Craig's POV:
"Saglit lang ano ba!? Wag mo nga akong kaladkarin!" sigaw kong reklamo kay Justine
Oo , simula nang umalis kami sa kwarto kanina ay pwershan niya na akong kinaladkad pababa ng dining room. Napaka-gentleman talaga ng lalaking to.
"Ang arte mo kasi..tara na kasi" sagot naman nito habang kanina pa tawa nang tawa.
Galling eh noh? Happiness
"Aray ko, ang sakit na ng braso ko ha. Kung makahila ka sa akin parang nanghihila ka ng alagang aso" daing ko ulit sa kanya.
"mamaya gagawin natin yung style aso para maenjoy mo"malokong sabi nito na kaagad kong ikinamula
"napaka-manyak mo. Gago ka talaga"sigaw kong ganti sa kanya
"Ang arte mo Craig ha.. sige ha.ayaw mo magpahila eh di bubuhatin ka na lang"sabi nito sabay buhat sa akin na para bang bigas lang ako sa palengke
"Ano ba ibaba mo nga ako"reklamo ko dito
"Doon na sa baba, para wag ka nang magpabebe diyan"sabot nito sa akin
Ano daw?
"Anong pabebe?"tanong ko dito
"wala"sagot lang nito
Wala na nga akong nagawa kung hindi hayaan na lang siyang buhatin ako hanggang sa dining room ng bahay niya
"Meghan, baby he's here"sigaw ni Justine habang palapit kami nang palapit sa lamesa
Baby? dati sa akin niya tinatawag yun pero ngayon sa iba na
Hindi ko makita si Meghan dahil sa pagbuhat sa akin ni Justine kung saan nakaharap ang mukha ko sa bandang likuran ng katawan ni Justine
"Baby, he's here"sabi ulit ni Justine pero this time nakatigil na siya, it only means na nasa dining na kami.
Ayoko ko pa sanang makita ang babaeng nagpapatibok ng puso niyo, kung pwede lang sanang hindi na muna bumaba sa pagkakabuhat ni Justine sa akin para lang makatakas at pansamantalang makaiwas sa sitwasyon na ito.
"uy ano ba, baba ka na nga. Mamaya na ulit kita bubuhatin pag tayong dalawa na lang"bulong sa akin ni Justine nang mapansin niyang wala akong balak bumaba sa balikat niya
No choice kaya bumaba na ako pero nakatalikod pa rin ako kay Meghan
"Meghan meet Craig" sabi ulit ni Justine pero madidinig mo ang himig ng kasiyahan sa boses ni Justine.
"uyy humarap ka naman"bulong sa akin ni Justine
Okay Craig you need to face this. Dahan dahan, ay hinilig ko ang ulo ko sunod ang aking katawan paharap sa babaeng nagpapatibok na sa puso ni Craig. Ready na din akong isuot ang pekeng ngiti ko na ilang beses ko nang nagamit para pagtakpan ang sakit na nararamdaman ko.
Pero nang humarap ako ay wala akong nakita.
Hu? Bat wala? Niloloko mo ba ako Justine?
"OH MY GOD!!" tili ng isang maliit na boses
Isang boses na nagpayuko sa akin para makita ko ang isang napakagandang bata na mukhang kanina pang titig na titig sa akin.
"Mommy Craig?" nakangiti at halos maiyak na tawag nito sa akin
Ano daw!!?? Mommy? Paano?
Natulala ako sa sinabi ng batang nasa harap ko.
Siya si Meghan?
Pero hindi ko maintindihan bakit bata? I thought girlfriend? Don't tell me pinatulan na ni Justine ang pagiging isang pedophile? I don't think so
"ha?" ang gulat at tanging nasabi ko sa batang kanina pa nakangiti at nakatingin sa akin
Wala naman akong matandaang batang lumabas sa akin dahil never naman akong nabuntis at mabubuntis? Hindi rin naman ako nag-ampon ng bata.
