Craig's POV:
"I wanna go back" malungkot kong sabi
"Bakit ba kasi stress na stress ka diyan?"tanong niya naman
"Who wouldn't be stressed kung kasama mo ang ex mo sa work at tinitirhan mo. That's pain in the a*s Jaira" naiinis kong sagot dito
It's Sunday morning at kanina pa akong alas-singko gising. Hindi ko alam pero ang dami kong iniisip mabuti na lang at online si Jaira kaya pwede ko siyang makausap through skype.
"Well for me hindi yan magiging problem lalo na IF NAKAPAGMOVED ON NA AKO, RIGHT CRAIG?" nangiinis na sagot nito sa akin while emphasizing the last words.
Patama?!
"Niloloko mo ba ako?"mataray kong tanong sa kanya
Defensive?!
"Hindi naman, I'm Just stating facts darling" nakangiti nitong sagot sa akin
"ilang ulit ko bang sasabihin sayo na okay na ako, wala na akong feelings sa kanya. Past is past ika nga" frustrated kong sagot sa kanya.
"yun naman pala e! eh anong drama mo diyan?" tanong nito sa akin.
"wala lang....uhmmmm awkward lang"mahina kong sgaot dito habang kinakamot ko ang ulo ko
"ayun, nakapagmove-on ka na nga. Halatang halata noh?" sabi na lang ni Jaira habang nakangiwi sa akin
Why? Awkward naman talaga ha! Kayo kaya ang makipagwork sa ex niyo lalo na siguro pag nakitira pa kayo
"Jaira I need your help nga pala" naalala ko nga palang sabi sa kanya
"Ano yun?" tanong nito with matching taas ng kilay niya
"Pwede ba pakibaba muna niyang kilay mo,irritating e baka maahit ko ng wala sa oras"mataray kong sagot sa kanya
And binaba niya nga...that's my girl
"I need money Jaira... can you lend me some? I promise to pay it immediately once matapos ko yung project dito sa Pilipinas" sabi ko sa kanya with my pleading voice
"Craig... gusto ko sanang tulungan ka, pero gipit din ako ngayon e" malungkot nitong sagot sa akin
"hu? What?Gipit ka diyan kashoshopping lang natin ah?" malungkot kong tanong kay Jaira
No jaira..please.naman...
"Craig alam mo naman na pinapagawa ko pa yung bahay namin di ba, ilang years ko nang naipangako kay mama yun e and alam mo din di ba na pinaghahandaan namin ni Bob yung kasal namin next year kaya walang-wala talaga ako ngayon" malungkot naman nitong sagot sa akin
Oo nga pala, tinutupad na ni Jaira ang dreamhouse ng mama niya and they are also preparing for their big day..
"okay, I understand. Salamat na lang. okay bye I miss you." Nakangiti although hopeless kong pagpapaalam sa kanya.
"sorry Craig ,bye miss na din kita. Take care" nakangiti nitong paalam sa akin.
Kailangan ko talagang magtiis...
TOK TOK TOK TOK
"Craig wake up!!" sigaw ng isang boses sa pinto ng kwarto ko, boses ng isang assuming na manyak.
Hayaan mo siyang mapaos kasisigaw diyan.
"Hey, tanghali na Craig wake up!!!" sigaw ulit nito sa akin habang binabalibang ang pinto ng kwarto ko
Okay lang kahit sirain mo yan, bahay mo naman to e hahaha
"Ano ba Craig ,alam kong gising ka na diyan kanina pa kayo naguusap ni Jaira diyan e" sigaw ulit nito
Punyeta !! tsismoso.. kanina pa ata nakikinig yun sa pinag-uusapan namin ni Jaira..
Manigas ka kahihintay diyan.
Ilang minutes din nanahimik si mokong kaya humiga na lang muna ulit ako sa kwarto hoping na makatulog ulit. Ang sarap sa feeling ng walang pasok,plus ang comfy pa ng suot ko isang maikling boxer shorts plus isang worn out na sando.. I knew it ,sabi ko na magsasawa din yun sa kakakatok e kung sisirain niya naman ang pinto eh di bongga hahahaha
"hmmmmmmm" paghyhymm ko ng kanta while nakapikit , okay gusto ko kasing makatulog ulit
"youre so sexy"sabi ng isang boses na nagpataas ng balahibo ko sa katawan
Sino yun!!??
Bakit may nagsasalitang iba sa kwarto ko?
And booom, si mokong kanina pa nakaharap sa kama ko habang pinagmamasdan ang katawan ko ..wait no!! the word should be pinagnanasahan
"manyak ka!! Anong ginagawa mo dito?" sigaw ko dito habang tinakpan ng kumot ang katawan ko
"Ang aga-aga Craig pero I want to have fun with you na"nakangisi nito sabi sa akin habang umaaktong sasampa sa kama ko.
Now this is the creepiest part
"Stop!! One more move and I wont hesitate to shout here" pananakot ko dito
Effective indeed, tumigil at mukhang natauhan si mokong
"You won this time" sabi nito sa akin
"Anong ginagawa mo dito? Don't you know that its invasion of privacy?" galit kong tanong sa kanya
"Invasion of privacy mo mukha mo Craig ha, kanina pa ako tawag nang tawag sayo and hindi ka sumasagot kaya pinasok na lang kita dito" pangangatwiran naman nito
Pinasok?!! Green-minded ka Craig
"Malamang!! Im still sleeping!!" palusot ko dito
"Sus, reasons reasons reasons. Bumaba ka na nga doon for lunch kanina pa may naghihintay sayo" sabi naman nito sa akin habang hinihila ang kamay ko
Makahila naman e!!
"I'm not yet hungry and sino ba yung naghihintay sa akin?" pagtutol ko dito
Pero nilingon niya lang ako sabay tawa
"hoy gago ka ba? I said sino yung naghihintay sa baba?" paguulit ko dito nang hindi siya sumagot sa akin kanina
"malalaman mo din" matipid na sagot nito sa akin
"NO!! hindi ako bababa kung hindi mo sasabihin sa akin kung sino"pananakot ko dito
"sus...daming arte.... She's waiting for you downstairs... Meghan is waiting for you" nakangiting sagot nito sa akin
Meghan!!??
Ow shoot!! Patay!