina pa siya pabaling baling sa kanyang kama. Hindi siya dinalaw ng antok. Palaging sumasagi sa isipan niya ang ngiti ng maid niya. And how she caressed his back it was so comforting that made him want to lean on her shoulder all night. Emena is something. Hindi man niya kayang ipaliwanag o mabigyan ng tamang kataga pero tila baga may ginising ang dalaga sa kaibuturan ng pagkatao niya. Nababagot na bumangon ang binata. Natungo siya sa mini bar ng kanyang silid saka roon nagsalin ng Henri Heritage Cognac Champagne. Lumabas siya sa silid na bitbit ang baso. Tinungo ang veranda saka niya tiningala ang mabituing kalangitan. Sunod-sunod ang tungga niya sa alak na laman ng baso. "I told you, Paula, that lady is interesting," bulong ng binat

