IBIG lumipad ang kaluluwa ko sa katawan nang pwersahang dinakma ni Seniorito Aries ang braso kong may hawak na feather duster. "Strip!" madiin niyang utos. Ang mga titig niya ay matalim na nakatuon sa mukha ko. "Po?" Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Naguguluhang nakigpatagisan ako ng titig kay seniorito. "S-Strip po?" ulit ko sa sinabi niyang nauutal. "Take off that uniform right now, strip!" nanggagalaiting utos niya. Nanlaki ang aking mga mata. Napahigpit ang hawak ko sa feather duster. Ano daw? Gusto niyang maghubad ako? Bakit? Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin? Ang maniac naman ng lalaking 'to di-porket maid ako basta basta na lang ako pahuhubarin? "S-Seniorito, wala po sa kontrata ko ang mga ganyang bagay." "You stupid, just strip!" "Pero—" Mayamaya ay big