"Mommy Craig, is that really you?" tanong ng bata habang unti-unting lumalapit sa akin
Hinawakan niya yung mga palad ko,pinisil pisil iyon then after nun pinisil pisil niya naman ang pisngi niya. Napaka-cute na gesture ng isang bata
"OMG im not dreaming. Daddy im not dreaming" naiiyak na sabi ng bata habang tumitingin kay Justine na kanina pang nasa tabi ko
Hindi ko matignan si Justine dahil kanina pa ako nakatingin sa batang babaeng nasa harap ko
"ano?"wala sa sarili kong tanong
Pero hindi ako sinagot ng bata sa halip niyakap niya ako ng mahigpit
Hindi ko kilala ang bata pero gusto ko rin siyang yakapin. Yung warmth ng yakap niya will make you feel her longing. Is she longing for me?
"Mommy Craig , I've always believe that you will come back for me and daddy. God granted my wish to have a complete and happy family" Umiiyak na sabi ng bata habang nakayakap pa rin sa akin.
Bakit siya umiiyak?
Family? Ano ba ang sinasabi ng batang to
"uhmmm mabuti pa kumain muna tayo hehehe. Baby Meghan, bitiwan mo muna si Mommy Craig ha, lets eat first." Interrupt ni Justine
Mommy? Tinignan kong nang may pagtatanong si Justine kung ano ba ang nangyayari? Pero nginitian niya lang ako ng pilit sabay kamot sa ulo niyo
Kailangan ko ng explanation dito....
"Mommy Craig, please sit beside me." Sabi ng batang babae sabay hila at hawak sa kamay ko
Nalilito pa rin ako kung ano ba talaga ang nangyayari. Pinagtitripan ba ako ni Justine?
"ahh..sige sige" naisagot ko na lang dahil ayoko namang madisappoint ang bata
Madaldal at bibo si Meghan, halos makwento niya ang buong buhay niya habang kumakain kami. Kung hindi pa siya pagsasabihan ni Justine para kumain ay mukhang hindi man lang makaka-isang subo si Meghan. Magandang bata si Meghan, mistisa, bilugan ang mga mata, matangos ang ilong at mukhang may lahing banyaga dahil sa features nito
After kumain ay inutusan ni Justine si Yaya Meding na papuntahin muna si Meghan sa kwarto para makaligo ito
"Daddy, I want mommy Craig" nakasimangot na reklamo ng bata kay Justine.
"Anak, maguusap muna kami ni Mommy" sagot naman ni Justine dito na kaagad ikinasimangot ng bata
Nakakaawang bata
"uhmmm Meghan , later after mo maligo magpeplay tayo" pampalubag-loob ko sa bata
"Really??!! Promise??" masayang tanong sa akin ng bata
"Promise" nakangiti kong sagot dito.
"okay. Don't leave again ha?"sabi nito sa akin bago tumakbo paakyat ng kwarto niya.
Nang makasiguro kong nasa kwarto na siMeghan ay si Justine agad ang hinarap ko
"ANO YUN?!!" naiinis kong tanong sa kanya
"anak natin" nakangiti at simpleng tugon nito sa akin
Nakukuha pang magbiro. Kaya agad kong dinampot ang pangsandok ng kanin para batuhin siya sa ulo
"aray ko.!!" Reklamo nito
"Anong ibig sabihin nun Justine? Bakit mommy Craig ang tawag sa akin ng bata?"naiirita at nalilito kong tanong sa kanya.
"ehhhhhh.ano kasi..eehh" nahihiyang sagot ni Justine
"ano?!!!" naiinis kong tanong sa kanya.
"nasaan ba ang nanay niyan at pati ako ay dinadamay mo sa problema mo?" pahabol na tanong ko dito
"patay na..." sagot nito
"so that gives you the right to make me her mother?"naiinis ko pa ring tanong sa kanya
"no kilala niya pa rin naman yung tunay niyang nanay, pero pinakilala na din kita for future purposes" nakangiti nitong sagot sa akin
Punyeta!!
"ooopss my bata don't say bad words" pahabol na pagpapaalala nito sa akin
"Justine this is no joke, pinaniniwala mo yung bata sa isang kasinungalingan"seryoso kong sabi sa kanya
"I know it's a risk,pero gusto ko lang magkaroon ng pag-asa yung bata na magkakaroon pa siya ng happy family.......and.. ikaw lang ang naisip kong pwedeng magbigay nun sa kanya...sa atin" mahina at seryoso nitong sagot sa akin
Ako??